Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Nakatitiyak ka ba sa isang bagay, kumpiyansa sa iyong posisyon, nagmamatigas sa iyong paniniwala, masusumpungan lamang sa huli na ika’y nagkamali? Sa Juan kabanata 7, mababasa natin ang tungkol sa dalawang pangkat ng tao na kumpiyansa sa kanilang mga paninindigan tungkol kay Yahushua. Ngunit sila’y nagkamali. Kumpiyansang mali. Ating siyasatin ang sipi at alamin kung ano ang maaari nating matutunan mula sa kanilang kamalian.
Nakatitiyak ka ba sa isang bagay, kumpiyansa sa iyong posisyon, nagmamatigas sa iyong paniniwala, masusumpungan lamang sa huli na ika’y nagkamali?
|
Maraming tao ang dumarating sa paniniwala na si Yahushua ay ang ipinangakong Kristo. Ang mga himala na isinagawa niya ay nagbigay ng patunay na kailangan nila ng kanyang pagpapahid. Sila’y nangatuwiran, “Kapag dumating ang Kristo, gagawa ba siya ng mas maraming himala kaysa ginawa ng taong ito?”1 Sa kabilang dako, isa pang pangkat ng mga tao ay walang pagkukusa na tanggapin na si Yahushua ay ang Mesias. Ang ilan ay ibinatay ang kanilang kawalan ng paniniwala sa hindi tumpak na impormasyon:
Juan 7:40-43 Nang marinig ng ilang tao ang mga salitang ito, sinabi nila, “Tunay na ito nga ang propeta.” 41 Ang iba’y nagsabi, “Ito ang Kristo.” Subalit sinabi ng ilan, “Sa Galilea ba manggagaling ang Kristo? 42 Hindi ba sinabi ng kasulatan na ang Kristo ay magmumula sa lahi ni David at sa Bethlehem na pinanggalingan ni David?” 43 Kaya nagkaroon ng pagkakahati sa mga tao dahil sa kanya.
Ang mga tao ay pamilyar sa propesiya ni Mikas na si Kristo ay lilitaw mula sa Bethlehem.2 Nangatuwiran sila na hindi niya natugunan ang propetikong kinakailangan sapagkat si Yahushua ay tinawagan na taga-Nazaret3 at hindi taga-Bethlehem. Anong hindi nila nalalaman ay si Yahushua ay isinilang sa Bethlehem. Kung naitanong nila sa kanyang mga malapit na alagad o maging si Yahushua mismo tungkol sa kanyang karanasan, matutuklasan nila na tinupad niya ang propesiya ni Mikas. Subalit bigo sila na siyasatin ang bagay na ito nang puspusan. Ang kanilang kamangmangan sa mga katunayan, kahit papaano sa bahagi, ang nagpapalayo sa kanila mula sa paniniwala na si Yahushua ay ang Kristo.
“Pagsikapan mong maging karapat-dapat kay Yahuwah, isang manggagawang walang anumang dapat ikahiya, at matapat sa pagtuturo ng katotohanan.” (2 Timoteo 2:15)
|
Ang iba ay tumanggi na maniwala kay Yahushua, hindi sa kamangmangan ng kanyang pinagmulan, kundi ng kamangmangan sa Kasulatan. Nagpapatuloy sa Juan 7, mababasa natin na kapag ang mga pangrelihiyong lider ay narinig na ang mga tao na sumampalataya kay Yahushua dahil sa mga himala na isinasagawa niya, sila’y nagalit at tumugon sa pagpapadala ng mga opisyal upang dakpin si Yahushua at ipresenta siya sa konseho.4 Ang kanilang paniniwala ay batay sa maraming salik, kabilang ang mga katalusang pagkiling, ngunit ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa Kasulatan ay malakas na nag-ambag rito. Sila’y mga dalubhasa sa kautusan, ngunit mali sila tungkol sa mga bagay na itinuro ng Kasulatan:
Juan 7:44-53 May ilang nais dumakip sa kanya, subalit walang nangahas na gawin iyon. 45 Bumalik ang mga kawal sa mga punong pari at mga Pariseo na nagsabi sa kanila, “Bakit hindi ninyo siya dala?” 46 Sumagot ang mga kawal, “Wala pa pong nakapagsasalita na tulad ng taong iyon.” 47 Tinanong sila ng mga Pariseo, “Pati ba kayo ay nalinlang na? 48 Mayroon bang mga pinuno o mga Pariseong naniwala sa kanya? 49 Ngunit ang mga taong ito na walang nalalaman sa kautusan ay mga sinumpa.” 50 Si Nicodemo na nagpunta noon kay Yahushua, at isa rin sa mga kasamahan nila, ay nagsabi sa kanila, 51 “Hinuhusgahan ba ng batas natin ang isang taong hindi man lamang natin napapakinggan at inaalam ang kanyang ginagawa?” 52 Sumagot sila sa kanya, “Taga-Galilea ka rin ba? Magsaliksik ka at malalaman mong walang propetang magmumula sa Galilea.” 53 At nagsiuwi na ang lahat.
Ang mga punong pari at mga Pariseo ay lubos ang kaalaman tungkol sa kautusan (Kasulatan), naglalaan ng maraming dekada ng pag-aaral, pagtuturo, at pagsasabuhay nito. Mababa ang tingin nila sa mga hindi nalalaman ang kanilang nalalaman, tinatawag pa nga sila na “mga sinumpa.” Kapag sa katunayan, sila ang mga sinumpa dahil sa pagtanggi kay Yahushua bilang Mesias ni Yahuwah. Kumpiyansa silang nanindigan na walang propeta ang nagmula sa Galilea, at sapagkat si Yahushua ay mula sa Nazaret sa Galilea, hindi maaari ang Kristo. Hinamon pa nga nila si Nicodemo, isa ng kanilang uri, upang magsaliksik ng Kasulatan at makikita na sila ang tama. Subalit sila’y patay mali sa hindi bababa sa dalawang bilang. Si Jonas, ang propeta na naglaan ng tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng balyena, ay mula sa Galilea, Gat Hefer,5 upang maging eksakto, natagpuan na mababa pa sa limang milya mula sa Nazaret.6 Sila rin ay nagkamali tungkol sa propeta na si Yahushua sapagkat ang taga-Galilea na ito ay ang ipinangakong Mesias.
Ang parehong pangkat ng mga tao, ang madla at ang mga pangrelihiyong lider, ay tinanggihan si Yahushua bilang Kristo batay sa, kahit papaano sa bahagi, sa kanilang hindi pagkakaunawaan ng kung sino si Yahushua at anong sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Kristo. Ano ang maaari nating matutunan mula sa kanilang malubhang kamalian?
Ang Kumpiyansa At Sinseridad Ay Hindi Garantiya Ng Pagiging Totoo
Ang kumpiyansa ay hindi isang pananda ng pagiging totoo. Ganon din ang sinseridad. Maaari kang maging kumpiyansa tungkol sa isang bagay ngunit nananatiling mali.
|
Ang kumpiyansa ay hindi isang pananda ng pagiging totoo. Ganon din ang sinseridad. Maaari kang maging kumpiyansa tungkol sa isang bagay ngunit nananatiling mali. Naunawaan ng apostol na si Pablo ang panganib ng mga kumpiyansang nagsasalita tungkol sa Kasulatan ngunit hindi nalalaman kung ano ang tungkol sa sinasabi nila:
1 Timoteo 1:6-7 Tinalikuran na ng ilan ang mga bagay na ito at bumaling sa mga usaping walang-saysay. 7 Nais nilang maging mga tagapagturo ng Kautusan kahit hindi nila nauunawaan ang kanilang mga sinasabi ni ang mga bagay na buong tiwala nilang ipinapangaral.
Ang mga Kristyano ay hilig na tiwala sa pagkakaunawa ng anong sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Yahushua. Ngunit marami ang binabasa ito sa pamamagitan ng prisma ng tradisyon ng Simbahan at hindi sa paanong nasusulat ang mga ito, nagreresulta sa isang baluktot na pananaw ng tao na itinaas ni Yahuwah sa Kanyang kanang kamay.
Maaaring Mali Ang Mga Iskolar
Sa kasamaang-palad, hindi lamang ang mga naghahangad na mga guro ng Bibliya ay maaaring magkamali; ang mga natutong iskolar ay maaari ring magkamali. Si Pablo, isang Pariseo na nag-aral sa ilalim ng tanyag na rabi na si Gamaliel, ay maaaring matukoy ang huling nabanggit.7 Bago umaamin na si Yahushua ang Panginoon at Mesias, siya ay tiwala na ang taga-Nazaret na ito ay hindi ang Kristo. Siya ay lubos na kumpiyansa kaya agresibo niyang tinutugis ang mga Kristyano gaya ng mga hayop upang usigin sila at, noong ang panahon ay dumating, inilalabas ang kanyang pasya pabor sa pagbitay sa kanila.8 Bagama’t siya ay sinanay sa Kasulatan, si Pablo, gaya ng mga Pariseo sa Juan 7, ay mali ukol sa kung sino si Yahushua. Kaya dahil dito, ang pormal na teolohikal na edukasyon ay hindi isang garantiya ng katotohanan at hindi rin lusot ang isa mula sa kamalian, maging malubhang kamalian.
