Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sino ang Makapangyarihang Diyos? Ang titulo ba ay tinutukoy ang Trinidad—ang Ama, Anak, at Espiritu Santo—na kinakailangan ng orthodoxy? O ang Kasulatan ay nagbibigay ng isang naiibang kasagutan? Ating siyasatin ang kahulugan ng salitang makapangyarihan at ang paggamit nito sa Kasulatan at sa makredong kasaysayan.
Ano ang ibig sabihin ng Makapangyarihan?
Ang unang kaganapan ng salitang makapangyarihan sa Kasulatan ay matatagpuan sa aklat ng Genesis:
Genesis 17:1 At nang si Abram ay may siyam na pu’t siyam na taon, ay napakita ang PANGINOON [Yahuwah] kay Abram, at sa kaniya’y nagsabi, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
Ipinakita ni Yahuwah ang sarili Niya kay Abram bilang Diyos na Makapangyarihan, na sa Hebreo ay ang pariralang El Shadday (o El Shaddai).
|
Ipinakita ni Yahuwah ang sarili Niya kay Abram bilang Diyos na Makapangyarihan, na sa Hebreo ay ang pariralang El Shadday (o El Shaddai). Ang salitang Shadday (o Shaddai) ay nangangahulugang Makapangyarihan, at ito’y isinalin nang ganoon sa bawat 48 kaganapan nito sa Lumang Tipan. Ayon sa Expository Dictionary of Bible Words, ito’y “ginamit nang eksklusibo bilang isang banal na pangalan.”1 Dagdag pa kay Abram (Abraham), ang dalawa pang patnyarka, sina Isaac at Jacob, ay nakilala rin si Yahuwah sa pangalang ito, ganon din sa anak ni Jacob, si Jose.2
Ang katumbas sa Griyego ng Shaddy ay Pantokrator (o Pantocrator) na nagmumula sa salitang pas, na nangangahulugang lahat, at ang kratos ay nangangahulugang kapangyarihan, dominyon, kalakasan, pangingibabaw.3 Ang Pantokrator ay lumilitaw nang sampung beses sa Bagong Tipan, at ito’y isinalin bilang makapangyarihan sa bawat pagkakataon. Ang HELPS Word Studies ay dagdag na binigyang-kahulugan ang Pantokrator bilang malayang kapangyarihan na nagsasanay ng sukdulang pamamahala.4 Dagdag pa, ang The Complete Word Study Dictionary ay nagpapatunay na ito’y “sinasalita lamang ang Diyos.”5 Ngayon na nauunawaan natin ang kahulugan ng Makapangyarihan, ating tingnan nang mas malapit ang Biblikal na paggamit nito.
Sino Ang Tinutukoy Na Makapangyarihan?
Ang Kredong Athanasian ng ikalimang siglo6 ay inilalarawan ang Ama, Anak, at Espiritu Santo na bawat isa na Makapangyarihang EL. Gayunman, pinapanatili nito na hindi ito lumilikha ng tatlong Makapangyarihang katauhan, na katuwiran ng isa, kundi isa lamang katauhan.7 (Ang deklarasyon na ito, syempre, ay hindi sinamahan ng isang pagpapaliwanag, sa Kasulatan o hindi, kung paano ang tatlong hiwalay na Makapangyarihan ay maaaring manatili na isa lamang Makapangyarihan.) Bagama’t hindi lahat ng mga simbahan ay binibigkas ang kredong ito, ang nakararami ay sumunod sa mga paniniwala sa loob nito. Kung, ipinapahayag ng mga kredo, ang Ama, Anak, at Espiritu ay itinuring na Makapangyarihan, matatagpuan dapat natin ito na ipinahayag sa Kasulatan.
Ang Makapangyarihan Sa Lumang Tipan
Sa bawat panahon ang salitang Shadday ay lumilitaw sa Lumang Tipan, ito ay tungkol kay Yahuwah. Ang mga Hudyo ng unang panahon ay hindi maitatanggi na naunawaan na ang Makapangyarihan ay si Yahuwah ang Ama at Siya lamang ang isang Diyos.8 Hindi sila kailanman nakatanggap ng anumang pagtuturo o pagpapaliwanag na ang kanilang iisang Diyos ay aktwal na isang tatluhan ang katauhan. Tunay nga, ang tagapagtanggol ng Trinidad na si Robert M. Bowman, Jr., ay umamin na maging ang konsepto ng isang tatluhang Diyos ay hindi matatagpuan sa Lumang Tipan:
Lahat ng mga trinitaryan ay nagkakasundo na ang mga ideya tungkol kay Yahuwah na ipinahayag sa doktrina ng Trinidad ay hindi matatagpuan nang direkta sa Lumang Tipan.
|
Lahat ng mga trinitaryan ay nagkakasundo na ang mga ideya tungkol kay Yahuwah na ipinahayag sa doktrina ng Trinidad ay hindi matatagpuan nang direkta sa Lumang Tipan.9
Dagdag pa, ang Encyclopedia of Religion and Ethics ay nagpapahayag:
Walang indikasyon sa Lumang Tipan ng pagkakaiba sa Pagkadiyos; ito ay isang anakronismo na matagpuan ang alinman sa doktrina ng Pagkakatawang-tao o ng Trinidad sa mga pahina nito.10
Ang Kristyanong tagapagtanggol at tagapagsalita, si Don Stewart ay tumutulong sa atin na maunawaan kung bakit si Yahuwah ay hindi naunawaan na isang maramihan ng mga katauhan sa Lumang Tipan:
Ang doktrina ng Trinidad ay hindi malinaw na binalangkas hanggang matapos isulat ang Bagong Tipan… Ang doktrina ng Trinidad ay hindi malinaw na ipinakita sa Lumang Tipan.11
Mas tiyakan, si Edmund J. Fortman, isang Heswitang pari at propesor ng teolohiya at pilosopiya, ay inihahatid na ang mga may-akda ng Lumang Tipan ay wala maging ang pinakabahagyang ideya na si Yahuwah ay tatlo sa isa, wala rin ang isang pagpapahiwatig sa loob nito:
Ang Lumang Tipan ay walang sinasabi sa atin nang tahasan o sa pangangailangan na implikasyon ng isang Tatluhang Diyos na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo…. Walang ebidensya na ang anumang sagradong manunulat ay pinaghihinalaan ang pag-iral ng isang [Trinidad] sa loob ng Pagkadiyos…. Kahit na makita sa mga pagpapahiwatig o pagbabadya ng Lumang Tipan o ‘mga nakatagong tanda’ ng Trinidad ng mga katauhan ay para lumagpas sa mga salita at layon ng mga sagradong manunulat.”12
Kaya dahil dito, lahat ng 48 beses na ang Makapangyarihan ay ginamit sa Lumang Tipan, ito’y ginamit kay Yahuwah ang Ama sa kaisipan sapagkat ito ang naunawaan ng may-akda at tagapakinig na Siya nga batay sa Kanyang pagpapahayag sa sarili.
Ang Makapangyarihan Sa Bagong Tipan
Ano naman ang tungkol sa Bagong Tipan? May isang sanggunian ba kay Yahuwah ang Ama, Yahushua, o ang Banal na Espiritu bilang ang Makapangyarihan sa mga pahina nito? Sa sampung kaganapan ng Pantokrator (Makapangyarihan), isa lamang ang lumilitaw sa labas ng aklat ng Pahayag:
2 Corinto 6:18 “At ako’y magiging ama ninyo, at kayo’y magiging mga anak ko,” sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
Para kay Pablo, ang Makapangyarihan ay si Yahuwah ang Ama, samantalang si Yahushua ay ang Kristo.
|
Narito, itinuturo ni Pablo sa mga mananampalataya na huwag makipamatok sa mga hindi sumasampalataya. Ang kanyang katuwiran, “At anong pagkakasundo mayroon si Kristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa di-mananampalataya?”13 Pagkatapos ay sinisipi niya si Yahuwah na nagsasabi, “‘Ako’y magiging ama ninyo…,’ sabi ng Panginoong Makapangyarihan.” Kaya dahil dito, para kay Pablo, ang Makapangyarihan ay si Yahuwah ang Ama, samantalang si Yahushua ay ang Kristo. Ito’y hindi na nakakagulat kung isinasaalang-alang na si Pablo ay nagsusulat para sa kaparehong tagapakinig na ang Ama ay eksklusibong si Yahuwah:
1 Corinto 8:5-6 Sapagkat kahit may tinatawag na mga diyos, sa langit man o sa lupa, gaya ng pagkakaroon ng maraming “mga diyos” at maraming “mga panginoon,” 6 ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga bagay, at para sa Kanya tayo’y nabubuhay, at may iisang Panginoon, si Kristo Yahushua, na sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya, tayo’y nabubuhay.
Sa pagkakaunawa ni Pablo, at dahil dito’y sa kanyang pagtuturo, mayroon lamang iisang Diyos, ang Ama; ito’y ibinubukod ang Anak at ang Espiritu.
Ang nalalabing siyam na kaganapan ng Pantokratôr ay lumilitaw sa aklat ng Pahayag. Ang puwang ay hindi nagpapahintulot sa atin na siyasatin ang bawat sipi rito; gayunman, dalawa sa mga berso ang nagtatakda ng isang malinaw na batayan kung saan maaari nating ipaliwanag ang iba pa.
Sino Ang Makapangyarihan Sa Pahayag?
Ang Kabanata 19 ng Pahayag ay itinatala ang matagumpay na pagdating ni Yahushua, ang nagwaging hari ng mga hari at ang instrumento ng katarungan ni Yahuwah:
Pahayag 19:14-16 At ang mga hukbo ng langit na nakasuot ng pinong lino, puti at dalisay ay sumusunod sa kanya; sila’y nakasakay sa mga puting kabayo. 15 Mula sa kanyang bibig ay lumalabas ang isang matalas na tabak na pantaga sa mga bansa, at siya ay maghahari sa kanila gamit ang tungkod na bakal. Tatapak-tapakan niya ang mga ubas sa pisaan upang lumabas ang katas ng bagsik ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16 Sa kanyang damit at hita ay may nakasulat na pangalan, “HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.”
Pinagkakaiba ni Juan rito si Yahuwah ang Makapangyarihan, na ganap ang bagsik ng poot, at si Yahushua, ang hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon, na naglalabas ng poot na iyon. Isa ang tinaguriang Makapangyarihan, ang iba pa ay hindi.
|
Narito, pinagkakaiba ni Juan rito si Yahuwah ang Makapangyarihan, na ganap ang bagsik ng poot, at si Yahushua, ang hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon14, na naglalabas ng poot na iyon. Isa ang tinaguriang Makapangyarihan, ang iba pa ay hindi.
Ang panghuling sipi na ating sisiyasatin ay nag-aalok ng pinakamalinaw na kasagutan sa katanungan ng kung sino ang Makapangyarihan sa Bagong Tipan.
Pahayag 21:22 At wala akong nakitang templo sa lungsod, sapagkat ang templo nito’y ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero.
Pinagkakaiba ni Juan ang Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang isa na tinatawag niya na Kordero. Ang talaan ng ebanghelyo ni Juan ay ipinapaalala sa atin na si Yahushua ang Kordero:
Juan 1:29 Nang sumunod na araw, nakita ni Juan si Yahushua na papalapit sa kanya, at sinabi niya, “Narito ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!
Para makatiyak, si Yahushua ay ang Kordero ng Diyos, hindi Diyos ang Kordero.
Sa kabila ng malinaw na ebidensya na ito, ang ilan ay maaaring ialok ang Pahayag 1:8 bilang patunay na si Yahushua ay tinawag na Makapangyarihan sa Kasulatan:
Pahayag 1:8 “‘Ako ang Alpha at ang Omega,’ ang sabi ng Panginoong Yahuwah, na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.”
Ayon sa ilang pagsasalin, si Yahushua ang nagsasalita sa bersong ito, sapagkat ng mga pulang letrang ginamit upang magpahiwatig na ang mga salita ay nabibilang kay Yahushua. Sa malapit na pagsusuri, gayunman, ang konteksto ay ipinapakita na Diyos ang Ama ay nagsasalita. Halimbawa, sa berso 1, mababasa natin na ang Diyos ang nagbigay ng rebelasyon kay Yahushua upang ibahagi sa kanyang mga lingkod. Sa berso 2, nagpapadala si Juan ng isang pagbati mula sa Diyos na itinatalaga niya bilang “sa kanya na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating” at mula kay Yahushua, na itinalaga bilang Kristo. Dahil dito, gumagawa si Juan ng isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng dalawa:
Pahayag 1:4-5 Mula kay Juan: Sa pitong iglesya sa Asya: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa kanya na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, at mula sa pitong espiritu na nasa harapan ng kanyang trono, 5 at mula kay Kristo Yahushua, ang tapat na saksi, ang pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan, at pinuno ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo—
Sa berso 6, mababasa natin na si Yahushua na ginawa tayong mga pari sa kanyang Yahuwah at Ama.
Pahayag 1:6 at ginawa [niya, si Yahushua, berso 5] tayong isang kaharian, mga pari para sa kanyang Diyos at Ama, sa kanya ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailanman. Amen.
Itinatala ng Kasulatan nang hindi bababa sa 20 beses na si Yahushua ay may isang Diyos!
|
Tunay nga, itinatala ng Kasulatan nang hindi bababa sa 20 beses na si Yahushua ay may isang Diyos! At ito ang Diyos na nagwawakas ng Kanyang pagbati sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang awtoridad bilang Makapangyarihan sa lahat sa berso 8 at sa pag-uulit ng Kanyang angkin mula sa berso 4 na “mula sa kanya na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating.”
Pahayag 1:8 “Ako ang Alpha at ang Omega,” ang sabi ng Panginoong Yahuwah, na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.”
Bagama’t ang Diyos ang Ama at si Yahushua ay parehong tinukoy bilang Alpha at ang Omega,15 nagkakasundo ang mga iskolar na ito ay hindi isang pagtatalaga ng pagkadiyos. Ang pariralang alpha at omega, ang una at ang huling letra ng alpabetong Griyego, ay itinuring ng ilan na kumakatawan sa “simula” at “wakas.” Dahil dito, ito’y hindi maaari na isang sanggunian sa diyos sapagkat si Yahuwah, na walang hangganan, tiyakan na walang simula at walang wakas.16
Katulad sa Lumang Tipan, ang titulong Makapangyarihan ay ginamit nang eksklusibo para kay Yahuwah ang Ama sa Bagong Tipan at hindi kailanman para kay Yahushua o ang Banal na Espiritu.
Ang Kasaysayan Ng Mga Kredo
Ngunit ano ang tungkol sa Kredong Athanasian, na nagpapahayag na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, bawat isa’y Makapangyarihan? Karamihan sa mga mananampalataya ay walang kamalayan na ang dalawang pinakamaagang kilalang kredo, na nauna sa Kredong Athanasian ng mga tatlong daang taon, ay nagkakasundo sa Kasulatan na si Yahuwah ang Ama ay ang Makapangyarihan.
Ang Lumang Kredong Romano, (mga maagang bahagi ng ikalawang siglo):
Sumasampalataya ako sa Diyos ang Amang Makapangyarihan sa lahat; at kay Kristo Yahushua na Kanyang bugtong na Anak, ang ating Panginoon, na isinilang mula sa Banal na Espiritu at Birhen Maria…17
Ang Kredo ng mga Apostol (mga gitna hanggang huling bahagi ng ikalawang siglo)18:
Sumasampalataya ako sa Diyos, ang Amang Makapangyarihan, ang Manlilikha ng langit at lupa, at kay Kristo Yahushua, ang Kanyang bugtong na Anak, ang ating Panginoon…Sa ikatlong araw, siya’y muling bumangon mula sa kamatayan. Umakyat siya sa langit at umupo sa kanang kamay ng Diyos ang Amang Makapangyarihan…19
Si Charles Morgridge, may-akda at ministro, ay nagsusulat:
Ang Kredo ng mga Apostol ay walang salita tungkol sa Trinidad. Ito’y mahigpit na Unitaryan. Ito’y walang tinatawag na Diyos kundi ang Ama. Ito’y walang tinatawag na Makapangyarihan maliban sa Ama. Ipinaparatang nito ang paglikha ng langit at lupa sa walang iba kundi ang Ama.20
Habang ang pagtatasa ni Morgridge ay nauukol sa Kredo ng mga Apostol, ang katulad nito ay maaaring sabihin para sa Lumang Kredong Romano.
Pagwawakas
Bagama’t ang orthodoxy ay maaaring ipahayag si Yahushua na ang Pantocrator, ang Makapangyarihan, kasama ang Banal na Espiritu at si Yahuwah ang Ama, ang ganoong angkin ay nagkukulang ng maka-Kasulatang ebidensya. Dagdag pa, sapagkat ipinapakita ng pahayag ng mga kredo, ang maagang Simbahan ay itinuring na si Yahuwah ang Ama lamang ang Makapangyarihan sa lahat. Hindi ito hanggang ang matapos ang Biblikal na doktrina ng Trinidad, na umunlad sa loob ng maraming panahon, ang termino ay isinama si Yahushua at ang Espiritu.
Wala saanman sa maagang simbahan ang sinasabi ng mga tao na si Yahushua ay Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
|
Ang propesor at respetadong iskolar na si Larry Hurtado, ay inaalok ang kanyang pagsusuri:
Wala saanman sa maagang simbahan ang sinasabi ng mga tao na si [Yahushua] ay Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ang Pantocrator (pangulo ng lahat o ang Makapangyarihan sa lahat) ay palaging nakareserba sa Diyos hanggang sa panahon ng Byzantino. Kaya sa mga unang siglo, ang Pantocrator, Makapangyarihan, ay isang termino na para sa Diyos ang Ama. Ito’y hindi kailanman ginamit kay Kristo.21
Ang isa’y magpapasya kung ang mga nakapupukaw na Kasulatan ay sapat para tukuyin ang doktrina o kung ang mga paniniwala matapos ang Biblikal na panahon na umunlad sa mga napukaw sa Platoniko na Ama ng Simbahan ay nagpapakita ng isang katanggap-tanggap na molde kung saan natin makikita si Yahuwah. Isang nagbabalang salita ang dapat na ialok, gayunman: tunay nga na may mga dakilang kahihinatnan para sa sadyang pagtanggi ng kredo ni Yahushua, at ang doktrina ni Yahuwah na niyakap niya:
Marcos 12:28-29 Lumapit ang isang tagapagturo ng Kautusan at narinig ang kanilang pagtatalo. Nakita niyang mahusay ang pagsagot ni Yahushua sa mga Saduceo, kaya siya ay nagtanong, “Ano ang pangunahing utos sa lahat?” 29 Sumagot si Yahushua, “Ang pangunahing utos ay ito: ‘Makinig ka, Israel! SI YAHUWAH NA ATING DIYOS AY IISANG YAHUWAH!
Juan 17:1 at 3 Matapos sabihin ni Yahushua ang mga ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras, luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang luwalhatiin ka ng Anak,... 3 At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.
1 Expository Dictionary of Bible Words, Stephen D. Renn, ed., (Peabody, MA: Hendrickson Publishers, 2006) p. 27
2 Genesis 28:1-3; 35:11; 48:3; Exodo 6:2-3.
3 Strong’s Greek Dictionary #2904 kratos
4 https://biblehub.com/greek/3841.htm
5 Spiros Zodhiates, The Complete Word Study Dictionary: New Testament (AMG International, 1993), p. 1093-1094.
6 Maraming iskolar ang nagkakasundo na ang Kredong Athanasian ay hindi isinulat ni Athanasius (namatay noong 373 AD), at marami ang nagbigay ng petsa nito sa ikalimang siglo. Ang ilan ay nagpapahiwatig na ito’y isinulat ni Vincent ng Lérins (mga 440 AD) o isa sa kanyang mga tagahanga. Britannica.com, nakuha noong 1-4-20, https://www.britannica.com/topic/Athanasian-Creed
7 http://www.newadvent.org/cathen/02033b.htm
8 Deuteronomio 6:4 ay ang pambansang kredo, kung nais mo, ng Israel: “Dinggin mo, Oh Israel: si Yahuwah nating Diyos ay isang Yahuwah!”
9 Robert M. Bowman, Jr., Why You Should Believe in the Trinity: An Answer to Jehovah’s Witnesses (Grand Rapids, MI: Baker Book House, 1989), p.22.
10 Encyclopedia of Religion and Ethics, ed. James Hastings, (Edinburgh: T. & T. Clark, Vol. 6, 1919), p. 254
11 Is the Doctrine of the Trinity found in the Old Testament? Blue Letter Bible online. Nakuha noong Marso 5, 2019. https://www.blueletterbible.org/faq/don_stewart/don_stewart_330.cfm
12 Edmund J. Fortman, The Triune God: A Historical Study of the Doctrine of the Trinity, (Baker Book House, 1972), p. xv, 8, 9.
13 2 Corinto 6:14-15.
14 “Hari ng mga Hari, at Panginoon ng mga Panginoon,” ito ay hindi isang pahiwatig ng diyos. Habang si Yahuwah ay tinawag sa kaparehong titulo sa 1 Timoteo 6:13-16, ibinigay din ang pangalang ito sa iba. Halimbawa, si Haring Nabucodonosor sa Daniel 2:27 at Ezekiel 26:7, at si Haring Artajerjes sa Ezra 7:12, ay parehong tinukoy bilang hari ng mga hari. Tunay nga, ang mga wikang Semitiko ay madalas ginagamit ang dyenitibong kaso (kapag ang pangngalan ay binabago ang isang pangngalan) upang ilarawan ang isang bagay na naiisip nila na “pinakamahusay” o “pinakamataas” o “pinakadakila.” Halimbawa, bago naunawaan ni Haring Nabucodonosor kung sino si Yahuwah, Siya ay tinawag niyang “Diyos ng mga diyos” dahil ang Diyos ni Daniel ay ang tanging Diyos na maaaring magpaliwanag ng mga panaginip. Kaya dahil dito, sa Pahayag noong si Yahushua ay tinawag na hari ng mga hari at panginoon ng mga panginoon ay dahil siya ang itinaas ni Yahuwah bilang sukdulang hari at panginoon, hindi dahil siya si Yahuwah mismo. Maging si Yahushua ay nagpatotoo na si Yahuwah ang Ama ay ang mas dakila sa dalawa. Tingnan ang Mga Gawa 2:36; Filipos 2:9-11; Efeso 1:17-23; 1 Corinto 15:23-28; Juan 14:28.
15 Yahuwah: Pahayag 1:8 at 21:6. Yahushua: Pahayag 22:13.
16 Isang alternatibong pananaw ng kahulugan ng Alpha at Omega: “Isinusulat ni Norton na ang mga salitang ito ay, ‘nangangahulugan ng tiyak na katuparan ng kanyang mga layunin; na anong sinimulan niya ay dadalhin niya sa katuparan.’” (A Statement of Reasons for Not Believing the Doctrines of Trinitarians; 1877, pp. 479, 480), https://www.biblicalunitarian.com/verses/revelation-1-8
17 https://Godwords.org/church-history/creeds-and-statements-of-faith/old-roman-creed/
18 Bagama’t tinawag na Kredo ng mga Apostol, ito’y hindi isinulat ng sinuman sa 12 apostol, at naisip na isulat noong mga 150 AD, matagal na ang lumipas matapos silang lahat ay sumakabilang-buhay. Marami ang itinuring na ito’y batay sa Lumang Kredong Romano.
19 https://Godwords.org/church-history/creeds-and-statements-of-faith/the-apostles-creed/
20 Charles Morgridge, True Believer’s Defense Against Charges Preferred by Trinitarians For Not Believing in the Divinity of Christ, The Deity of Christ, the Trinity, (New Bedford, 1837), p. 162-63.
21 Larry Hurtado, mula sa sermon na pinamagatang, “Paul’s Messianic Christology” nakuha noong 1-4-20. Ang sipi ay nagsisimula sa 1:34:16. https://www.youtube.com/watch?v=QhgwyopHis0&t=1860s
22 2 Timoteo 3:15-16
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/who-is-the-almighty-God-of-scripture/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC