Muling Pagkabuhay: Pasko ng Pagkabuhay? o Araw ng Pangunahing Bunga?
Ang Pasko ng Pagkabuhay, bilang tradisyonal na araw ng muling pagkabuhay ni Yahushua, ay ang dahilang ibinigay sa pagsamba sa araw ng Linggo.
“Ang Araw ng Panginoon – Ang Araw ng Linggo na tinawag noong Apostolikong panahon – ay palaging nagbibigay ng espesyal na atensyon sa kasaysayan ng Simbahan dahil sa matalik na koneksyon nito sa mismong kaibuturan ng hiwaga ng Kristyanismo. Sa katunayan, sa sanlingguhang pagkalkula ng oras ang araw ng Linggo ay nag-aalala sa Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ito ay ang Pasko ng Pagkabuhay na bumabalik linggu-linggo, ipinagdiriwang ang tagumpay ni Kristo sa kasalanan at kamatayan, ang katuparan sa Kanya ng unang paglikha at ang simula ng ‘bagong nilikha’.” (Pope John Paul II, Dies Domini, Prologue, 1, p. 1.)
Mabilis na sumunod ang mga Protestante sa mga Katoliko sa pagsamba sa araw ng Linggo.
“Linggo, ang araw ng muling pagkabuhay ni Kristo at ang pagpapakita sa mga alagad ng ipinako at bumangong Kristo, ay ang pangunahing araw kung kailan ang mga Kristyano ay nagtipun-tipon para sumamba. Sa pagdaraos na ito, ang Salita ay binabasa at ibinabahagi at ang mga sakramento ay ipinagdiriwang.” (The Use of the Means of Grace, Evangelical Lutheran Church in America.)
Ang problema ay, si Yahushua ang Tagapagligtas ay hindi muling nabuhay sa araw ng Linggo ng makabagong kalendaryo! Ang pagkalito ay lumitaw sa dalawang katunayan:
- Ang araw ng Linggo ay unang araw sa sanlingguhang Gregorian.
- Itinuro ng Kasulatan na si Yahushua ay muling nabuhay “Maagang-maaga pa ng unang araw ng sanlinggo.” (Lucas 24:1, FSV)
Sapagkat malinaw na sinabi ng Bibliya na si Yahushua ay muling nabuhay sa unang araw ng sanlinggo, at ang araw ng Linggo ay unang araw ng makabagong sanlinggo, ang pagpapalagay na si Yahushua ay muling nabuhay sa araw ng Linggo ay tila kapani-paniwala. Gayunman, ang makabagong kalendaryo ay hindi ginamit ng mga Israelita noong panahon ni Yahushua. Ito’y isinaayos ng astronomong Heswita na si Christopher Clavius, noong 1582. Bago iyan, nauna nang ginamit ng Europa ang kalendaryong Julian. Walang araw ng pag-ikot ng sanlinggo ang nawala nung ang kalendaryo ay inilipat mula Julian patungong Gregorian. Kaya lang, hindi pa rin nito mapapatunayan na si Yahushua ay muling nabuhay sa araw ng Pasko ng Pagkabuhay.
Isang halimbawa ng kalendaryong Julian mula pa sa panahon ni Augustus (63 B.C. – 14 A.D.) hanggang kay Tiberius (42 B.C. – 37 A.D.), ay pinanatili mula sa mga piraso ng batong ito. Ang walong araw na sanlinggo ay malinaw na naaaninaw. |
Ang kalendaryong Julian ay isinaayos ng paganong astronomo na si Sosigenes, noong 45 BC. Mayroon itong walong araw na sanlinggo. Ang mga araw ng sanlinggo ay itinalaga sa mga letrang A hanggang H. Hindi ginamit ni Yahushua at ng mga Israelita ang kalendaryo ng kanilang mga Romanong mananakop. Hindi nila kinalkula ang Sabbath o anumang banal na kapistahan gamit ang paganong walong araw na sanlinggo. Ang mga Israelita ay ginamit ang sinaunang “mosaik” na kalendaryo – ang paraan ng pagsukat ng oras na itinatag ni Yahuwah noong Paglikha, at muling pinagtibay kay Moises sa Exodo.
Sa kalendaryo ng Manlilikha, ang pag-ikot ng sanlinggo ay muling magsisimula bawat buwan. Dahil dyan, ang mga petsa ng bawat buwan ay laging tatapat sa kaparehong araw sa sanlinggo. Ibinigay ng Levitico 23 ang petsa para sa Paskua:
“Sa unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay paskua [ni Yahuwah].” (Levitico 23:5, ADB)
Ang ikalabing-apat ng bawat buwang lunar ay laging tatapat na ikaanim na araw ng sanlinggo. Sa unang buwan, ang Paskua ay agad susundan ng pagsisimula ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura.
“At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay kapistahan ng tinapay na walang lebadura . . . .” (Levitico 23:6, ADB)
Ito ay tinatawag na “Dakilang Sabbath” dahil ang unang araw ng kapistahan ay tumapat sa ikapitong araw ng Sabbath. Ipinako sa krus si Yahushua sa Araw ng Paskua, ang ikaanim na araw ng sanlinggo na tinatawag na “Paghahanda” para sa Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura.
“Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y Paghahanda, upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon.” (Juan 19:31, ADB)
Ang petsa na ibinigay ng Kasulatan para sa pagpako sa krus ay malinaw na nagbigay ng petsa mula sa sinaunang kalendaryong luni-solar. Hindi nito sinabi na ang mga Judio ay nais na ipatanggal ang mga katawan sa krus dahil ito ay araw ng F (ang ikaanim na araw) ng sanlinggong Julian. Hindi rin nito sinabi na ang susunod na araw ay ang araw ng H – ang huling araw ng walong araw na Romanong sanlinggo.
Muling nabuhay si Yahushua sa ikalabing-anim na araw ng unang buwan, tinatawag na araw ng Pangunahing Bunga. Ito rin ang unang araw ng sanlinggong lunar. Kinilala ni Pablo ang simbulismo ng muling pagkabuhay sa Kapistahan ng Pangunahing Bunga nang kanyang sinabi:
“Datapuwa't si [Yahushua] nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog. . . . Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay [Yahushua] ang lahat ay bubuhayin. . . . si [Yahushua] ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay [Yahushua], sa kaniyang pagparito.” (Tingnan ang 1 Corinto 15:20, 22-23, ADB)
Muling pagtatayo ng Tarangkahan ni Babilonyang Ishtar sa Museo ng Pergamon sa Berlin |
Ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang paganong kapistahan, ipinagdiriwang ang diyosa ng pag-ibig at digmaan, Ishtar. Binaybay na ISHTAR, ang pagbigkas sa pangalan niya ay naging EASTER. Ang mga paganong ritwal na isinagawa sa pagdiriwang ng diyosa ng pag-ibig at pagkamayabong ay kabilang sa mga pinakakasuklam-suklam sa paganismo.
Ang mga kuneho ay kinulayang mga itlog ay mga sinaunang simbulo ng pagkamayabong na dumadakila sa masamang diyosa na ito.
Ang busilak na relihiyon ng mga sinaunang Kristyano ay hindi tinangkilik ang mga paganong pagdiriwang at tiyak na hindi nila ito ginamit na batayan kung kailan dapat sumamba. Ang mga Apostolikong Kristyano ay laging sumasamba sa sinaunang ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng kalendaryong luni-solar. Hindi ito hanggang nung ikaapat na siglo na ang Konseho ng Nicaea, pinagtipun-tipon ng paganong emperador na si Constantine, nagpasa ng mga kautusan na nagbabawal sa pagtalima ng Paskua.
“Sa Konseho ng Nicea [Nicæa], ang huling sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang Kristyanismo sa nakatagong pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong araw ng Paskua ng mga Judio, at sa katunayan sa mga araw na kinakalkula at naayon Synhedrion [Sanhedrin] sa Judæa para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap nito ang pagtalima ay dapat na ipagsulit nang lubos na malaya mula sa kalendaryo ng mga Judio. . . .” (Heinrich Graetz, History of the Jews, Vol. 2, p. 563.)
Nakakalungkot, maraming mga Kristyano ang hindi inuusisa ang mga paganong tradisyon na kanilang isinasagawa. |
Nagtagumapay nang ganap ang paganismo laban sa Apostolikong Ekklesia nung ang sinaunang Sabbath ay isinantabi at tinanggap ang Pasko ng Pagkabuhay.
“Ang Kristyanong [Romanong] emperador ay ipinagbawal ang kalkulasyon ng kalendaryo ng mga Judio, at hindi pinayagan ang pagpahayag ng mga araw ng kapistahan.” (Grace Amadon, “Historical Basis, Involvements, and Validity of the October 22, 1844, Position, p. 17.)
“Ang pagbabago ng kalendaryo tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay ay dinaluhan ng mga napakahalagang kahihinatnan. Nagdala ito sa Simbahan ng napakalaking kabulukan at ng pinakamayabong na pamahiin. . . .” (A. Hislop, The Two Babylons, p. 106.)
Mula noong unang panahon, ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay sa unang kabilugan ng buwan pagkatapos ng pagdating ng tagsibol. Ipinagdiriwang na ngayon ng milyung-milyong tao ang “Pasko ng Pagkabuhay” sa unang araw ng Linggo matapos ang unang kabilugan ng buwan pagkatapos ng pagdating ng tag-sibol.
Ang paglipat ng araw ng pagsamba mula sa Biblikal na Sabbath patungo sa araw ng Linggo upang dakilain ang “Pasko ng Pagkabuhay” ay inamin na ginawa ng Simbahang Katoliko:
“Ang Araw ng Linggo . . . ay ganap na gawa lamang ng Simbahang Katoliko.” (American Catholic Quarterly Review, January 1883)
“Ang Araw ng Linggo . . . ay ang kautusan na araw ng Simbahang Katoliko lamang . . .” (American Sentinel (Catholic), June 1893)
“Ang araw ng Linggo ay isang Katolikong institusyon at tinanggap sa pagtalima na maaari lamang sumangga sa mga alituntunin ng Simbahang Katoliko. . . Mula simula hanggang katapusan ng Bibliya, walang anumang kasulatan ang nagpapahintulot ng paglipat ng sanlingguhang pagsamba mula sa huling araw ng sanlinggo tungo sa unang araw.” (Catholic Press, Sydney, Australia, August, 1900)
Lahat ng sumasamba sa araw ng Linggo upang dakilain ang “Pasko ng Pagkabuhay” bilang araw ng muling pagkabuhay ng Tagapagligtas ay dumadakila sa Katolikong institusyon na mismong batay sa sinaunang paganong mga pagdiriwang ng pagkamayabong.
“Sila [ang mga Protestante] ay naniniwala sa kanilang tungkulin na panatilihing banal ang araw ng Linggo. Bakit? Sapagkat sinabi sa kanila ng Simbahang Katoliko na gawin ito. Wala silang iba pang dahilan . . . Ang pagsamba sa araw ng Linggo ay tumungo na maging pansimbahang batas na lubos na magkaiba sa Banal na Kautusan ng pagtalima sa Sabbath . . . Ang may-akda ng batas ng Linggo . . . ay ang Simbahang Katoliko.” (Ecclesiastical Review, February 1914)
Walang anumang Biblikal na talaan ng mga apostol o sinaunang Kristyano na nagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Yahushua maliban sa katuparan ng Kapistahan ng Pangunahing Bunga. |
Walang anumang Biblikal na talaan ng mga apostol o sinaunang Kristyano na nagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Yahushua maliban sa katuparan ng Kapistahan ng Pangunahing Bunga. Inalala nila ang Kanyang kamatayan sa Paskua, ang ikalabing-apat na araw ng unang buwang lunar. Sinamba nila si Yahuwah sa ikapitong araw ng Sabbath, ang ikawalo, ika-15, ika-22, at ika-29 na araw ng bawat buwang lunar.
Ang “Pasko ng Pagkabuhay” ay mananatili kung anuman ito palagi: isang paganong pagdiriwang ng pagkamayabong. Kahit pa baguhin ang pangalan nito nang tinatawag na “Kristyano” na mga pangalan, hindi nito mabubusilak ang pinagmulan nito sa paganismo. Lahat ng nagnanais na malaman ang biyaya ng Langit ni Yahushua ay gagawin ito sa anibersaryo ng Kanyang kamatayan: Paskua. Sasamba sila sa ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng sistema ng pagsukat ng oras na itinakda ng Langit: ang kalendaryong luni-solar.
“Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. . . . Inyong ipangingilin ang sabbath nga; . . . na tutuparin ang sabbath sa buong panahon . . . na pinakapalaging tipan.” (Tingnan ang Exodo 31:12-17, ADB)
Ngayon, ang panawagan ng Langit sa bawat matapat na Kristyano ay tigilan na ang paganismo. Sambahin ang Manlilikha sa Kanyang itinakdang araw, ang ikapitong araw ng Sabbath.