Kapag Ang Iyong Pagkakaunawa Ay Hinamon, Bumalik Sa Bibliya
Kapag ang mga Pariseo ay hinamon ng mga mababa ang edukasyon, sila’y bigo sa pagpapakumbaba sa kanilang sarili at isinasaalang-alang ang posibilidad na maaari silang mali. Ngunit, gaya ng isa na minsang sinabi, kung hindi ka bukas sa pagiging mali, hindi ikaw nakatuon na malaman ang totoo. Isinulat ni Pablo ang isang pag-ibig sa katotohanan ay mahalaga sa kaligtasan.9 Hindi nakakagulat dahil dito na si Yahushua ay sinabi na ang Ama ay naghahangad ng mga mananamba na sasamba sa Kanya sa espiritu at katotohanan:
Ang mga Pariseo ay nagkulang ng pag-ibig sa katotohanan. Bigo sila na siyasatin ang mga sipi tungkol sa Mesias, umaasa sa halip sa anong itinuro sa kanila o ang kanilang kakayahan na alalahanin ang Kasulatan nang tama.
|
Juan 4:23-26 “Ngunit ang oras ay dumarating, at ngayon na nga, kung saan ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat ganito ang hinahanap ng Ama na sasamba sa Kanya. 24 Si Yahuwah ay espiritu, at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.” 25 Sinabi ng babae sa kanya, “Alam kong darating ang Mesiyas, siya na tinatawag na Kristo; sa pagdating niya, ipaliliwanag niya sa amin ang lahat ng bagay.” 26 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Ako mismong nagsasalita sa iyo ang tinutukoy mo.”
Ang mga Pariseo ay nagkulang ng pag-ibig sa katotohanan. Bigo sila na siyasatin ang mga sipi tungkol sa Mesias, umaasa sa halip sa anong itinuro sa kanila o ang kanilang kakayahan na alalahanin ang Kasulatan nang tama. Sila’y walang pagkukusa na isalang sa pagsusulit ang kanilang pinapaborang paradigma laban sa salita ni Yahuwah.
Nakakahiya, bilang mga guro, sila’y hindi naglalaan ng panahon na matiyagang talakayin ang bagay sa mga tao na naiisip nila na nasa kamalian. Sa halip ng pagsasalita ng patotoo sa pag-ibig,10 sila’y humagupit sa galit at isinumpa sila. May anumang pagtataka ba na si Santiago ay nagsulat na ang mga guro ay magtatamo ng isang mas mahigpit na paghatol?11 Ang babala na iyon ay dapat na mag-udyok sa atin na magpakumbaba at baka magkamali tayo sa ating mga kumpiyansang paninindigan.
Napakaraming bagay ang maaaring magpalayo sa atin mula sa pagtingin na si Yahushua ay ang tunay at hindi ang sinasabi ng mga kredo sa atin kung sino siya. Ang ating kamangmangan ng kasaysayan ng Simbahan ang nagpapaliwanag nang mali sa Kasulatan, at isang kawalan ng pagkukusa na lubusang siyasatin ang isang bagay na maaaring lumilikha ng mga hadlang na humaharang sa atin mula sa pagtingin sa unang siglo na Yahushua sa lahat ng kanyang pagiging tao at awtoridad na ipinagkaloob sa kanya ni Yahuwah. Ngayon, higit pa sa lahat, dapat tayong magpakumbaba at makiusap kay Yahuwah na buksan ang ating mga mata at magbigay sa atin ng pagkakaunawa.12
1 Juan 7:31.
2 Mikas 5:2.
3 Marcos 10:47; 14:67; 16:6, Mga Gawa 2:22; 4:10, 22:8, etc.
4 Juan 7:32, 44-45.
5 2 Mga Hari 14:25.
6 Ang International Standard Bible Encyclopedia ay inilalagay ang Gat Hefer (Gith-hepher) nang dalawang milya mula sa Nazaret. https://biblehub.com/topical/g/gath-hepher.htm Habang ang Easton’s Bible Dictionary ay sinasabi na ito’y humigit-kumulang limang milya mula sa bayan ni Yahushua. https://www.biblestudytools.com/dictionary/gath-hepher/
7 Filipos 3:5; Mga Gawa 22:3, 19-20; 26:5.
8 Mga Gawa 8:3; 22:4-5; 26:9.
9 2 Tesalonica 2:10.
10 Efeso 4:11-16.
11 Santiago 3:1.
12 Awit 119:18, 144.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/confidently-wrong-about-Jesus/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC