Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Kung si Yahushua ay Diyos at ang ikalawang kasapi ng isang tatluhang katauhan, na tuluyang tinutukoy ng mga ikaapat na siglong konseho, inaasahan natin siya na kikilos sa isang paraan na alinsunod sa isang banal na kalikasan. Bilang isang diyos, inaasahan natin si Yahushua na pumarito sa kanyang ngalan, iyon ay, upang kumilos sa kanyang awtoridad, ayon sa kanyang sariling kalooban o determinasyon. Anong matatagpuan natin sa Kasulatan, gayunman, ay parehong hindi ginawa ni Yahushua ang mga ito. Sa halip, sinabi ni Yahushua na naparito siya sa ngalan ng kanyang Ama:
Juan 5:43 “Naparito ako sa ngalan ng aking Ama, at hindi ninyo ako tinatanggap; subalit kung may isang darating sa sarili niyang pangalan, siya’y inyong tatanggapin.
Ano Ang Ibig Sabihin Ng Pagparito Sa Ngalan Ng Isa?
“Naparito ako sa ngalan ng aking Ama, at hindi ninyo ako tinatanggap; subalit kung may isang darating sa sarili niyang pangalan, siya’y inyong tatanggapin.” (Juan 5:43)
|
Ano ang ibig sabihin ni Yahushua noong sinabi niya na naparito siya sa ngalan ng kanyang Ama? Ayon sa Biblikal na iskolar na si D. A. Carson, ang idyoma na pagparito sa ngalan ng isa sa kontekstong ito ay nangangahulugan na pumarito si Yahushua “bilang emisaryo ng kanyang Ama.”1 Si Andrew Murray, misyonaryo, pastor, at may-akda, ay detalyado sa Biblikal na paggamit ng parirala sa kanyang aklat na In My Name:
Ano ang isang ngalan ng tao? Ang salita o ekspresyon kung saan ang tao ay tinawag o kumatawan sa atin. Tuwing magbabanggit ako o naririnig ang isang pangalan, tinatawag nito ang buong katauhan, anong nalalaman ko sa kanya, at ang sapantaha na ginawa niya sa akin. Ang pangalan ng isang hari ay isinasama ang kanyang karangalan, kapangyarihan, at kaharian. Ang kanyang pangalan ay ang simbulo ng kanyang kapangyarihan…At ano ang kinalaman nito sa ngalan ng iba pa? Ito ay para pumarito nang may kapangyarihan at awtoridad ng iba, ang kanyang kinakatawan at panghalili.2
Pagkaahente
Nagbibigay sa atin ang Kasulatan ng halimbawa ng mga propeta na dumating bilang mga ahente o kinatawan ni Yahuwah, tinataglay ang pangalan ni Yahuwah. Halimbawa, ang propeta na si Daniel ay kinilala na ang bayan ng Israel ay bigo na makinig sa mga isinugo ni Yahuwah sa Kanyang pangalan: 3
Daniel 9:6 “Na hindi man kami nangakinig sa Iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsalita sa Iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, at sa buong bayan ng lupain.
Sa nasusunog na palumpong, inatasan ni Yahuwah si Moises na magsalita sa Kanyang ngalan sa kapwa niya mga Israelita at paraon ng Egipto.4 Kinamamayaan, noong ang mga Israelita ay naghahanda na pumasok sa ipinangakong lupain, nahulaan ni Yahuwah na magsusugo siya ng isa pang propeta, katulad ni Moises, na itatalaga rin upang kumatawan sa Kanya:
Deuteronomio 18:18-19 ‘Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. 19 ‘At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.
