Bakit Ang Mensahe Ng Patag Na Daigdig Ay Kaligtasan At Pagsusulit Na Patotoo
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang pag-aaral ng Biblikal na heosentrikong Daigdig at ang nakaarkong simboryo nito ay mahalaga para sa pagsisiwalat ng patotoo, sapagkat ang mga pananaw na ito ay maaaring mabilis at lubusan na lansagin ang pagpapaimbabaw, kaliluhan, at panlilinlang na naugnay sa indoktrinasyon at pagtanggap ng Darwinyan na helyosentrikong pananaw sa mundo.
|
Ang mga paniniwala at pananaw sa mundo na iminungkahi ng mga molde ay lubos na malalim na nakatanim at minamanipula sa mga kaisipan ng mga isinilang at isiniwalat sa makamundong indoktrinasyon nito na pinaka-inalagaan ng impluwensya nito ay hindi maaaring madakot ang kahalagahan ng trabaho na ako at napakarami pang iba na kasalukuyang ginagawa upang ipakita nang may tampulan.
Ang pag-aaral ng Biblikal na heosentrikong Daigdig at ang nakaarkong simboryo nito ay mahalaga para sa pagsisiwalat ng patotoo, sapagkat ang mga pananaw na ito ay maaaring mabilis at lubusan na lansagin ang pagpapaimbabaw, kaliluhan, at panlilinlang na naugnay sa indoktrinasyon at pagtanggap ng Darwinyan na helyosentrikong pananaw sa mundo. Maaari nilang agad burahin ang palatuntunan na ang mga pamunuan ay maingat na itinanim sa mga kaisipan ng mga nakatali sa ideolohiya nito. Bilang isang pinagkukunan ng kaalaman, ang Bibliya ay tinataglay ang kapangyarihan upang bigyan ang mga indibidwal ng tabak ng pagpapalaya, pinapalaya sila mula sa pagkalupig. Ang ebanghelyo, tunay nga, ay may awtoridad upang palayain ang mga bihag hangga’t ang mga bihag na ito ay nagnanais ng kalayaan.
Nakalulungkot, karamihan sa mga tao ay walang kamalayan ng kanilang pagkakulong at, bilang resulta, ay walang kakayahan ng pagkakaunawa ng mga tanda at mga pahiwatig na iniwan ng mga iyong nasa atin na nakipagsapalaran para matutunan ang mga lihim na ito at bumalik upang ibahagi ang mga ito. Natuklasan natin na karamihan ay halos walang pakialam para sa mga kasagutan sa mga ganoong malihim na bugtong. Walang interes, kakaunti lamang ang maaaring makaunawa ng tularan o posibilidad na ang OZ ay maaaring nilinlang sila mula sa likod ng maskara ng isang order ng bagong mundo. Samakatuwid, karamihan ay walang pagkukusa o maging nag-aalala tungkol sa pagsunod sa bakas ng mga tuklas na ito. Ang kalihiman na ito ay kung bakit marami pa rin ang walang kamalayan na ang mga ito ay mga pwersa na hindi pa nauunawaan, na inihanay laban sa karamihan ng sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon, nagpapatuloy ng siyentismo bilang isang tularan ng mundo at huwad na relihiyon.
Ako ang unang aamin na tila hindi kapani-paniwala para sa Darwinyan na helyosentrikong pananaw sa mundo upang ituring bilang kasinungalingan na nilikha, sinulsol, at ipinagpatuloy sa loob ng maraming siglo ng isang pangkat ng mga malalabong piling tao na nagkaisa sa iisang layunin: upang ipakilala ang mundo kay Lucifer ang indibidwal na sinasamba nila bilang Diyos. Ang kanilang layunin sa pagkakaisa ng mundo sa isang ‘pandaigdigan’ na order, relihiyon, ekonomiya, edukasyon, at pamahalaan sa pamamagitan ng United Nations ay upang itatag ang molde na ito ng kontrol para lamang tuluyang ibigay sa pangangasiwa ng isang anti-Kristo na banyagang Diyos. Tunay nga, ang mga ganoong paniniwala ay tila imahinatibo at nakapagpapaalala ng ano ang maaaring asahan ng isa matapos turukan ng mga gamot at ikinulong sa isang bilangguan na sinapinan; at subalit, paniwalaan man o hindi, ito ang inaamin ng mismong mga piling tao at bukas na pinagmamataas sa buong mundo bilang layunin ng kanilang mga pagsusumikap.
Oo, parang kabaliwan. Subalit, dahil sa pagkahuli ng oras at kanilang mapagmataas na kayabangan, wala na silang alalahanin sa pagkukubli ng mga ganoong kasigasigan at naniniwala na ang sangkatauhan ay hindi sila mapipigilan. Ito rin ang paniniwala kung bakit sila’y bukas ipaghambog ang kanilang mga layunin habang nililibak tayo. Ang kanilang lantarang paghamak para sa mga tao ng daigdig ay kung bakit nila pinapalipad ang isang simbulo ng bandila ng organisasyon na kumakatawan sa luklukan ng pamahalaan ng mundo, ang United Nations, kasama ang isang paglalarawan ng daigdig sa tunay nitong pag-aangkop. Para sa kanila, ang watawat ng United Nations ay sumasagisag sa kanilang matagumpay na pananakop ng mundo. Katulad ng isang kaaway na itataas ang watawat nito sa isang sinakop na bansa, teritoryo, o pamahalaan upang maghudyat ng isang pagkuha ng kapangyarihan, ang pang-araw-araw na tanghal ng watawat na ito sa United Nations ay nagsisilbi bilang isang kumpas sa mga nalalaman na ang mga Freemasonic na malihim na kalipunan ay alegoryang tinupad ang pangitain ni Pike ng pag-uudyok ng tatlong dakilang digmaan bilang isang paraan upang pagkaisahin ang buong mundo sa isang ‘pandaigdigang’ na order.
Ang pagpapalipad ng watawat ng pananakop na naglalarawan ng Daigdig sa aktwal na pag-aangkop nito sa United Nations bilang luklukan ng pamahalaan ng mundo bilang isang ekspresyon na mapagmataas na naghuhudyat hindi lamang ng kanilang paghahari sa mundo kundi rin, bilang isang napakalaking panloob na biro, ang kanilang kamalayan ng pagyakap ng mundo sa helyosentrisismo bilang lubos na kahangalan. Ang pagpapakita ng ganoong watawat hindi lamang isang mapagmataas na paninindigan ng kanilang ‘pandaigdigang’ kataasan; ito rin ay nagpapakita sa kanila na tumatawa nang isteriko sa kalakihan ng kamangmangan ng sangkatauhan para sa pagbili ng kanilang molde ng panlilinlang, lalo na kapag ito’y sumasalungat sa bawat sandali na anong sinasabi sa ating ng sarili nating mga mata na totoo.
Ang Darwinyan na helyosentrikong pananaw sa mundo ay humantong sa maraming tao na maligaw nang landas mula sa pag-aaral ng ebanghelyo nang higit pa sa anumang ibang ideolohiya.
|
Ang Darwinyan na helyosentrikong pananaw sa mundo ay humantong sa maraming tao na maligaw nang landas mula sa pag-aaral ng ebanghelyo nang higit pa sa anumang ibang ideolohiya. Ito’y nagpapaliwanag kung bakit ang simbulo ng patag na daigdig ay prominenteng itinanghal sa watawat ng UN at sumasalungguhit ng pangangailangan para sa pagsasaliksik upang tulungan ang henerasyong ito tungo sa pagkamulat. Mas mahalaga pa sa kaalaman na ang daigdig ay isang patag na sirkulong pamantayan na binalutan ng isang nakaarkong simboryo, ang rebelasyon ay ang Ama at Anak ay nakaupo sa gitnang tugatog ng protektadong kulandong, nagmamasid, gumagabay, at nangangasiwa ng tadhana at kapalaran ng lahat ng nilikha.
Sa halip na pagmumungkahi na ang lahat ng bagay ay palambang at nagaganap sa pagkakataon, tayo’y nagkaisa gayong ang mundo ay kumikilos sa anong magiging sukdulang resulta sa isang mapaghamon at kagimbal-gimbal na pagwawakas para sa masama. Sa kaparehong panahon, ito’y hahantong sa isang napakaganda at ganap na propetikong pagwawakas para sa matuwid. Sa halip na pangwakas na laro na pagkakaisa ng mundo at bukas na pagkaalipin sa ilalim ng isang komunistiko, ateistikong bansa na pulis na despotismo na pinamahalaan ng mga banyagang diyos, tayo’y dumating sa isang mahalagang sandali sa kasaysayan ng daigdig kung saan ang bugtong na Anak ng Manlilikha, si Kristo Yahushua, ay nagbabalik upang tipunin ang Kanyang ani at panumbalikin ang order. Siya ang magwawakas sa ilusyon ng nagsasagupang dalawahang kalikasan na realidad na ito. Lahat ng mga sangkot at responsable para sa pagpapalaganap at pananatili ng kasamaan, mga anghel o mga tao, ay hahatulan batay sa kanilang mga masasamang gawa at plano.
Ang Rebelasyon Na Ito Ay May Kaugnayan Sa Kaligtasan
At habang ang karamihan ay tinatanggihan na ang patag na daigdig at nakaarkong simboryo, bilang isang paksa, ay humahawak ng anumang tunay na merito para sa pagtukoy ng kaligtasan ng iba, ang patotoo ay ang kaalaman na ito ay tunay at lehitimong nauugnay sa kaligtasan ng marami. Bilang isang bantay, lingkod, at tagahugas ng paa tungo sa Kataas-taasang Yahuwah, dapat kong isiwalat ang mga paksang ito bilang katotohanan, bagama’t tila ang mga ito’y katawa-tawa o parang kabaliwan sa ilan. Ang pagpapalabas ng totoo sa anumang anyo ay bahagi ng layunin, direktiba, at misyon ng isang bantay na naririto sa lupa, lalo na ngayon.
Marami na ngayon rito ang tumutulong sa inyo na kusang-loob na makikinig at dumarating sa pag-alala kung saan tayo bumagsak sa pagkawala ng ating unang estado. Ang tunay na dahilan na nandito tayo sa bumagsak na daigdig, sa ating kasalukuyang estado, ay upang unawain kung sino tayo bilang mga tao na nilikha sa larawan ng ating Ama at Manlilikha.
Si Yahuwah At Ang Kanyang Salita Ay Katotohanan
Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagkat ikaw ay Diyos ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw. – Awit 25:5
Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako: dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok, at sa iyong mga tabernakulo. – Awit 43:3
Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Yahuwah; lalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan. – Awit 86:11
At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ni Yahuwah, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagkat hindi ka nagtatangi ng tao. – Mateo 22:16
At nagkatawang-tao ang Verbo (Salita), at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. – Juan 1:14
Sapagkat ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. – Juan 1:17
… Sinabi nga ni Yahushua sa mga Hudyong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, “Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko; At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.” – Juan 8:31-32
… Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. – Juan 14:6
Sapagkat ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin. – Juan 17:8
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan. – Juan 17:17
Tayo’y Inutusan Na Lumakad At Salitain Ang Katotohanang Iyon
Oh Yahuwah, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok? Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso. – Awit 15:1-2
Ito ang mga bagay na inyong gagawin, Magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan. – Zacarias 8:16
Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagkat tayo’y mga sangkap na isa’t isa sa atin. – Efeso 4:25
Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan. – 1 Juan 3:18
Ang kabuuan ng iyong salita ay katotohanan; at bawat isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man. – Awit 119:160
Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo’y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang. – Santiago 1:18
Na sa kaniya’y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng ebanghelyo ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo’y magsisampalataya, ay kayo’y tinatakan ng Banal na Espiritu, na ipinangako, Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ni Yahuwah, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian. – Efeso 1:13-14
Kaya’t alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka. – Pahayag 2:5
Hayaan akong alamin kung ano ang mas dakilang rebelasyon ay ganap na sumaklaw sa iisang pagkakaunawa kaysa tayo ang sentro ng buong sanlibutan. Tayo’y nilikha sa larawan ng ating Manlilikha. Iniibig Niya tayo nang lubos kaya pinagkalooban Niya tayo ng kalayaan ng budhi upang mamuhay sa ipinamalas na mundong ito. Isinugo Niya ang Kanyang Anak upang tubusin tayo sa pamamagitan ng pagwawasto ng bumagsak, ngunit pinakamahalaga, siya ay nagbabalik nang malapit na malapit na upang tapusin ang pagkadalawa at kasamaan ng sanlibutang ito. Agad niyang tatapusin ang patuloy na kasinungalingan ng molde at papanumbalikin ang pagkakahanay sa dimensyong ito, tuluyang tinatasa ang paghahatol para sa lahat. Hindi lamang ang aba at mapagpakumbaba kundi ang mga itinuturing ang sarili na higit sa kautusan, iyong mga tinakasan ang katarungan, ang mayaman at konektado na maaaring makayang lumipat sa dispensasyon nito.
Kapag ang mga kaharian ng sanlibutang ito ay nagiging mga kaharian ng ating Panginoon at Hari, ang matuwid ay pagpapalain ng pagkakataon na makibahagi sa kaligtasan na mapagpalang-loob Niyang inaalok sa bawat isa sa atin, nagkakaloob sa ating lahat ng walang hanggang pamana na isinasama ang buhay sa paraiso kasama Niya magpakailanman. Kapag itinuring bilang pagtuturo, ang mga koneksyon ng patag na daigdig bilang mga rebelasyon ng paghahatol at ang mga gantimpala ng kaligtasan ay maaaring tiyak na lalansagin ang indoktrinasyon ng Darwinyan na helyosentriko na nawala nang hindi nakilala ng marami para sa karamihan ng kanilang mga buhay. Ang asimilasyon na ito ay humantong sa karamihan ng sangkatauhan na maligaw nang landas mula sa pagkakaunawa sa ating sarili at sa natatanging mahalagang likha ng Daigdig. Nais nilang maniwala na tayo’y produkto lamang ng ebolusyon.
Ang tanging dahilan kung bakit umiiral ang buhay ay ang Daigdig, bilang isang planeta, ay nakikinabang mula sa posisyon nito sa anong tinatawag ng agham na Goldilocks zone – isang lugar na pinapaligiran ng bawat sistema ng bituin na lumilikha ng mga sakdal na kondisyon upang magdaong ng buhay sa anumang planeta sa loob ng lugar na iyon. Ang isang planeta na umiikot sa loob ng puwang na iyon ay hindi malalantad sa kabagsikan ng pagiging napakalapit o napakalayo mula sa araw nito, ang pinagkukunan ng buhay. Sila’y nakikipaglaban na ang bawat bituin sa gabing kalangitan ay isang posibleng entidad na parang araw at ang bawat isa ay posibleng may sariling planetaryong sistema sa umiikot na kalapitan nito. Ang bawat planetaryong sistema ay may potensyal para sa paglitaw at pag-unlad ng buhay tungo sa kalakihan at antas na nakita rito sa Daigdig. Ang posibilidad na ang buhay ay umiiral saanman rito ay hindi maitatanggi, itinakda ang matematikong ekwasyon na binuo ng mga dalub-agham upang tukuyin ang mga ganoong posibilidad. Sa kanilang pananaw, ang tunay na isyu ay hindi kung sa banyagang buhay ay umiiral ngunit kung sila’y nalampasan ang sangkatauhan sa katalinuhan, kapasidad, at kakayahan; gaano sila kaunlad?
Ang patag na daigdig at ang nakaarkong simboryo bilang rebelasyon ay nilalansag ang mga layunin, mga pagsisikap, at mga plano ni Lucifer, ang naghihimagsik na anghel, at iyong mga malihim na kalipunan na nakahanay sa adyenda ng Order ng Bagong Mundo…
|
Ayon sa kanilang algoritmo, ito ay isang matematikong katiyakan na sa kabuuan ng malawak na kalawakan ng sanlibutan, hindi mabilang na mga sistema ng bituin katulad sa Daigdig at mga planetaryong sistema ang umiiral, katulad sa ating Daigdig. Ang katanungan ay hindi kung ang buhay ay umiiral sa mga ito kundi gaano at sa anong anyo. May mga anyo ba ng buhay na mas maunlad kaysa sa atin, isinaalang-alang na sila’y maaaring umunlad nang milyun-milyon o maging bilyun-bilyong taon bago ang sangkatauhan? Ang mga siyentipikong ispekulatibong pagpapalagay na ito ay isinantabi kapag ang isa’y natatanto na, ayon sa pagkakasunud-sunod ng paglikha sa Genesis at biblikal na kosmolohiya, lahat ng mga makalangit na luminaryo, kabilang ang tinatawag na ‘planeta,’ ay binubuo lamang ng hindi hihigit sa katubigan at liwanag, sapagkat ipinahayag sa Kasulatan. Sa kabuuan ng kosmos, walang ibang bagay na may pisikal na komposisyon ang nagpapahintulot sa makalupang pagbabago na pinatunayan sa Daigdig; iyong tanawin, sa lahat ng mga pagkakaiba nito, ay natatangi kumpara sa anumang ibang makalangit na mga luminaryo na matatagpuan sa loob ng pangkalahatang paglikha. Sa aking opinyon, pinagtitibay ng Kasulatan na walang ibang pisikal na ‘katawanin’ gaya ng Daigdig sa kalikasan na, sa kaayusan, ay maaaring magsilbi bilang isang pundasyon at lugar na tirahan para sa maraming nilalang ni Yahuwah na nananahan rito at nasa loob nito. Ang mga realisasyon na ito ay naggigiit sa isa na muling isaalang-alang ang lahat ng itinuro sa atin sa paaralan tungkol sa posibleng pag-iral ng ibang pisikal, katulad ng Daigdig na mga mundo, sapagkat ang ebanghelyong patotoo ay sinisira ang makamundong pananaw na ito na niyakap ng NASA at ng siyentipikong komunidad.
Karamihan sa anong ipinakita bilang siyentipikong realidad ay binubuo ng mga daya sa mga kasinungalingan. Ang sinaunang panlilinlang ng banyaga, isang sapot ng pandaraya, ay nilikha upang bitagin ang mga tao tungo sa pag-ampon ng siyentismo bilang parehong paniniwala at pagtuturo. Gayunman, ang patag na daigdig at ang nakaarkong simboryo bilang rebelasyon ay nilalansag ang mga layunin, mga pagsisikap, at mga plano ni Lucifer, ang naghihimagsik na anghel, at iyong mga malihim na kalipunan na nakahanay sa adyenda ng Order ng Bagong Mundo, na naglalayon na ipakilala ang isang malakas na delusyon bilang isang pandaigdigang relihiyon upang itaguyod si Apollyon o Abaddon bilang ang anti-Kristo na diyos. Ang impormasyong ito ay itinataguyod ang katapatan ng mga sinaunang propesiya ng Bibliya na ipinasa ng mga maagang Hebraikong ninuno, nagpapahiwatig na ang mga ebanghelikong lihim na ito ay banal na pinukaw; sapagkat paano ang isa ay ipapaliwanag ang paglalarawan nito ng daigdig bilang isang patag na sirkulong pamantayan na binalot ng isang makalangit na kulandong?
Ang sistema ng nakasarang mundo, isang batayang patotoo na naglaho sa sangkatauhan sa loob ng daan-daang taon, ay kasalukuyang lumilitaw muli bilang isang siyentipiko at makasaysayang panukala. Bakit? Dahil ito’y mas kailangan na ngayon kaysa noon. Ang patotoo na ito ay pinanunumbalik ang pag-asa sa mga tao na minsang militanteng ateista, gayong sumalamin sa kanilang mga salita, tungo sa pagkilala na ang Bibliya ay dapat na maimpluwensya ang anong itinatag sa ating daigdig at ating lugar sa loob nito: ang Makapangyarihang Yahuwah. Oo, bagkus pa nga si Yahuwah ay tapat, datapuwa’t ang bawat tao’y sinungaling; gaya ng nasusulat, “Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita, At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan.” –Roma 3:4, ADB
Walang ibang pagtuturo na nalalaman ko na maaaring radikal na baguhin ang panatikong anti-Kristyano, anti-Yahuwah, walang relihiyon na agnostiko, at mga ateista na determinadong salungatin ang pagtanggap sa ideya ng isang kataas-taasang indibidwal tungo sa mga mananampalatayang may takot kay Yahuwah. Dapat tandaan ng isa na, sa dakilang plano ng kasaysayan, medyo kamakailan lamang buhat nang iginiit bilang patotoo ang Darwinyan na helyosentrikong pananaw sa mundo. Sa loob ng libu-libong taon bago nito, ang mga sinaunang tao ay tinuruan at naunawaan na ang daigdig ay isang patag na pamantayan na binalutan ng isang istruktura na simboryo. Tanging sa modernong panahon lamang na si Lucifer, sa tulong ng mga ‘globalistang’ Masonikong kaparian, ay nagtagumpay sa pagbaligtad ng kaalaman na iyon at sa pagtatatag ng isang pamalit na sistema na nagbaba sa daigdig mula sa pagiging sentro at tampulan ng sanlibutan, sa halip ay inilalagay ang araw sa isang sentrong posisyon ng pagkatanyag sa loob ng bagong pandaigdigang tularan.
Ang paglilipat ng ganoong pagpipitagan ay ang pagpaparangal na tagumpay para sa paganong Luciferyan na pagsamba sa araw ng helyosentrikong kulto ng Order ng Bagong Mundo. Kung nakamit ko ang wala nang iba, umaasa’t nananalangin ako na ikaw, bilang isang mambabasa, ay maaari nang maunawaan ngayon kung bakit ang impormasyon ng patag na daigdig ay mahalaga at paano ito tunay na nagdudugtong sa kaligtasan ng napakarami.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Zen Garcia
Ang kahanga-hangang teksto sa ibabaw ay isang sipi mula sa huling kabanata, “Concluding Requiem” mula sa aklat ni Ginoong Garcia na pinamagatang “The Firmament: Vaulted Dome of the Earth.” Hinihikayat ka namin na makamit ang aklat na ito at ibahagi ito sa iyong mga minamahal na helyosentrilogo.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC