Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Mula sa mga sinaunang panahon, ang mga Hudyo ay naunawaan na ang paparating na Mesias ay magiging isang lingkod o ahente ni Yahuwah na mamumuno sa ngalan ni Yahuwah.1 Gaya ni Haring David na tinukoy bilang pinahiran ni Yahuwah, ganon din ang tatawagin sa paparating na hari:
Awit 2:2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban kay Yahuwah at laban sa Kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
Ang Hinirang Na Kristo Ni Yahuwah
Mula sa mga sinaunang panahon, ang mga Hudyo ay naunawaan na ang paparating na Mesias ay magiging isang lingkod o ahente ni Yahuwah na mamumuno sa ngalan ni Yahuwah.
|
Upang makatiyak, sa lahat ng Kasulatan, tinukoy si Yahushua sa pagiging bilang kay Yahuwah. Halimbawa, sa talaan ni Lucas ng tanyag na pakikipag-usap ni Yahushua sa kanyang mga alagad, matatagpuan natin si Yahushua na inilarawan bilang hinirang na Kristo ni Yahuwah:
Lucas 9:20 At sinabi niya sa kanila, “Kayo naman, ano sa palagay ninyo kung sino ako?” Sumagot si Pedro, “Ikaw ang Kristo na hinirang ni Yahuwah!
Sa isang hiwalay na pagkakataon, nagtatala si Juan ng kaparehong usapan sa pagitan ni Yahushua at kanyang mga alagad kung saan sila’y kinikilala na siya ay kay Yahuwah:
Juan 6:69 “At sumasampalataya kami, at nakatitiyak kami na kayo nga ang Banal ni Yahuwah.”
Ang salitang banal sa Griyego ay hagios, na nangangahulugan na ibinukod ng o para kay Yahuwah. Sa ibang salita, ang mga alagad ay hindi naniniwala na si Yahushua ay si Yahuwah kundi siya ay binukod ni Yahuwah para sa Kanyang paggawa.
Gayunman, maging ang mga hindi hinahanay ang kanilang sarili kay Yahushua ay naunawaan na si Kristo ay “kay Yahuwah.” Halimbawa, sa pagpako kay Yahushua sa krus, ang mga pinuno ng bayan ay sinabi ito:
Lucas 23:35 Nakatayong nanonood ang mga tao. Ngunit nilibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ang kanyang sarili kung siya nga ang Kristo na hinirang ni Yahuwah!”
Matapos ang muling pagkabuhay ni Yahushua, ipinahayag ni Pedro na ang krus ay naging bahagi ng plano ni Yahuwah para sa Kanyang Kristo:
Mga Gawa 3:18 “Ngunit sa ganito’y natupad ang sinabi ni Yahuwah noon pa man sa pamamagitan ng pahayag ng lahat ng mga propeta, na ang Kanyang Kristo ay kailangang magdusa.”
Sa huli’y sinipi ni Pedro ang Awit 2 sa kanyang panalangin na natupad sa paghihirap at kamatayan ni Yahushua:
Mga Gawa 4:24, 26-28 Nang marinig nila ito, sama-sama silang tumawag sa Diyos,… ‘NAGHANDA ANG MGA HARI SA LUPA UPANG LUMABAN, AT ANG MGA PINUNO AY NAGTIPON LABAN SA PANGINOON, AT LABAN SA KANYANG HINIRANG.’ 27 Sapagkat totoo ngang sa lungsod na ito nagkaisa sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ng mga Hentil at ng mga mamamayan ng Israel laban sa iyong Banal na Lingkod na si Yahushua, na Iyong hinirang. 28 Nagkaisa sila upang gawin ang itinakda ng Iyong kamay at ng Iyong kalooban na mangyayari.
Kahit na matapos ang pag-akyat ni Yahushua tungo sa kanang kamay ni Yahuwah, patuloy na tinutukoy ni Pedro si Yahushua bilang Kristo ni Yahuwah at lingkod ni Yahuwah.
|
Kahit na matapos ang pag-akyat ni Yahushua tungo sa kanang kamay ni Yahuwah, patuloy na tinutukoy ni Pedro si Yahushua bilang Kristo ni Yahuwah at lingkod ni Yahuwah. At bukod pa rito, sa makalangit na pangitain ni Juan, ang ikapitong anghel ay kinukumpirma na si Yahushua ay ang Kristo ng Panginoon (na si Yahuwah):
Pahayag 11:15 Pagkatapos, hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, at sa langit ay narinig ang malalakas na tinig na nagsasabi, “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Kristo, at maghahari siya magpakailanman.”
Muli, ang anghel ay ipinapahayag sa isang malakas na tinig na si Yahushua ay ang Kristo ni Yahuwah:
Pahayag 12:10 At pagkatapos ay isang malakas na tinig sa langit ang aking narinig: “Dumating na ang pagliligtas, ang kapangyarihan, ang kaharian ng ating Diyos, at ang pamumuno ng Kanyang Kristo, sapagkat naitapon na ang nang-uusig sa ating mga kapatid, siya na nagpaparatang sa kanila sa harap ng ating Diyos araw at gabi.
Si Kristo Kay Yahuwah
Ang apostol na si Pablo, sa kanyang sulat sa iglesya sa Corinto, ay naghahatid ng relasyon ni Yahushua kay Yahuwah sa lubos na mga pare-parehong tuntunin:
1 Corinto 3:21-23 Kaya’t hindi dapat ipagmalaki ng sinuman ang mga tao. Sapagkat ang lahat ng bagay ay sa inyo. 22 Kahit si Pablo, o si Apolos, o si Pedro, o ang sanlibutan, o ang buhay, o ang kamatayan, o ang mga bagay na kasalukuyan, o ang bagay sa hinaharap, lahat ng ito ay sa inyo, 23 at kayo’y kay Kristo, at si Kristo ay kay Yahuwah.
Sinabi ni Pablo na ang lahat ng mga bagay ay sa mga alagad, na kay Kristo sa kaparehong paraan na si Kristo ay kay Yahuwah. Ang salitang kay ay hindi lumitaw sa orihinal na Griyegong teksto na nababasa na “ikaw ng Kristo, Kristo ng Diyos [Yahuwah].”3 Kaya dahil dito, nagdadagdag ang Young’s Literal Translation ng batayan na “maging” na pandiwa sa pangungusap upang bawasan ang kaasiwaan nito sa mga Ingles na mambabasa:
1 Corinto 3:23 ika’y maging ni Kristo, at maging Kristo ni Yahuwah.
Sinabi ni Pablo na ang lahat ng mga bagay ay sa mga alagad, na kay Kristo sa kaparehong paraan na si Kristo ay kay Yahuwah.
|
Katulad nito, maraming tagapagsalin, gaya sa FSV sa ibabaw, ay nagdadagdag ng pariralang “nabibilang kay” upang linawin ang kahulugan ng teksto.4 Sa ibang salita, ang “Kristo ni Yahuwah” ay nangangahulugan na si Kristo ay nabibilang kay Yahuwah.
Nagsasalita rin si Spiros Zodhiates dito kapag tinutukoy niya ang 1 Corinto 3:23 at sinasabi na ito’y sumasangguni sa “pag-aari, pagtataglay” ng isang panginoon, guro, o gabay.5 Sa kaparehong paraan, isa pang komentarista ay binibigyang-kahulugan ang relasyon ni Yahuwah kay Yahushua na tulad sa isang may-ari o propyetaryo:
Si Yahuwah ay may isang pagmamay-ari sa lahat ng ginagawa [ni Yahushua] buhat nang si Kristo ay nabuhay, kumilos, at naghahari upang itaguyod ang kaluwalhatian ng kanyang Ama.6
Hindi nakakagulat, pagkatapos, ang Thayer’s Greek Lexicon ay nagpapahayag na ang sipi ay nangangahulugan na si Yahushua ay “nasa ilalim [ni Yahuwah]; para maging sa kanyang mga kamay o kapangyarihan.”7
Si Kristo Ay Nasa Ilalim Ni Yahuwah
Ang katunayan na si Yahushua ay ang Kristo ni Yahuwah ay lumilikha ng isang problema para sa mga humahawak ng doktrina ng Trinidad, na nagpapahayag na si Yahuwah ang Ama, Yahushua, at ang Banal na Espiritu (Espiritu Santo) ay pawang magkakapantay-pantay na Diyos. Subalit, sapagkat nakita natin, malinaw na ipinapahayag ng Kasulatan na si Yahushua ay kay Yahuwah at nasa pagpapailalim sa Kanya. Inaamin ni F.B. Meyer sa kanyang komentaryo sa 1 Corinto 3:23 na “Ang mahigpit na monoteismo ng Bagong Tipan (tingnan sa Roma 9:5), at ang relasyon ni Kristo bilang Anak sa Ama, ay kinakailangang ibigay ang ideya ng pagpapailalim ni Kristo kay Yahuwah.”8
Ang katunayan ay ipinahayag sa ibang sipi din. Halimbawa, nagsasalita si Pablo sa tiyakan na ito noong nagpapahayag siya ng paksa ng paparating na kaharian ni Yahuwah. Nagsusulat ang apostol na si Yahuwah ay inilalagay ang lahat ng bagay sa pagpapasakop kay Yahushua, lahat ng bagay, iyon ay, maliban mismo kay Yahuwah:
1 Corinto 15:28 At kapag ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop na sa Anak, ang Anak ay pasasakop din sa Ama na naglagay ng lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang si Yahuwah ay mangibabaw sa lahat.
Bakit si Yahushua ay nasa ilalim ni Yahuwah? Dahil, sa paulit-ulit na pagpapahayag ng Kasulatan, tanging isa lamang ang Diyos na ang Ama, at Siya lamang ang naghahari nang kataas-taasan.
|
Bakit si Yahushua ay nasa ilalim ni Yahuwah? Dahil, sa paulit-ulit na pagpapahayag ng Kasulatan, tanging isa lamang ang Diyos na ang Ama, at Siya lamang ang naghahari nang kataas-taasan. Si Yahushua, ang maharlikang lingkod ni Yahuwah,9 mismo, ay sinabi:
Juan 14:28 Narinig ninyo na sinabi ko sa inyo, ‘Aalis ako, at darating ako sa inyo.’ Kung minamahal ninyo ako, magagalak kayo na pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin.
Upang makatiyak, si Yahuwah ay higit na dakila sa Anak, sapagkat si Yahuwah ang nagtaas kay Yahushua sa Kanyang kanang kamay para sa kanyang pagtalima.10 At si Yahuwah ang ulo ni Kristo:
1 Corinto 11:3 Ngunit ibig kong malaman ninyo na ang ulo ng bawat lalaki ay si Kristo, at ang ulo ng babae ay ang lalaki, at ang ulo ni Kristo ay si Yahuwah.
Kasulatan vs Orthodoxy
Ang orthodoxy na umunlad sa ilang naunang siglo matapos ang pag-akyat ni Yahushua ay sumasalungat sa Biblikal na patotoong ito. Sa pagbabasa ng Kasulatan ng Hudyo sa pamamagitan ng kanilang Platonikong lente, ang mga Ama ng Simbahan ay muling isina-uri si Yahushua bilang isang tao na may dalawang kalikasan. Idinahilan nila na si Yahushua ay nasa ilalim ni Yahuwah tungkol lamang sa kanyang pantaong kalikasan. Sa kabilang dako, isinateorya nila na ang kanyang inakalang banal na kalikasan ay kapantay ng Ama. Gayunman, walang Biblikal na may-akda ang nagsasalita tungkol kay Yahushua na may dalawang kalikasan. Dagdag pa, walang sinumang kwalipikado sa pagpapailalim ni Yahushua na hindi isinama ang isang isinateorya na banal na kalikasan. Mismo, ito’y isang matapos ang Biblikal na pag-unlad.
Ang komentaryo ni Adam Clarke sa 1 Corinto 3:23 ay isa lamang halimbawa kung paano ang Griyegong pilosopiya, na mabagal na nagsimulang pumasok sa Simbahan matapos ang unang siglo, ay patuloy na naghahanap ng ekspresyon nito sa kasalukuyang dogma:
Nagtuturo ang Kasulatan na si Yahushua ay hindi si Yahuwah; sa halip, siya ang Kristo ni Yahuwah.
|
At si Kristo ay sa Diyos. Si Kristo, ang Mesias, ay ang kaloob ng walang hanggang pag-ibig at awa ng Diyos para sa sangkatauhan…Si Kristo sa kanyang pantaong kalikasan ay lubos na pag-aari ng Diyos gaya ng ibang tao. At bilang isang tagapamagitan ng Diyos at tao, siya’y dapat na isaalang-alang, sa isang tiyak na paraan, mas mababa sa Diyos, ngunit sa sarili niyang kahalagahan, walang hanggang kalikasan, walang hindi pagkakapantay-pantay – Siya ang Diyos na nangingibabaw sa lahat.11
Ang teksto ay pinipilit si Clarke na aminin na ito’y nagtuturo na si Yahushua ay ang “pag-aari ng Diyos” “gaya ng ibang tao.” Ngunit siya ay naatasan ng matapos ang Biblikal na orthodoxy na magdagdag ng teksto sa pagsasabi na ang pangingibabaw ni Yahuwah kay Kristo ay sa pantaong kalikasan lamang ni Kristo buhat nang ang Anak ay mismo, “Diyos na nangingibabaw sa lahat.” Ito’y anakronistiko at direktang sumasalungat sa pahayag ni Pablo sa 1 Corinto 15 na maging sa paparating na walang hanggang kaharian, si Yahushua ay nasa ilalim ni Yahuwah ang Ama12 “upang si Yahuwah ay mangibabaw sa lahat.”13
Hindi katulad sa orthodoxy ng Simbahan, si Pablo ay alinsunuran sa kanyang Kristolohiya. Ang isang Diyos ay ang Ama,14 at Siya si Yahuwah na nangingibabaw sa lahat:
Efeso 4:6 Isang Diyos at Ama ng lahat, na siyang dakila kaysa lahat, at siyang kumikilos sa lahat, at nasa lahat.
Nagtuturo ang Kasulatan na si Yahushua ay hindi si Yahuwah; sa halip, siya ang Kristo ni Yahuwah. Dagdag pa, siya ay kay Yahuwah sa kaparehong paraan na tayo’y sa Kanya. Ang Kristo ay hindi maaari na si Yahuwah at kay Yahuwah nang sabay.
1 Isaias 42:1; Mikas 5:2.
2 2 Paralipomeno 6:42.
3 Berean Literal Bible, https://biblehub.com/blb/1_corinthians/3.htm ; Ang teksto sa Griyego, https://biblehub.com/interlinear/1_corinthians/3-23.htm
4 NASB, Holman Christian Standard, Berean Study Bible, Weymouth New Testament, atbp.
5 Spiros Zodhiates, The Complete Word Study Dictionary, (Chattanooga, TN: AMG Publishers, 1992), p. 516.
6 Barne’s Notes, https://biblehub.com/commentaries/1_corinthians/3-23.htm
7 Thayer’s Greek Lexicon, https://biblehub.com/greek/1510.htm
8 Meyer’s NT Commentary, https://biblehub.com/commentaries/meyer/1_corinthians/3.htm
9 Mga Gawa 4:24, 26-28
10 Filipos 2:5-11; Efeso 1:19-22.
11 Adam Clarke Commentary, StudyLight.org, https://www.studylight.org/commentaries/acc/1-corinthians-3.html
12 1 Corinto 15:24.
13 1 Corinto 15:28.
14 1 Corinto 1:3; 8:6; Efeso 1:2-3; Roma 16:27; 1 Timoteo 2:5, atbp.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/christ-belongs-to-God/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC