Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Tinutukoy ba ng Daniel 12:2-3, 12 ang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay at ang Huling Paghuhukom?
Habang ang parunggit sa Daniel 12:1 ng Mateo 24:21-22 ay malakas na ipinupunto ang katuparan noong 70 AD, ang sumusunod na dalawang berso sa Daniel 12:2-3 ay sumangguni sa Pangkalahatang Muling Pagkabuhay, ang Huling Paghuhukom, at ang Walang Hanggang Kaharian. Ang Daniel 12:2-3 ay isa sa mga pinakamadalas gamiting patotoong teksto para sa mga eskatolohikal na kaganapan. Ito ay walang duda na isa sa mga pinaka mapanghamong sipi sa Daniel upang ipaliwanag mula sa pananaw ng isang preterista.
Nagsasalita ba ang Daniel 12:1 ng mga kaganapan noong unang siglo, upang tumalon lamang ng ilang libong taon sa hinaharap upang magsalita ng mga kaganapan sa katapusan ng kasaysayan ng sangkatauhan sa Daniel 12:2-3? Tingnan natin kung paano gumagamit si Daniel ng paralelismo sa buong kabanata. Nagiging malinaw na ang layunin ay hindi ipunto sa isang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay kundi para sabihin na ang propesiya ay matutupad makalipas ang mahabang panahon na pumanaw si Daniel “sa wakas ng mga araw.”
Sa madaling salita, ang sipi ay nagpapakita na si Daniel at ang mga Hudyo ng panahong iyon ay tiyak na naniwala sa isang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay at isang Huling Paghuhukom, at ang wika na tinutukoy ang dalawang dakilang kaganapan na mga ito na matutupad sa ating hinaharap.
|
Sa madaling salita, ang sipi ay nagpapakita na si Daniel at ang mga Hudyo ng panahong iyon ay tiyak na naniwala sa isang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay at isang Huling Paghuhukom, at ang wika na tinutukoy ang dalawang dakilang kaganapan na mga ito na matutupad sa ating hinaharap. Ngunit ang parunggit sa isang huling Muling Pagkabuhay at Paghuhukom ay ginamit upang maglarawan ng “pantas” mula sa “masama” – sa pagitan ng mga “nakakaunawa” ng propesiya at matatanggap ang kanilang pamana ng walang hanggang buhay – at iyong mga hindi nakakaunawa at pagdudusahan ang “walang hanggang pagkapahamak” sa Huling Paghuhukom. Mula sa paniniwala ng isang preterista, ang nakakalitong bahagi ay ang elaborasyon sa anong mangyayari “sa panahong yaon,” na nagsasalita ng pagkagising ng mga patay.
At sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan,
Bawat isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.
At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising,
Ang iba’y sa walang hanggang buhay,
At ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.
At silang pantas ay sisilang
Na parang ningning ng langit;
At silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran
Ay parang mga bituin magpakailan man (Daniel 12:1b-3).
Sa kabanata 5 ng Ebanghelyo ni Juan, mayroong lumilitaw na isang sipi na si Yahushua ay nagsasalita ng muling pagkabuhay ng mga patay. Kapag ikinumpara natin ito sa Daniel 12:2, masusumpungan natin ang kaparehong wika na ginamit upang ilarawan ang muling pagkabuhay.
Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagkat dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol (Juan 5:28-29).
Ang suliranin rito ay ang unang pangungusap ng Daniel 12:1 ay nagsisimula rin sa mga salita, “Sa panahong yaon …” Nauna ko nang ipakita kung paano ito tinukoy ni Yahushua sa Mateo 24:21-22 at ito ay pinakamarahil na tinupad ng Digmaang Hudyo-Romano at ang Pagtakas ng mga Hudeo-Kristyano patungo sa Pella.
Sa Juan 5:28-29, malinaw na tinutukoy rin ni Yahushua ang Daniel 12:2-3 upang magsalita ng Pangkalahatang Muling Pagkabuhay.
|
Ngayo’y narito ang palaisipan mula sa pananaw ng isang preterista. Madaling tapusin na ang pagbangon ng matuwid tungo sa walang hanggang buhay ay isang metapora rito para sa “Bagong Pagsilang” na mahahayag sa panahon ng paglilingkod ni Kristo Yahushua at ng mga Apostol noong unang siglo. Gayunman, mayroon ding isinama ng mga nagising sa “kahihiyan at pagkapahamak.” Sa Juan 5:28-29, malinaw na tinutukoy rin ni Yahushua ang Daniel 12:2-3 upang magsalita ng Pangkalahatang Muling Pagkabuhay. Subalit pansinin rito na ang parirala sa 12:1b ay inuulit ang kaparehong tagapagpahiwatig ng panahon. Ito rin ay nagaganap, “sa panahong yaon.” Ginagamit rin ni Yahushua ang sanggunian ng Daniel 12:1 sa Mateo 24:21-22 upang tumukoy sa pagkawasak ng Jerusalem.
Ipapalagay ba natin na ang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay at Huling Paghuhukom ng lahat ng mga matuwid at masama sa lahat ng kasaysayan ay naganap “sa panahong yaon” noong unang siglo? Bagama’t maraming sobra sa pagka-preterista ang humahawak sa solusyong ito, ang pananaw na ito ay nasa labas ng putla ng kinikilalang Kristyanismo. Ang aking solusyon sa “suliraning berso” na ito ay nababanggit ni Daniel ang paghuhukom sa masama bilang isang paralelismo — bilang isang pagkakaiba sa mga lumilipas at mga walang hanggang gantimpala na tinanggap ng pantas. Ang lumilipas na gantimpala para sa matuwid ay karunungan, pagkakaunawa at kaalaman ni Yahuwah, habang ang kanilang walang hanggang gantimpala ay pagkaluwalhati. Ito ay katulad sa naunang sipi sa Daniel 11:32-35 na paulit-ulit ang paghahambing ng pantas sa masama.
A. 11:32 – At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan, ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya;
B. Ngunit ang bayan na nakakakilala ng kanilang Diyos ay magiging matibay, at gagawa ng kabayanihan.
11:33 – At silang marunong sa bayan ay magtuturo sa marami;
A. gayon ma’y mangabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak at ng liyab, ng pagkabihag at ng samsam, na maraming araw.
11:34 – Pagka nga sila’y mangabubuwal, sila’y tutulungan ng kaunting tulong; ngunit marami ay magsisipisan sa kanila na may mga daya.
B. 11:35 At ang ilan sa kanila na pantas ay mangabubuwal, upang dalisayin sila, at linisin, at paputiin, hanggang sa panahon ng kawakasan; sapagkat ukol sa panahon pang takda.
Pansinin na sa Daniel 11:32-35, mayroong isang A, B, A, B na kabalalay na istruktura na naghahambing ng mga kapalaran ng parehong pantas at masama. Sa “A,” ang masama ay inilarawan katulad ng mga Hudyo na naging “masama” sa panahong Maccabean at “mabubuwal sa tabak,” subalit patuloy sa “mga daya,” nangangahulugan na pagpupunyagi sa kapangyarihan. Sa “B,” ang pantas ay inilarawan bilang “matibay” at naghihirap sa pag-uusig upang “dalisayin sila.” Gagamitin ni Yahuwah ang mga pagsubok at paghihirap upang “dalisayin” ang pantas, habang ang masama ay mapapahamak ay “mabubuwal sa tabak.”
Sa buong kabanata 12, mayroong isa pang kabalalay na istruktura, na nagpapaliwanag na ang maalab na pagsubok na hinarap ng bayan ni Yahuwah ay nagsisilbi ng dalawahang layunin sa pagpupurga sa mga gumagawa ng masama at nagdadalisay sa mga pantas.
|
Sa buong kabanata 12, mayroong isa pang kabalalay na istruktura, na nagpapaliwanag na ang maalab na pagsubok na hinarap ng bayan ni Yahuwah ay nagsisilbi ng dalawahang layunin sa pagpupurga sa mga gumagawa ng masama at nagdadalisay sa mga pantas. Nagbibigay sa atin ang Daniel 12:1-4 ng tatlong pangunahing ideya ng kabanata na nagbigay-diin ng kabuuang apat na beses sa kabanata.
- Ang bayan ni Yahuwah ay ililigtas sa kawakasan ng panahon.
- Mayroong isang panghuling panahon ng pagsusulit na maglalahad ng parehong matuwid at masama.
- Ang panahon ng kawakasan ay hindi para sa maraming araw, kaya ang aklat ng propesiya ay nakasara hanggang sa panahong yaon.
A. 12:1 – “Sa panahong yaon,” sa panahon ng kawakasan, darating ang Mesias.
B. Ang bayan ni Yahuwah ay sasailalim sa pagsusulit.
C. Ililigtas iyong mga matatapat.
CC. 12:2 – Iyong mga hindi matatapat ay matatanggap ang walang hanggang kahatulan.
BB. 12:3 – Ang panahon ng pagsusulit ay ipapakita ang kaluwalhatian ng Panginoon sa bayan ni Yahuwah.
AA. 12:4 – Ang propesiya ay dapat na isara ni Daniel dahil hindi pa ang “panahon ng kawakasan.”
Anong sumusunod sa Daniel 12 ay marami pang pag-uulit ng mga kaparehong tatlong ideya na ito. Ang mga ito’y paglalagom, paralelismo, o pinagkrusan na nagbibigay sa Aklat ni Daniel ng isang diwa ng kalubus-lubusan. Ang Ikalimang Pangitain ay nagwawakas, at ang propetikong pangako ng kaligtasan para sa bayan ni Yahuwah ay tinatakan.
Sa aking aklat, In the Days of These Kings, mayroong isang mahabang bahagi na nagbabalangkas ng mga paralelismo at interseksyon na istruktura ng Daniel 12. Bagama’t hindi ko maaaring ulitin ang aking buong pagpapaliwanag rito, magbibigay ako ng ilang tuntunin upang makatulong na ipaliwanag ito.
Una, “ang panahon ng kawakasan” na tinukoy sa Daniel 12:4, 8-9, 13 ay hindi mga “katapusan ng panahon,” kundi ang panahon kung kailan ang propesiya ay matutupad. Ang katuparan ay dumating noong unang siglo “sa mga kaarawan ng mga haring yaon” (Daniel 2:44) – sa panahon ng mga Romanong emperador.
Inihahambing sa mga nagising, “Ang iba’y sa walang hanggang buhay, at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak,” ay para ipakita na ang isang matuwid na nalalabi ay ililigtas sa “panahon ng kabagabagan.”
|
Ikalawa, inihahambing sa mga nagising, “Ang iba’y sa walang hanggang buhay, at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak,” ay para ipakita na ang isang matuwid na nalalabi ay ililigtas sa “panahon ng kabagabagan.” Ang Dakilang Kahirapan, na tinawag ni Yahushua, ay nagaganap hindi sa katapusan ng panahon kundi nagsasalita ng tatlo’t kalahating taon na pag-uusig sa mga Kristyano sa ilalim ni Nero (taglagas ng 64 AD hanggang Hunyo 68 AD) at panahon ng tatlo’t kalahating taon ng Digmaang Hudyo-Romano mula (tagsibol ng 67 AD hanggang kalagitnaan ng Setyembre 70 AD). Bagama’t ang pangako ng Muling Pagkabuhay ay tinukoy rito, ang Unang Muling Pagkabuhay ay nagaganap sa “panahon ng kabagabagan” (Daniel 12:1). Ang espiritwal na muling kapanganakan na ito ay dumarating nang may pagbabagong-buhay, hindi Ikalawang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay na magaganap sa Muling Pagdating. Sa aking naunang aklat, ipinaliwanag ko kung paano ang Una at Ikalawang Muling Pagkabuhay – at ang Una at Ikalawang Kamatayan – ay kapareho rito gaya sa Pahayag 20.
Ikatlo, ang layunin ng paghahambing ng buhay at patay na matuwid sa masamang buhay at patay – ang pantas at masama – sa Daniel 12:2-3 ay inulit sa kabalalay na istruktura sa pangako na “wala sa masasama na makakaunawa; ngunit silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:9-10).
Panghuli, sinabi kay Daniel sa ikatlong pagkakataon na hindi na magtanong pa kundi siya ay “tatayo sa [kanyang] kapalaran, sa wakas ng mga araw” (Daniel 12:13). Kaya, kung ito ay alinsunod sa nalalabi ng sipi, anong sinalita rito ay hindi ang katapusan ng kasaysayan ng sangkatauhan, kundi ang inagurasyon ng isang Bagong Tipan at ang kaligtasan ng bayan ni Yahuwah bago ang pagkawasak ng Templo. Ang pamana at kapalaran na sinalita ay ang buhay na walang hanggan; ang mensahe ng Mabuting Balita – na si Kristo Yahushua ay ang katuparan ng walang hanggang buhay – na mahahayag kapag ang propesiya ay dumarating sa katuparan “sa wakas ng mga araw.”
Ang hindi matuwid na Hudyo na “magigising” sa “kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak” ay hindi nagising mula sa kamatayan at hinatulan noong 70 AD. Sa halip, ang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay ng mga hindi matuwid na patay at ang kanilang Panghuling Hatol “sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak” (Daniel 12:2) ay inihambing bilang isang paralelismo sa “pantas” na “sisilang na parang ningning ng langit ... magpakailan man” (Daniel 12:3).
Isang susi sa pagkakaunawa na ito ay hindi pa ang Panghuling Paghuhukom ay tinutukoy ni Daniel ang matuwid bilang “silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran” (Daniel 12:3). Kung maraming tao ang bumalik sa pagkamatuwid “sa panahong yaon” ng “mangakakaunawa,” pagkatapos ito’y nagsasalita ng saksi sa Mabuting Balita na patuloy sa kasaysayan.
|
Isang susi sa pagkakaunawa na ito ay hindi pa ang Panghuling Paghuhukom ay tinutukoy ni Daniel ang matuwid bilang “silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran” (Daniel 12:3). Kung maraming tao ang bumalik sa pagkamatuwid “sa panahong yaon” ng “mangakakaunawa,” pagkatapos ito’y nagsasalita ng saksi sa Mabuting Balita na patuloy sa kasaysayan. Sa ibang salita, “sa panahon ng kawakasan” kapag ang propesiya ay natupad, ililigtas iyong mga hinirang. Ang mga ito’y “mangakakaunawa” ng mga salita ni Daniel sa 12:1-3, 11-12 at ang mga salita ni Yahushua sa Mateo 24:21-22. Sila ang magpapagana sa pamamagitan ng kanilang karunungan ay babalik sa pagkamatuwid ang marami maging sa nagpapatuloy na maalab na pag-uusig. Ang kanilang kaligtasan mula sa lagablab na lumamon sa Templo at ng siyudad ng Jerusalem ay nagbabala ng kanilang kaligtasan sa Panghuling Paghuhukom tungo sa Walang Hanggang Kaharian. Ito’y inihambing sa kapahamakan ng masama sa Panghuling Paghuhukom ng walang hanggang kamatayan.
Sinabi sa atin ni Hegesippus (sinipi sa Ecclesiastical History ni Eusebius) na ang mga Kristyanong nabubuhay sa Hudea sa panahon ng paglusob ng mga Romano noong mga 60 AD (iyong mga nagpabalik sa marami sa pagkamatuwid) ay naunawaan ang propesiya na ang siyudad ay malapit nang mawasak. Sila’y tumakas mula sa Jerusalem at tuluyang namalagi sa Pella. Karamihan sa mga Hudyo na naiwan sa mga siyudad ng Jerusalem at sa buong Hudea at Galilee ay napahamak – napakarami na 1.1 milyon, ayon kay Josephus. Ang kaunting nalalabing buhay ay ibinenta sa pagkaalipin ng mga Romano. Kaya iyong mga nabuhay at malaya matapos ang panahon ng makalupang paghatol na ito ay ang mga pantas na hinirang ni Yahuwah na natakasan ang hatol. Ang mga masamang Hudyo sa panahon ng Pagkubkob sa Jerusalem noong 70 AD ay iyong mga napahamak. Sila ang mga babangon sa walang hanggang kahihiyan sa Panghuling Paghuhukom.
Ang pagpapaliwanag na ito ay hindi itinuturo ang isang sobra sa pagka-preterista na pananaw na ang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay at ang Panghuling Paghuhukom ay naganap noong unang siglo. Salungat rito, pinabubulaanan ito sa pagpapakita na si Daniel ay walang duda na may kamalayan ng isang Pangkalahatang Muling Pagkabuhay, isang Panghuling Paghuhukom, at ang Walang Hanggang Kaharian. Gayunman, ang layunin ng Daniel 12 ay hindi para hulaan kung kailan iyon magaganap kung upang ihambing ang moral na kalikasan ng mga Hudyo na mabubuhay sa “wakas ng mga araw” – sa mga araw kung kailan ang propesiya ay matutupad – sa mga kaarawan ng mga haring yaon” – sa mga araw ng mga Romanong emperador ng unang siglo.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Jay Rogers.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC