“Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, panatilihin itong banal. Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Datapwa”t ang ikapitong araw ay Sabbath...” Exodo 20:8-10
Para sa mga taong nagnanais na sumunod sa mga kautusan sa Bibliya, ang tanong ay: “Alin ang unang araw? Ang lahat ay makapagbibilang hanggang pito, subalit saan magsisimula ang pagbibilang? Paano mo malalaman kung alin ang tunay na ika-pitong araw? Ang Manlilikha na gumawa ng linggo ay gayundin naman ang nagdisenyo ng buwan kung saan ilalagay ang linggo. Ang kalendaryo ng Paglikha ay nagsisimula sa Araw ng Bagong Buwan na sinusundan ng apat na kumpletong mga linggo. Bawat linggo ay mayroong anim na araw ng paggawa at ika-pitong araw na Sabbath ng pamamahinga.
Sa Simula, ang Manlilikha ay nagdisenyo sa paggalaw ng araw at ng buwan upang masukat ang panahon.
“At sinabi ng [Elohim], magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging palatandaan, at pagkabahagi ng mga panahon [H4150¹; pangrelihiyong mga pagtitipon], at ng mga araw at ng mga taon: . . . At nilikha ng [Elohim] ang dalawang malaking tanglaw [inilagay] . . . sa kalawakan ng langit . . . upang mangulo sa araw at sa gabi.” (Genesis 1:14, 16-18)
Ang oras ay masusukat lamang sa pamamagitan ng paggalaw. Ang pag-ikot ng araw ay nagsusukat ng isang araw. Sa 365 ¼ na mga araw, ang araw at ang mundo ay bumabalik sa parehas nitong magkakaugnay na posisyon. Ito ay isang buong taon na Solar. Ang 29 ½ na mga araw na pag-ikot ng buwan ay sumusukat ng isang kumpletong buwanang pag-ikot (lunation), kung saan ay ang batayan ng isang buwan. Ang 12 1/3 na mga kumpletong buwanang pag-ikot (lunations) ay kasing-haba ng isang Solar na taon.
Mayroong tatlong mga pangunahing anyo ng Kalendaryo na gumagamit sa mga paggalaw ng araw at ng buwan:
- Solar: ang sukatan sa paggalaw ng mundo at ng
araw.
Ang mga Kalendaryong Solar ay ginagamit ang araw para sa pagsukat ng haba ng taon lamang. Ang mga buwan na hindi makatuwiran ang haba ay walang kaugnayan sa kalikasan. Sa “Gregorian” na Kalendaryong Solar, ang mga linggo ay patuloy na umiikot. Kahit ang araw na idinadagdag, tuwing ika-4 na taon, ay hindi umaantala sa patuloy na lingguhang pag-ikot nito.
- Lunar: ang sukatan sa pag-ikot ng buwan.
Ang mga Kalendaryong Lunar ay mahigpit na nakabatay sa mga pag-ikot ng buwan. Ang mga buwan, na nagsisimula sa paglabas ng unang liwanag pagkatapos ng “conjunction” (pagpapagitna ng buwan sa araw at mundo na kung saan ang bahagi ng buwan na nakatapat sa mundo ay nawawalan ng liwanag), ay patuloy na umiikot ng walang pagbabago sa solar na taon. Sapagkat ang labindalawang (12) kumpletong buwanang pag-ikot ay maikli ng labing-isang araw kaysa isang solar na taon, ang mga buwan na lunar ay lumulutang sa bawat pagdaan ng mga panahon.
- Luni-Solar: mga buwan na lunar na
naka-angkla ng mahigpit sa solar na taon.
Ang araw at ang buwan na magkasamang nagtatrabaho ay bumubuo sa isang luni-solar na kalendaryo. Ang “lunations” ay iniakma sa mas mahabang solar na taon sa pamamagitan nang pagdaragdag ng isang ika-13 buwan pitong (7) beses sa loob ng labingsiyam (19) na mga taon. Ang lingguhang pag-ikot ay nagsisimulang muli tuwing Bagong Buwan. Ang bawat kumpletong pag-ikot ng buwan (lunation) ay mayroong apat (4) na kumpletong isang linggo.
Ang kalendaryong itinatag noon sa Paglikha ay luni-solar. Ito ang pinaka-tumpak at tiyak sa lahat ng sistema ng pagpapanatili ng oras.
Sa Banal na Kasulatan, ang bawat buwanang pag-ikot ay nagsisimula sa pagdiriwang ng isang espesyal na araw ng pagsamba: Ang Araw ng Bagong Buwan. Ang Bagong Buwan ay nagsisimula sa paglabas ng unang liwanag pagkatapos ng pang-astronomiyang bagong buwan na kilala rin bilang “conjunction” o pagpapagitna ng buwan sa araw at mundo na kung saan ang bahagi ng buwan na nakatapat sa mundo ay nawawalan ng liwanag. Anim (6) na mga araw ng paggawa ang susunod at pagkatapos ay ang ika-7 Araw ng Sabbath, sa ika-8 araw ng buwan. Tatlong (3) mga linggo pa ang susunod, na magtatapos sa ika-29 na araw. Sa pamamagitan nang pagsukat at pagbibilang sa mga araw patungo sa ika-29 na araw, ang panahon ng “conjunction” (pagpapagitna ng buwan sa araw at sa mundo na kung saan ang bahagi ng buwan na nakatapat sa mundo ay nawawalan ng liwanag) ay ipinahayag upang malaman ng isa kung ang buwan ay mayroong 29 o 30 mga araw. Walang buwan kailanman na may hihigit pa sa 30 mga araw.
Ang tunay na kalendaryong luni-solar ay lubos na madaling gamitin. Ang mga araw ng isang linggo ay palagiang matatapat sa parehas na mga petsa ng buwan. Sa tuwina na ang ika-7 araw na Sabbath sa Banal na Kasulatan ay binigyan ng petsa, ito ay palaging nakatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 na mga araw ng buwan.
Inihayag ng Banal na Kasulatan na ang buwan ay nilikha alang-alang sa pagsukat ng mga panahon ng pagsamba.
“Kaniyang itinakda [nilikha] ang buwan sa mga panahon... [H4150¹; mga panahon ng pagsamba].” (Awit 104:19a)
Ang linggo ng Paglikha ay nagtapos sa Araw ng Sabbath na pamamahinga. Sa Exodo 31 ay ipinahayag na ang Sabbath ay dapat mapanatili sa buong panahon sa lahat ng salinlahi.
“Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang panatilihin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako si [Yahuwah] na nagpapabanal sa inyo.” (Exodo 31:13)
Ang ika-7 Araw na Sabbath ay dinisenyo ng Manlilikha upang maging tanda ng katapatan sa pagitan Niya at ng Kanyang mga tao. Ang kaaway, si Lucifer, ay binago ang sibil na kalendaryo at ninakaw ang pagsamba na sana'y para sa Manlilikha. Sa pamamagitan ng tradisyon at pagpapalagay, ay pinag-isa ni Lucifer ang mundo sa paggamit ng kalendaryong solar na mayroong tuloy-tuloy na umiikot na mga linggo. Kapag ang isang tao ay sumasamba ayipinakikita nito kung sino ang kanyang sinasamba. Ang lahat na gumagamit ng kalendaryong solar para malaman ang kanilang mga araw ng pagsamba ay walang-malay na ibinibigay ang kanilang katapatan at pagsamba sa dakilang manlilinlang. Yaong nagnanais na ipakita ang katapatan sa Manlilikha ay sasamba sa Kanya sa araw na Kanyang itinalaga. Upang mahanap ang tamang araw ng pagsamba, ang kalendaryong luni-solar na itinatag noong Paglikha ang dapat gamitin.
Ang Banal na Kasulatan ay nagpahayag na ang kalendaryong gagamitin sa pagsamba hanggang sa walang hanggan ay nakabatay sa Bagong Buwan:
“At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat ng tao upang sumamba sa harap Ko, sabi ni [Yahuwah].” (Isaias 66:23)
Kanino ka sumasamba? Kanino mo ibinibigay ang
iyong katapatan? Ang kalendaryong iyong ginagamit upang kalkulahin ang panahon
ng pagsamba ay nagpapahayag kung sino ang iyong sinasamba.
¹ "Dahil sa ang mga kapistahan ng Hudyo ay nagaganap sa mga regular na pana-panahon, ang salitang ito ay naging ganap na pagkakakilanlan sa kanila . . . Ang salitang Hebreo na mo'ed ay ginagamit ng malawakan sa mga bagay na may kinalaman sa pangrelihiyong mga pagtitipon. Ito ay ganap na iniugnay sa tabernakulo mismo . . . [si Yahuwah] ay nakipagkita sa Israel duon sa mga tiyak na oras para sa layuning maipahayag ang Kanyang kalooban. Ito ay pangkaraniwang pangngalan o tawag para sa panambahang pagtitipon ng mga tao . . . [ni Yahuwah]." (Tingnan ang #4150, “Lexical Aids to the Old Testament,” Hebrew-Greek Key Word Study Bible, K.J.V.)