Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang sariling larawan ni Renè Magritte, The Son of Man (Ang Anak ng Tao), ay ang kanyang pinakatanyag na piraso. Narito, ang malikhaing Belgian ay nakasuot ng isang bowler na sumbrero, at ang kanyang mukha ay bahagyang tinakpan ng isang malinaw na luntiang mansanas. Sa mga simpleng termino, ang konsepto sa likod ng larawan ni Magritte ay anong nakikita ay kasabay na nakatago.1
Sa pagsisiyasat ng Kasulatan, matutuklasan natin na ang pagkakakilanlan ni Yahushua bilang ang Anak ng Tao ay ikinubli ng matapos ang Biblikal na doktrina ng dalawahang kalikasan ni Yahushua, tinatawag rin na hipostatik na pag-iisa.
|
Ang kasalukuyang haligi ay higit na magkatulad sa larawan ni Magritte kaysa sa pamagat lamang. Sa pagsisiyasat ng Kasulatan, matutuklasan natin na ang pagkakakilanlan ni Yahushua bilang ang Anak ng Tao ay ikinubli ng matapos ang Biblikal na doktrina ng dalawahang kalikasan ni Yahushua, tinatawag rin na hipostatik na pag-iisa. Hindi katulad sa larawan ni Magritte, tatanggalin natin ang sagabal upang ipakita kung sino itong Anak ng Tao.
Bagama’t ang pariralang “anak ng tao” ay lumilitaw nang 195 beses sa Kasulatan, hindi lahat ay nakakaalam ng kahulugan at kahalagahan nito. Ang paggamit nito ay hati na medyo pareho sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Sa Hebreo, ang anak ng tao ay ben adam. Adam (Adan) ay nangangahulugang tao o sangkatauhan; gayong nalalaman, ito ang pangalan ng unang taong nilikha ni Yahuwah. Kaya dahil dito, ang anak ng tao, o ang anak ni Adan, ay isang pagtatalaga para sa sangkatauhan. Isang teolohikal na batayang aklat ay nagpapahayag nang maiksi, “Ang pagtatalagang ‘anak ng tao’ ay nangangahulugan lamang na ‘tao’ o ‘nilikhang tao.’”2
Ito’y para kay Adan, o sa tao na pinagkalooban ni Yahuwah ng kapangyarihang mamuno sa Kanyang nilikha:
Genesis 1:26 At sinabi ng Elohim, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.”
Ang Wycliffe Bible Commentary ay nagpapaliwanag kung paano ang unang anak ng tao at kanyang mga anak ay umangkop tungo sa planong kaharian ni Yahuwah:
[Ang tao] ay ang magiging responsableng kinatawan at katiwala ng Diyos sa lupa, upang isagawa ang kalooban ng kanyang Manlilikha at tuparin ang banal na layunin. Ang kapangyarihan sa mundo ay igagawad sa bagong nilikha na ito…Ang dakilang nilalang na ito, sa kanyang mga hindi kapani-paniwalang pribilehiyo at mabibigat na tungkulin, ay para mamuhay at kumilos sa isang makahari na anyo.”3
Ang mga kaisipang ito ay nasa sakdal na pagdaraos sa Awit 8, kung saan ang tampulan ay nasa anak ng tao:
Awit 8:4-8 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? 5 Sapagkat iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Elohim, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. 6 Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: 7 Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; 8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
Bilang karagdagan sa pagiging isang pagtatalaga para sa sangkatauhan sa pangkalahatan, ang anak ng tao ay ginamit rin sa Kasulatan upang tukuyin ang mga tiyak na tao.
|
Bilang karagdagan sa pagiging isang pagtatalaga para sa sangkatauhan sa pangkalahatan, ang anak ng tao ay ginamit rin sa Kasulatan upang tukuyin ang mga tiyak na tao. Halimbawa, iyong pamilyar sa propesiya ng Bibliya ay maaaring alalahanin na tinawag ni Yahuwah ang propeta na si Ezekiel na “anak ng tao” nang hindi kapani-paniwalang 93 beses:
Ezekiel 2:1 At sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako’y makikipagsalitaan sa iyo.”
Dagdag pa, ang propeta na si Daniel ay tinawag na “anak ng tao”:
Daniel 8:17 Sa gayo’y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya’y lumapit, ako’y [Daniel] natakot at napasubasob: ngunit sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagkat ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.
Ang pinakamahalagang paggamit ng Lumang Tipan sa “anak ng tao,” at isa na nagbibigay ng kahulugan sa paggamit ng Bagong Tipan ng parirala, ay nagmumula sa isang pangitain na ibinigay kay Daniel tungkol sa panahon ng kawakasan:
Daniel 7:13-14 “Ako’y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang Isang gaya ng Anak Ng Tao, at siya’y naparoon sa Matanda sa mga Araw, at inilapit nila siya sa harap niya. 14 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.”
Sino Ang Anak Ng Tao Na Ito?
Sino itong tao na ipinakita sa harap ni Yahuwah at binigyan ng kapangyarihan, kaluwalhatian at isang walang hanggang kaharian? Ayon sa Dictionary of the Bible, ang pariralang Anak ng Tao sa pangitain ni Daniel ay “isang mesianikong titulo.”4 Ang koneksyon sa pagitan ng hindi pinangalanang Anak ng Tao sa Daniel at ang ipinangakong mesias ay sinauna. Si Stephen Miller sa The New American Commentary on Daniel, ay nagsusulat:
Ang mesianikong pananaw ay ang pinakamatanda at, sa nagdaang Hudyo at Kristyanong ekshegesis, ang namamayaning pananaw.5
Si Yahushua, kasama ng ibang Hudyo ng kanyang panahon, ay ipinaliwanag ang anyo ng “anak ng tao” sa Daniel 7:13 nang mesianiko.
|
Mas tiyakan, ang mananalaysay ng Simbahan, si Kegan Chandler, ay sinasabi ito kung paano si Yahushua at kanyang mga kapanabay ay ipapaliwanag ito:
Si Yahushua, kasama ng ibang Hudyo ng kanyang panahon, ay ipinaliwanag ang anyo ng “anak ng tao” sa Daniel 7:13 nang mesianiko.
Ilan ay nakipagtalo na ang pangitain ni Daniel tungkol sa Anak ng Tao sa makalangit na silid ng luklukan ay patunay ng pag-iral ni Yahushua bago aktwal na isilang. Gayunman, iyon ay nangangailangan na si Yahushua ay una nang umiral sa langit bilang isang tao, isang bagay na maging ang mga Trinitaryan ay hindi kusang-loob na paniniwalaan. Dagdag pa, ang konteksto ay ipinapakita na ito’y isang propetikong pangitain at hindi isang totoong oras na pagtingin sa langit.
Piniling Titulo Ni Yahushua Para Sa Kanyang Sarili Ay Ang “Anak Ng Tao”
Sa mga ebanghelyo, matatagpuan natin ang ebidensya na ang Anak ng Tao ay ginamit na kasingkahulugan sa ibang Mesianikong titulo gaya ng Anak ni Yahuwah, Hari ng Israel, at Kristo:
Juan 1:49 at 51 Sinagot siya ni Nathanael at sinabi, “Rabbi, ikaw ang Anak ni Yahuwah! Ikaw ang hari ng Israel!”…51 At sinabi pa niya sa kanya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas ang langit at ang mga anghel ng Diyos na umaakyat at bumababa sa Anak ng Tao.”
Mateo 16:13-16 Nang dumating si Yahushua sa pook ng Cesarea Filipos, nagtanong siya sa kanyang mga alagad ng ganito, “Ano ba ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?” 14 At sumagot sila, “Ang sabi ng iba ay si Juan na Tagapagbautismo, ang iba ay si Elias, at ang iba naman ay si Jeremias, o isa sa mga propeta.” 15 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” 16 Sumagot si Simon Pedro, “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buháy.”
Bilang ipinangakong Mesias, tinutukoy ni Yahushua ang sarili niya bilang Anak ng Tao, mahigit 80 beses, higit pa sa anumang ibang pagtatalaga.
|
Bilang ipinangakong Mesias, tinutukoy ni Yahushua ang sarili niya bilang Anak ng Tao, mahigit 80 beses, higit pa sa anumang ibang pagtatalaga. Marami ang umaangkin na tinutukoy nito ang pantaong kalikasan ni Yahushua, samantala ang titulong Anak ng Diyos, ay tumutukoy sa kanyang banal na kalikasan. Naririto ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng Anak ng Tao kay Yahushua ay ikinukubli. Sa halip na pagpapahintulot ng mga salita upang ilarawan si Yahushua sa kanyang kabuuan sa kaparehong paraan na inilalarawan nila ang pagiging tao nila Adan, Ezekiel, at Daniel, ginamit ang mga ito upang itaguyod ang isang Kristolohiya na lagpas na sa hangganan ng Kasulatan. Ilang dahilan na kung ang pariralang anak ng tao ay nangangahulugan na si Yahushua ay isang tao, pagkatapos ang pariralang anak ni Yahuwah ay dapat na mangahulugan na siya ay Diyos at dahil dito’y nagtataglay ng isang banal na kalikasan. Gayunman, ang pagkakaunawang iyon ay sumasalamin sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa Biblikal na paggamit ng terminong Anak ng Diyos. Marami ang tinawag na “anak ng Diyos” sa buong Kasulatan na hindi banal. Halimbawa, ang mga anghel at mga tao, lalo na iyong mga sumasampalataya kay Yahushua bilang ang Kristo, ay tinawag na mga anak ni Yahuwah.6 Ngunit walang sinuman ang mangangahas na angkinin na ang mga Kristyano na mga anak ni Adan ay nagtataglay rin ng isang banal na kalikasan bilang mga anak ng Diyos.
Hindi kailanman nagtuturo ang Kasulatan na si Yahushua ay may dalawang kalikasan; sa halip, ang doktrina ay maaaring makita na umunlad sa loob ng mahabang panahon. Sa kanyang mabigat na sinaliksik na aklat, naitatala ni Chandler kung saan ang Gnostikong pagtuturo ng dualismo ay nagsasalubong sa Kristyanismo. Nagsusulat siya na isang laganap sa katanyagan at maimpluwensyang ikalawang siglong Gnostikong Kristyanong guro ang nagngangalang Valentinus:
…itinaguyod ang isang lubos na pinaunlad na doktrina ng dalawahang kalikasan ni Yahushua bago pa ang tagpuan ng mga ekumenikong konseho ng Simbahang Katoliko. Sa bawat hakbang, ang paghahambing ay nagiging mas nakakabahala: isang Valentinian na dokumento ang nagpapahayag na si Kristo ay “nagtataglay ng pagiging tao at pagiging diyos… mula sa itaas… bago ang istrukturang ito ng kosmos ay dumating sa paglikha,” habang ang mga huling orthodox na Trinitaryan na pahayag ay mababasa na si Kristo ay nagtataglay ng “pagkadiyos at pagkatao nang magkasama” at “nabatid ng Ama bago ang lahat ng sanlibutan.”7
Ang Kasulatan, sa kabilang dako, ay nagtuturo na si Yahuwah ay hindi isang tao:
Mga Bilang 23:19 “Ang Diyos [El] ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
Gayunman, ang gawa ng pagkukubli sa tunay na pagiging tao ni Yahushua ay tumindi sa pagdaan ng mga siglo, nagdudulot ng mga kaguluhan sa bawat hakbang hanggang ang Konseho ng Chalcedon (451 AD) ay ipinahayag na ang matapos ang Biblikal na doktrinang orthodoxy. Maging sa ngayon, ang mga Trinitaryan ay mayroong mahirap na panahon sa pagpapahayag kung paano tumatakbo ang dalawang kalikasan, lalo na sa liwanag ng Kasulatan.
Si Yahushua Ay Ang Anak Ng Tao Sa Propesiya Ni Daniel
Tungkol sa propesiya ni Daniel, dalawang beses itong ginamit ni Yahushua para sa kanyang sarili. Ang unang pagkakataon ay nasa kumpanya ng kanyang mga alagad noong siya ay nagtuturo sa kanila tungkol sa kanyang pagbabalik at ang tanda ng kawakasan ng panahon. Ang ikalawang pagkakataon ay noong paglilitis sa kanya sa harap ng Sanhedrin:
Sinalita sa kanyang mga alagad: Mateo 24:30 “Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang palatandaan ng Anak ng Tao, at magluluksa ang lahat ng mga lipi sa lupa. Makikita nila ang ANAK NG TAO NA DUMARATING NA NASA IBABAW NG MGA ULAP SA HIMPAPAWID, taglay ang kapangyarihan at maringal na kaluwalhatian.
Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Kayo na ang nagsabi niyan, ngunit sinasabi ko sa inyo, pagkatapos nito ay makikita ninyo ANG ANAK NG TAO NA NAKAUPO SA KANAN NG KAPANGYARIHAN, AT DUMARATING NA NASA IBABAW NG MGA ULAP NG HIMPAPAWID.” (Mateo 24:30; 26:64)
|
Sinalita sa harap ng Sanhedrin: Mateo 26:63-68 “Subalit hindi nagsalita si Yahushua. Sinabi ng Kataas-taasang Pari sa kanya, “Manumpa ka sa harapan ng Diyos na buháy, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah.” 64 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Kayo na ang nagsabi niyan, ngunit sinasabi ko sa inyo, pagkatapos nito ay makikita ninyo ANG ANAK NG TAO NA NAKAUPO SA KANAN NG KAPANGYARIHAN, AT DUMARATING NA NASA IBABAW NG MGA ULAP NG HIMPAPAWID.” 65 Dahil dito’y pinunit ng Kataas-taasang Pari ang kanyang mga damit, at sinabi, “Paglapastangan ang sinasabi niya. Ano pang patotoo ang kailangan natin? Ayan, narinig na ninyo ang kanyang paglapastangan. 66 Anong masasabi ninyo?” Sumagot sila, “Dapat siyang mamatay.” 67 Pagkatapos ay kanilang dinuraan siya sa mukha at pinagsusuntok. Sinampal din siya ng iba, 68 sabay ang pagsasabi, “Di ba’t isa kang propeta, ikaw na Kristo! Sino ang sumuntok sa iyo?”
Pansinin na ang kataas-taasang pari ay inakusahan si Yahushua ng paglapastangan, hindi dahil inangkin niya na maging Yahuwah, kundi dahil inangkin niya na ang Anak ng Tao sa propesiya ni Daniel, na ang ipinangakong Mesias (Kristo).
Ang iba’y gumawa rin ng koneksyon sa pagitan ni Yahushua at makalangit na pangitain ni Daniel. Noong si Esteban, isa sa mga dyakono ng maagang Iglesya, ay inaresto at dinala sa harap ng Sanhedrin, nakita niya ang itinaas na Anak ng Tao na nakatayo sa kanang kamay ng kaluwalhatian ni Yahuwah. Propetikong nakita ni Daniel ang Anak ng Tao sa makalangit na hukuman ni Yahuwah, ngunit si Esteban ay nakita ang propesiya na natanto:
Mga Gawa 7:54-56 Nang marinig nila ang mga ito, nagalit sila at nagngalit ang kanilang mga ngipin laban kay Esteban. 55 Subalit si Esteban, na puspos ng Banal na Espiritu, ay tumitig sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ni Yahuwah, at si Yahushua na nakatayo sa kanan ni Yahuwah. 56 Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukás ang kalangitan at ang Anak ng Tao na nakatindig sa kanan ni Yahuwah.”
Pansinin na si Yahuwah ay itinalaga bilang isa bukod kay Yahushua. Tunay nga, si Yahushua ay hindi si Yahuwah ngunit nasa kanang kamay ni Yahuwah.
Bilang karagdagan sa pagkakaunawa ni Esteban kay Yahushua bilang taong Mesias, nagsulat si Juan sa pitong iglesya na binalangkas sa Pahayag. Pansinin ang mga sanggunian sa propesiya ni Daniel:
Pahayag 1:4-7 Mula kay Juan: Sa pitong iglesya sa Asia: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa kanya na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, at mula sa pitong espiritu na nasa harapan ng kanyang trono, 5 at mula kay Kristo Yahushua, ang tapat na saksi, ang pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan, at pinuno ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo, 6 at ginawa tayong isang kaharian, mga pari para sa kanyang Diyos at Ama, sa kanya [Yahushua] ang kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailanman. Amen. 7 TINGNAN NINYO! DUMARATING SIYANG NASA MGA ULAP; makikita siya ng bawat mata, maging ng mga sumaksak sa kanya, at tatangis dahil sa kanya ang lahat ng lipi sa daigdig.
Ang plano ni Yahuwah, na sinalita sa Awit 8, ay nanatili. Isang tao ang pagkakalooban ng kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan upang mamuno sa ngalan ni Yahuwah.
|
Paano ang Anak ng Tao sa pangitain ni Daniel ay dumating para maging pinuno ng mga hari sa lupa? Para sa mga nagsasabi na si Yahuwah ay hindi ipagkakaloob ang kaharian sa isang tao, alalahanin natin na unang ipinagkatiwala ni Yahuwah ang Paglikha sa isang tao, nagngangalang Adan. Dahil sa kasalanan, gayunman, si Adan ay diskwalipikado. Ngunit ang plano ni Yahuwah, na sinalita sa Awit 8, ay nanatili. Isang tao ang pagkakalooban ng kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan upang mamuno sa ngalan ni Yahuwah:
Awit 8:4-6 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? 5 Sapagkat iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa [elohim], at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. 6 Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa.
Tunay nga, habang si Yahuwah ay napasuko ang lahat ng bagay sa Anak ng Tao, mahalaga na tandaan na si Yahuwah mismo ay hindi nagpapasakop kay Yahushua:
Filipos 2:8-11 At sa pagiging tao niya, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging kamatayan sa krus. 9 Kaya naman siya’y lubusang itinaas ni Yahuwah, at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan; 10 upang sa pangalan ni Yahushua ang BAWAT TUHOD AY LUMUHOD, ang mga nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa, 11 at ipahayag ng bawat bibig na si Kristo Yahushua ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ni Yahuwah ang Ama.
Kung si Yahushua ay si Yahuwah, hindi na niya kailangan tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan, kapangyarihan, at isang kaharian sapagkat likas na niyang tataglayin ito. Ngunit para sa taong Mesias, siya’y ginantimpalaan para sa kanyang pagsunod sa Diyos. Maging ang pagiging panginoon ni Yahushua ay ipinagkaloob ni Yahuwah. Ito’y hindi isang posisyon na likas sa kanya.
Mga Gawa 2:36 “Kaya’t dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Yahushua na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ni Yahuwah na Panginoon at Kristo.”
Mga Gawa 5:31 “Itinaas siya ni Yahuwah sa kanyang kanang kamay bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataong magsisi ang Israel, at mapatawad ang mga kasalanan.”
Hindi maaaring itaas si Yahuwah sa isang posisyon na tinataglay na Niya. Ngunit ang taong Mesias, ang Anak ng Tao, ay itinaas—hindi dahil siya ay isang diyos—kundi dahil sa kanyang pagsunod sa Diyos.
|
Hindi maaaring itaas si Yahuwah sa isang posisyon na tinataglay na Niya. Ngunit ang taong Mesias, ang Anak ng Tao, ay itinaas—hindi dahil siya ay isang diyos—kundi dahil sa kanyang pagsunod sa Diyos. Dagdag pa, ang sukdulang layunin ng pagtataas kay Yahushua ay ang kaluwalhatian ni Yahuwah ang Ama. Kung si Yahushua ay si Yahuwah, inaasahan natin ito na para sa kanyang sariling kaluwalhatian o iyong Trinidad.
Ang titulong Anak ng Tao ay mahalaga dahil kinikilala nito ang pagiging tao ni Yahushua sa isang paraan na makakatulong sa atin na bagama’t si Adan, ang unang anak ng tao ay nagkulang sa kanyang tungkulin, ang plano ni Yahuwah para sa isang tao upang mamuno na mga gawa ng Kanyang mga kamay (Genesis 1; Awit 8) ay hindi napigilan. Nagsusulat si Pablo na ang unang Adan ay “larawan ng isang paparating.”8 Si Yahushua, bilang ang Huling Adan,9 ay isinugo ni Yahuwah upang ibalik ang anong nawala sa unang Adan:10
Mga Gawa 3:19-21 “Kaya nga magsisi na kayo at magbalik-loob sa Diyos upang mapatawad ang inyong mga kasalanan, 20 nang sa gayon ay dumating ang mga panahon ng ginhawa mula sa Panginoon; at upang kanyang maisugo si Yahushua, ang Kristong itinalaga mula pa nang una para sa inyo. 21 Siya’y dapat munang manatili sa langit hanggang sa dumating ang panahong likhaing panibago ang lahat ng mga bagay, na sinabi ni Yahuwah mula pa noong una sa pamamagitan ng pahayag ng kanyang mga banal na propeta.
Sapagkat ipinapahayag ng Unger’s Bible Dictionary, ang titulong Anak ng Tao:
ay inilalarawan siya [Yahushua] bilang Taong Kinatawan. Ito’y nagtatalaga sa kanya bilang ‘huling Adan’ sa pagkakaiba sa ‘unang taong si Adan’ (1 Corinto 15:45)
Daniel 7:27 ‘At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataas-taasan: ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya.’
Pahayag 5:9-10 At umaawit sila ng isang bagong awit: “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa balumbon at magbukas sa mga tatak nito, sapagkat ikaw ay pinaslang at sa pamamagitan ng iyong dugo, tinubos mo para kay Yahuwah ang tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa; 10 “at ginawa mo silang isang kaharian at mga paring naglilingkod sa aming Diyos, at sila'y maghahari sa daigdig.”
Sa loob ng mahabang panahon, isang matapos ang Biblikal na orthodoxy ay ikinubli ang totoong pagkakakilanlan ni Yahushua at ang kahalagahan bilang ang Anak ng Tao. Panahon na para sa Biblikal na pagkakaunawaan na muling itatag kaya si Yahushua ay pararangalan bilang taong Mesias na nagtagumpay sa tukso, paghihirap at kamatayan upang muling ibalik ang kapangyarihan para sa mga sumusunod sa kanya.
1 “The Son of Man,” Wikipedia, nakuha noong 7-26-19, https://en.wikipedia.org/wiki/The_Son_of_Man
2 W.S. Lasor, D.A. Hubbard, F. W. Bush, Old Testament Survey: The Message, Form and Background of the Old Testament, (Grand Rapids: Eerdmans, 1996 [1982]), p. 581.
3 The Wycliffe Bible Commentary, Charles F. Pfeiffer, ed., (Chicago, IL: Moody Press, 1962), p. 4.
4 “Son of Man,” Dictionary of the Bible, John L. McKenzie (New York, NY: Macmillian Publishing Company, 1965), p. 831.
5 Stephen Miller, The New American Commentary: Daniel, (Broadman & Homman Publishers, 1994), p.209.
6 Halimbawa: Genesis 6:2; Job 1:6; Mateo 5:9; Galacia 3:26.
7 Kegan A. Chandler, The Yahuwah of Yahushua in Light of Christian Dogma, (McDonough, GA: Restoration Fellowship, 2016), p. 96.
8 Roma 5:14
9 1 Corinto 15:45
10 Mateo 17:11
11 “Son of Man,” Unger’s Bible Dictionary, Merrill F. Unger, (Chicago: Moody Press, 1966), p. 1038.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/the-son-of-man/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC