Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
May mga suliranin sa terminolohiya ng “huling araw” roon, halimbawa, ang bersyong King James ay madalas tinutukoy “ang huling araw,” isang pagpapahayag na hindi matatagpuan sa mga modernong pagsasalin. Dagdag pa, hindi palaging malinaw kung “ang huling araw” ay nangangahulugan na tila mas makabagong panahon kaysa sa manunulat o ang pinakahuling panahon ng lahat, ang katapusan ng sanlibutan. Ilan sa mga pagpapahayag ay tinukoy ang araw na tinalakay sa oras ng pananalita. Ang pag-iingat ang kailangan gayong nakikitungo tayo sa mga sipi na gumagamit ng mga terminong ito.
May isa pang problema na sa mga modernong panahon, nahanap natin na mapaghamon na isipin na ang mga manunulat ng Bagong Tipan na nabubuhay sa “mga huling araw.” Maraming siglo na ang lumipas; paano ang kanilang panahon ang kawakasan? Dapat malinaw sa atin na ang mga maka-Kasulatang manunulat ay minsang gumamit ng mga terminong naiiba sa karaniwang ginagamit natin. Para sa kanila, ang dakilang kaganapan ay nangyari sa pagdating ni Kristo Yahushua tungo sa sanlibutan upang magdulot ng kaligtasan sa lahat ng mga sumasampalataya. Ito ay hindi lamang isang kaganapan sa kasaysayan; ito ay kaganapan. Dahil sa anong natupad ni Kristo, lahat ng bagay na nabago. Mula sa panahong iyon, gaano man magiging matagal hanggang mamagitan si Yahuwah at magtakda ng bagong langit at bagong lupa, ang mga tao ay nabubuhay sa “mga huling araw.” Ang mga araw na posible para sa mga tao na ilagay ang kanilang tiwala kay Kristo Yahushua at pumasok sa kapunuan ng kaligtasan na hinatid niya ay naiiba mula sa lahat ng mga araw na dumaan na. Ang mga ito’y araw ng pagkakataon, mga araw kung kailan ang mga tao ay maaari nilang ilagay ang tiwala sa napako sa krus, muling nabuhay, at itinaas na Panginoon at pumasok sa kaligtasan na napanalunan niya para sa mga makasalanan.
Mga Kaganapan Sa Kasalukuyan.
Ang manunulat sa mga taga-Hebreo ay sinasabi sa kanyang mga mambabasa na “nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito [si Yahuwah] sa pamamagitan, ng kaniyang Anak” ( Hebreo 1:2 ). Sinasabi ni Pedro na si Kristo ay “inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo” ( 1 Pedro 1:20 ). Sa mga ganoong sipi, ang kahulugan ay may naganap na isang bagay sa kamakailang panahon na nasa matalim na kaibahan sa anong naganap sa mga maagang panahon. O sa isang kaparehong pagpapahayag maaaring tumingin sa hinaharap ng mga tatanggap ng mensahe, habang tayo’y nagbabasa, “sa mga huling araw, ay magbabalik loob ka kay Yahuwah, at iyong didinggin ang kaniyang tinig” ( Deuteronomio 4:30 ), o sa paalala sa mga tagapakinig na pinagkalooban ni Yahuwah ng mana sa ilang “upang kaniyang mapangumbaba ka, at kaniyang subukin ka, na pabutihin ka sa iyong wakas” ( Deuteronomio 8:16 ).
Ang punto ng mga ganoong sipi ay para linawin na si Yahuwah ay gumagawa sa lahat ng panahon rito at ngayon. Ang Kanyang bayan ay dapat tandaan na sa anumang magaganap sa kanilang buhay at sa daigdig sa paligid nila, si Yahuwah ay gumagawa para sa Kanyang layunin. Sa diwang ito, ang mang-aawit ay nananalangin, “Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako” ( Awit 39:4 ), at sa Kawikaan, matatagpuan natin na ang pagtanggap ng mga payo ay ang landas ng pagiging pantas “sa iyong huling wakas” ( Kawikaan 19:20 ). Kabaligtaran, ang Babilonya ay sinisi sa hindi pag-aalala ng “huling wakas nito” ( Isaias 47:7 ). Sa pagkuha ng pansin ng anong ginagawa ni Yahuwah, ang Kanyang bayan ay papalakasin ang kanilang pananalig at magagawang ikalugod ang kahalagahan ng mga panahon na nabubuhay sila. Mahalaga na ang bayan ni Yahuwah ay hindi nag-iisa at makikilala ang pagtitiyaga ng mga banal na layunin kung may mga mata sila na makakakita.
Mga Kaganapan Sa Hinaharap.
Madalas, “huli” o “wakas” ang ginamit para sa mga panahon maliban sa katapusan ng lahat ng mga bagay. Ang mga propeta ay maaaring magsalita ng isang “araw” kapag ang Panginoon ay gagawa, minsan sa kaparusahan ng kasamaan, minsan sa pagdadala ng pagpapala. Mahalaga ang mga sipi na nagsasalita ng “mga huling araw,” na nagbibigay ng punto sa hinaharap ngunit walang katiyakan. Sa mga ganoong sipi, ito’y maaaring mangahulugan na “kinamamayaan sa kasalukuyang plano ng mga bagay,” iyon ay, huli sa buhay ng isang tao o, mas madalas, huli sa kasaysayan ng daigdig. Para sa unang paggamit, maaari nating mapansin ang babala sa Kawikaan na ang isang maling paglaan ng buhay ay nangangahulugan na ikaw ay mananangis “sa iyong huling wakas” ( Kawikaan 5:11 ). Para sa ibang paggamit, tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak upang sabihin sa kanila kung ano ang mangyayari sa kanila “sa mga huling araw” ( Genesis 49:1 ). Ito’y tumutukoy sa malayong hinaharap, ngunit hindi sa katapusan ng sanlibutan. Kaya kasama rin ang propesiya ni Moises na matapos ang kanyang kamatayan, ang Israel ay tatalikod mula sa katuwiran dahil ang kasamaan ay sasapit sa kanila “sa mga huling araw” ( Deuteronomio 31:29 ).
Sa Bagong Tipan, hindi na gaanong katanungan ng ano ang mangyayari sa mga bansa sapagkat sa paraan ni Yahuwah ay ginagawa ang Kanyang layunin sa mga kapakanan ng simbahan at ng mga indibidwal na mananampalataya. Sinasabi ni Pedro na ang pagdating ng Banal na Espiritu sa batang simbahan ay natupad ang isang propesiya ng ano ang magaganap “sa mga huling araw” ( Mga Gawa 2:17 ). Sa kaparehong diwa, mapapansin natin ang isang pahayag sa Hebreo: si Kristo ay “nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili” ( Hebreo 9:26 ). Ang mahahalagang kaganapan tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas at pagkakatatag ng kaligtasan ay nakadugtong “sa mga huling araw.” Ganon rin ang oposisyon ng kasamahan sa lahat ng mabuti. Sa mga araw na iyon, “hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” ( 1 Timoteo 4:1 ). Mayroong isang diwa na ang simbahan ay palaging nabuhay sa “mga huling araw.”
Ang Panghuling Kalagayan.
Ang sentrong paksa sa pagtuturo ni Yahushua ay “kaharian o paghahari ni Yahuwah.” Minsan itong lumitaw bilang isang kasalukuyang katunayan, minsan ay isang kaganapan sa hinaharapan. Ang pinakamahalagang tampok nito ay malapit na konektado kay Yahushua mismo.
Ang Bagong Tipan ay ginagawang malinaw na ang pagdating ni Kristo Yahushua ay isang kritikal na kaganapan. Ang kanyang nagbabayad-sising kamatayan ay ang panghuling tugon ni Yahuwah sa suliranin ng pagkakasala ng sangkatauhan, at kapag ito’y nakamit, wala nang mauulit pang muli. Para sa ating kasalukuyang layunin, ang mahalagang bagay ay si Yahushua ay hinatid sa isang bagong estado ng mga kaganapan. Nilabra niya ang pagbabayad-sisi na ginawang posible para sa mga makasalanan na mapatawad at pumasok sa kaharian ni Yahuwah at maging angkop na kumuha ng bahagi sa panghuling kaharian ni Yahuwah. Iyon ay nagbibigay ng isang naiibang kalidad sa lahat ng panahon matapos ang pagdating ni Yahushua, at ang mga maka-Kasulatang manunulat ay inilabas ito sa pagtukoy sa lahat na ang anuman matapos ang pagdating ni Yahushua ay “mga huling araw” o kagaya nito.
Minsan ang Bagong Tipan ay nagsasalita sa wakas ng lahat ng mga bagay na parang ito ay malapit na malapit na; minsan, tila mayroong mahabang pagitan. Dapat nating tandaan na “ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw” ( 2 Pedro 3:8 ). Hindi palaging madali na maging tiyak kung ang isang sipi ay nagsasalita ng katapusan ng sanlibutang ito at ang mga kaganapan nito o ilang bagay na magaganap bago iyon. Dapat nating sanayin ang nararapat na pag-iingat habang nakikitungo tayo sa mga mahihirap na sipi. Ngunit anong napakalinaw ay si Yahuwah ay gumagawa ng Kanyang layunin at sangkot rito ang isang panghuling estado ng kaganapan na nasa kalooban Niya, na sakdal na matutupad.
Minsan ang mga maka-Kasulatang manunulat ay tumatanaw sa kasalukuyang sistema sa panghuling estado ng mga kaganapan kapag ginagamit nila ang mga terminolohiya ng “mga huling araw.” Ito’y nagaganap sa isang napakagandang sipi sa parehong Isaias at Mikas kung saan ang mga propetang ito ay tumatanaw sa tahanan ng Panginoon na naitatag sa ibabaw ng mga burol at ng maraming bansa na dumarating rito upang masumpungan ang pagtuturo ni Yahuwah kaya maaari silang maglakad sa kanyang mga landas ( Isaias 2:2-4 ; Mikas 4:1-5 ). Isang naiibang larawan ay ibinigay sa propesiya ni Ezekiel: sa “mga huling araw,” ang Gog, ang pangunahing prinsipe ng pwersa ng kasamaan, ay darating laban sa Israel at matatalo (mga kabanata 38-39). Ito’y hindi itinuring na isang kontradiksyon sa mga unang sipi. Mayroong ibang sanggunian sa parehong panghuling kaligayahan at sa panghuling rebelyon ng pwersa ng kasamaan. Ibig sabihin nito na sa katapusan, lahat ng kasamaan ay tiyak na mapapabagsak at ang paghahari ni Yahuwah ay itatatag magpakailanman.
Maraming sipi ay ginagawang malinaw na mayroong isang pagtaas ng kasamaan sa mga huling araw. Minsang ito’y umuugnay sa pang-araw-araw na buhay ng mananampalataya, gaya ng sinasabi ni Yahushua, “At kayo’y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas” ( Mateo 10:22 ). Ngunit ang kasamaan ay magiging mas laganap kaysa sa iyon, “Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagkat ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang” ( 2 Timoteo 3:1-2 ). “sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita” ( 2 Pedro 3:3 ). Sa diskursong Olibo, mayroong kahirapan sa pagiging tiyak na kung ang ilang sa mga bagay tungkol sa buhay ng mananampalataya ay nakatakda sa gitna ng makasalanan o kung tinutukoy nila ang kawakasan ng panahon, ngunit may hindi mapagdududahang sanggunian sa wakas noong sinasabi ni Yahushua, “At kayo’y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas” ( Marcos 13:13 ). Ito ang magiging punto rin ng kanyang pagpapaliwanag ng isang talinghaga, “at ang pagaani ay ang katapusan ng sanlibutan” ( Mateo 13:39 ). Tulad rin nito, sinasalita ni Pedro ang kaligtasan na “nahanda upang ihayag sa huling panahon” ( 1 Pedro 1:5 ). Dapat naring pansinin rito ang mga sanggunian sa “pitong salot” ( Pahayag 15:1 ; 21:9 ) na pumupunto sa mga kabagabagan sa mga huling araw.
Sa Ebanghelyo ni Juan, mayroon ding kaisipan na si Yahuwah ay mangangalaga sa mga nababagabag sa panahong iyon. Paulit-ulit na sinabi ni Yahushua tungkol sa mga tao na ang Ama “ay ibinigay” sa kanya na siya ay “ibabangon sa huling araw” ( Juan 6:39, Juan 6:40, Juan 6:43, Juan 6:54 ). Si Juan ang tanging manunulat ng Bagong Tipan na gumagamit ng pahayag na “huling araw,” isang ekspresyon na pumupunto sa aktibidad ni Yahushua hanggang sa mismong katapusan ng panahong ito. Ginagawa rin nitong malinaw na ang pangangalaga ni Yahushua para sa kanyang sarili ay umaabot sa lahat ng panahon hanggang sa maihatid sa panghuling estado ng kaganapan. Sa negatibong panig, ang tao na tumatanggi kay Yahushua at sa kanyang pagtuturo ay matatagpuan na ang pagtuturo ay “siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” ( Juan 12:48 ).
Ang mga mananampalataya ay makakasagupa ang mga kabagabagan sa buong kasaysayan ng daigdig na ito, at ito’y magpapatuloy hanggang sa mismong wakas. Maaaring magsalita si Pedro ng “wakas ng lahat ng mga bagay” na “malapit na” ( 1 Pedro 4:7 ). Ang pagdating ni Kristo ay nangangahulugan na ang kaligtasan ay kasalukuyang ginawang makukuha, at ang ito ay nagpapabago ng lahat ng mga bagay. Ngunit ang mga manunulat ng Bagong Tipan ay malinaw na ito ang pambungad sa panghuling estado ng kaganapan ni Yahuwah at iyon, sa pananaw ng walang hanggan, ang panghuling estado na iyon ay hindi na malayo. Pagkatapos ang mga mananampalataya ay papasok sa kapunuan ng “buhay na walang hanggan” ( Roma 6:22-23 ).
Pangunahin ay ang katunayan na ang huli, dakilang araw ay masasaksihan ang tagumpay ni Yahuwah. Ito ay nagbabala sa Lumang Tipan, halimbawa, sa dakilang sipi kung saan sinasabi ni Job, “Ngunit talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya’y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma’y makikita ko si Yahuwah sa aking laman” ( Job 19:25-26 ). Mayroong mga suliranin sa siping ito, ngunit may isang malinaw na pagpapaliwanag ng panghuling tagumpay ni Yahuwah. Bago isinilang si Yahushua, sinabi ng anghel kay Maria na ang batang dadalhin niya “ay siya’y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian” ( Lucas 1:33 ).
Para sa mga manunulat ng Bagong Tipan, ang pagdating ni Kristo Yahushua sa sanlibutan upang magdala ng ating kaligtasan ay ang tiyakang kaganapan sa buong kasaysayan ng daigdig. Iyon ay itinakda sa pagkilos ang tren ng mga kaganapan na magdadala ng kaligtasan sa mga makasalanan at tuluyang makikita ang pagtatatag ng paghahari ni Yahuwah, na ginawang malinaw ng Pahayag. Hindi ibig sabihin nito na ang lahat ng kasamaan ay agarang maglalaho; ang mga manunulat ng Bagong Tipan at Kristyanong karanasan ay ginagawa itong malinaw na ang kasamaan ay magpapatuloy. Ngunit ang mahalagang bagay mula sa Kristyanong pananaw na ang nagliligtas na gawa ni Kristo Yahushua ay binago ang lahat ng bagay. Ang kasalanan ay tiyakang nalipol, at ang mga mananampalataya ay pumasok na sa kaligtasan. Gayunman, mahaba o maiksing panahon, ito’y magaganap bago ang katapusan ng sanlibutang ito, gayong sinusukat natin ang panahon, tayo’y nabubuhay sa mga huling araw gaya ng pagkakaunawa ng mga manunulat ng Bagong Tipan.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Leon Morris.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC