Print

Constantine I at Hillel II: Dalawang Tao na Nanlinlang sa Buong Mundo

2 Tao [Constantine + Hillel] ÷ 2 Adyenda = 1 Dakilang Panlilinlang
 

 

Noong ikaapat na siglo C.E., ang sinaunang Sabbath ay pinalitan ng araw ng Sabado
sa pamamagitan ng isang pagbabago sa mga kalendaryo.

Isa sa pinakamalaking pandaraya sa kasaysayan ng daigdig ay ginawa halos 1,700 taon ang nakalipas ng mga kilos ng dalawang tao. Ang Romanong emperador, si Constantine, ay nakatuon sa isang kahanga-hangang gawa: pinagkaisa niya ang kanyang imperyo sa pagtataguyod sa araw ng Linggo bilang araw ng muling pagkabuhay ni Yahushua at ipinagbawal ang paggamit ng kalendaryong Biblikal para sa pagkalkula ng Paskua. Ito’y nagpaandar ng isang serye ng mga epekto. Ang Hudyong lider na si Hillel II ay tumugon sa pag-uusig kasunod ng pagsasabatas na ito sa isang pagbabago ng kalendaryong Biblikal. Pinalitan ang tunay na Sabbath ng isang paganong araw ng Sabado. Ito ay isang kadena ng mga aksyon at mga reaksyon ng dakilang sukat. Ang pagpapakupkop ay nagpapatuloy sa ngayon sa bawat Kristyano at Hudyo na sumasamba sa kalendaryong Gregorian.

GAWA

 

Constantine

Ang ikaapat na siglo ay isang malawak na dagat ng pagbabago sa magulong alon ng karagatan ng kasaysayan. Ang Kristyanismo ay nakakuha ng mas malaking presensya sa Imperyong Romano, habang ang paganismo ay nanatiling naghaharing impluwensya. Ang oras ay hinog na para sa isang tao na may kapangyarihan at pagkukusa na samantalahin ang isang natatanging panahon sa kasaysayan.

Si San Constantino ang Dakila (c. 272 – 337 C.E.) ay malawak na kinilala bilang pinakaunang “Kristyano” na emperador ng Imperyong Romano. Ang katunayan ay siya ay, una at nangunguna, isang pagano. Pinahintulutan niya ang kanyang sarili na bautismuhan sandali bago ang kanyang kamatayan, ngunit pinanatili niya ang posisyon bilang pinuno ng relihiyon ng Estado at taglay ang titulo nito, Pontifex Maximus, hanggang sa kanyang kamatayan.[1] Maging ang mga Katoliko ay inamin na si Constantine ay pinanatili ang opisina ng pontifex maximus matapos ang kanyang tinatawag na “paglipat.”[2]

Si Constantine ay isang napakatalinong estratehista na may natatanging pulitikal na adyenda. Nais niya na pag-isahin ang dalawang pinakamaimpluwensyang pangkat sa kanyang imperyo: mga pagano at mga Kristyano. Ang mga Hudyo ay isang hinamak na minorya na ang impluwensya ay dapat na pigilan at ituring na hindi mahalaga. Kaya ang mga pagsisikap ni Constantine na pagkaisahin ang imperyo ay nakatuon sa paghahanap ng karaniwang batayan na pagsamahin ang mga pagano at kanluran, pinaganong mga Kristyano. Nakita niya ito sa araw ng Linggo ng paganong, planetaryong sanlinggo.

Ang sinaunang kalendaryong Julian, gaya ng sa Republikang Romano bago nito, ay mayroong walong araw na sanlinggo. Ang mga letrang A hanggang H ay kumakatawan sa mga araw ng sanlinggo. Sa panahong iyon, ang iba’t ibang bansa ay gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagpapanatili ng oras at sa loob ng Imperyong Romano mismo, mayroong pangrehiyon na pagkakaiba sa kalendaryong Julian. Ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay dumating sa Roma noong unang siglo B.C.E.[3]

Sa kabila ng paglitaw ng planetaryong sanlinggo, ang sinaunang kalendaryong Julian ay nagpatuloy sa paggamit ng isang walong araw na sanlinggo sa ilang panahon. “Ang nundinal [walong-araw] na pag-ikot ay pinalitan sa huli ng modernong pitong araw na sanlinggo, na unang dumating sa paggamit sa Italya sa panahon ng maagang imperyong panahon,[4] matapos ang kalendaryong Julian ay naging epektibo noong 45 BC. Ang sistema ng mga letrang nundinal ay inampon para sa [pitong araw na] sanlinggo.... Sa sandali, ang sanlinggo at ang nundinal [walong araw] na pag-ikot ay kapwa umiiral, ngunit sa panahon na ang sanlinggo ay opisyal na pinagtibay ni Constantine noong AD 321, ang nundinal [walong araw] na pag-ikot ay hindi na ginamit.”[5] Habang ang paganong planetaryong sanlinggo ng pitong araw ay nakilala ng mga Romano at ginamit nang pangrehiyon, ang kalendaryong Julian sa paggamit sa panahon at agarang kasunod ng buhay ni Yahushua, ay patuloy na gumamit ng walong araw na sanlinggo.

Ang katunayang ito ay itinaguyod ng arkeolohikong ebidensya: ang Julian fasti na patuloy na umiiral ngayon ay ipinapakita ang mga sanlinggo ng walong araw o parehong walong araw at pitong araw na mga sanlinggo sa kaparehong kalendaryo.

Ang pagbagsak ng walong araw na sanlinggo ay sumabay sa pagpapalawak ng Roma. . . . Ang mga astrolohiko [planetaryo] at Kristyanong pitong-araw na sanlinggo na ipinakilala sa Roma ay nagiging tanyag rin. Mayroong ebidensya na nagpapahiwatig na ang Romanong walong araw na sanlinggo at ang dalawang pitong araw na pag-ikot ay sabay na ginamit sa ilang panahon. Gayunman, ang pag-iral ng dalawang sanlingguhang ritmo na tuluyang nawalan ng yugto sa isa pa ay halatang hindi maaaring manatili nang matagal. Isa sa kanila ay malinaw na nagbigay ng daan. Sapagkat nalalaman nating lahat, ang walong araw na sanlinggo ay ang dagling naglaho mula sa mga pahina ng kasaysayan magpakailanman.[6]

Ito ay hindi isang agarang pagbabago. Habang ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay naging mas tanyag, ang paggamit ng mga letra (A hanggang G) na magtatalaga sa mga araw ay isinantabi at ang mga araw ng sanlinggo ay ipinangalan sa mga planetaryong diyos.

Hindi dapat pagdudahan na ang paglaganap ng mga misteryo o nakatagong kaalaman ng taga-Iran [taga-Persia] ay mayroong malaking bahagi sa pangkalahatang pagtanggap, ng mga pagano, sa buong sanlinggo na ang araw ng Linggo ay ang banal na araw. Ang mga pangalan na ating ginamit, na hindi namamalayan, para sa iba pang mga anim na araw, ay kasabay na ginamit sa panahon na dumami ang tagasunod sa Mithraismo sa mga lalawigan ng Kanluran, at ang isa ay hindi dapat maging madahas o pabigla-bigla sa pagtataguyod ng isang kaugnayang pagkakataon sa pagitan ng tagumpay at ng kaakibat na kababalaghan.[7]

Ang arkeolohikong ebidensya ay ipinapakita ang mga Kristyano ay dinodoble ang petsa ng kanilang mga inskripsyon sa libingan, nagbibigay ng parehong petsa sa solar na Julian at katuwang na petsa sa Biblikal na kalendaryong luni-solar. Ang ganoong inskripsyon, ipinetsa ng araw ng Biyernes, Nobyembre 5, 269 C.E. ay ipinahayag: “Sa konsulado nina Cladius at Paternus, sa mga Nones ng Nobyembre, sa araw ni Venus, at sa ika-24 na araw ng buwang lunar, inilagay ni Leuces [ang memoryal na ito] sa kanyang minamahal na anak na si Sevra, at sa Iyong Banal na Espiritu. Namatay siya [sa edad] na 55 taon, at 11 buwan, [at] 10 araw.”[8]

Romanong Nakadikit na Kalendaryo mula sa mga Paliguan ni TitusAng nakadikit na kalendaryong ito mula sa mga Paliguan ni Titus, itinayo noong 79 – 81 C.E. ay ipinapakita si Saturn, hawak ang kanyang karit, bilang diyos ng unang araw ng sanlinggo (Sabado). Ang diyos ng araw ay sumunod (Linggo), sinundan ng diyosa ng buwan (Lunes) sa ikatlong araw ng sanlinggo.

Ito ang kalagayan na sinamantala ni Constantine para sa pagsusulong ng kanyang pulitikal na adyenda. Ito ay isang pinong pagbabalanseng gawa na pumabor sa paganong pangkat nang higit sa mga Kristyano. Una, pinagtibay niya ang serye ng mga batas na nagpaparangal sa araw ng Araw, dies Solis, o araw ng Linggo. Sa orihinal na planetaryong sanlinggo, ang araw ng Sabado sa katunayan ang unang araw ng sanlinggo. Ang araw ng Linggo ay ang ikalawang araw ng sanlinggo at ang araw ng Biyernes ay ang ikapitong araw.

Ang araw, gayunman, ay ang personal na simbulo ni Constantine. Mayroon siyang Sol Invictus (Araw na Hindi Malupig) na nakasulat sa kanyang mga barya at ito ay nanatiling personal na moto sa buong buhay niya. Ang pagtatangi ng araw ng Linggo ay katanggap-tanggap sa mga pagano at isang bagay kung saan ang ilan sa mga Kristyano ay nakompromiso na. Sa ikalawang siglo, maraming mga Kristyano (lalo na sa kanluran) ay dumating na sa pagtatangi ng araw ng Linggo bilang araw ng muling pagkabuhay ng Tagapagligtas. Ito ang pagbubukas na kailangan ni Constantine para sa pag-iisa ng paganismo at Kristyanismo.

Ang batas ng Linggo ni Constantine ay hindi dapat labis na pahalagahan. Inutos niya ang pagtalima, o sa halip ay ipagbawal ang pampublikong pagpapahiya ng araw ng Linggo, hindi sa ilalim ng pangalan ng Sabbatum [Sabbath] o dies Domini [araw ng Panginoon], kundi sa ilalim ng lumang astrolohiko at paganong titulo, dies Solis [Linggo], pamilyar sa lahat ng kanyang mga paksa, kaya ang batas ay naaangkop sa mga sumasamba kay Hercules, Apollo, at Mithras, gayon din sa mga Kristyano. Walang sanggunian ano pa man sa kanyang kautusan alinman sa ikaapat na utos o sa muling pagkabuhay ni Kristo.[9]

Itinuring si Constantine na isang Kristyano dahil sa kanyang batas ng Linggo ngunit ang kanyang “batas ng Linggo” ay sadyang hindi tiyak. Nais niya ito na katanggap-tanggap sa parehong mga pagano at mga Kristyano.

Paano ang ganoong kautusan ay ibig na isulong ang mga disenyo ni Constantine ito’y hindi mahirap na matuklasan. Ito’y maggagawad ng isang espesyal na parangal sa mga pagdiriwang ng simbahang Kristyano, at ito’y magbibigay ng bahagyang pakinabang sa mga pagano mismo. Sa katunayan, wala sa utos na ito ang maaaring isulat ng isang pagano. Ang kautusan ay pinararangalan ang paganong diyos na inampon ni Constantine bilang kanyang espesyal na diyos na patron, Apollo o ang Araw. Ang mismong pangalan ng araw ay ipinahiram mismo sa kalabuan. Ang terminong araw ng Linggo (dies Solis) ay ginamit sa mga Kristyano gayon din sa mga pagano.[11]

Ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay ang sasakyan para sa pagbabago. Ang parehong walong araw na sanlinggong Julian at ang pitong araw na sanlinggong Biblikal ay isinantabi para sa planetaryong sanlinggo ng Mitraismo. Ang sanlinggong ito ay dumating mula sa paganismo, hindi sa Bibliya gaya ng ipinapalagay ng mga Kristyano ngayon. “Ang panahon ay hinog na para sa pagkakasundo ng estado at simbahan, bawat isa’y kailangan ang iba. Ito ay isang kudlit ng kadalubhasaan kay Constantine na matanto ito at kumilos para rito. Siya’y nag-alok ng kapayapaan sa simbahan, ibinigay na siya ay kikilalanin ang estado at itaguyod ang imperyal na kapangyarihan.”[12]

Ang batas ng Linggo ni Constantine ay ipinagkasundo ang mga pagano at maraming Kristyano. Gayunman, ito’y naghatid sa harapan ng isang kontrobersya na sumiklab na sa loob ng mahigit 100 taon: kailan ipagdiriwang ang sakripisyo ng Tagapagligtas. Hanggang sa panahong ito, maraming Kristyano, lalo na sa silangan, ay patuloy na sumasamba sa ikapitong araw ng Sabbath gayon din ang pagpapanatili ng mga taunang kapistahan ni Yahuwah na kalkulado ng Biblikal na kalendaryong luni-solar. Maging ang marami na yumakap ng pagsamba sa araw ng Linggo ay patuloy na ginagamit ang kalendaryong Biblikal para sa pagkalkula ng Paskua.

Pasko ng Pagkabuhay: Ang Paganong Paskua

Pasko ng Pagkabuhay: Ang Paganong Paskua

Ito ay isang napakatagal na pagtatalo tungkol sa dalawang magkaibang kalendaryo.

Simula nang ikalawang siglo A.D. ay nagkaroon ng pagkakaiba ng paniniwala tungkol sa petsa ng pagdiriwang ng anibersaryo ng paskua (Pasko ng Pagkabuhay) ng pagdurusa ng Panginoon (kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay.) Ang pinakamatandang pagsasagawa ay lumalabas na sinusunod ang ika-14 (ang petsa ng Paskua), ika-15, at ika-16 na mga araw ng buwang lunar sa kabila ng kahit na anong araw ng [Julian na] sanlinggo itong mga petsa na maaaring tumapat taun-taon. Ang mga obispo ng Roma, na naghahangad na mapaganda ang pagmamasid sa araw ng Linggo bilang kapistahan ng Simbahan, isinabatas na ang taunang pagdiriwang ay dapat itapat sa mga araw ng Biyernes, Sabado, at Linggo na sumusunod sa ika-14 na araw ng buwang lunar. Sa Roma, ang Biyernes at Sabado ng Pasko ng Pagkabuhay ay mga araw ng pag-aayuno, at sa araw ng Linggo ang pag-aayuno ay natapos na sa pakikibahagi sa komunyon. Ang kontrobersyang ito ay tumagal ng halos dalawang siglo, hanggang si Constantine ay namagitan sa panig ng mga obispong Romano at ipinawalang-bisa ang kabilang grupo.[13]

Isang pahayag ni Eusebius ng Caesarea ay ipinapakita na ang mga simbahan ng Asya ay matagal na kumapit sa pagtalima sa Paskua sa Abib 14, habang ang mga simbahan ng kanluran ay lumipat na sa paganong Pasko ng Pagkabuhay:

Isang katanungan ng walang maliit na kahalagahan ang lumitaw sa panahon [ng huling ikalawang siglo] para sa mga parokya ng buong Asya, gaya mula sa matandang tradisyon, hinawakan na ang ikalabing-apat na araw ng buwan, kung kailan ang araw sa mga Hudyo na inutos na mag-alay ng kordero, dapat na tumalima bilang kapistahan ng Paskua ng Tagapagligtas . . . ano pa mang araw ng sanlingguhan [na Julian] ito marapat na mangyari. Ngunit ito'y hindi ang kasanayan ng mga iglesya sa mga nalalabi ng mundo na tapusin ito sa panahong ito....[14]

Ang patuloy na sanlingguhang pag-ikot ng kalendaryong Julian ay nangahulugan na ang Biblikal na Paskua sa Abib 14 ay maaaring tumapat sa anumang araw ng sanlingguhang Julian. Dahil dito, ang Abib 16, ang araw ng Muling Pagkabuhay ng Tagapagligtas, ay hindi palaging tumatapat sa araw ng Linggo. Iyong mga itinutulak ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa kalendaryong Julian ay naglabas ng kautusan, ipinapahayag na ang lahat ng mga Kristyano ay dapat na tumalima sa muling pagkabuhay sa Linggo ng Pagkabuhay, sa halip na sa Paskua ng Abib 14. Kaya, ang pagtalima sa isang paganong pagdiriwang sa huli, na nagpaparangal sa muling pagkabuhay ni Hesus ay pinalitan ang kapistahan ni Yahuwah na nagpapaalala sa kamatayan ni Yahushua.

Ang mga kapulungang pansimbahan at mga pagtitipon ng mga obispo ay hinawakan sa talaang ito, at lahat, sa isang pahintulot, sa pamamagitan ng kapwa lihaman ay naglabas ng isang eklesiastikong kautusan, na ang hiwaga ng muling pagkabuhay ng panginoon ay dapat na ipagdiriwang sa walang iba kundi ang araw ng Panginoon [araw ng Linggo], at dapat tayo na tumalima sa pagtatapos ng Kuwaresma sa araw na ito.[15]

Muling Pagkabuhay: Pasko ng Pagkabuhay? o Araw ng Pangunahing Bunga?

Muling Pagkabuhay: Pasko ng Pagkabuhay? o Araw ng Pangunahing Bunga?

Iyong mga kumakapit sa Biblikal na kalendasyon ay agad na nagprotesta sa palalong kautusan ng mga obispo ng kanluran. Sa isang sulat na pinadala kay Victor, Obispo ng Roma, ipinahayag ni Polycrates ang kanyang matatag na paniniwala sa pagpapatuloy sa paggamit ng kalendaryong Biblikal para sa pagtalima sa Paskua. Ang kanyang sulat ay may partikular na kahalagahan sa mga Kristyano ngayon dahil inilista nito sina Juan at Apostol Felipe na nagpapanatili ng Paskua! Iniugnay ni Eusebius:

Ngunit ang mga obispo ng Asya, pinangunahan ni Polycrates, ipinasya na kumapit sa sinaunang kasanayan na ipinasa sa kanila. Siya mismo, sa isang sulat na ipinadala kay Victor at sa simbahan ng Roma, ay ipinahayag ang mga sumusunod na salita ng isang tradisyon na dumating sa kanila:

Kami’y tumalima sa eksaktong araw; hindi sa pagdagdag o pag-alis. Sapagkat sa Asya rin ang mga dakilang liwanag ay nahihimbing, na muling babangon sa araw ng pagdating ng Panginoon, kung kailan siya ay darating nang may kaluwalhatian mula sa langit, at maghahangad ng lahat ng mga hinirang. Kabilang sa kanila si Felipe, isa sa labing-dalawang apostol . . . at, higit pa, si Juan, na isang saksi at isang guro, na sumandal sa dibdib ng Panginoon, at . . . natulog nang mahimbing sa Efeso. At si Polycarp ng Smirna, na isang obispo at martir . . . Lahat sila’y tumalima sa ikalabing apat na araw ng paskua alinsunod sa Magandang balita, naiiba, ngunit sumusunod sa tuntunin ng pananampalataya.[16]

Kapag ang mga mananampalataya sa Asya ay tumangging isuko ang kalendaryong Biblikal para sa pagkalkula ng Paskua, malamang na sila’y tatanggihan din na pabayaan ang tunay na Sabbath na kalkulado ng kaparehong kalendaryo. Ang Obispo ng Roma ay “agad na sinubukang tumiwalag mula sa karaniwang pagkakaisa ang lahat ng mga parokya ng Asya, kasama ang mga simbahan na sumang-ayon sa kanila bilang heterodoks; at siya ang nagsulat ng mga liham at ipinahayag ang lahat ng mga kapatid nila sa mga ito na ganap na tiwalag.”[17]

Mahalagang tandaan na walang anumang argumento sa muling pagkabuhay kung kailan magaganap. Parehong kinilala na ito’y naganap sa Abib 16 ng kalendaryong luni-solar. Ang hindi pagsang-ayon, sapagkat nasipi sa ibabaw, ay sa kung kailan ito ipagdiriwang. Ang mga petsa ay itinatag ng mga kalendaryo, kaya sa huli, ito ay isang argumento sa alinmang kalendaryo ang gagamitin para tukuyin ang pagdiriwang. Upang tunay na pagkaisahin ang mga Kristyano at mga pagano, ang pagtalima sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay ay ililipat mula sa Biblikal na kalendaryong luni-solar patungong pagano, solar na kalendaryong Julian. Apat na taon matapos ang mga kautusan na nagtatangi ng araw ng Linggo noong 321 C.E., itinipon ni Constantine ang Konseho ng Nicea noong 325 C.E. para lutasin ang pagtatalong ito.

Hindi na ang sakripisyo ng Tagapagligtas ay ipagdiriwang sa ika-14, ika-15 at ika-16 na mga araw ng Abib sa kalendaryong luni-solar. Sa hinaharap, ang ganitong mga pag-alala ay ililipat sa Biyernes, Sabado at Linggo ng Pagkabuhay ng kalendaryong Julian, na maaaring lumutang mula Marso 20-22 hanggang Abril 22-25. Ang obispo ng Roma, siya mismo na nais ng mas dakilang kapangyarihan at impluwensya, ay hinagis ang bigat ng kanyang impluwensya kay Constantine. “Sa panahon ni Constantine, ang malubhang paghihimagsik sa simbahan ay handa na para sa tulong ng isang magiliw na pamumunong sibil upang tustusan ang ninanais na kapangyarihan ng pamimilit.”[18]

Si Constantine ay matigas na ang maka-Hudyo na kalendasyon ay hindi na dapat gamitin para kalkulahin ang mga petsang ito.

Sa Konseho ng Nice [Nicea], ang huling sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang Kristyanismo sa nakatagong pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong araw ng Paskua ng mga Hudyo, at sa katunayan sa mga araw na kinakalkula at inayos ng Synhedrion [Sanhedrin] sa Judæa para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap nito ang pagtalima ay dapat na ipagsulit nang lubos na malaya mula sa kalendaryo ng mga Hudyo. ”Parang alangan na higit pa sa panukala na sa pinakabanal ng kapistahan dapat naming sundin ang mga kaugalian ng mga Hudyo. Simula ngayon hanggang sa susunod pa na huwag tayo magkaroon ng pagkakawig sa mga kasuklam-suklam na mga taong ito; ang ating Tagapagligtas ay nagpakita sa atin ng iba pang landas. Ito ay katunayan na walang katotohanan kung ang mga Hudyo ay may kakayahang magmalaki na wala kami sa posisyon upang ipagdiwang ang Paskua nang walang tulong ng kanilang mga panuntunan (mga kalkulasyon).” Ang mga pahayag na ito ay ipinaratang kay Emperador Constantine . . . [at naging] ang batayang tuntunin ng Simbahan na sa ngayo’y magpapasya sa kapalaran ng mga Hudyo.[19]

Natupad ni Constantine ang tatlong bagay, ang mga saluysoy na epekto na patuloy na umiiral ngayon:

1. Isinunod sa pamantayan ang planetaryong sanlinggo ng pitong araw, ginagawa ang dies Solis (araw ng Linggo) na unang araw ng sanlinggo, at ang dies Saturni (araw ng Sabado) na huling araw ng sanlinggo.

2. Itinaas ang Pasko ng Pagkabuhay at sinigurado ang Tunay na Paskua at ang paganong Pasko ng Pagkabuhay ay hindi tatapat sa kaparehong araw;

3. Itinaas ang dies Solis bilang araw ng pagsamba sa parehong mga pagano at mga Kristyano.

Ang pangmatagalang epekto na ang ’Linggo ng Pagkabuhay’ ay pumasok sa Kristyanong paradaym bilang Araw ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ang ideyang kahintulad sa muling pagsasaayos ng kalkulasyon ng oras na ito ay ang araw bago ang Linggo ng Pagkabuhay, Sabado, ay naging magpakailanman na Tunay na Sabbath ng Bibliya. Ito ang tunay na kahalagahan ng “batas ng Linggo” ni Constantine at ito ay inilatag ang pundasyon para sa modernong pagpapalagay na ang patuloy na sanlingguhang pag-ikot ay palaging umiiral.[20]

Ang resulta ng mga aksyon ni Constantine sa katunayan ay pumabor sa mga paganong pangkat ng imperyo. Gayunman, ang mga masasamang obispo ng Roma, nagnanais ng mas dakilang kapangyarihan, ay nagawang ipakita ang mga aksyong ito na kanais-nais din sa mga Kristyano! “Sa panahon ni Constantine, ang malubhang paghihimagsik sa simbahan ay handa na para sa tulong ng isang magiliw na pamumunong sibil upang tustusan ang ninanais na kapangyarihan ng pamimilit.” Ang tunay na kalendaryong luni-solar, ipinamana mula sa Paglikha at kay Moises, ay naglaho.

RESULTA

Ang resulta ng ekumenismo ni Constantine ay mabilis na nadama. Lahat ng tumangging tumigil sa paggami ng kalendaryong Biblikal para sa pagkalkula ng Paskua, ay mararamdaman ang mabigat na kamay ng pang-aapi sa kanila. Ang anak ni Constantine, si Constantius, ay kinuha ang aksyon ng ama nang isa pang hakbang at ipinagbawal ang paggamit ng kalendaryong Biblikal para sa mga Hudyo rin. Ang mananalaysay na si David Sidersky ay siniyasat: “Hindi na posible sa ilalim ni Constance na gamitin ang dating kalendaryo.”[22]

Sa mga sumunod na taon, ang mga Hudyo ay tumungo sa “bakal at apoy.” Ang mga Kristyanong emperador ay ipinagbawal ang Hudyong pagtutuos ng kalendaryo, at hindi pinahintulutan ang pag-aanunsyo ng mga araw ng kapistahan. Sinabi ni Graetz, “Ang mga Hudyong komunidad ay naiwan sa sukdulang pagdududa tungkol sa mga pinakamahalagang pasyang pangrelihiyon: sapagkat nauukol sa kanilang mga pagdiriwang.” Ang agarang bunga ay ang pag-aayos at kalkulasyon ng kalendaryong Hebreo ni Hillel II.[23]

Pamalit: Ang Mga Kristyano ay naging Pagano

Pamalit: Ang Mga Kristyano ay naging Pagano

Ang gawa ni Constantius ay tumama rin sa mga apostolikong Kristyano. Habang inilabas ni Tertullian[24] ang mga pinaganong Kristyano ay inilipat na ang kanilang pagsamba sa “araw ng Araw” maaga pa noong ikalawang siglo, ang iba ay kumapit sa tunay na Sabbath sa loob ng mahigit 1,000 taon. Halos 40 taon matapos ang Konseho ng Nicea, ang Konseho ng Laodicea (c. 363-364) ay naglabas ng isang pahayag na nangangailangan sa mga Kristyano na magtrabaho sa Sabbath ay umiwas mula sa paggawa sa araw ng Panginoon. Ang kautusang ito, isinalin sa Tagalog, ipinahayag:

Ang mga Kristyano ay hindi dapat ma-Hudaismo at nakatigil sa Sabado, kundi gagawa sa araw na iyon, ngunit sa araw ng Panginoon sila’y magpaparangal, at, bilang mga Kristyano, hangga’t posible, huwag gagawa sa araw na iyon. Gayunman, kapag sila’y nakita na nag-Hudaismo, sila’y pagsasarhan mula kay Kristo.

Ayon sa Katolikong obispo at iskolar, si Karl Josef von Hefele (1809-1893), ang paggamit ng salitang “Sabado” sa sipi sa ibabaw ay hindi tama. Sa orihinal, ang salitang ginamit ay Sabbath o Sabbato, hindi dies Saturni o Sabado.

Quod non oportet Christianos Judaizere et otiare in Sabbato, sed operari in eodem die. Preferentes autem in veneratione Dominicum diem si vacre voluerint, ut Christiani hoc faciat; quod si reperti fuerint Judaizere Anathema sint a Christo.

Ang mga Kristyano sa panahon ng pagbabago ng kalendaryo ay hindi nalito sa araw ng Sabado na naging Sabbath. Nalalaman ng lahat na ang dies Saturni ay kamakailan lang inilipat mula sa unang araw ng pagano, planetaryong sanlinggo patungong huling araw . . . habang ang Sabbato ay ang ikapitong araw ng maka-Hudyong kalendaryong luni-solar kung saan wala sa kapangyarihan ang ibig na maugnay. Muli, ang mga ito ay dalawang magkaibang araw sa dalawang naiibang kalendaryong sistema.[25]

Ang pulitikal na kapangyarihan ng Roma ay ipinahiram ang suporta sa mga kautusang pangrelihiyon nina Constantine at Constantius. Habang ang ilang iskolar ay ipinalagay nang mali na ang sagupaan ay nasa Sabado laban sa Linggo, ang makasaysayang katunayan ay ipinapakita na ang mga tao ng panahon ay may mabuting kamalayan ng pag-iral ng Biblikal na kalendaryong luni-solar at kung paano ito gamitin. Maraming mananampalataya sa silangan o lagpas sa naabot ng Imperyong Romano ay sawa na upang abandonahin ang Biblikal na pagpapanatili ng oras. “Iyong mga Kristyano na naghahanap ng isang paraan para umiwas sa kanilang kahirapan sa pagtalima sa Sabbath ay kumilos patungo sa isang mas dakilang pagtatangi para sa unang araw ng sanlinggo [na Julian]. Ngunit ang iba sa labas ng Imperyo, kung saan ang anti-Semetismo ay hindi umiiral, ay nagpatuloy sa kanilang pagsamba sa ikapitong araw ng Sabbath.”[26]

REAKSYON

 
 

Hillel II

Sapagkat si Constantine ay ang kapangyarihan sa likod ng isang aksyon na tuluyang humantong sa pagkawala sa paggamit ng kalendaryong Biblikal para sa mga Kristyano, kaya isa pang tao, isang Hudyo, ay responsable para sa isang reaksyon na nagdulot ng mga kahihinatnan na malayo rin ang narating.

“Ang deklarasyon ng susunod na buwan sa pagmamasid sa bagong buwan, at bagong taon sa pagdating ng tagsibol, ay maaari lamang na magawa ng Sanhedrin. Sa panahon ni Hillel II, ang huling pangulo ng Sanhedrin, ang mga Romano ay pinagbawalan ito. Dahil dito, si Hillel II ay napilitang magtatag ng kanyang nakapirming kalendaryo, kaya sa dulot nito ay nagbigay ng maagang pagsang-ayon ng Sanhedrin sa kalendaryo ng lahat ng mga taon sa hinaharap.”

"The Jewish Calendar and Holidays (incl. Sabbath): The Jewish Calendar: Changing the Calendar," http://www.torah.org.

Bago ang pagkawasak ng Jerusalem, ang Kataas-taasang Pari ay ang namumuno sa kalendaryo. “Habang ang Sanhedrin (Rabinikong Korte Suprema) ay nangangasiwa sa Jerusalem, walang itinakdang kalendaryo. Susuriin nila bawat taon para tukuyin kung dapat ipahayag ang bisyestong taon.”[27] Ang trabahong ito ay bumagsak sa pangulo ng Sanhedrin, noong ang Kaparian ay wala na. “Sa ilalim ng pamumuno ni Constantius (337-362), ang mga pag-uusig ng mga Hudyo ay umabot sa ganoong taas na . . . ang pagtutuos ng kalendaryo [ay] ipinagbawal sa ilalim ng sakit ng matinding kaparusahan.”[28] Sa reaksyon sa kalagayang ito, si Hillel II, noong 359 CE, ay kinuha ang hindi pangkaraniwang hakbang ng pagbabago ng sinaunang kalendaryong Biblikal upang pahintulutan ang mga Hudyo na mas madaling mamuhay kasama ang mga Kristyano.

Matapos si Hillel II

Ang mga malalayong komunidad ay hindi maghihintay sa mga tagapagbalita mula sa Pangulo ng Sanhedrin para pumunta sa kanila kung kailan ang bagong buwan ay nagsimula. Ang bawat komunidad sa halip ay magagawang tukuyin para sa kanila kung kailan ang bagong buwan ay magsisimula at kung kailan idadagdag ang ika-13 buwan.

Ang “Pirming” Kalendaryo

Noong “ipinirmi” ni Hillel ang kalendaryo, isinama niya ang mga bisyestong taon sa isang permanenteng batayan.[29] Posible pero hindi napatunayan, ang partikular na pag-ikot ng mga bisyestong taon ay ginamit at naunawaan bago kay Hillel, sapagkat ito’y sinusunod ang 19 na taong metonikong pag-ikot. Ibinatay ni Hillel ang kanyang kalendaryo “sa matematiko at astronomikong mga kalkulasyon [sa halip na mga obserbasyon]. Ang kalendaryong ito, patuloy na ginagamit, ay ibinatay sa pamantayan ang haba ng mga buwan at ang pagdagdag ng mga buwan sa kurso ng isang 19 na taong pag-ikot, kaya ang kalendaryong lunar ay muling humanay sa mga taong solar.”[30] Ipinahayag ni Hillel ang ika-13 buwan na idadagdag sa ika-3, ika-6, ika-8, ika-11, ika-14, ika-17 at ika-19 na mga taon ng 19 na taong pag-ikot.

Subalit mas marami pang nagawa si Hillel kaysa sa nalalamang mga pagdagdag sa 19 na taong pag-ikot, sa lahat ng posibilidad, na ginamit sa lahat. Inilipat niya ang pagtalima ng sinaunang Sabbath mula sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 na mga araw ng buwang lunar, sa bawat Sabado ng mga buwang Julian. Ang pagbabagong ito ay nangangailangan ng isa pa: mga tuntunin ng pagpapaliban. Ang pagbabago ng sanlingguhang Sabbath mula sa kalendaryong luni-solar patungong araw ng Sabado ay malinaw na nangangailangan ng mga tuntunin ng pagpapaliban na, bago ang “pagpirmi” ni Hillel ng kalendaryo, ay hindi na kailangan. Ayon sa Universal Jewish Encyclopedia, “Ang Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende sa lunar na pag-ikot.”[31] Kapag ang parehong Sabbath at mga taunang kapistahan ay kalkulado sa kalendaryong luni-solar, ang mga tuntunin ng pagpapaliban ay hindi na kailangan. Ito lamang ay kung kailan ang mga taunang kapistahan ay kalkulado ng isang kalendaryo, at ang sanlingguhang Sabbath ay kalkulado ng isa pa, may mga salungatan na kailangan ng tuntunin ng pagpapaliban.

Mga Tuntunin ng Pagpapaliban

1. Ang Bagong Taon, Pista ng mga Trumpeta ng mga Hudyo, ay malamang hindi tumapat sa mga araw ng Linggo, Miyerkules, o Biyernes.

2. Kapag ang Bagong Buwan, o molad, para sa ikapitong buwan ay tumatapat sa mga araw ng Linggo, Miyerkules, o Biyernes – ang Bagong Buwan ay ipagpaliban hanggang sa sumusunod na araw.

3. Kapag ang molad ng ikapitong buwan sa isang karaniwang taon ay nagaganap sa Martes nang alas-tres nang madaling araw at 204/1080 bahagi o huli, ang Bagong Buwan ay ipagpaliban hanggang Huwebes.

4. Sa isang karaniwang taon kasunod ng bisyestong taon, kapag ang molad ng ikapitong buwan ay nagaganap matapos ang alas-nuebe nang umaga at 589/1080 bahagi sa Lunes nang umaga, ang Bagong Buwan ay ipagpaliban hanggang Martes.

 

Kung wala ang mga tuntunin ng pagpapaliban, ang mga Taunang Kapistahan ay darating sa salungatan sa Sabado. Halimbawa: kapag ang Pista ng mga Trumpeta (Bagong Buwan sa ikapitong buwan) ay tumapat sa araw ng Linggo, ang huling araw ng Pista ng mga Tolda ay tatapat sa araw ng Sabado, sasalungat sa tradisyonal na pagtalima para sa huling araw ng kapistahan. Ang araw matapos ang huling araw ng Pista ng mga Tolda ay dapat na sanlingguhang Sabbath. Kaya kailangan ng una at pangalawang tuntunin ng pagpapaliban. Ang ikatlong tuntunin ng pagpapaliban ay tiniyak na ang karaniwang taon sa pinag-uusapan ay hindi mas matagal sa 355 araw. Ang ikaapat na tuntunin ng pagpapaliban ay siniguro na ang karaniwang taon kasunod ng isang bisyestong taon ay hindi mas maiksi sa 383 araw.[32]

Ang “pirming” kalendaryong ito ay lubos na kinontrol.

Mayroong eksaktong labing-apat na magkakaibang modelo na maaaring kunin ng mga taon ng kalendaryong Hebreo, naiiba sa haba ng taon at araw ng sanlinggo kung kailan tatapat ang Rosh Hashanah. Dahil ang mga tuntunin ay kumplikado, isang huwaran ang maaaring ulitin nang ilang beses sa kurso ng isang kaunting taon, at pagkatapos ay uuliting muli sa loob ng mahabang panahon. Subalit ang kalendaryo ng Hudyo ay nalalaman na sukdulan ang katumpakan. Ito’y hindi “nawawalan” o “nakakakuha” ng panahon gaya ng ginagawa sa ibang kalendaryo.[33]

Ito ay isang gawa ng pagliligtas ni Hillel II. Ito’y ginawa bilang tugon sa malupit na mga pag-uusig ng anak ni Constantine na si Constantius.

Sa kanyang sariling kamay, ang Patnyarka ay winasak ang huling tanikala na nagkaisa sa mga komunidad na kumalat sa buong imperyong Romano at Persiya sa tirahan ng Patnyarka. Siya ay mas nababahala sa katiyakan ng pagpapatuloy ng Hudaismo kaysa sa dignidad ng kanyang tahanan, at dahil dito ay inabandona ang mga tungkulin kung saan ang kanyang mga ninuno . . . ay lubos na naninibugho at nananabik. Ang mga kasapi ng Synhedrion ay pinaboran ang pagbabagong ito.[34]

Noong “ipinirmi” ni Hillel II ang kalendaryo, epektibo niyang binigyan ng pahintulot ang mga Hudyo na sumamba sa araw ng Sabado para sa lahat ng hinaharap.

Resulta

 

Ngayon, halos 1,700 taon ang nakalipas, ang aksyon ni Constantine at ang nagresultang tugon ni Hillel II, ay patuloy na sumasalpok sa daan-daang milyong tao sa buong mundo.

• Ang mga Katoliko ay sumasamba sa araw ng Linggo bilang parangal sa Muling Pagkabuhay. Ito ay alinsunod sa gawa ni Constantine na nagbago sa pagtalima mula sa Paskua na kalkulado ng luni-solar hanggang sa paganong solar na Pasko ng Pagkabuhay.

 

• Ang mga Hudyo ay sumasamba sa araw ng Sabado dahil ang Talmudikong kautusan ay pinangangatuwiran ang gawa ng pagpapanatili ng isang araw sa pito – kung kailan ang isa ay hindi nalalamang tatapat ang Tunay na Sabbath.

 

• Karamihan sa mga Protestante ay kasama ng mga Katoliko sa pagsamba sa araw ng Linggo, ang unang araw ng moderno, sanlingguhang Gregorian, ipinapalagay na ito ang Araw ng Muling Pagkabuhay.

 

• Ang mga Protestanteng Sabadong Sabbath ay sumasamba sa araw ng Sabado dahil ito ang ikapitong araw ng modernong sanlinggo, at ipinalagay nila, dahil ang mga Hudyo ay sumasamba sa Sabado, ito dapat ang Sabbath ng Bibliya.

 

• Ang mga Muslim rin, ay pinaparangalan ang pagano, kapapahang kalendaryong Gregorian sa pagdalo sa moske para sa panalangin sa araw ng Biyernes.


Hindi posible na hanapin ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath gamit ang modernong kalendaryong Gregorian. Ang kalendaryong solar na ito ay walang iba kundi isang paganong paraan ng pagkalkula ng oras. Ang sinaunang kalendaryong Julian ay itinatag ng mga pagano para sa mga pagano. Ito ay opisyal na inampon para sa eklesiastikong paggamit sa Konseho ng Nicaea. Ito ay huling isinaayos ng astronomong Heswita, si Christopher Clavius, sa pakiusap ni Pope Gregory XIII – kaya pinangalanang kalendaryong Gregorian. Kinumpirma ni Clavius: ang kalendaryong Julian (at ang kalendaryong Gregorian kung saan ito nagmula) ay itinatag sa paganismo at walang koneksyon ano pa man sa kalendaryong Biblikal.

Sa kanyang paliwanag sa kalendaryong Gregorian, inamin ni Clavius: noong ang kalendaryong Julian ay tinanggap bilang eklesiastikong kalendaryo ng Simbahan, ang kalendaryong Biblikal ay tinanggal: “Ang Simbahang Katoliko ay hindi ginamit ang [maka-Hudyo na] ritwal ng pagdiriwang ng Paskua, ngunit palaging sa pagdiriwang na ito ay siniyasat ang galaw ng buwan[35] at araw, at kaya ito pinabanal ng pinakauna at pinakabanal na mga Obispo ng Roma, at kinumpirma rin sa unang Konseho ng Nicaea.”[36] Ang “pinakauna at pinakabanal na mga Obispo ng Roma” rito na sinasabi ay tumutukoy sa paganong Kolehiyo ng mga Obispo kung saan si Constantine, bilang Pontifex Maximus, ang pinuno.

Ninais ni Constantine ang pagkakaisa. Nakamit niya ang layuning ito sa pamamagitan ng ekumenismo at pagbabawal sa paggamit ng kalendaryong Biblikal para sa pag-alala sa kamatayan ni Yahushua. Ninais ni Hillel II ang pisikal na kaligtasan ng Hudaismo. Nakamit niya ang layuning ito sa pagkompromiso sa paganismo at pagbabago ng kalendaryong Biblikal. Ang resulta ng gawa at ang sumunod na reaksyon ay ang pagpapalagay ng marami na ang araw ng Sabado ay ang Biblikal na Sabbath at ang araw ng Linggo ay ang araw kung kailan ang Tagapagligtas ay muling nabuhay. Kaya, ang parehong mga Hudyo at mga Kristyano ay kinalkula ang kanilang mga araw ng pagsamba gamit ang paganong kalendaryong solar, pinapabayaan ang tunay na Sabbath ni Yahuwah.

Walang magnanais na sambahin ang Manlilikha sa Kanyang banal na Sabbath ay kakalkulahin ang mga araw ng pagsamba sa kasuklam-suklam na kalapastanganan na ito na nagbibigay ng kahihiyan kay Yahuwah at winawasak ang kaluluwa. Tanging ang kalendaryong luni-solar ng Paglikha ang maaaring magturo kung kailan ang tunay na Sabbath ay magaganap. Isantabi ang mga tradisyon ng tao. Tanggapin lamang ang Salita ni Yah! Sambahin Siya sa Kanyang itinakdang paraan ng pagpapanatili ng oras.

 

 



[1] Ang titulong ito, kasalukuyang inangkin ng papa, ay nagmula sa sinaunang Roma. Ang Pontifex Maximus ay ang kataas-taasang pari ng Kolehiyo ng Kapapahan ng paganong Romanong relihiyon. Ito ay parehong pangrelihiyon at isang pulitikal na opisina.

[2] New Catholic Encyclopedia, Vol. 4, pp. 179-181. Iba’t ibang inskripsyon sapagkat naitala sa Corpus Inseriptionum Latinarum, 1863 ed., Vol. 2, p. 58, #481; “Constantine I”, New Standard Encyclopedia, Vol. 5. Tingnan rin ang Christopher B. Coleman, Constantine the Great and Christianity, p. 46.

[3] Tingnan ang Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, “The Planetary Week in the First Century B.C.”

[4] P. Brind’Amour, Le Calendrier romain: Recherches chronologiques, 256–275.

[5] https://en.wikipedia.org/wiki/Roman_calendar#Nundinal_cycle

[6] Eviatar Zerubavel, The Seven-day Circle, p. 46, binigyang-diin.

[7] Franz Cumont, Textes et Monumnets Figures Relatifs aux Mysteres de Mithra, Vol. I, p. 112, binigyang-diin.

[8] E. Diehl, Inscriptiones Latinae Christianae Veteres, Vol. 2, p. 193, No. 3391. Tingnan rin ang J. B. de Rossi, Inscriptiones Christianac Urbis Romae, Vol. 1, part 1, p. 18, No. 11.

[9] Philip Schaff, History of the Christian Church, Vol. III, p. 380, binigyang-diin.

[10] Sa panahong ito, ang mga pinaganong Kristyano sa kanluran ay matagal nang itinangi ang araw ng Linggo bilang araw ng muling pagkabuhay ni Yahushua.

[11] J. Westbury-Jones, Roman and Christian Imperialism, p. 210, binigyang-diin.

[12] Michael I. Rostovtzeff, The Social and Economic History of the Roman Empire, p. 456.

[13] Odom, op. cit., p. 188, binigyang-diin.

[14] Eusebius, Church History, Book V, Chapter 23, v. 1, binigyang-diin.

[15] Ibid., v. 2.

[16] Ibid., Chapter 24, v. 1-4, 6, binigyang-diin.

[17] Ibid., v. 9.

[18] Michael I. Rostovtzeff, The Social and Economic History of the Roman Empire, p. 456.

[19] Heinrich Graetz, History of the Jews, (Philadelphia: The Jewish Publication Society of America, 1893), Vol. II, pp. 563-564, binigyang-diin.

[20] eLaine Vornholt & Laura Lee Vornholt-Jones, Calendar Fraud, “Biblical Calendar Outlawed,” binigyang-diin.

[21] Rostovtzeff, op. cit., p. 456.

[22] David Sidersky, Astronomical Origin of Jewish Chronology, p. 651, binigyang-diin.

[23] Grace Amadon, “Report of Committee on Historical Basis, Involvement, and Validity of the October 22, 1844, Position”, Part V, Sec. B, pp. 17-18, Box 7, Folder 1, Grace Amadon Collection, (Collection 154), Center for Adventist Research, Andrews University, Berrien Springs, Michigan.

[24] Tertullian, Apologia, chap. 16, sa J. P. Migne, Patrologiæ Latinæ, Vol. 1, cols. 369-372; batayang Ingles na pagsasalin sa Ante-Nicene Fathers, Vol. 3, p. 31.

[25] Vornholt, op. cit., “Changing the Calendar: Papal Sign of Authority.”

[26] Leslie Hardinge, Ph.D., The Celtic Church in Britain, p. 76. Ang mga Kristyano sa Scotland ay patuloy na kinalkula ang Paskua ng Biblikal na kalendaryo hanggang nakakuha sila ng Katolikong reyna noong ika-11 siglo.

[27] http://www.chabad.org/library/article_cdo/aid/526875/jewish/The-Jewish-Year.htm

[28] Sinipi mula sa The Jewish Encyclopedia, “Calendar, History of,” http://jewishencyclopedia.com/articles/3920-calendar-history-of, binigyang-diin.

[29] Para sa isang paliwanag ng kung paano ang rabinikong kalendaryo ni Hillel ay kalkulahin, tingnan ang http://www.jewfaq.org/calendr2.htm.

[30] Judaism 101, “Jewish Calendar,” www.jewfaq.org

[31] Universal Jewish Encyclopedia, “Holidays,” p. 410.

[32] http://www.ironsharpeningiron.com/postponements2.htm

[33] http://www.chabad.org/library/article_cdo/aid/526875/jewish/The-Jewish-Year.htm

[34] Graetz, op. cit., Vol. II, p. 573.

[35] “Ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang palipat-lipat na kapistahan, na nangangahulugan na ito’y hindi nagaganap sa kaparehong petsa bawat taon. Paano kalkulahin ang petsa ng Pasko ng Pagkabuhay? Ang Konseho ng Nicaea (325 A.D.) ay nagtakda ng petsa ng Pasko ng Pagkabuhay bilang araw ng Linggo kasunod ng Kuwaresma ng kabilugan ng buwan, isang kabilugan ng buwan na tatapat o matapos na equinox ng tagsibol.” (http://catholicism.about.com/od/holydaysandholidays/f/Calculate_Date.htm)

[36] Christopher Clavius, Romani Calendarii A Gregorio XIII P.M. Restituti Explicato, p. 54.