Si Yahushua ay ang ipinangakong propeta na dumating sa pangalan ni Yahuwah, nagsasalita lamang ng mga salita na ibinigay ni Yahuwah sa kanya upang salitain.
|
Si Yahushua ay ang ipinangakong propeta5 na dumating sa pangalan ni Yahuwah, nagsasalita lamang ng mga salita na ibinigay ni Yahuwah sa kanya upang salitain:6
Juan 17:6-8 “Inihayag ko ang Iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila ay sa Iyo, at ibinigay mo sila sa akin, at sinunod nila ang Iyong salita. 7 “Ngayon, alam na nilang ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay galing sa iyo; 8 sapagkat ang mga salitang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila, at tinanggap nila ang mga ito. Nalaman nilang totoo nga na ako’y mula sa Iyo, at naniwala silang ako’y isinugo mo.7
Hindi lamang ang ipinangakong propeta si Yahushua, siya rin ang ipinangakong pastol.8 Nahulaan ni Yahuwah sa pamamagitan ni Mikas na magsusugo Siya ng isang tao upang maging pastol ng bayan “sa kamahalan ng pangalan ni Yahuwah niyang Diyos.” Ang pastol na ito ay, sa katunayan, maghahari para kay Yahuwah (hindi bilang Yahuwah na naunawaan at sa huli’y isasa-teorya).9 Ang madla na nagtipon sa labas ng Jerusalem upang ihatid si Yahushua tungo sa siyudad sa kasalukuyang ipinagdiriwang na Araw ng mga Palaspas, ay naunawaan na si Yahushua ang mamumuno na isinugo sa ngalan ni Yahuwah:
Juan 12:13 Kaya kumuha sila ng mga sanga ng puno ng palma at lumabas sila upang salubungin siya. Nagsigawan sila, “Hosanna! PINAGPALA ANG DUMARATING SA PANGALAN NG PANGINOON, ang Hari ng Israel!”
Mismo, si Yahushua ang piniling hari ni Yahuwah (Isaias 42:1; Mateo 12:18) na dumating sa pangalan o ang awtoridad ng PANGINOON [Yahuwah]. Sa kabutihan ng kanyang pagkaahente, ginawang malinaw ni Yahushua na ang pagtanggap sa kanya ay nangangahulugan na tinanggap mo ang Isa na nagsugo sa kanya:
Marcos 9:37 “Ang sinumang tumatanggap sa maliit na batang tulad nito sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. At sinumang tumatanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.”
Ano Ang Masasabi Ng Mga Iskolar?
Ang mga orthodox na iskolar ay mabilis na nakikilala na noong sinabi ni Yahushua sa Juan 5:43 na pumarito siya sa ngalan ng kanyang Ama, ito’y nangangahulugan na dumating siya na kumakatawan kay Yahuwah.
|
Ang mga orthodox na iskolar ay mabilis na nakikilala na noong sinabi ni Yahushua sa Juan 5:43 na pumarito siya sa ngalan ng kanyang Ama, ito’y nangangahulugan na dumating siya na kumakatawan kay Yahuwah:
Ellicott’s Commentary for English Readers – Naparito ako sa ngalan ng aking Ama. —Napakalayo mula sa paninindigan sa sarili o paghahangad ng karangalan, dumating siya sa ngalan ng, gaya ng kinatawan, ang Ama, ginabayan lamang sa pamamagitan ng Kanyang kalooban, ginagawa lamang ang Kanyang mga gawa (Juan 4:34).10
Gill’s Exposition of the Entire Bible – Naparito ako sa ngalan ng aking Ama,… Kapangyarihan at awtoridad; sa pamamagitan ng kanyang kapahintulutan, sa kanyang kalooban, at ayon sa isang tipan sa kanya: hindi pumarito si Kristo sa kanyang sarili, ng kanyang sariling pagkukusa, sa isang hiwalay na kapangyarihan at sarili niyang kalooban, kundi tinawagan, at isinugo, at dumating sa kapwa kasunduan; at hinatid ang kanyang mga katibayan, ginagawa ang mga gawa at himala na ipinagkaloob sa kanya ng Ama upang tuparin.11
Expositor’s Greek Testament – Ito lamang ay dahil ako’y naparito sa ngalan ng Ama at hindi ninyo ako tinatanggap. Hindi tunay na iniibig ang Diyos, hindi nila maaaring tanggapin at pahalagahan si Yahushua na dumating sa ngalan ng Diyos, iyon ay, tunay na kumatawan sa Diyos.12
Craig S. Keener, The Gospel of John – Tinanggihan si Yahushua bagama’t dumating siya sa ngalan ng Ama (5:43a) ay nagpapahiwatig na ang kanyang mga kaaway ay tinatanggihan ang Diyos, sapagkat upang dumating sa ngalan ng Ama ay nangangahulugan na dumating bilang Kanyang kinatawan (ikumpara sa Juan 12:13).13
Malayang inamin ni Yahushua na pumarito siya bilang kinatawan ni Yahuwah ngunit hindi kailanman ipinahayag na siya si Yahuwah. Sa halip, dumating siya bilang isa na isinugo sa pamamagitan ng awtoridad ni Yahuwah ang Ama, “ginabayan lamang sa pamamagitan ng Kanyang kalooban, ginagawa lamang ang Kanyang mga gawa.”14
Ang Mga Gawa Ay Patunay Na Si Yahushua Ay Dumating Sa Ngalan Ni Yahuwah
Ilan ay mali ang pagpapalagay na ang mga mahimalang gawa ni Yahushua na isinagawa sa isang likas na banal na kapangyarihan. Gayunman, sinabi sa atin na si Yahuwah ang gumagawa sa pamamagitan ni Kristo Yahushua:15
Juan 10:24-25 Pinaligiran siya ng mga Hudyo at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang malinaw.” 25 Sumagot si Yahushua sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo naniniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin.
Marami ang tumanggi na maniwala na si Yahushua ay isang tao na dumating sa ngalan ng kanyang Diyos, iginigiit sa halip na siya si Yahuwah na dumating bilang isang tao. Ngunit kung si Yahushua ay Diyos, bakit hindi siya dumating sa kanyang sariling banal na pangalan at tunay na awtoridad?
|
Ang mga gawa ni Yahushua ay patunay na siya ang Kristo na dumating sa ngalan ni Yahuwah, ngunit sila’y hindi naniwala sa kanya. Sa kasamaang-palad, isa pang uri ng kawalan ng paniniwala ang nagaganap ngayon. Marami ang tumanggi na maniwala na si Yahushua ay isang tao na dumating sa ngalan ng kanyang Diyos, iginigiit sa halip na siya si Yahuwah na dumating bilang isang tao. Ngunit kung si Yahushua ay Diyos, bakit hindi siya dumating sa kanyang sariling banal na pangalan at tunay na awtoridad? Bakit ang inakalang ikalawang kasapi ng Trinidad, isang bagay na hindi kailanman sinasalita ng Bibliya, ay dumarating bilang isang kinatawan ng unang kasapi ng Trinidad? Dagdag pa, bakit hindi siya dumating bilang isang kinatawan ng Espiritu Santo? O ang buong Trinidad, para sa bagay na iyon? Ito’y dahil ang Trinidad ay isang matapos ang Biblikal na pag-unlad na sumasalungat sa Kasulatan.16 Si Yahushua mismo ay sinabi na ang Ama ay ang tanging tunay na Diyos, habang siya ang Kristo na isinugo ni Yahuwah.17 Tunay nga, ang patotoo ni Yahushua ay mapagkakatiwalaan.
Ilan ay aangkinin na ang Filipos 2 ay nagpapahiwatig na si Yahushua ay isinantabi ang isang isinateoryang kalikasan ng Diyos, sapagkat ang ilan ay ipinapaliwanag ang sipi upang manguhulugan na pagpili sa halip na dumating sa ilalim ng awtoridad ng kanyang Ama. Ngunit ang konteksto ay nagpapakita na ang sipi ay mas mabuting naunawaan upang mangahulugan na si Yahushua ay isinantabi ang mga karapatan at pribilehiyo na ibinigay sa kanya bilang Kristo ni Yahuwah (Mesias), iyon ay, ang itinalagang hari, upang magtakda ng isang halimbawa ng pagiging mapagpakumbabang lingkod.
Paulit-ulit na itinuturo ng Kasulatan na si Yahushua ay hindi dumating sa kanyang pagkukusa o awtoridad; sa halip, ang kanyang mensahe at ang mga gawa na isinagawa niya ay dahil isinugo siya ni Yahuwah at gumagawa sa pamamagitan niya. Ang pastor at Biblikal na iskolar na si Matthew Poole ay may pakahulugan ng Juan 5:43 na nagbubuod ng patotoong ito nang mabuti:
Ako’y naparito na nakadamit ng isang kapangyarihan mula sa aking Ama, isinugo niya para sa mismong layunin na ito, upang ipakita ang kanyang kalooban sa mga tao para sa kanilang kaligtasan; ako’y nagsasalita, wala akong ginagawa kundi sa awtoridad ng aking Ama na nagsugo sa akin; hindi ko nilalayon ang sarili kong karangalan, kundi ang karangalan Niya na nagsugo sa akin: subalit hindi kayo nagbibigay ng kredito sa aking mga salita, hindi ako niyayakap, sapagkat siya na isinugo ni Yahuwah para sa Kaligtasan ng tao.18
Nagpapatuloy ang orthodoxy na ipatupad ang matapos ang Biblikal na pananaw nito sa isang tao na taga-Nazaret sa kabila ng madalas ulitin na patotoo na siya ang kinatawan ni Yahuwah ang Ama, hindi si Yahuwah mismo:
Juan 5:43 “Naparito ako sa ngalan ng aking Ama, at hindi ninyo ako tinatanggap; subalit kung may isang darating sa sarili niyang pangalan, siya’y inyong tatanggapin.
1 D.A. Carson, The Gospel According to John, Vol. 43, (Grand Rapids: Wm B. Eerdmans Publishing, 1991), p. 505.
2 Andrew Murray, In My Name, (Henry Altemus Company, Philadelphia, 1896), p. 4.
3 Subalit para sa mga sinabi na sila’y pumarito sa ngalan ni Yahuwah, ngunit hindi isinugo Niya, nag-utos si Yahuwah ng isang nakamamatay na pagsaway. Deuteronomio 18:20-22.
4 Exodo 3:10-22; 5:23.
5 Mga Gawa 3:22-26; 7:37 at 52; Juan 6:14; 7:40; 9:17; Mateo 21:11; 23:37-39; Lucas 7:16; 24:19.
6 Juan 7:14, 16; 8:26, 28, 38, 40; 12:49-50; 14:10, 24; 17:6-8.
8 Juan 10:11, 14.
9 Ilan ay ipinapaliwanag ang berso 2 upang mangahulugan na si Yahushua ay umiral bago isilang sa langit bilang Yahuwah. Gayunman, ang parirala na “ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan,” ay nagpapahiwatig na ang taong lider ay isang bahagi ng plano ni Yahuwah mula pa bago nilikha ang pundasyon ng sanlibutan, hindi iyong si Yahushua ay literal na umiral bago isilang. Tingnan rin ang Mga Gawa 2:23; 1 Pedro 1:20; Pahayag 13:8.
10 Ellicott’s Commentary for English Readers, https://biblehub.com/commentaries/john/5-43.htm
11 Gill’s Exposition of the Entire Bible, https://biblehub.com/commentaries/john/5-43.htm
12 Expositor’s Greek Testament, https://biblehub.com/commentaries/john/5-43.htm
13 Craig S. Keener, The Gospel of John: A Commentary, Volume 1 (Grand Rapids: Baker Academic, 2012), p. 660.
14 Ellicott’s Commentary for English Readers, https://biblehub.com/commentaries/john/5-43.htm
15 Mga Gawa 2:22; 10:38; 14:10; Juan 5:36, atbp.
16 1 Corinto 8:6; 1 Timoteo 2:5; Efeso 4:6; Juan 17:1,3.
17 Juan 17:1, 3.
18 Matthew Poole’s Commentary, https://biblehub.com/commentaries/john/5-43.htm
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/in-my-fathers-name/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC