Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Maraming Kristyano ang nakakaalam ng ‘90s na awit ng pagsamba na “There is None Like You.” Ang awitin ay may muling pagkabuhay sa kasikatan noong 2004 nang ito’y pinatugtog ng grupong Shane and Shane. Marahil ang pinaka hindi malilimutan ay ang repran ng awit, na nagpupuri ng pagiging natatangi ni Yahuwah:
There is none like You
No one else can touch my heart like you do
I could search for all eternity long and find,
There is none like You
Habang ang kakayahan ni Yahuwah na mag-ugnay sa panloob na tao ay walang alinlangan na isang aspeto ng Kanyang pagiging natatangi, ilan ay tumitingin para sa mas tunay na katangian kung saan ibabatay nila ang kanilang teolohiya ng pagkakakilanlan ni Yahuwah.
Sa isang artikulo na pinamagatang “The Uniqueness of the Trinity,” ang may-akda mula sa Living For Jesus Alone Ministries, ay nagsusulat:
Mayroong maraming bagay tungkol sa Diyos na naninindigan at ginagawa Siya na naiiba mula sa ibang diyos sa buong kasaysayan…mayroong isang susing elemento na ginagawa Siya na tunay na natatangi at inihihiwalay ang Kristyanismo mula sa lahat ng ibang pananampalataya. Ang susing elementong ito ng Diyos ay malinaw na ipinahayag sa Kasulatan…Ito ang doktrina ng Trinidad.1
Ngunit ang tatluhang aspeto ng Diyos ang tunay na gumagawa sa Kanya na natatangi? Ito ba, gaya ng tiwalang ipinapahayag ng may-akda, ay “malinaw na ipinahayag sa Kasulatan?” Ang isang Diyos ng Bibliya at aktwal ba na tatlo-sa-isang Diyos? Ating siyasatin kung ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa pagiging natatangi ni Yahuwah.
Natatangi Si Yahuwah Dahil Siya Ay Isa, At Wala Nang Iba Pa
Ang salitang natatangi ay binigyang-kahulugan bilang, “ang isang halimbawa, nag-iisa, katangi-tanging uliran o katangian.” Isa pa, “walang kahanay o kapantay; walang katulad; hindi matutularan.”2 Ang kalidad ng pagiging natatangi ay kung paano inilalarawan ng Kasulatan si Yahuwah. Sa mga sumusunod na sipi, si Yahuwah lamang (madalas italaga bilang “PANGINOON”) ay ang Diyos. Wala nang ibang diyos maliban sa Kanya.
“Paano kayo sasampalataya sa akin kung ang papuri lang ng kapwa ang hangad ninyo, at hindi ang papuri ng nag-iisang Diyos?” (Juan 5:44)
|
Exodo 8:10 Sumagot ang Paraon, “Ipanalangin mo ako bukas.” Sinabi ni Moises, “Matutupad ito ayon sa sinabi n’yo, para malaman nʼyo na walang ibang katulad ang Yahuwah naming Diyos.
Juan 5:44 [Nagsasalita si Yahushua] “Paano kayo sasampalataya sa akin kung ang papuri lang ng kapwa ang hangad ninyo, at hindi ang papuri ng nag-iisang Diyos?
Galacia 3:20 Ngunit hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang panig lamang ang gumagawa ng kasunduan—at si Yahuwah ay iisa.
Malinaw at paulit-ulit, ang pagiging natatangi ni Yahuwah bilang “iisa” at “nag-iisang” Diyos ay binigyang-diin sa Kasulatan, ngunit hindi natutumbasan ang kapangyarihan kapag mismong si Yahuwah ang nagpahayag.
Isaias 40:25 Sinabi ng Banal na Diyos, “Kanino ninyo ako ihahalintulad? Mayroon bang katulad ko?”
Isaias 43:10 “Kayo ang aking mga saksi,” sabi ni Yahuwah. “Pinili ko kayong maging mga lingkod ko, para makilala ninyo ako at magtiwala kayo sa akin, at para maunawaan ninyo na ako lamang ang Diyos. Walang ibang Diyos na nauna sa akin, at wala ring Diyos na susunod pa sa akin.
Isaias 45:5-6 “Ako si Yahuwah, at wala nang iba pa; maliban sa Akin ay wala nang ibang Diyos. Palalakasin kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala para malaman ng lahat sa buong mundo na walang ibang Diyos maliban sa akin. Ako si Yahuwah at wala nang iba pa.
Isaias 45:18 Kayo Yahuwah ang Diyos. Kayo ang lumikha ng langit at ng mundo. Hindi nʼyo ginawa ang mundo nang walang nabubuhay. Ginawa nʼyo ito para matirhan. Sinabi nʼyo, “Ako si Yahuwah at wala nang iba pa.
Ayon sa kahulugan ng natatangi sa ibabaw, si Yahuwah ay ang “iisang halimbawa” ng pagiging diyos. Siya ang nag-iisa at katangi-tangi ang katangian. Siya ay walang kapantay. Siya ay walang katulad at hindi matutularan. Ngunit ito bang natatangi, nag-iisang uri na Diyos ay ang aktwal na tatlo-sa-isa na itinuro ng napakaraming Kristyano? Ano ang sinasabi ng Kasulatan? Tinutukoy ng Kasulatan si Yahuwah bilang isa lamang.
Deuteronomio 6:4 “Dinggin mo, O Israel: si Yahuwah nating Diyos ay isang Yahuwah. (Marcos 12:29)
Noong pinangunahan ni Yahuwah ang mga Israelita palabas ng pagkakabilanggo sa Egipto, isang kultura ang minarkahan ng politeismo, ipinahayag Niya na Siya ay naiiba mula sa lahat ng ibang diyos; Siya ang tanging tunay na Diyos. Ang siping ito, nalalaman bilang Ang Shema (salitang Hebreo para sa salitang pakinggan o dinggin), ang bumubuo sa pundasyon ng pagkakakilanlan ni Yahuwah.
Gaano Karami Ang Isa?
Ang konsepto ng isa o isang isahan na isang bagay na napakasimple kaya ang isang bata ay mauunawaan ito. Tunay nga, inutos ni Yahuwah sa mga Israelita na ituro ang batayang patotoo ng pagiging isa ni Yahuwah na matatagpuan sa Ang Shema para sa kanilang mga anak.
|
Ang salitang “isa” sa Hebreo ay echad. Itinatala ng Strong’s Concordance ang echad bilang isang pang-uri na nangangahulugang “isa.”4 Ang Brown-Driver-Briggs Hebrew Lexicon ay binigyang-kahulugan ang echad, bilang “isa, bawat isa, isang tiyakan, isa lamang, minsan lang.”5 Ilagay lamang, ibig sabihin ng “isa” ay isa, na pinamagatan ng isang may-akda para sa mga bata na si Tasha Tudor sa kanyang nakalulugod na aklat sa pagbibilang: 1 ay Isa.6 Ang konsepto ng isa o isang isahan na isang bagay na napakasimple kaya ang isang bata ay mauunawaan ito. Tunay nga, inutos ni Yahuwah sa mga Israelita na ituro ang batayang patotoo ng pagiging isa ni Yahuwah na matatagpuan sa Ang Shema para sa kanilang mga anak.7 Ngunit sa isang tangka na matagpuan ang isang tatluhang Diyos sa Kasulatan, binibigyang-diin ng mga Trinitaryan na ang echad ay isang salita na naglalarawan ng isang langkapang pagkakaisa. Si Mary Kassian, tanyag na may-akda, tagapagsalita, at dating propesor sa seminaryo, ay nagsulat sa kanyang aklat na Knowing God by Name na ang isa sa Deuteronomio 6:4 ay nagpapahiwatig ng isang pinagsama-samang pagkakaisa gaya lamang ng isang kumpol na binubuo ng maraming ubas.8 Anong madalas bigong aminin nina Kassian at ibang Trinitaryan, gayunman, ay ang salitang isa ay isang pang-uri na nagbabago ng salitang kumpol, hindi ang salitang ubas. Walang maramihan na matatagpuan sa isang kumpol na pahayag. Ang isa ay nananatiling isa ang ibig sabihin, naglalarawan ng iisang kumpol o isang ubas. Ilan sa mga Trinitaryan ay ipapaniwala sa atin na ang paggamit ng echad (isa) upang ilarawan si Yahuwah sa Kasulatan ay isang nakatalukbong na tangka upang makipag-usap na ang “Siya” ay tunay na “sila.” Subalit ang Kristyanong mananalaysay na si Kegan Chandler ay isinusulat sa kanyang aklat, The God of Yahushua in Light of Christian Dogma:
“Sa 960 beses na ang ‘echad’ ay lumilitaw sa Hebreong Bibliya, walang pagkakataon na ito’y nagpapakilala ng maramihan sa loob ng isa; sa halip, ito lamang ay nagpapahayag ng isang bagay gaya ng ‘isang bagay sa bilang,’ hindi dalawa o tatlong bagay.”9
Dagdag pa, hindi kailanman ipinapaliwanag ng Kasulatan na noong sinabi ni Yahuwah na Siya ay “isa,” Siya ay aktwal na nangangahulugan na “tatlo” sa katauhan o maging ang isang langkapang pagkakaisa para sa bagay na iyon. Itong hindi maikakailang patotoo ay nag-uukol ng pag-uulit. Hindi kailanman sinabi sa atin na anuman sa 31,102 berso ng Bibliya na ang isang Diyos ay aktwal na tatlo sa isa. Hindi kailanman. Bagama’t tila halata na, marapat na ipahayag na kung ang isang doktrina ay hindi itinuro sa Bibliya, ito, sa kahulugan, ay hindi isang Biblikal na doktrina.
Ang Trinitaryan na may-akda at dating propesor ng Fuller Theological Seminary na si C. Peter Wagner ay sumasang-ayon na ang doktrina ng Trinidad ay hindi matatagpuan sa Bibliya. Isinusulat niya:
Gayunman, walang paglitaw ng salitang Trinidad sa Bibliya, wala rin kahit anong iisang sipi na naglalarawan sa Diyos bilang tatlong Katauhan sa isang esensya. Iyon ang dahilan kung bakit tumagal ng daan-daang taon ang pagtatalo upang dumating sa aming trinitaryan [kaya] doktrinal na konklusyon. Ito ay dapat na resulta ng ekstrabiblikal na rebelasyon.10
Ang doktrina ng isang tatluhang Diyos ay pinaunlad sa loob ng mahabang panahon ng mga Griyego at Latin na pilosopo na, binagong-loob sa Kristyanismo, tinangka na ipagkasundo ang kanilang Platonikong pananaw sa Kasulatan ng mga Hudyo.
|
Tunay nga, ang doktrina ng isang tatluhang Diyos ay pinaunlad sa loob ng mahabang panahon ng mga Griyego at Latin na pilosopo na, binagong-loob sa Kristyanismo, tinangka na ipagkasundo ang kanilang Platonikong pananaw sa Kasulatan ng mga Hudyo. Kawili-wili, ang ibang Trinitaryan na iskolar ay sumasang-ayon na ang doktrina ay isang matapos ang biblikal na pag-unlad. Si Millard Erickson, dating propesor ng teolohiya sa Southwestern Baptist Theological Seminary at isang Trinitaryan, ay nagsusulat:
Ang doktrina ng Trinidad na nalalaman natin ngayon ay hindi lumitaw nang buong-buo tungo sa eksena ng kaisipang Kristyano sa pagmumula ng buhay ng simbahan. Ito’y dumaan sa isang mahabang proseso kung saan ang simbahan ay nagtimbang ng iba’t ibang interpretasyon ng biblikal na datos at pinili iyong hinatol na mas sapat…Makikita natin ang doktrina ng Trinidad na pinaunlad, patong-patong.11
Dagdag pa, ang Trinitaryan at nangungunang Katolikong iskolar ng Bibliya, si John L. McKenzie, ay sumasang-ayon kay Wagner:
Ang Trinidad ng Diyos ay tinukoy ng Simbahan sapagkat ang paniniwala na sa Diyos ay tatlong katauhan na namamalagi sa isang kalikasan. Ang paniniwala na lubos na tinukoy ay umabot lamang sa ikaapat at ikalimang siglo AD at kaya hindi tahasan at pormal na isang biblikal na paniniwala.12
At saka, si Shirley Guthrie, Jr., may-akda at propesor ng seminaryo, at isang Trinitaryan ay nagsusulat:
Ang Bibliya ay hindi nagtuturo ng doktrina ng Trinidad. Wala mismo ang salitang ‘trinidad’ at wala ang ganoong wika bilang ‘isa-sa-tatlo,’ ‘tatlo-sa-isa,’ isang ‘esensya’ (o ‘diwa’), at tatlong ‘katauhan’ ay biblikal na wika. Ang wika ng doktrina ay ang wika ng sinaunang simbahan na kinuha mula sa klasikong Griyegong pilosopiya.13
Ilan sa mga Trinitaryan, natatanto na imposible na matagpuan ang isang tatluhang Diyos sa Lumang Tipan, nakipagtalo na si Yahuwah ay kinatawan bilang iisang katauhan sa Kasulatang Hebreo dahil si Yahushua ay hindi pa inilahad. Ano, pagkatapos ang itinuturo sa atin ng Bagong Tipan? Ipinapakita ba nito na si Yahuwah ay binubuo ng tatlong katauhan? Hindi ayon sa maraming Trinitaryan na iskolar. Halimbawa, si Emil Brunner, isang maimpluwensyang ika-20 siglo na teologo at Trinitaryan na iskolar, ay nagsusulat:
Kapag tumungo tayo sa problema ng doktrina ng Trinidad, tayo’y humarap sa isang kakaibang pasalangsang na kalagayan. Sa isang dako, ang kasaysayan ng Kristyanong teolohiya at dogma ay nagtuturo sa atin upang kilalanin ang dogma ng Trinidad bilang natatanging elemento ng Kristyanong ideya ng Diyos….Sa kabilang dako, dapat tayong matapat sa pag-amin na ang doktrina ng Trinidad ay hindi nabuong bahagi ng maagang Kristyano—Bagong Tipan—na mensahe…”14
Bilang karagdagan, ang Trinitaryan na propesor, teologo, at malikhaing manunulat na si Anthony T. Hanson ay nagsasabi:
Walang responsableng iskolar ng Bagong Tipan ang mag-aangkin na ang doktrina ng Trinidad ay itinuro ni Yahushua, o ipinangaral ng mga pinakamaagang Kristyano, o may kamalayang ginanap ng sinumang manunulat ng Bagong Tipan.
|
Walang responsableng iskolar ng Bagong Tipan ang mag-aangkin na ang doktrina ng Trinidad ay itinuro ni Yahushua, o ipinangaral ng mga pinakamaagang Kristyano, o may kamalayang ginanap ng sinumang manunulat ng Bagong Tipan. Sa katunayan, ito’y mabagal na pinagtrabahuan sa kurso ng mga unang ilang siglo sa isang tangka na magbigay ng isang mauunawaang doktrina ng Diyos.15
At isa pa, si Christopher B. Kaiser, propesor, teologo at isang Trinitaryan, ay nagsulat:
Ang doktrina ng Trinidad ng Simbahan ay tila ang pinakamalayong bagay mula sa [mga manunulat ng Bagong Tipan] kaisipan, at ang kasalukuyang mambabasa ay maaaring magtaka kung ito ay nakakatulong na sumangguni sa ganoong dogma upang makuha ang teolohiya ng Bagong Tipan. Kapag ang simbahan ay nagsasalita ng doktrina ng Trinidad, tinutukoy nito ang tiyak na paniniwala na ang Diyos ay umiiral sa tatlong natatanging ‘katauhan’ na magkakatumbas sa pagkadiyos at isa sa diwa. Sa anyong ito, ang doktrina ay hindi matatagpuan saanman sa Bagong Tipan; ito’y lubos na hindi naipahayag hanggang sa huling bahagi ng ikaapat na siglo AD.16
Ano, pagkatapos, ang sinasabi ng Bagong Tipan? Itinuturo ba nito ang tungkol sa isang tatlong-katauhan na Diyos? Kabaligtaran, gaya ng pagtuturo ni Moises sa mga Israelita na namuhay sa mga politeistikong bansa na si Yahuwah ay isang Yahuwah (Deuteronomio 6:4), itinuro din ni Pablo ang mga Kristyanong nabubuhay sa paganong Corinto na walang ibang diyos maliban sa isang Diyos.
1 Corinto 8:4-6 Kaya’t tungkol sa pagkain ng mga inialay sa mga diyus-diyosan, alam natin na walang totoong diyos na inilalarawan ng mga diyus-diyosan sa sanlibutan, at walang Diyos maliban sa isa. 5 Sapagkat kahit may tinatawag na mga diyos, sa langit man o sa lupa, gaya ng pagkakaroon ng maraming “mga diyos” at maraming “mga panginoon,” 6 ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga bagay, at para sa kanya tayo’y nabubuhay, at may iisang Panginoon, si Kristo Yahushua, na sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya, tayo’y nabubuhay.
Pinatutunayan ni Pablo ang pagtuturo ng pagiging natatangi ni Yahuwah sa berso 4 noong isinulat niya, “walang Diyos maliban sa isa.” Ang isang Diyos na ito ay hindi binuo ng dalawang dagdag na katauhan: ang Anak at ang Espiritu. Sa halip, sa berso 6, tinutukoy ni Pablo ang isang Diyos bilang ang Ama. Si Yahushua ay tinukoy ni Pablo bilang ang Panginoon (maestro) at Kristo (isang pinahiran o Mesias). Ito ang naaalinsunod na pananaw ni Pablo kay Yahuwah at Yahushua sa lahat ng kanyang mga sulat. Halimbawa:
Galacia 1:3 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula kay Yahuwah na ating Ama, at mula sa ating Panginoong Kristo Yahushua.
Efeso 4:6 Isang Diyos at Ama ng lahat, na siyang dakila kaysa lahat, at siyang kumikilos sa lahat, at nasa lahat.
1 Timoteo 2:5 Iisa ang Diyos at iisa ang Tagapamagitan ni Yahuwah at sa mga tao, ang taong si Kristo Yahushua.
Ano Naman Kay Yahushua? Sino Ang Sinasabi Niya Na Si Yahuwah?
Ipinapahayag ni Yahushua ang pagiging natatangi ni Yahuwah sa anong naging kilala bilang kanyang “punong saserdote na panalangin.”
“Ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.” (Juan 17:3)
|
Juan 17:1-3 Matapos sabihin ni Yahushua ang mga ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama…ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.
Sa ganap na pagkakatugma sa nalalabi ng Kasulatan, tinutukoy ni Yahushua ang Ama bilang tanging tunay na Diyos at ang sarili niya bilang Kristo o Mesias, na isinugo ni Yahuwah. Sa kaisipan ni Yahuwah, ang Ama lamang ay ang Diyos. Kung mananatili tayong matapat sa pananalig, ang ating paniniwala ay hindi dapat malihis mula sa kaisipan ni Yahushua.
Paano Naman Ang Isang Diyos [Yahuwah] Ay Dumating Sa Konsiderasyon Bilang Isang Tatluhang Diyos?
Nasipi na natin ang mga iskolar na sumasang-ayon na ang doktrina ay umunlad sa loob ng mahabang panahon. Sa kasamaang-palad, isang detalyadong salaysay ng makasaysayang talaan tungkol sa pag-unlad na ito ay lagpas na sa saklaw ng artikulong ito; gayunman, sa ngalan ng kaiklian, sapat nang sabihin na hindi hanggang taong 325 AD sa Konseho ng Nicaea na si Yahushua ay opisyal na itinuring bilang Diyos na dagdag sa Ama. At hindi ito hanggang 381 AD sa Konseho ng Constantinople na ang Espiritu Santo ay sumama sa ranggo ng pagkadiyos.
Bilang mga Kristyano, masusumpungan natin na malalim na nakakabahala na, ayon sa Trinitaryan na tradisyon, ang natatanging bagay tungkol kay Yahuwah—Kanyang tatlo sa pagiging isa—ay hindi kailanman nabanggit, hindi kailanman itinuro sa Bibliya. Ito dapat ay mag-atas sa atin na tanggalin ang ating mga kinikilingan at mga inakalang paniwala upang matuklasan ang Diyos ng Kasulatan na napakalinaw at paulit-ulit na sinasabi na Siya ay isa at wala nang iba pa. Ito ang gumagawa kay Yahuwah na natatangi, at dapat na dahilan upang pagkaisahin ang ating tinig sa Kasulatan kapag umaawit tayo ng, “There is none like You.”
Mga Talababa:
1 “The Uniqueness of the Trinity.” Living for Jesus Alone, Hunyo 7, 2014, nakuha noong Abril 3, 2019, https://www.living-for-Jesus-alone.org/the-uniqueness-of-the-trinity.html
2 Dictionary.com, nakuha noong Abril 3, 2019, https://www.dictionary.com/browse/unique
4 Strong’s Concordance to the Bible, Biblehub.com, nakuha noong Abril 3, 2019, https://biblehub.com/hebrew/259.htm
5 Brown-Driver-Briggs. Biblehub.com, nakuha noong Abril 3, 2019, https://biblehub.com/bdb/259.htm
6 Tosha Tudor, 1 is One. (Little Simon, 1984).
7 Deuteronomio 6:4-9
8 Mary Kassian, Knowing God by Name: A Personal Encounter (Lifeway Christian Resources), p.7
9 Kegan A. Chandler, The God of Yahushua in Light of Christian Dogma. (McDonough, Georgia: Restoration Fellowship, 2016), pg. 289.
10 C. Peter Wagner, “But That’s Not in the Word!” Charisma Magazine, Hunyo 2014, http://www.charismamag.com/spirit/bible-study/19995-but-that-s-not-in-the-word
11 Millard J. Erickson, God in Three Persons. (Grand Rapids, Michigan: Baker Books, 1995), p. 33
12 John L. McKenzie, S.J., Dictionary of the Bible. (New York: Macmillan Publishing, 1995), p 899-900. Ang aklat na ito ay nagdadala ng mga opisyal na selyo ng Simbahang Katoliko ang Nihil Obstat at Imprimatur.
13 Shirley Guthrie, Jr. Christian Doctrine (Louisville, KY: Westminster John Know Press, 1994), p. 76-77.
14 Emil Brunner, Dogmatics, Vol. 1. (London: Lutterworth Press, 1949), p. 205.
15 Anthony Tyrrell Hanson, The Image of the Invisible God. London: SCM Press, 1982. p.87.
16 Christopher B. Kaiser, The Doctrine of God: A Historical Survey. (Eugene, OR: Wipf & Stock, 2001), p. 27.
Ito ay hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/the-uniqueness-of-God/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC