Natupad Na Propesiya: Ebidensya Para Sa Katapatan Ng Bibliya
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Natatangi sa lahat ng mga aklat na naisulat, ang Bibliya ay tumpakang nahuhulaan ang mga tiyak na kaganapan sa detalye, maraming taon, minsa’y mga siglo, bago naganap ang mga ito. Humigit-kumulang 2,500 propesiya sa mga pahina ng Bibliya, humigit-kumulang 2,000 sa mga ito ay natupad sa sulat—nang walang kamalian.
(Ang nalalabing 500 naman tungo sa hinaharap at maaaring makita na natutupad sa paglipas ng mga araw). Buhat nang ang probabilidad ng isa sa mga propesiyang ito ay natupad sa pagkakataon ay maghumigit-kumulang nang mababa sa isa sa sampu (pigura na lubos na konserbatibo) at magmula ang mga propesiya, sa karamihan sa bahagi nito, ay malaya sa isa’t isa, ang posibilidad para sa lahat ng mga propesiyang ito na natupad sa pagkakataon nang walang kamalian ay mababa pa sa isa sa 102000 (iyon ay 1 sa 2,000 sero na naisulat matapos ito)!
Si Yahuwah ay hindi lamang ang nakakahula ng mga kaganapan sa hinaharap upang makuha ang atensyon ng mga tao. Si Satanas rin ay gumagawa nito. Sa pamamagitan ng mga manghuhula (gaya nina Jeanne Dixon at Edgar Cayce), mga tagapamagitan, mga espiritista, at iba na dumating sa mga pambihirang prediksyon, bagama’t madalang ang may higit pang 60 porsyentong tumpakan, hindi kailanman nakamit ang ganap na katumpakan. Dagdag pa, ang mga mensahe mula kay Satanas ay bigong tumapat sa mga detalye ng mga propesiya ng Bibliya, at hindi rin nila isinasama ang isang panawagan na magsisi.
Naitala ni Moises ang depinitibong pagsusulit para sa pagkilala ng isang propeta ni Yahuwah sa Deuteronomio 18:21-22. Ayon sa sipi ng Bibliya na ito (at iba pa), ang mga propeta ni Yahuwah, naiiba mula sa mga tagapagsalita ni Satanas, ay 100% ang tumpakan sa kanilang mga hula. Walang puwang para sa kamalian.
Samantala, ang pangkabuhayan ay hindi pinahihintulutan ang isang pagpapaliwanag ng lahat ng mga Biblikal na propesiya na natupad, anong sumusunod sa isang pagtalakay ng ilan na halimbawa ng mataas na antas ng pagtitiyak, ang saklaw ng pagtudla, at/o ng “pagkatalulikas” ng mga nahulaang kaganapan. Ang mga mambabasa ay hinikayat na piliin ang iba rin, at para siyasatin ang kanilang pagiging makasaysayan.
(1) Sa panahon bago ang 500 BC, ang propetang si Daniel ay ipinahayag na ang pinakahihintay na Mesias ng Israel ay sisimulan ang kanyang pampublikong paglilikod, mga 483 taon matapos ang pagpapalabas ng isang kautusan upang ibalik at muling itayo ang Jerusalem (Daniel 9:25-26). Dagdag pa niyang nahulaan na ang Mesias ay “mahihiwalay” at namatay at ang kaganapang ito ay magaganap bago ang ikalawang pagkawasak ng Jerusalem. Ang saganang dokumentasyon ay nagpapakita na ang mga propesiyang ito ay ganap na ganap na natupad sa buhay (at pagpako sa krus) ni Kristo Yahushua. Ang hari ng Persya na si Hari Artajerjes ay naglathala ng kautusan tungkol sa pagpapanumbalik ng Jerusalem sa Hebreong saserdote na si Ezra noong 458 BC. Apat na raan at walumpu’t tatlong taon ang nakalipas, ang paglilingkod ni Kristo Yahushua ay nagsimula sa Galilea. (Tandaan na dahil sa mga pagbabago ng mga kalendaryo, ang petsa para sa pagsisimula ng paglilingkod ni Kristo ay itinakda ng karamihan sa mga mananalaysay mga 26 AD. Tandaan rin na mula 1 BC hanggang 1 AD ay isang taon lamang.) Ang pagpako sa krus ni Yahushua ay naganap mga ilang taon lamang ang lumipas, at mga apat na dekada ang lumipas, noong 70 AD ay dumating ang pagkawasak ng Jerusalem sa kamay ni Titus.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 105.)
(2) Mga 700 BC, ang propeta na si Mikas ay pinangalanan ang munting nayon ng Bethlehem bilang lugar ng kapanganakan ng Mesias ng Israel (Mikas 5:2). Ang katuparan ng propesiyang ito sa kapanganakan ni Kristo Yahushua ay isa sa pinakatanyag at laganap na ipinagdiriwang na katunayan sa kasaysayan.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 105.)
(3) Noong ikalimang siglo BC, isang propetang nagngangalang Zacarias ay ipinahayag na ang Mesias ay pagtataksilan para sa kabayaran ng isang alipin—talumpung piraso ng pilak, ayon sa kautusan ng Hudyo at ang salapi na ito rin ay ginamit upang bumili ng isang libingan para sa mga mahihirap na banyaga ng Jerusalem (Zacarias 11:12-13). Ang mga manunulat ng Bibliya at mga sekular na mananalaysay ay naitala ang tatlumpung piraso ng pilak bilang kabuuang bayad kay Judas Iscariote para sa pagtataksil kay Yahushua. Ipinapahiwatig nila na ang salapi ay napunta sa pagbili ng isang “bukid ng magpapalyok,” ginamit—gaya ng nahulaan—para sa libingan ng mga mahihirap na banyaga (Mateo 27:3-10).
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 1011.)
(4) Mga 400 taon bago naimbento ang pagpapako sa krus, si Haring David ng Israel at ang propeta Zacarias ay inilarawan ang kamatayan ng Mesias sa mga salita na ganap na naglalarawan ng uri ng pagbitay. Dagdag pa, sinabi nila na ang katawan ay sinaksak at walang kahit isang buto ang mababali, salungat sa nakaugaliang pamamaraan sa mga kaso ng pagpako sa krus (Awit 22 at 34:20; Zacarias 12:10). Muli, ang mga mananalaysay at mga manunulat ng Bagong Tipan ay kinumpirma ang katuparan: si Yahushua ng Nazaret ay namatay sa isang Romanong krus, at ang kanyang mabilis na kamatayan ay tinanggal ang pangangailangan ng karaniwang pagbabali ng mga buto. Isang sibat ang isinaksak sa kanyang tagiliran upang patunayan na siya’y patay na.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 1013.)
(5) Ang propeta na si Isaias ay nahulaan na ang isang mananakop na si Ciro ay wawasakin ang tila bagang hindi magagapi na Babilonya at malulupig ang Egipto sa karamihan ng nalalamang sanlibutan. Ang kaparehong tao na ito, sinabi ni Isaias, ay magpapasya na hayaan ang mga ipinatapong Hudyo sa kanyang teritoryo na maging malaya nang walang anumang kabayaran ng pantubos (Isaias 44:28; 45:1; at 45:13). Ginawa ni Isaias ang propesiyang ito, 150 taon bago si Ciro ay isinilang, 180 taon bago isinagawa ni Ciro ang anuman sa mga gawang ito (at nagawa niya, sa huli, isinagawa niyang lahat ng mga ito), at 80 taon bago ang mga Hudyo ay kinuha mula sa pagkakatapon.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 1015.)
(6) Ang napakalakas na Babilonya, 196 milya kuwadrado, ay binakuran ng isang trinsera at isang dalawahang pader na 330 talampakan ang taas, bawat bahagi ay 90 talampakan ang kapal. Sinabi ng nagkakaisang tanyag na opinyon na hindi masisira, subalit dalawang propeta ng Bibliya ay ipinahayag ang wakas nito. Ang mga propetang ito ay inangkin pa na ang mga manlalakbay ay iiwasan ang mga guho, na ang siyudad ay hindi na muling titirahan, at ang mga bato nito ay hindi gagalawin para gamitin na materyal sa pagtatayo ng gusali (Isaias 13:17-22 at Jeremias 51:26, 43). Ang kanilang paglalarawan ay, sa katunayan, ang mabuting dokumentadong kasaysayan ng tanyag na muog.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 109.)
(7) Ang eksaktong lokasyon at pagkakasunud-sunod ng pagtatayo ng siyam na arabal ng Jerusalem ay nahulaan ni Jeremias mga 2,600 taon ang nakalipas. Tinukoy niya ang panahon ng proyektong ito bilang “ang huling araw,” iyon ay, ang panahon ng ikalawang muling pagsilang ng Israel bilang isang bansa sa lupain ng Palestino (Jeremias 31:38-40). Ang muling pagsilang na ito ay naging kasaysayan noong 1948, at ang pagtatayo ng siyam na arabal ay isinulong nang tiyakan sa mga lokasyon at pagkakasunud-sunod na nahulaan.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 1018.)
(8) Ang propeta na si Moises ay nahulaan (kasama ang ilang karagdagan nina Jeremias at Yahushua) na ang sinaunang bansang Hudyo ay masasakop nang dalawang beses at ang bayan nito ay ituturing bilang mga alipin sa bawat panahon, una sa mga Babilonyan (sa isang panahon ng 70 taon), at pagkatapos ay sa ikaapat na pandaigdigang kaharian (na kinikilala bilang Roma). Ang ikalawang mananakop, sinabi ni Moises, ay kukunin ang mga Hudyo na bihag sa Egipto sa mga sasakyang-dagat, ibebenta sila o ipamimigay bilang mga alipin sa lahat ng bahagi ng mundo. Ang mga prediksyon na ito ay natupad sa sulat, ang una noong 607 BC at ang ikalawa ay 70 AD. Ang mga tagapagsalita ni Yahuwah ay sinabi pa na ang mga Hudyo ay mananatiling nakakalat sa buong mundo sa loob ng maraming henerasyon ngunit hindi malalagom ng mga tao ng ibang bansa at ang mga Hudyo sa isang araw ay babalik sa lupain ng Palestino upang muling itatag para sa ikalawang panahon ang kanilang bansa (Deuteronomio 29; Isaias 11:11-13; Jeremias 25:11; Hosea 3:4-5 at Lucas 21:23-24).
Ang propetikong pahayag na ito ay umaabot sa loob ng 3,500 taon ng kasaysayan tungo sa ganap na katuparan nito—sa ating habang-buhay.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 1020.)
(9) Nahulaan ni Jeremias na sa kabila ng pagkamayabong at pagkarating ng suplay ng tubig nito, ang lupain ng Edom (kasalukuyang bahagi ng Jordan) ay magiging isang tigang, walang nakatirang kaparangan (Jeremias 49:15-20; Ezekiel 25:12-14). Ang kanyang paglalarawan ay tumpakang sinasalaysay ang kasaysayan ng kasalukuyang mapanglaw na rehiyon na iyon.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 105.)
(10) Nahulaan ni Josue na ang isang tao ay muling itatayo ang Jerico. Sinabi niya rin na ang pinakapanganay na anak ng tao ay mamamatay kapag ang muling pagtatayo ay nagsimula at ang kanyang pinakabatang anak ay mamamatay kapag naabot ang pagtatapos nito (Josue 6:26). Mga limang siglo ang lumipas, ang propesiyang ito ay natagpuan sa katuparan nito sa buhay at pamilya ng isang tao na nagngangalang Hiel (1 Mga Hari 16:33-34).
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 107.)
(11) Nahulaan ni Jahaziel na si Haring Josaphat at isang munting pangkat ng mga tao ay matatalo ang isang napakalaki, may mahusay na kagamitan, mahusay na sinanay na hukbo nang walang labanan. Nahulaan, ang Hari at ang kanyang mga tropa ay nakatayong tumitingin sa kanilang mga kaaway na talulikas na nalipol hanggang sa huling tao (2 Paralipomeno 20).
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 108.)
(12) Isang propeta ni Yahuwah (walang pangalan, ngunit marahil si Sememias) ay sinabi na isang panghinaharap na hari ng Juda, nagngangalang Josias, ay kukunin ang mga buto ng lahat ng mga okultikong pari (mga pari ng “mataas na dako”) ni Haring Jeroboam at susunugin ang mga ito sa altar ni Jeroboam (1 Mga Hari 13:2 at 2 Mga Hari 23:15-18). Ang kaganapang ito ay nangyari humigit-kumulang 300 taon matapos itong nahulaan.
(Probabilidad ng katuparan = 1 sa 1013.)
Simula nang ang 12 propesiyang ito ay bumabalot sa karamihan sa mga magkakahiwalay at malalayang kaganapan, ang probabilidad ng pagkakataong maganap para sa lahat ng 12 ay 1 sa 10138 (138 katumbas ng kabuuan ng lahat ng matematikong simbulo ng 10 sa tinatayang probabilidad sa ibabaw). Para sa ngalan ng paglalagay ng pigura sa pananaw, ang probabilidad na ito ay maaaring ikumpara sa istatistikong pagkakataon na ang ikalawang batas ng termodinamika ay babaligtarin sa isang ibinigay na kalagayan (halimbawa, na ang makina ng gasolina ay palalamigin ang sarili nito sa panahon ng pag-ikot ng pagsusunog o ang init ay aagos mula sa isang malamig na katawan hanggang sa isang mainit na katawan)—ang pagkakataon na iyon = 1 sa 1080. Simple na ipinapahayag, batay sa mga 12 propesiya na ito lamang, ang talaan ng Bibliya ay maaaring sinabi na malawak na mas pinagkakatiwalaan kaysa sa ikalawang batas ng termodinamika. Ang bawat mambabasa ay dapat na maramdamang malaya na gumawa ng mga makatuwirang pagtatantya ng probabilidad para sa katuparan ng mga propesiya na nabanggit rito. Sa anumang kaso, ang mga probabilidad na hinuha ay patuloy na pabalighong katiting.
Ibinigay na ang Bibliya ay pinatutunayang na lubos na mapagkakatiwalaan, mayroong dahilan na inaasahan na ang nalalabing 500 propesiya, iyong mga nakatakda para sa “panahon ng kawakasan,” ay matutupad rin hanggang sa huling sulat.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Hugh Ross.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC