Nakagugulat na Patotoo Ukol sa Pagkakakilanlan ng Ating Tagapagligtas!
Ang mga himno ay puno ng mga awitin na nagbibigay ng papuri kay "Hesus." Mula sa "Malayo sa Isang Sabsaban" hanggang sa "Darating Muli si Hesus," ang mga Kristyano ay umaawit tungkol kay Yahushua. Inaawit nila ang kanyang kapanganakan, kanyang paglilingkod, kanyang dugo, kanyang kamatayan, at kanyang pagbabalik. Kakaunting awitin lamang ang inilaan sa Ama, at ang mga ito ay, nakatuon sa Kanyang kamahalan, kadakilaan, at matinding galit. Ang pagtuon kay Yahushua at kanyang hindi maitatangging pagmamalasakit ay itinatago ang isang madalas nakakaligtaang patunay ng Kasulatan: ang tunay na pagkakakilanlan ng ating Tagapagligtas.
Kaligtasan: Natanggap, hindi Nakamit!
Lahat ng mga Kristyano ay sumasang-ayon na ang kaligtasan ay isang kaloob ng kagandahang-loob. Subalit, sa kabila ng katiyakang ito, ang malawak na bahagi ng mga Kristyano, halos hindi nalalaman, ay nadulas tungo sa isang mentalidad na kaligtasan sa gawa na sumasalungat sa kanilang ipinahayag na mga paniniwala. Tuklasin kung ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kahanga-hangang kaloob ng kaligtasan at ikaw ay bahagi nito.
Ang Milenyong Kaharian: Sa Langit? O sa Lupa?
Matagal ding itinuro ng WLC na ang milenyo o isang libong taon ay magaganap sa Langit. Isang bagong pagkakaunawa ng Kasulatan ay ipinakita na ang isang libong taon matapos ang pagbabalik ni Yahushua sa katunayan ay magaganap sa lupa.
Ang Bigat ng Ebidensya
Kapag ang isang tao ay pinalaki sa paniniwala sa kamalian, ang paghahanap sa katotohanan ay maaaring lubos na nakalilito. Ang katotohanan, gaano man kadalisay, ay maaaring maramdamang mali, kapag ito'y sumasalungat sa pinakabatayang paniniwala ng tao. Walang iniwan si Yahuwah na mag-isang nagpupunyagi. Siya ay nagbigay sa Kanyang salita ng isang batayan kung saan ang sinuman ay maaaring makilala kung ano ang totoo at ano ang mali. Ang tuntuning ito ay para gamitin ang pinagsama-samang bigat ng ebidensya.
Ang Kahulugan ng Elohim: Hindi ito ang naiisip mo!
Ang maingat na pag-aaral ng Kasulatan ay pinapatunayan na hindi lamang ang Tagapagligtas ay ganap na tao, kundi siya ay hindi pa umiiral bago ang paglikha noon. Kaya paano natin mapagkakasundo ang paggamit ng "elohim" (isang maramihang termino) para ilarawan si Yahuwah sa buong Kasulatan?
Ang Pinakamabuting Balita sa Lahat!
Ang ipinarangalang pagkamatuwid ay hindi kapareho ng ipinabatid na pagkamatuwid. Basahin para matutunan ang kahanga-hangang patotoo tungkol sa agham ng kaligtasan.
Ang Ebanghelyo | Mula Kasalanan hanggang Kaligtasan!
Ito ay para iligtas ang sangkatauhan mula sa mga kahihinatnan ng kasalanan, kaya sila Yahuwah at Kanyang Anak ay nagkaisa sa isang banal na tipan upang iligtas ang sangkatauhan sa anumang kabayaran sa Kanila. Tuklasin ang hindi maipahayag na kagandahan ng puso ng sukdulang pag-ibig ng Makalangit na Ama! Piliin ang araw na ito upang ganap na ipagkatiwala ang iyong sarili sa Kanyang alaga. Tatanggapin ka niya bilang Kanyang anak at muli kang lilikhain sa Kanyang larawan.
Paglikha? O Ebolusyon? Alin ang paniniwalaan mo?
Isang kagulat-gulat na bilang ng mga Kristyano ay palihim na mga ebolusyonista sa kanilang mga espiritwal na buhay. Ito'y nagmumula sa maling pagkakaunawa sa pagtubos ng Tagapagligtas. Ikaw ba ito?!
Yahushua: Kanyang Buhay para sa Akin
Ang katunayan na si Yahushua ay natukso "sa lahat ng mga paraan, gayunma'y hindi Siya nagkasala" ay nagbibigay sa lahat ng lakas ng loob upang tayo rin ay mapagtagumpayan sa kaparehong bagay kung saan nagawa ng Tagapagligtas. Ang lihim sa hindi pabagu-bagong tagumpay ni Yahushua sa laban sa pagkakasala at kay Satanas ay nahanap sa Kanyang hindi rin pabagu-bagong pananalig sa kalakasan ng Kanyang Ama. Walang Siyang sinanay na kapangyarihan na hindi rin pribilehiyo natin na sanayin, sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya.
Ang Lihim ng Kaligtasan
Ang mga salita at mga parirala ay minsan na nababasa o napakikinggan sa mga sermon na hindi malinaw na naunawaan. Ang pagkamatuwid sa pananampalataya ay isa sa mga parirala; madalas nagagamit, ngunit malabong nauunawaan. Napakahalaga sa lahat ng nagnanais na mamuhay nang walang hanggang kasama si Yahuwah ay mayroong malinaw na pagkakaunawa ng anong tiyak ang "pagkamatuwid sa pananampalataya," sapagkat ito lamang ang tanging paraan sa sinuman na makapagliligtas!
Yahushua: Ating Kataas-taasang Pari
Ang sukdulang karunungan at walang hanggang pag-ibig ni Yahuwah ay nagbalangkas ng isang plano kung saan ang makasalanan, bumagsak na tao ay maaaring bumalik sa banal na pabor. Ang planong ito ay yumakap nang mas higit pa sa legal na pagtubos ng sangkatauhan mula sa kontrol ni Satanas. Ito'y nanawagan para sa pagpapanumbalik ng banal na katangian sa loob ng kaluluwa ng tao. Sa gawang ito kaya si Yahushua, ang ating dakilang Kataas-taasang Pari, ay gumagawa ngayon.
Pagkamatuwid ni Yahushua: Tanging Pag-asa ng mga Makasalanan
Ang pagkamatuwid sa pananampalataya, ganap na tinanggap at naunawaan, ay ang pamumuhay nang walang kasalanan. Kapag ang dugo ni Yahushua ay tinanggap sa pananampalataya, siya ay ipinako sa krus kasama Niya, sa pananampalataya. Pagkatapos, gaya Niya na muling nabuhay, ang naniniwalang kaluluwa ay muling mabubuhay para maglakad sa pagkabago ng buhay. Ito ay nagagawa sa pananampalataya sa Kanyang pagkamatuwid. Ito ay higit pa sa pangkaisipang pagkakaunawa ng kaisipan. Ito ay isang karanasan. At ito lamang ang tangi nating pag-asa.
Ang Sabbath | Bahagi 3 – Ang Selyo ni Yahuwah
Ang Pahayag ay nagbigay ng mga detalye ng parehong pagkawasak at kaligtasan na magaganap sa katapusan ng sanlibutan. Ang "mga termino ng sagupaan" sa digmaan sa pagitan ni Yahuwah at Satanas ay sinisigurado ang proteksyon ng mga natatakan ng banal na selyo at pagkawasak sa mga hindi natatakan.
Ang Sabbath | Bahagi 4 – Mag-Isang Pagsamba
Ipinapakita ng Kasulatan ang isang lubos na espeyal na pangkat ng mga tao na nagpaparangal sa kanilang Manlilikha sa pagsamba sa Kanyang banal na Sabbath kapag ang lahat ng mga natitira sa mundo ay tinanggihan ito. Habang ang pagtalima ay ibinigay sa puntong ito gayunman, bawat isa'y mag-isang mananatili, sapagkat ito ay lubos na hindi tanyag sa mga pari, pastor, kaibigan, at kapamilya. Lahat ng tatanggi sa obligasyon na sambahin ang Manlilikha sa Kanyang Sabbath ay lilitaw laban sa mga naghahangad na sumunod. Ang ganitong bagay ay guguhit ng linya sa pagitan ng mga naglilingkod kay Yahuwah at hindi naglilingkod sa Kanya.
Ang Sabbath | Bahagi 2 – Walang Hanggan at Magpakailanman
Ang ikapitong araw ng Sabbath, bilang bahagi ng banal na kautusan, ay nagbubuklod sa lahat ng mga tao sa lahat ng panahon. Sa lahat ng mga kautusan, walang ibang kautusan ang sinira nang madalas at nang may ganoong katapangan gaya ng ikaapat na utos.