Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Pagdating sa Aklat ng Pahayag, mayroong dalawang kampo sa huli: mga Futurista (na naniniwala na ang aklat ay sinasabi sa atin ang isang bagay tungkol sa mga kaganapan sa hinaharap na hindi pa nagaganap) at mga Preterista (na naniniwala na ang aklat ay sinabi sa mga Kristyano ng Unang Siglo ang tungkol sa mga kaganapan na “malapit nang maganap” sa kanilang buhay).
Hindi ako isang Futurista. Dahil dito, binabasa ko ang Aklat ng Pahayag bilang isang propesiya tungkol sa mga kaganapan na natupad na (mula sa aming pananaw) at natupad nang malapit na matapos si Juan ay isinulat ang mga ito sa panahon ng pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD.
Dahil sa aking pananaw, hindi ako naniniwala na ang “Tanda ng Halimaw” ay may kinalaman sa mga kasalukuyan o panghinaharap na kaganapan. Kaya, noong ang mga kaibigan ko ay nag-post ng mga links sa Facebook tungkol sa isang bagong computer chip na nagpapahintulot sa mga tao na itago ang kanilang talaang mediko o mga biniling produkto sa paglalagay ng chip sa ilalim ng isang scanner, hindi ko ito itinutumbas sa katapusan ng sanlibutan, o ang Tanda ng Halimaw.
Buhat nang ang mga tao ay tila lubos na kawili-wili sa paksang ito, nais kong magbigay ng kahit papaano isang naiibang pananaw upang tulungang balansehin ang mga bagay-bagay nang konti.
Ang Tanda Ng Halimaw
Noong si Juan ay isinulat ang aklat ng Pahayag para sa pitong iglesya, paulit-ulit niyang ginawang malinaw na ang mga propesiya sa kanyang sulat ay “malapit” nang maganap.
Halimbawa, sa berso 1, sinasabi ni Juan: “Ang pahayag ni Kristo Yahushua na ibinigay sa kanya ni Yahuwah upang ipakita sa kanyang mga lingkod kung ano ang malapit nang maganap….”
Sa berso 3, sinasabi niya: “…. at tumutupad ng mga bagay na nakasulat dito, sapagkat malapit na ang takdang panahon.”
Gumagamit si Juan ng mga tiyak na salitang Griyego sa buong kasulatan niya na nangangahulugang “Daglian,” walang pagkaantala, “Malapit na,” sa sandaling panahon, “Agaran,” mabilis na susunod, atbp.
Dahil dito, maaaring may munting agam-agam na ang mga Kristyano ng Unang Siglo na natanggap at nabasa ang sulat ni Juan ay naunawaan ang kahit papano’y isang bagay: Sila’y nagbabasa ng tungkol sa mga kaganapan na malapit nang maganap, agaran, daglian.
Tandaan, tingnan natin kung maaari nating matukoy “Ang Halimaw” mula sa Pahayag. Una, buhat nang si Juan ay nagsusulat para sa mga Kristyano ng Unang Siglo tungkol sa mga kaganapan na dagliang magaganap, maaari tayong makatiyak na “Ang Halimaw” ay isang kapanahunan ni Juan.
Ikalawa, inilalarawan ni Juan ito alinman bilang isang tao (Pahayag 13:18), bilang maraming tao (Pahayag 17:10), o bilang isang pamahalaan o kaharian (Pahayag 17:9).
Ang mga Kristyano ng Unang Siglo ay lubos na pamilyar sa mga sanggunian ng Lumang Tipan sa Daniel para sa Apat na Halimaw (Daniel 7:17), na tumutugma sa Apat na Kaharian o Imperyo. Dahil dito, iyong mga mambabasa ay nalalaman na ang mga sanggunian ni Juan sa “Ang Halimaw” sa kanyang mga kasulatan ay ipinunto ang Imperyo sa kanilang panahon – Ang Imperyong Romano.
Ngunit ano naman ang tungkol sa tao na tinukoy bilang “Ang Halimaw”?
Buhat nang si Apostol Juan ay nagsusulat ng kasulatang ito mula sa pagkabilanggo sa Isla ng Patmos, bumalik siya sa palahudyatan kaya ang kanyang mga mambabasa (mga Kristyanong Hudyo) ay madaling mauunawaan ito, ngunit ang mga nanghuli sa kanya (mga Romano) ay hindi. Tandaan rin na, bilang isang bilanggo ng Roma, hindi niya nais na magsulat ng anumang negatibo tungkol sa Emperador o Pamahalaan na nagbihag sa kanya – para sa mga halatang dahilan. Ito ay kung bakit, noong nais niyang malaman ng mga Kristyano na “Ang Halimaw” ay si Emperador Nero, sasabihin niya:
“Nangangailangan ito ng karunungan: sinumang may pang-unawa ay unawain ang bilang ng halimaw, sapagkat ito ay bilang ng isang tao. Ang bilang niya ay anim na raan at animnapu’t anim (666).” (Pahayag 13:18)
Ang Hebreong pagbaybay ng “Nero Caesar” ay NRWN QSR. Sapagkat ang mga letra ng Hebreo ay dinoble bilang mga bilang, ito lamang ay idadagdag ang pangalang iyon at sama-samang idagdag ang kabuuan, na sumatotal sa eksaktong bilang na 666. [Halimbawa: N = 50 R = 200 W = 6 N =50 Q = 100 S = 60 R = 200]
Isang kawili-wiling baryante ng kaparehong sipi na ito ay nagtatala na “Ilan sa mga manuskrito ay binabasa: 616” sa halip na 666. Bakit? Noong ang Pahayag ay huling isinalin sa Latin, ang pangalang Nero Caesar ay hindi idinagdag sa 666; ito’y idinagdag sa 616. Kaya para gawing madali para sa mga huling nagsasalita ng Latin (mga mambabasang hindi-Hebreo) na Kristyano na dumating sa kaparehong pagwawakas, ang bilang ay binago sa 616 sa mga tiyakang pagsasalin.
Nais pa ng maraming patunay? Oo. Sa Pahayag 17:9-10, sinasabi sa atin ni Juan:
“Nangangailangan ito ng isip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok kung saan nakaupo ang babae. Sila rin ang pitong hari, at lima sa kanila ay bumagsak na, ang isa’y buhay pa, ang isa ay hindi pa dumarating; at sa kanyang pagdating, sandali lang siyang mananatili.”
Marahil ay narinig ninyo na ang “pitong bundok” ay tumutugma sa pitong burol ng Roma. Gayunman, nalalaman mo ba na ang pitong hari ay ipinupunto rin si Nero bilang “Ang Halimaw”? Sila nga. Sapagkat sinabi ni Juan: “lima sa kanila ay bumagsak na, ang isa’y buhay pa, ang isa ay hindi pa dumarating; at sa kanyang pagdating, sandali lang siyang mananatili.”
Ayon kay Josephus, ang Romanong mananalaysay, si Julius Caesar ang unang hari, sinundan ni Augustus, Tiberius, Caligula, at Cladius. Ang ikaanim na hari? Iyon ay si Nero. Kaya siya “ang isa’y buhay pa.”
Si Galba ay ang ikapitong hari na sumunod kay Nero, at sapagkat nahulaan ni Juan, siya ay naghari sa sandaling panahon (humigit-kumulang pitong buwan).
Si Nero, ang ikaanim na hari ng Roma, ay ang una na nag-usig sa mga Kristyano ng Unang Siglo. Nagsimula siya sa pag-uusig sa kanila noong Nobyembre ng 64 AD at nagwakas noong Hunyo 8, 68 AD, noong pinatay niya ang sarili. Iyon ay 42 buwan ng pag-uusig. Pansinin kung anong sinasabi ni Juan tungkol sa “Ang Halimaw”:
“Binigyan ng halimaw ang isang bibig na nagsasalita ng mga kapalaluan at mga kalapastanganan, at pinahintulutan nitong mamahala sa loob ng apatnapu’t dalawang buwan.” (Pahayag 13:5)
Nagkataon lang? Sa tingin ko’y hindi. Malinaw, lumalabas si Juan tungo sa kanyang landas upang malaman ng kanyang mga mambabasa na “Ang Halimaw” ay mayroong pangalan na, sa Hebreo, idinagdag sa isang bilang (666), na siya ang ikaanim at kasalukuyang hari ng Roma, at ang kanyang pag-uusing ay magtatagal ng eksaktong 42 buwan. Ano pang maaaring mas malinaw rito?
Ekstra-Biblikal Na Patunay
Si Nero ay tinawag rin na “Ang Halimaw” ng kapanahunang paganong manunulat na si Apollonius ng Tyana, na nagsasabi ng tungkol kay Nero:
“Sa aking mga paglalakbay…nakakita ako ng marami, maraming mababangis na hayop ng Arabya at Indya; ngunit ang hayop na ito, na karaniwang tinawag na isang Malupit, hindi ko nalalaman kung ilan ang ulo nito, hindi rin kung ito ay binaluktutan ng kuko at armado ng mga kalagim-lagim na mga pangil…. At sa mga mababangis na hayop, hindi mo maaaring sabihin na sila’y nalalaman na kinain ang sarili nilang ina, subalit si Nero ay naluluha ang sarili sa dyeta na ito.”
Pansinin na si Nero ay pinatay ang kanyang mga magulang, kapatid, at kanyang nagdadalang-taong asawa, dagdag pa sa ilang ibang kasapi ng pamilya.
Ang “Tanda ng Halimaw” – o ang dokumento na ipinakita ang iyong katapatan kay Nero bilang Panginoon – ay kinailangan upang bumili at magbenta kung ika’y nabuhay noong isinulat ni Juan ang kanyang kasulatan para sa pitong iglesya.
|
Mayroon din kaming ebidensya mula sa mga Romano na si Nero ay nagalak sa pagbabalatkayo bilang isang mabangis na hayop at nanggagahasa ng mga lalaki at babaeng bilanggo.
Hindi pa rin kumbinsido? Isaalang-alang na ang lahat ng mga pinakamaagang Ama ng Simbahan, mula kay Irenaeus noong Unang Siglo hanggang kay San Beatus noong Ikawalong Siglo, sumang-ayon na “Ang Halimaw” ay si Nero.
Bumili At Magbenta?
Ang mga Romanong mamamayan ay kinailangan na hayagang angkinin ang katapatan kay Caesar sa pamamagitan ng pagsusunog ng insenso sa kanyang karangalan at pagpapahayag na “ang Caesar ay ang Panginoon.” Iyong mga hindi natanggap ang isang dokumento na nagpapahintulot sa kanila na bumili at magbenta sa barakahan. Kung wala ito, walang sinuman ang maaaring bumili ng anuman. Dahil dito, ang “Tanda ng Halimaw” – o ang dokumento na ipinakita ang iyong katapatan kay Nero bilang Panginoon – ay kinailangan upang bumili at magbenta kung ika’y nabuhay noong isinulat ni Juan ang kanyang kasulatan para sa pitong iglesya.
Lahat ng mga Kristyanong iyon na nagbasa ng Pahayag ay malinaw na nalaman kung ano ang ibig sabihin ni Juan. Ito’y nagaganap na sa kanila.
Bilang Pagwawakas: Ang Tanda ng Halimaw ay hindi isang microchip, hindi isang bar code, o iyong credit card (bagama’t hindi namin kailanman inaabiso ang sinuman na makakuha ng anumang bagay na ilalagay sa loob ng kanyang katawan). Ang Halimaw ay si Emperador Nero. Ang Tanda ng Halimaw ay “ang bilang ng kanyang pangalan,” na idinagdag sa 666. Sinabi na ang Ang Halimaw ay maghahari sa sindak sa loob ng 42 buwan, at ang pag-uusig ni Nero sa Ekklesia ay nagtagal ng eksaktong 42 buwan.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Keith Giles.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC