'Pagbasbas Ng Pangalan Ni Yahuwah Sa Ating Mga Paghihirap'
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang unang kabanata ng Job ay isinasalaysay kung paano si Job, nagising sa isang umaga bilang pinakamayamang tao sa Silanganan, ay ibinagsak sa kahirapan sa paglubog ng araw. Sa umaga, mayroon siyang 1,000 baka at 500 asnong babae; sa gabi, walang natira sa kanya. Sa umaga, taglay niya ang 7,000 tupa at 3,000 kamelyo; sa gabi, ang mga ito’y pinatay o ninakaw. Sa umaga, mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae; sa gabi, wala na siyang anak. Sa umaga, marami siyang lingkod; sa gabi, mayroon siyang apat – lahat ng mga ito’y naghatid ng kagimbal-gimbal na balita tungkol sa pagkawasak ng kanyang dakilang estado.
Pag-isipan sa posiyon ni Job, minamahal. Paano ka tutugon? Ano kung ang isang baha, isang sunog, isang buhawi, o isa pang mapaminsalang pwersa na isinugo ni Yahuwah ay nag-iiwan sa iyo sa kahirapan at kawalan ng anak sa panahon na bumalik ka sa tahanan mula sa simbahan ngayon?
Ang kabanata ay tinatalakay ang agarang tugon ni Job sa napakabigat na pagsubok na ito. Una, tumugon siya nang may kalungkutan. Mababasa natin sa berso 20: “Nang magkagayo'y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo.” Ang mga kilos na ito ay isang nakikitang ekspresyon ng kanyang pighati. Tandaan na walang mali sa pagdadalamhati kapag si Yahuwah ay nagsusugo ng mga pagsubok sa ating mga buhay. May isang panahon para sa lahat ng bagay – ganon din sa isang panahon para tumangis! Kapag ang paghihirap ay dumarating, hindi natin kailangang pag-isipan na hindi tayo maaaring umiyak, hindi rin natin kailangan na dapat tayong maging matatag sa ngalan ng mga nakapaligid sa atin. Nagdalamhati si Job, at ganon din tayo. Sa ating pighati, maaari tayong tumangis. Ngunit hindi nating maaaring sisihin si Yahuwah nang hangal!
Ikalawa, tumugon si Job sa kanyang pagsubok sa pagsamba kay Yahuwah. Mababasa natin sa berso 20 na, hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, “at nagpatirapa sa lupa at sumamba.” Ang mga pariralang ito ay sumasalamin sa kanyang tindig at saloobin sa pagsamba. Itinungo niya ang kanyang ulo sa lupa, isang posisyon na nagpapahiwatig ng kababaang-loob ng isang tao na kinikilala ang kanyang kawalan ng kakayahan at nagtitiwala lamang kay Yahuwah.
Ikatlo, nagtapat si Job, mababasa natin sa berso 21: “At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Yahuwah ang nagbigay, at si Yahuwah ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Yahuwah.” Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nagpapahiwatig si Job na tinitiis niya ang kanyang paghihirap nang matiyaga. Lalo na mula sa pagtatapat na ito ni Job, dapat tayong kumuha ng isang aral. Siyasatin pa natin ito upang gawin ito sa sarili naman nating panahon ng paghihirap.
I. PAGTATAPAT SA PINAKADAKILANG KAPANGYARIHAN NI YAHUWAH
Ang kaibuturan ng pagtatapat ni Job ay ito: “si Yahuwah ang nagbigay, at si Yahuwah ang nag-alis.” Kinikilala ni Job na anong sinapit niya ay ang gawa ni Yahuwah, ipinapakita ang pinakadakilang kapangyarihan ni Yahuwah.
Para sa pagtatapat na ito, maaari tayong tumugon sa pagsasabi, “Hindi, Job, nagkakamali ka; hindi ito gaanong gawa ni Yahuwah gaya ng gawa ni Satanas.”
Mismo, ang kabanata ay sinusuri ang papel ni Satanas sa paghihirap ni Job. Natutunan natin na isang araw ang mga anak ni Yahuwah, tinutukoy ang mga anghel, ay dumating sa harap ni Yahuwah sa langit. Sila’y nagtipun-tipon upang sambahin si Yahuwah at tinatanggap ang mga utos mula sa Kanya, na kinakailangan nilang tuparin. Gayunman, kasama ang mga mabubuting anghel, si Satanas rin ay lumitaw sa langit. Bago ang kamatayan ni Kristo Yahushua, pinahintulutan si Satanas na pumasok sa presensya ng kaluwalhatian ni Yahuwah.
Napansin ni Yahuwah si Satanas at nagsalita sa kanya. Nalalaman na ang layunin ni Satanas ay para wasakin ang kaharian ni Yahuwah, pabagsakin ang lahat ng mga gawa ni Yahuwah, at itatag ang sarili niya bilang tunay na kapangyarihan ng sanlibutan, tinanong ni Yahuwah si Satanas, “Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot kay Yahuwah at humihiwalay sa kasamaan?” (berso 8). Ito ay kung isa pang tanong ni Yahuwah kay Satanas, “Kung tunay kang naniniwala na maaari mong pabagsakin ang aking kaharian, Satanas, nasiyasat mo ba na si Job ay isang matapat na anak at mamamayan?”
Bilang tugon, kinilala ni Satanas ang kanyang kawalan ng kakayahan na italikod si Job mula kay Yahuwah. Sapagkat si Yahuwah ay pinagkalooban si Job ng ganoong kayamanan, nagtalo si Satanas na si Job ay mananatiling matapat. Tunay ngang tinanong niya ang motibo sa likod ng pag-ibig at pagtalima ni Job, nagpapahiwatig na si Job ay maglilingkod sa sinuman na nagdulot sa kanya na masagana at kontento.
Naunawaan ni Yahuwah ito bilang isang pagsubok. Kung si Job ay pinaglingkuran si Yahuwah hindi sa kapangyarihan na ibinigay ni Yahuwah sa kanya bilang isang muling nabuong bata kundi dahil lamang si Yahuwah ay ginawa siyang mayaman at masaya, pagkatapos, si Job ay hindi talagang isang matapat na bata at mamamayan sa huli. Dahil dito, ipapakita ni Yahuwah kay Satanas na ang argumento ni Satanas ay mali. Mula nang nagtalo si Satanas na naglingkod si Job kay Yahuwah dahil ibinigay ni Yahuwah kay Job ang mga kayamanan, pinahintulutan ni Yahuwah si Satanas na kunin ang lahat ng mga pag-aari na iyon.
Sa isang diwa, dahil dito, ang pagsubok ni Job ay ang gawa ni Satanas. Ito ay ang ideya ni Satanas na pahirapan si Job. Ito rin ay ang gawa ni Satanas dahil siya ay binigyan ng kapangyarihan para makamit ito – bagama’t magsailalim sa kapangyarihan at kalooban ni Yahuwah. Kaya maaari nating sabihin kay Job, nagkakamali ka! Mali ka noong sinabi mo na si Yahuwah ang nagbigay, at si Yahuwah ang nag-alis! At maaari nating sabihin, kapag ang mga pagsubok ay sumapit sa atin: hindi si Yahuwah ang nagsusugo ng mga ito!
Subalit magkakamali tayo. Tama si Job. Inaamin ni Job na si Yahuwah ang sukdulang dahilan ng lahat ng bagay na naganap. Hindi niya kailangan na maunawaan ang mga paano at mga bakit ng kanyang paghihirap upang gumawa ng pagtatapat na ito. Hindi niya kailangan magkaroon ng kamalayan ng pag-uusap sa pagitan ni Yahuwah sa langit. Kailangan niya lamang mawatas na si Yahuwah ay ang tanging pinakadakila na nakakamit ang lahat ng tinukoy Niya sa Kanyang pagpapayo! Sapagkat walang bagay na dumarating sa atin maliban sa anong inaatasan at isinusugo ni Yahuwah, si Job at tayo rin ay maaaring pagtibayin ang dakilang kapangyarihan ni Yahuwah: “Si Yahuwah ang nagbigay, at si Yahuwah ang nag-alis.”
Marahil ang unang bahagi sa pagtatapat ni Job ay dumarating nang napakadali sa atin: “Si Yahuwah ang nagbigay.” Paminsan-minsan, nakaliligtaan natin ang katunayang ito: lahat ng mga bagay ay nagmumula kay Yahuwah, subalit ay madalas nagbibigay tayo ng kredito sa ating sarili sa kapangyarihan na tipunin ang ating mga yaman, magtayo ng ating mga tahanan, at palakihin ang ating mga anak. Gayunman, madalas nagpapaalala sa atin si Yahuwah na lahat ng ating pisikal at espirituwal na paggawa ay nakakamit sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahuwah. Ang ating mga anak ay mga kaloob mula kay Yahuwah, at ang ating mga pinagkukunan ay mga pagpapala mula sa Kanya. Bagama’t maaari tayong makakuha ng mga pag-aari dahil sa ating matiyagang pagtatrabaho, ang kalakasan na gawin ito at ang mga pagpapala sa ating mga pagsisikap ay nagmumula kay Yahuwah. Si Yahuwah ang nagkakaloob ng lahat ng mga bagay.
Ang teksto ngayon ay nagtuturo na kung ano ang totoo para sa pagbibigay ay ganon din, at palagi, totoo para sa pag-aalis. “Si Yahuwah ang nag-aalis.” Nagbibigay si Yahuwah para sa Kanyang bayan ayon sa Kanyang layunin at bilin, nagpapakita ng Kanyang pinakadakilang kapangyarihan at pag-ibig. Kapag nag-aalis Siya ng ating mga mahal sa buhay o pag-aari, iyon rin ay humahanay sa Kanyang layunin at bilin; ito rin ay nagpapakita ng Kanyang pinakadakilang pag-ibig at ipinapahayag ang Kanyang pag-ibig para sa Kanyang bayan kay Kristo Yahushua.
Huwag sabihin, minamahal, na si Yahuwah ang nagbigay at si Satanas ang nag-alis! Layon ni Yahuwah para sa akin na panatilihin ang aking mga pag-aari at mga mahal sa buhay, ngunit isang pwersa na mas dakila pa kay Yahuwah ang nag-alis sa mga ito! Sa halip, ipagtapat ang pinakadakilang kapangyarihan ni Yahuwah! Siya lamang ang Diyos! Anumang nais Niya ay kaya Niyang gawin! At Siya ay kikilos sa lahat ng bagay upang luwalhatiin ang Kanyang pangalan!
Ngunit bakit Niya inaalis ito? Bakit Niya kinukuha ang anong napakahalaga sa atin? Ginagawa Niya ito sa Kanyang pag-ibig!
II. NAGTITIWALA SA MATAPAT NA PAG-IBIG NI YAHUWAH
Nagtiwala si Job sa matapat na pag-ibig ni Yahuwah. Naunawaan niya na ang mga paghihirap na isinugo ni Yahuwah sa kanya ay ibinigay sa pag-ibig.
Sinubukan ni Satanas sa panahon ng paghihirap na ito na mapaniwala si Job na kinasusuklaman siya ni Yahuwah. Ating sapantaha na ito ay unang araw ng sanlinggo dahil sinabi sa atin na ang mga anak ni Job ay may piging sa tahanan ng panganay na lalaki at ang bawat kapatid na lalaki ay may-anyaya ng piging na ito sa susunod naman na sanlinggo. Ang mga pista ay sumunod sa isang sanlingguhang pag-ikot, at ang pag-ikot na ito ay nagsisimulang muli. Ngayon, sa wakas ng pag-ikot, sinabi sa atin na si Job ay nagsakripisyo para sa lahat ng kanyang mga anak. Bago dumilim man o ang umaga ng araw na ito na si Job ay nagdusa sa kanyang mga kalamidad, nag-alay siya ng mga sinunog na handog at handog para sa pagkakasala, nakikibahagi sa mga pamamaraan ng kagandahang-loob, at nag-iwan ng pinabagong katiyakan ng pag-ibig at pagpabor ni Yahuwah para sa kanya at kanyang mga anak. Ginamit ni Satanas ang pagsasaoras ng mga kaganapang ito sa isang pagsisikap na pagdudahan ni Job ang pag-ibig ni Yahuwah. Gaya ng kung ikaw o ako ay narinig ang pinaka nakakaaliw na sermon, kinakain sa mesa ni Yahuwah, at naramdaman muli ang kapatawaran ng ating mga kasalanan, para lamang bumalik sa tahanan at matuklasan na ang dakilang kalamidad ang sumapit sa atin – ninanais ni Satanas na itanong sa atin, anong klaseng pag-ibig ito?
Ikalawa, itala na habang mga kamelyo, baka, at asno ay ninakaw, ang mga tupa ay nawasak sa isang naiibang paraan – sa pamamagitan ng apoy ni Yahuwah na bumaba mula sa langit at lumamon sa kanila. Ang mga tupang ito ay ang mga hayop na pangunahing ginagamit ni Yahuwah para sa pag-aalay kay Yahuwah. Kaya, winasak ni Yahuwah ang mga ito sa pamamagitan ng isang gawa ng paghahatol! Tandaan, kapag ang apoy ay bumababa mula sa langit sa Kasulatan, ito’y naghuhudyat ng paghahatol ni Yahuwah. Alalahanin ang apoy ni Yahuwah na ibinuhos sa Sodoma at Gomorra. Mauunawaan na si Yahuwah ay magpapadala ng apoy mula sa langit sa araw ng paghuhukom upang burahin ang sanlibutang ito at lahat ng kasamaan nito. Ngayon, nais ni Satanas na itanong kay Job, “Bakit si Yahuwah ay hinatol ako sa pagsunog ng aking mga tupa? Napopoot ba Siya sa aking mga pag-aalay?”
Sa ikatlong lugar, lahat ng mga anak ni Job ay nawasak. Nalalaman rin ni Job ang tungkol sa tipan. Bagama’t si Job ay maaaring hindi naunawaan ito nang malinaw gaya natin, natanto niya na ang tipan ni Yahuwah ay nagpapatuloy sa mga salinlahi. Sa puntong ito, maaaring maisip ni Job, “Walang tipan si Yahuwah sa akin. Winasak Niya lamang ito.” Sa kaparehong paraan, namamahala si Satanas ng ating atensyon sa mga kalamidad na isinusugo ni Yahuwah sa ating mga buhay at sinusubukan tayo na mag-isip na napopoot si Yahuwah sa atin.
Sa ilang saklaw, naunawaan ni Job ang matapat na pag-ibig na ito ni Yahuwah. Sa paggamit ng pangalang Yahuwah, nagpahiwatig si Job na ang kanyang mga paghihirap ay nagmula sa kanyang personal na Diyos, ang tanging Diyos. Ang mga paghihirap na ito ay hindi mula sa mga diyos ng Chaldeo o mga anito ng mga taga-Seba; ang mga ito’y mula kay Yahuwah, ang Diyos na umiibig kay Job! Dagdag pa, sa pagtawag sa pangalang Yahuwah, ipinakita ni Job na kinilala niya ang matatag na pag-ibig ni Yahuwah. Sa kontekstong ito, ang gawa ni Yahuwah sa pagpapadala ng mga kahirapan ay dakila ang pagkakaiba sa papel ni Satanas sa mga ito. Mahalaga na tandaan na ang mga tukso at mga pagsubok ay talagang pareho, lumilitaw mula sa mga magkakaparehong kalagayan. Gayunman, nakikinabang si Satanas sa mga kalagayan na iyon sapagkat ang mga tukso para pahinain ang kagandahang-loob ni Yahuwah sa atin at magpaunlad ng poot sa atin. Kabaligtaran, ginagamit ni Yahuwah ang mga kalagayan na iyon bilang mga pagsubok upang palakasin ang ating pananalig at pagiging maka-Yahuwah na nagmula sa Kanyang pag-ibig mula sa atin.
Ang mga paghihirap na isinusugo ni Yahuwah sa Kanyang bayan ay palaging nagmumula sa Kanyang pag-ibig. Wala Siyang ibang motibo para sa pagpapadala ng mga pagsubok sa atin. Sa pamamagitan ng mga pagsubok na ito, naghahanda Siya para sa ating lugar sa kaluwalhatian! Ang mga pagsubok at mga paghihirap, dahil dito, ay dumarating lamang sa mga anak ni Yahuwah – ang mga ito’y isang mapagpalang kaloob sa mga makasalanan gaya natin, na nangailangan ng kamatayan ni Kristo sa krus upang makamit ang mga ito para sa atin.
Ganoon din ang pananaw ni Job. Wala kahit isang pahiwatig sa teksto na si Job ay itinuring ang posibilidad na si Yahuwah ay maaaring nasusuklam sa kanya, o si Yahuwah ay tumalikod sa kanya, o kaya ang pag-ibig ni Yahuwah sa kanya noon ay isa lamang pagkukunwari. Sa katunayan, kung si Job ay naisip na napopoot na si Yahuwah sa kanya, mangmang niyang ipaparatang ito kay Yahuwah! Ngunit hindi niya ginawa ito. Sa pagsasabi, “Si Yahuwah ang nagbigay, at si Yahuwah ang nag-alis,” ibig iparating ni Job ay, “Ginawa ito ni Yahuwah sa Kanyang pag-ibig. Iniibig Niya ako!”
Ang ating pagtatapat ay dapat na pareho sa ating mga pagsubok. Hindi nagbabago si Yahuwah. Ipinakita na Niya sa atin ang Kanyang pag-ibig para sa Kanyang ekklesia sa pagsusugo kay Kristo Yahushua upang mamatay sa krus. Hindi kailanman masusuklam si Yahuwah sa ekklesia! Nagpakita rin Siya ng Kanyang pag-ibig para sa bawat isa sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng paggawa ng mga pakinabang ng kaligtasan sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu ni Kristo Yahushua. Tayo’y hindi kailanman kasusuklaman ni Yahuwah! Lahat ng bagay na isinusugo niya ay isinagawa sa pag-ibig. Nagpapadala Siya kahit ng malungkot na paghihirap para sa pag-ibig. Sa pag-ibig, Siya’y nagtatama, nagsasaway, naglilinang, at naglilinis sa atin, gaya ng ginto na sinubok sa apoy. Ngunit palagi, ito’y para sa pag-ibig.
Paniniwalaan mo ba ito? Maaari ka bang magtapat nito kung dumating ka sa tahanan mula sa sambahan ngayong gabi upang masumpungan na ang iyong mga pag-aari ay ninakaw at mga mahal sa buhay ay pumanaw? Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Kristo at sa tunay na kaalaman ni Yahuwah, maaari tayo! At para gawin ito, dapat tayong magtiwala rin sa dakilang karunungan ni Yahuwah.
III. NAGTITIWALA SA DAKILANG KARUNUNGAN NI YAHUWAH
Ang karunungan ni Yahuwah ay ang Kanyang abilidad na pamahalaan ang lahat nang nagaganap kaya makakamit Niya ang Kanyang layunin. Ang Kanyang layunin, nalalaman natin, ay ang kaluwalhatian ng Kanyang pangalan sa kaligtasan ng Kanyang ekklesia. Kapag si Yahuwah ay nagpapadala ng mga paghihirap sa ating mga buhay, isa sa dalawang bagay ang totoo: ganap na nakalimutan ni Yahuwah ang tungkol sa Kanyang layunin, inilalagay ito sa panganib, O lahat ng bagay na nagaganap sa ating buhay, kabilang ang ating mga kahirapan, ay nagsisilbi sa layuning iyon. Alin ang naiisip mo, minamahal? Ilalagay ba ni Yahuwah sa panganib ang Kanyang layunin? Hindi ating Diyos; Siya ay isang matalinong Diyos.
Ang ating teksto ay nagpapahiwatig sa dalawang paraan na kaya si Job ay naniwala kay Yahuwah bilang isang matalinong Diyos. Una, nababasa natin, “Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang si Yahuwah.” Literal: “hindi ipinaratang ng kahangalan si Yahuwah.” Ibig sabihin nito’y hindi sinabi ni Job kay Yahuwah, “Siya ay isang mangmang.” Hindi niya inilarawan ang kahangalan kay Yahuwah. Sapagkat ang Espiritu ay kinukuha ang ating atensyon sa teksto sa anong HINDI ginagawa ni Job, agaran nating naiisip ang anong GINAGAWA niya – kinilala niya ang karunungan ni Yahuwah.
Ikalawa, upang ipahiwatig na naniwala si Job sa karunungan ni Yahuwah, nababasa natin: “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon.” Narito, “roon” ay nangangahulugan na “babalik muli sa lugar na iyon.” Syempre, hindi nagpapahiwatig si Job na babalik siya sa sinapupunan ng kanyang ina; sa halip, ibig niyang sabihin ay babalik siya sa alabok ng lupa. Naisip ni Job ang mga salitang sinabi ni Yahuwah kay Adan: “Sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.”
Sa pamamagitan ng mga salitang ito – “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon.” – ipinarating ni Job ang kanyang damdamin ng kawalan ng karapat-dapat tungkol sa mga pag-aari na minsang taglay niya. Pumasok siya sa sanlibutan na wala at walang makuha mula kay Yahuwah. Lahat ng mga anak ni Job at kayamanan ay nabibilang kay Yahuwah. Ngayon si Yahuwah ay kinuha ang mga ito sa Kanyang pinakadakilang kontrol.
Ngunit sa mga salitang ito, nakilala rin ni Job ang karunungan ni Yahuwah. “Hubad akong lumabas,” sinasabi niya. Lumabas siyang hubad upang paglingkuran si Yahuwah, hindi ang sarili niya! Dahil lumabas siya upang paglingkuran si Yahuwah, hindi niya kailangan na isilang nang may mga pag-aari. Ibinigay ni Yahuwah kay Job sa araw-araw ang mga pag-aari na kailangan para sa kanyang paglilingkod. At sa kanyang kamatayan, hindi niya kailangan ng mga pag-aari. Kaya nababatid ni Job na ang pagtanggal ni Yahuwah ng kanyang mga pag-aari ay isang paghahanda para sa araw ng kanyang kamatayan. Hindi dapat nating kailangang tapusin na naniwala si Job na ang araw ng kanyang kamatayan ay nalalapit na. Nanatili siyang may kamalayan ng araw na iyon at itinuring ang pag-alis ni Yahuwah ng kanyang mga pag-aari sa liwanag nito.
Nakikilala ba natin ang karunungan ni Yahuwah sa ating mga paghihirap? Gaano kadali tayo nakahilig upang paratangan si Yahuwah ng kahangalan! Sinasabi natin, “Paano ito nagawa ni Yahuwah sa akin? Lahat ng mga plano ko ay dumating sa kawalan. Hindi ko nauunawaan kung paano Niya inaasahan ako na maglilingkod sa Kanya ngayon.” O ang ating saloobin na nagpapahiwatig na si Yahuwah ay hindi tayo tinatrato nang mabuti. Gayunman, nagtuturo si Job sa atin na kilalanin ang karunungan ni Yahuwah. Lahat ng bagay na nagaganap sa atin ay nangyayari sa layunin ng ating kamatayan, ng ating sukdulang pagluluwalhati, at kaluwalhatian ni Yahuwah!
Maaari mo bang kilalanin ang karunungan ni Yahuwah? Hinahawakan mo ba ang rebelasyon ng Kanyang karunungan upang iligtas ang Kanyang bayan sa pamamagitan ni Kristo Yahushua? Pagkatapos, makikilala mo rin na ang lahat ng bagay na nagaganap sa atin sa pag-ibig ay inilalarawan ang karunungan ni Yahuwah.
Kapag humarap sa mga paghihirap, kung magtatapat tayo ng kapangyarihan, pag-ibig, at karunungan ni Yahuwah, tayo’y naghahanda na ipahayag ang anong sumunod na ipinahayag ni Job: “Pagpalain nawa ang pangalan ni Yahuwah.”
IV. NAGNANAIS NA PAGPALAIN ANG PANGALAN NI YAHUWAH
Palaging pinagpapala ni Yahuwah ang Kanyang pangalan sa pamamahala sa mga tao na sambahin, dakilain, at paglingkuran Siya. Ang pagnanais ni Job, na ipinahayag sa teksto, ay para paganahin si Job at ang apat na lingkod na tumatayo sa harapan niya—na nasaksihan at naranasan ang ganoong mga dakilang kalamidad—upang walang ibang sabihin kundi ito: “Pagpalain nawa ang pangalan ni Yahuwah!” ay mabuti sa lahat ng Kanyang mga gawa at paraan!
Minamahal, hayaan ang bawat lalaki, babae, at bata na naririnig ang mga kalamidad na ito ay sasabihin ngayon, “Pagpalain nawa ang pangalan ni Yahuwah!” Sambahin ang Diyos na ito! Lumuhod at sambahin Siya! At kapag ang kaparehong kalamidad ay dumating sa iyo, umawit ng Kanyang kadakilaan! Sabihin sa iba na dumating upang magdala ng kaginhawaan sa iyo, “Hindi ako magdududa sa Kanyang mga motibo o paraan; ibibigay ko lamang sa Kanya ang lahat ng kaluwalhatian.”
Sa paggawa ng kanyang buong pagtatapat, lalo na sa kanyang pagnanais na ang pangalan ni Yahuwah ay pagpalain, ipinakita ni Job ang maingat na kagandahang-loob na patuloy na inaalok ni Yahuwah sa Kanyang bayan. Narito, nakikita natin na si Yahuwah ay tiyak na napigilan ang layunin ni Satanas. Ipinahayag ni Satanas, “at itatakuwil ka niya ng mukhaan” (berso 11). Inayos niya ang mga detalye ng mga paghihirap ni Job upang hikayatin si Job na pagdudahan ang kapangyarihan, pag-ibig, at karunungan ni Yahuwah, sa huli’y humahantong sa kanya na itakwil si Yahuwah. Gayunman, malayong-malayo mula sa pagtatakwil kay Yahuwah, ipinahayag ni Job, “Pagpalain nawa ang pangalan ni Yahuwah!”
Narito ang kaginhawaan para sa atin sa mga pagsubok. Nagtataka ka ba, antimano, kung paano mo pagpapalain ang pangalan ni Yahuwah sa panahon ng pagsubok sa hinaharap? Kumapit kay Yahuwah – ang Kanyang kagandahang-loob ay magpapalakas sa iyo na gawin ito! O pinagpala mo ba ang pangalan ni Yahuwah sa mga nakaraang pagsubok? Ang Kanyang kagandahang-loob ay pinadakila. Upang maranasan ang kagandahang-loob na iyon, dapat nating kilalanin ang Kanyang pinakadakilang kapangyarihan, matapat na pag-ibig, at dakilang karunungan. Sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, pag-ibig, at karunungan, pinapanatili at pinapagana Niya tayo upang pagpalain ang Kanyang pangalan! Sa panahon ng pagsubok, ang mga anak ni Yahuwah ay maaari sa isang pagkakataon na akusahan Siya ng kahangalan. Pagkatapos, ipapakita Niya ang Kanyang kapangyarihan, karunungan, at pag-ibig sa pangunguna sa Kanyang mga anak sa pagsisisi at matapat na dalamhati para sa kanilang mga kasalanan, nagpapakita sa atin na anong ginawa Niya ay para sa ating kabutihan.
Sapagkat si Yahuwah ay mananaig! Sa digmaan sa pagitan nina Yahuwah at Satanas, patuloy na makakamit ni Yahuwah ang tagumpay! Maaari nating maranasan at maipakita ang tagumpay sa ating mga paghihirap sa pagpapala ng pangalan ni Yahuwah! Kapag nakikilala natin ang pag-ibig ni Yahuwah para sa atin sa pamamagitan ni Kristo Yahushua at nananalangin para sa kagandahang-loob upang luwalhatiin si Yahuwah sa ating mga pagsubok, magpapagana Siya sa atin na sabihin kasama si Job, “Pagpalain nawa ang pangalan ni Yahuwah.” Amen.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Rev. Doug Kuiper.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC