Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Karamihan sa mga Kristyano ang medyo pamilyar sa tugon ni Pedro sa katanungan ni Yahushua, ‘Ngunit para sa inyo, sino ako?’
Mateo 16:15-17 Tinanong ulit sila ni Yahushua, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” 16 Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” 17 Sinabi sa kanya ni Yahushua, “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit.
Ipinakita ni Yahuwah kay Pedro na si Yahushua ay ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah. Sa kasamaang-palad, maraming hindi nauunawaan ang kanyang pag-amin upang mangahulugan na si Yahushua ay ang “Diyos Anak.”
|
Ipinakita ni Yahuwah kay Pedro na si Yahushua ay ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah. Sa kasamaang-palad, maraming hindi nauunawaan ang kanyang pag-amin upang mangahulugan na si Yahushua ay ang Diyos Anak. Kung ito ay totoo, na si Yahushua ay si Yahuwah mismo, aasahan natin si Pedro na uulitin ang rebelasyon na ito sa kanyang mga sermon matapos ang pag-akyat. Tingnan natin ang pinakatanyag na sermon ng apostol upang alamin kung sino ang pinaniwalaan ni Pedro na si Yahushua.
Ang Pentecostal Na Sermon Ni Pedro
Ano ang itinuro ni Pedro sa araw ng inagurasyon ng Iglesya? Isaalang-alang na ang mga doktrina ng pagkadiyos ni Yahushua at ang tatluhang Diyos ay pinakamahalaga sa Trinitaryan na teolohiya, matuwid nating aasahan ang mga ito na bahagi ng Pentecostal na proklamasyon ni Pedro. Anong natagpuan natin sa halip ay ang parehong doktrina ay wala mula sa dakilang teolohikal na okasyong ito. Kabaligtaran sa anumang paniwala na si Yahushua ay Diyos, ipinapakita ni Pedro na si Yahushua ay isang lalaking tao na itinaas ni Yahuwah bilang Kristo.
Nagsisimula si Pedro sa kanyang mensahe sa malinaw na pananalita ng pagiging tao ni Yahushua, walang binabanggit ano pa man ng kanyang inakalang pagkadiyos:
Mga Gawa 2:22-23 “Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Yahushua na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ni Yahuwah sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo; 23 Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ni Yahuwah, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay.
Isang Lalaki Mula Sa Nazaret Na Pinatotohanan Ng Mga Himala
Sinasabi ni Pedro sa maraming lahi na madla na nagtipun-tipon sa Jerusalem para sa Pentecostes1 na si Yahushua ay isang lalaki (tao) mula sa bayan ng Nazaret. Hindi niya sinasabi na siya ay literal na bumaba mula sa langit o siya’y umiral na bago isilang sa anumang paraan, ngunit siya lamang ay isang tao na pinuri mula sa isang bayan na humigit-kumulang 65 milya ang layo.
Naunawaan ni Nicodemo na ang mga himala ay pinatunayan na si Yahuwah ay itinalaga si Yahushua. Ito ang anong itinuro ni Pedro sa Pentecostes.
|
Dagdag pa, ipinapabatid ni Pedro sa mga tao at sa atin na nagsagawa si Yahuwah ng mga mahimalang tanda at kababalaghan sa Nazaret. Sa ibang salita, naunawaan ni Pedro na kapag siya at si Yahushua ay nakakalakad sa tubig, gumagawa si Yahuwah sa pamamagitan ng Kanyang Mesias upang isagawa ang mga mahimalang tampok na ito.
Ito’y lubos na sumasalungat sa Trinitaryan na angkin na ang mga himala ni Yahushua ay nagpapatotoo na siya ay Diyos. Kabaligtaran, ang layunin ng mga himala ay hindi para ipakita na si Yahushua ay Diyos kundi ipakita na si Yahuwah ay kasama ni Yahushua. Ang mga himala ay isang pagpapatotoo na siya ang ipinangakong Mesias. Si Nicodemo, ang Pariseo na nakasama ni Yahushua, ay sinabi ang mga ito:
Juan 3:1-2 May isang taong nagngangalang Nicodemo, isang Pariseo at pinuno ng mga Hudyo. 2 Kinagabiha’y pumunta kay Yahushua ang taong ito at sinabi sa kanya, “Rabi, alam po naming ikaw ay isang gurong mula kay Yahuwah, sapagkat walang sinumang makagagawa ng mga himalang ginagawa mo malibang sumasakanya si Yahuwah.”
Naunawaan ni Nicodemo na ang mga himala ay pinatunayan na si Yahuwah ay itinalaga si Yahushua. Ito ang anong itinuro ni Pedro sa Pentecostes.
Namatay Si Yahushua
Ipinapakita ni Pedro ang pagiging tao ni Yahushua sa pagpuna na ang taga-Nazaret ay ipinako sa krus at namatay. Tanging ang mga mortal lamang ang maaaring mamatay. Ang ilan ay tutugon sa pagsasabi na namatay lamang ang pantaong kalikasan ni Yahushua, habang ang kanyang kalikasan ng Diyos ay hindi namatay. Gayunman, ito ay isang mapangahas, mapanghamak na angkin, isinasaalang-alang na ang Bibliya ay hindi kailanman sinasabi o tumutukoy nito. Ang ipinalagay na dalawahang kalikasan (hipostatik na pag-iisa) na doktrina ay sukdulan na banyaga sa maagang Simbahan. Ito’y umunlad sa paglipas ng panahon at hindi naging opisyal na doktrina ng Simbahang Katoliko hanggang sa Konseho ng Chalcedon noong 451 AD.
Ipinapakita ni Pedro ang pagiging tao ni Yahushua sa pagpuna na ang taga-Nazaret ay ipinako sa krus at namatay. Tanging ang mga mortal lamang ang maaaring mamatay.
|
Sa kabilang dako, nagpapatotoo ang Kasulatan na si Yahuwah lamang ang nagtataglay ng imortalidad,2 nangangahulugan na imposible para sa Kanya ang mamatay. Dagdag pa, nagsasabi sa atin ang Kasulatan na si Yahuwah ay hindi isang tao.3 Subalit, sinasabi ni Pedro na si Yahushua ay isang tao:4
Mga Gawa 2:22 “Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Yahushua na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ni Yahuwah sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo—
Mga Gawa 2:24 “Na siya’y binuhay na maguli ni Yahuwah, pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagkat hindi maaari na siya’y mapigilan nito.
Ibinigay ni Yahuwah ang kapangyarihan na muling mabuhay. Si Yahushua ang tagatanggap. Hindi maaaring mapigilan ng kamatayan ang lalaking ito dahil ang kapangyarihan ni Yahuwah ay higit na dakila sa kamatayan.
Ang ilan ay napakinggan sa pagsabi na si Yahushua ay ibinangon ang kanyang sarili mula sa kamatayan, kaya nagpapatunay na siya ay Diyos. Gayunman, sinasabi ng Kasulatan nang halos 30 beses na si Yahuwah ang bumangon kay Yahushua mula sa mga patay. Ito ang anong itinuro ni Pedro sa Pentecostes.
Si Yahushua Ay Inapo Ni David
Dagdag na nagpapatotoo si Pedro na si Yahushua na muling binuhay ni Yahuwah noong sinisipi niya ang propesiya ni Haring David at tinatapos na ito’y natupad kay Yahushua:
Nagpapatotoo si Pedro na si Yahushua ay isang lalaking tao sa pagtatawag sa kanya na inapo ni Haring David.
|
Mga Gawa 2:29-32 Mga kapatid, buong katiyakang sasabihin ko sa inyo na ang ating ninunong si David ay namatay at inilibing. At ang libingan niya’y nasa atin hanggang ngayon. 30 Palibhasa’y propeta si David noong nabubuhay pa, nalalaman niya ang taimtim na pangako sa kanya ni Yahuwah: na magiging haring tulad niya ang isa mula sa kanyang angkan. 31 Nakita na at ipinahayag na ni David na muling bubuhayin ni Yahuwah ang Kristo nang kanyang sabihin: ‘Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; ni ang katawan niya’y makaranas ng kabulukan.’ 32 “Ngayon, kaming lahat ay mga saksi na si Yahushua na ito ay muling binuhay ni Yahuwah.”
Nagpapatotoo si Pedro na si Yahushua ay isang lalaking tao sa pagtatawag sa kanya na inapo ni Haring David. Ang inapo na ito’y namatay, ngunit muling binuhay ni Yahuwah tungo sa pagiging imortal.6 Dagdag pa, ayon sa propesiya ni Haring David, inilagay ni Yahuwah ang inapo na ito sa luklukan. Kabaligtaran sa orthodoxy, gayunman, hindi ang luklukan ni Yahuwah ang kanyang kasalukuyan na inuupuan, kundi ang luklukan sa kanan ni Yahuwah:
Mga Gawa 2:33-35 “Dahil iniluklok siya sa kanan ni Yahuwah, at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Banal na Espiritu, nakikita at naririnig ninyo ito na ibinuhos sa amin ngayon. 34 Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, subalit sinabi niya: ANG PANGINOON ANG NAGSABI SA AKING PANGINOON: ‘MAUPO KA SA AKING KANAN, 35 HANGGANG MAILAGAY KO SA ILALIM NG IYONG MGA PAA ANG IYONG MGA KAAWAY.’”
Ang Layunin Ng Sermon Ni Pedro
Ano ang layunin ng sermon ni Pedro sa maluwalhating araw na ito noong ibinuhos ni Yahuwah ang Kanyang Espiritu sa mga mananampalataya? Ano ito na ninanais ng apostol sa mga tagapakinig niya na malaman nang tiyakan?
Mga Gawa 2:36 “Kaya’t dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Yahushua na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ni Yahuwah na Panginoon at Kristo.”
Kung si Yahushua ay tunay na Diyos na nagkatawang-tao, na darating sa paniniwala ng mga Ama ng Simbahan ng ikaapat na siglo, hindi na niya kailangan ng pagtataas, hindi na niya kailangan ng pagtatalaga na Panginoon, sapagkat siya ay likas na itinaas na Panginoon.
|
Nais ni Pedro na malaman ng sambayanan na si Yahuwah ay itinaas si Yahushua, isang lalaking tao mula sa Nazaret, tungo sa Kanyang kanang kamay at ginawa siyang Panginoon at Kristo. Kung si Yahushua ay tunay na Diyos na nagkatawang-tao, na darating sa paniniwala ng mga Ama ng Simbahan ng ikaapat na siglo, hindi na niya kailangan ng pagtataas, hindi na niya kailangan ng pagtatalaga na Panginoon, sapagkat siya ay likas na itinaas na Panginoon. Ngunit si Pedro, sa ilalim ng pagkapukaw ng Banal na Espiritu,7 ay ipinahayag na si Yahuwah ang nagtaas kay Yahushua sa estado na ito. Sa ibang salita, lahat ng ito’y gawa ni Yahuwah.
Tinatapos ni Pedro ang kanyang sermon sa pagtatawag sa kanyang mga tagapakinig na magsisi sa kanilang mga kasalanan at bautismuhan sa pangalan ng lalaking ito mula sa Nazaret na tinatawag niya na ang Kristo (Mesias):
Mga Gawa 2:37-42 Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig nila ang sinabi ni Pedro, kaya’t nagtanong sila kay Pedro at sa ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?” 38 Sumagot si Pedro, “Talikuran ninyo ang inyong kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Kristo Yahushua upang patawarin kayo, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu. 39 Sapagkat para sa inyo ang pangako, at para sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, at sa lahat ng tatawagin ng ating Panginoong Diyos [Yahuwah] tungo sa kanya.” 40 Marami pang sinabi si Pedro bilang patunay upang sila’y himukin. Nakiusap siya sa kanila, “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa masamang lahing ito.” 41 Kaya’t nagpabautismo ang tumanggap sa kanyang sinabi. At nang araw na iyon, may tatlong libong katao ang nadagdag sa mga alagad.
Itinuro ba ni Pedro na si Yahushua ay Diyos? Kabaligtaran, ang dating mangingisda na ito mula sa Galilee ay nagturo na si Yahushua na taga-Nazaret ay, ayon sa propesiya, ang inapo ni Haring David at ang ipinangakong Mesias. Dagdag pa, nagpatotoo si Yahuwah sa katotohanang ito sa pagsasagawa ng mga himala kay Yahushua. Ano pa, bagama’t ipinako sa krus, muling binuhay ni Yahuwah si Yahushua mula sa libingan, kaya nagbibigay ng imortalidad sa kanya. Si Yahushua ay kasalukuyan nang nakaupo sa kanang kamay ni Yahuwah, itinaas ni Yahuwah bilang Panginoon at Kristo. Sa ngalan ng lalaking ito, nag-aalok na si Yahuwah ng kapatawaran para sa mga kasalanan at kaligtasan sa mga nagsisi at binautismuhan. Ito ang anong pinaniwalaan ni Pedro at itinuro sa Pentecostes. Hindi ba tayo magsisimulang magturo ng kaparehong mensahe na itinuro ni Pedro?
1 Mga Gawa 2:5-11.
2 Mga Gawa 17:31; 1 Timoteo 6:16.
3 Mga Bilang 23:19.
4 Nagtuturo rin si Pablo na si Yahushua ay isang tao sa 1 Timoteo 2:5. Maging si Yahushua ay sinasabi na siya ay isang tao sa Juan 8:40.
5 Mga Gawa 2:36.
6 Roma 6:9.
7 Mga Gawa 2:4.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/peters-christology-at-the-beautiful-gate/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC