Pagbabalatkayo ng Pangkukulam: Lihim na Patibong ni Satanas
I-click ang larawan para palakihin
Ang paganong ebidensya ng sinaunang ‘medikal’ na gabilyang simbulo.
Ang Aklat ng Pahayag ay naglalaman ng maraming sanggunian sa dakilang siyudad ng Babilonya. Ang pinakadetalyadong paglalarawan ng Babilonya ay matatagpuan sa Pahayag 18 na isang pangako na ang masama, nag-uusig na kapangyarihang ito ay tuluyang pababagsakin. Ang kabanatang ito ay ipinaliwanag rin nang tiyakan kung bakit ganap na wawasakin ni Yahuwah ang Babilonya nang tuluyan:
Pagkatapos, isang malakas na anghel ang dumampot ng isang batong tulad ng isang malaking gilingan at itinapon iyon sa dagat. Ang sabi ng anghel, “Ganito karahas ibabagsak ang tanyag na lungsod na Babilonya, at hindi na siya muling makikita . . . sapagkat ang iyong mga mangangalakal ay dating mga kilalang tao sa daigdig, at sapagkat sa pangkukulam mo ay nadaya ang lahat ng mga bansa. (Pahayag 18:21, 23, FSV)
Ang sagupaan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan ay isang espiritwal na labanan, pangunahing nilalabanan sa larangan ng digmaan ng relihiyon. Sa kadahilanang ito, maraming Kristyano ay binalewala ang babala sa ibabaw na hindi angkop sa kanila. Ipinalagay nila na ang mga pagano lamang ang maaaring malinlang ng pangkukulam. Kaya, tinanggihan nila na hindi mahalaga ang isa sa mga pinakataimtim na babala ng Kasulatan.
Gayunman, ang buong dahilan kung bakit ang Langit ay “marahas na ibabagsak” ang Babilonya ay dahil nilinlang niya ang lahat ng mga bansa ng kanyang “pangkukulam.” Ang salitang “pangkukulam” ay nagmula sa salitang Griyego na φαρμακεία, φάρμακον (pharmakeia).
Ito ay kaparehong salitang-ugat kung saan nagmula ang mga salitang Tagalog na parmasya (pharmacy/drugstore sa Ingles) at parmasitiko (mga gamot medikal). Sa sinaunang panahon, ang pagsasanay ng medisina ay malapit na pinuluputan ng pangkukulam, ang paggamit ng mga gamot upang maghinuha ng mga guni-guni at mga bulong sa mga demonyong diyos. Nagpapahayag ang Kasulatan na ang mga gamot na ginamit ni Satanas ngayon ay para manlinlang ng mga kaluluwa o, gaya ng pagkakalagay ng Knox Bible tungkol rito: “dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.”
Ang modernong simbulo ng medisina ay ang gabilya, o dalawang ahas na pumulupot sa paligid ng isang may pakpak na baston. Ito ay unang simbulo ni Hermes, ang diyos ng komersyo at imbentor ng mga mahiwagang bulong na, noong ikapitong siglo, ay naging malapit na nauugnay sa alkimya. Ito ay nagmula sa Griyegong karykeion na mismong batay sa eruko na nangangahulugang pigilin o kontrolin. Ang orihinal na simbulo para sa medisina ay ang aktwal na gabilya ni Asclepius na pinuluputan ng isang ahas. Ang mga tao ay magkakawan-kawan para sa paggaling sa mga templong inilaan para kay Asclepius, ang diyos ng paggaling. Ang mga sakripisyo sa diyos ay iaalay at anumang panaginip o pangitain na naranasan ng isang pasyente ay gagamitin ng pari o doktor upang ipagbawal ang isang kurso ng paggaling.
Ang simbulo ng ahas ay umabot mula pa sa Eden kung saan tinawag ni Satanas si Yahuwah na sinungaling noong sinabi niya na si Eba ay hindi mamamatay kung siya’y nagkasala. Ang ahas ay ang angkop na simbulo ni Satanas sapagkat ang mga tukso sa buong sanlibutan ay luminlang tungo sa kasalanan. (Tingnan ang Pahayag 12:9 at Pahayag 20:2.)
I-click ang larawan para palakihin
Ang paganong ebidensya ng sinaunang simbulo ng ‘medikal’ na gabilya ni Asclepius.
Si Yahuwah ay mayroong mga kautusan ng kalusugan na, kapag nilabag, ay hahantong sa maagang kamatayan. Sa kasamaang-palad, ang malawak na karamihan ng mga modernong medisina ay may mga malulubhang pangalawang epekto na maaari at humantong sa maagang kamatayan ng marami. Ang nanliligaw na ahas bilang isang simbulo ng modernong medisina ay lubos na nararapat. Ang Paganismo/Satanismo ay patuloy na pumupulupot sa maraming modernong kasanayan sa paggagamot. Karamihan sa mga modernong medisina ay walang iba kundi kapanahon na pangkukulam, dinamitan sa isang siyentipikong balatkayo. Ang marami sa mga tao ngayon ay kinokontrol pa rin ng gabilya ni Asclepius, ang kanilang minsang matalas na mga utak ay pinapurol ng mga pangalawang epekto ng mga mismong gamot na inakalang mga maggagaling sa kanila.
Ang Gabilya ni Asclepius. |
Ang panunumpang Hippocratic, sa iba’t ibang anyo, ay patuloy na isinasagawa sa kasalukuyang panahon. “Ang Panunumpa ni Hippocrates ay nanatili sa Kanlurang sibilisasyon bilang isang ekspresyon ng ulirang gawain para sa doktor.” (American Medical Association, Code of Medical Ethics, 1996 ed.) Anong hindi natatanto ng maraming tao, gayunman, ay ang orihinal na panunumpang Hippocratic ay nagsisimula sa isang panawagan sa mga pagano o demonikong diyos: “Ako’y namamanata kay Apollo ang Manggagamot at kay Asclepius at kay Hygieia at Panacea at sa lahat ng mga diyos na dalhin ang sumusunod na panunumpa sa katuparan.”
Sa laban para sa kaluluwa, si Satanas ay humila ng isang patagong atake sa paggamit ng mga droga sa modernong medisina. Ang mga tao ngayon ay nilibak ang paggamit ng laudanum (opyum sa alak) na ginamit ilang daang taon ang nakalipas bilang medisina, ngunit ang karamihan ng mga modernong gamot ay mas peligroso na may mga mapanganib na pangalawang epekto na dapat na gamutin mismo. Ito’y lumilikha ng isang pag-ikot na nagsasakatuparan sa sarili, lumilikha ng isang mamamayan na lubog sa droga, umaasa sa mga mismong gamot na ginagawa silang may sakit.
Ang autism ay isang kalunos-lunos na halimbawa ng pagkawasak na dulot ng mga modernong pagbabakuna na “nangangailangan” ng paggamit ng marami pang gamot upang kontrolin ang mga sintomas na nauugnay sa autism. Sa mamamayan na karaniwang binakunahan, ang autism sa Estados Unidos ay lumilitaw nang isang beses sa bawat 50 tao. Sa mga hindi nabakunahan, gayunman, ang autism ay lumilitaw lamang nang isang beses sa bawat 25,000 kaso.
Ang The Doctors, isang palabas sa telebisyon na nagtitipon ng iba’t ibang eksperto sa medisina, ay ipinagmamalaki bilang “iyong patunguhan [pinagkukunan] para sa impormasyon sa mga pinakasariwang pambihirang tagumpay sa medikal, mga makabagong teknolohiyang kasanayan at mga pagsasagawa at pinakabagong impormasyon tungkol sa pagpapanatili ng isang malusog na istilo ng pamumuhay.”1 Sa isang bagong episodyo, isa sa mga doktor na nakapanayam ay inamin na ang malawak na karamihan ng anong ginagamot ng mga doktor ay walang iba kundi mga pangalawang epekto mula sa ibang medisina na naunang kinuha.
Ang industriya ng parmasitikong gamot ay isang maruming pangangalakal, ngunit ito ay isang Malaking Negosyo. Literal na bilyun-bilyong dolyar ang inilalaan bawat taon sa parehong pagbebenta ng mga gamot at sa pinakasariwang “pagsasaliksik” upang hanapin ang pinakabagong milagrong lunas. Nangako si Yahuwah na ipapakita ang lahat ng patotoo sa mga maghahangad sa kanya. “At malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32, FSV)
Ang mga kamakailang aksyon ng hukuman ay ipinakita ang ilan sa mga hindi etikal na pamamaraan ng “Malaking Parma” na dumadaya sa marami tungo sa pagtitiwala na ang mga gamot na inilalabas nila ay magbibigay ng kalusugan. Ang sumusunod na listahan ay ilan lamang sa mga pamamaraan na ginamit ng mga kumpanya ng gamot upang impluwensyahan ang mga tao na gamitin ang kanilang mga “medisina.” Ang mga kumpanyang parmasitiko ay napatunayan o inakusahan sa hukuman ng:
- Paulit-ulit na panunuhol sa mga doktor ng magagarang bakasyon at mga bayad para sa katungkulan na magtalumpati.
- Pagkatha ng datos ng kaligtasan sa gamot at pagsisinungaling sa Food and Drug Administration (FDA).
- Panloloko sa mga nagbabayad ng buwis nang bilyun-bilyong dolyar ang halaga.
- Panlilinlang sa mga nangangasiwa tungkol sa pagiging epektibo ng gamot nito.
- Pag-asa sa mga mapanlinlang na kasanayan nito upang kumita ng bilyun-bilyong dolyar sa pagbebenta ng mga potensyal na mapanganib na gamot sa mga walang kamalayang mamimili o medikal na pasyente.
- Pamemeke ng datos ng pagsusuri upang ikatha ang tantya ng bisa ng isang bakuna nang 95% o mataas pa.
- Pakuan ang mga pagsusuri sa dugo ng mga antibody ng hayop upang artipisyal na pataasin ang paglitaw ng mga antibody sa immune system.
- Panggigipit sa mga birolohiya na makilahok sa mga panloloko at sumusunod na mga pagkukubli.
- Takutin ang mga dalub-agham, tinatakot na ipapakulong maliban na lang kung sila’y tatahimik tungkol sa tunay na resulta ng pagsusuri ng iba’t ibang gamot.
- Pagpasok sa mga kaayusan sa parmasya na nagbibigay ng pakinabang sa mga tagapamahala upang ipilit ang mga nagtitingi na bumili ng marami pa ng kanilang mga gamot.2
Bagama’t ang malawak na karamihan ng mga kumpanyang parmasitiko ay nasa bansang first world ang mga punong-tanggapan, ang mga panganib ng mapanlinlang na mga negosyong ito ay dapat na malinaw na maunawaan ng lahat dahil ang iba’t ibang organisasyon mula sa bansang first world ay “may kawanggawa” na nag-aalok ng mga libreng bakuna sa mga mahihirap, mga bansang third world. Mayroong tumataas na ebidensya na nagpapahiwatig na madalas ang mga bakuna, tabletas at maging ang mga kasalukuyang pampahid ay nilikha upang puminsala sa katawan sa mga tiyak na paraan kahit na pinapagaling ang ibang sintomas. Ang iba’t ibang mananaliksik ay inangkin3 na ang AIDS virus ay winasak ang bahagi ng Aprika at ang populasyong homosekswal ng San Francisco sa Estados Unidos na inilabas sa pamamagitan ng mga bakuna laban sa Hepatitis-B.
I-click ang larawan para palakihin
Karaniwang paggamit sa larangan ng medisina ng mga lantarang paganong simbulo – Ang Baras at ang Gabilya ni Asclepius
Ang iba pang ebidensya ay nagpapahiwatig na ang mga isterilisasyong gamot ay inilagay sa isang tabletas na nagkokontrol sa kapanganakan bilang karagdagan sa mas kinilalang pangalawang epekto, kabilang sa ibang bagay, atake sa puso, atake sebrebral, sakit sa dugo, tumor, iba’t ibang kanser at maging pamumuo ng dugo sa puso at utak. Ang may-akda na ito, sa pagbabasa ng paketeng isinama para sa isang pampahid na inireseta para sa isang sanggol, ay nagulantang nang matuklasan na isa sa posibleng “pangalawang epekto” ay bulutong-tubig!
Ang Malaking Parma ay isang maraming bilyong dolyar na industriya na kontrolado ng mga makapangyarihang “mangangalakal ng lupa.” Ang salaping itinaas taun-taon para sa “pagsasaliksik sa kanser” lamang ay nasa milyun-milyong dolyar na – bagama’t ang lunas ay natagpuan na! Noong 1931, nakamit ni Otto H. Warburg ang Nobel Peace Price para sa isang pambihirang pagkakaunawa sa mga selula ng kanser. Si Dr. Tulio Simoncini ng Italya, ay ginamit ang impormasyon na natuklasan ni Warburg kasama ang kanyang sariling sinaliksik, ay mayroong aktibong kasanayan ng paggamot sa kanser . . . hanggang siya ay ginawang masama sa mga pahayagan, tinanggal mula sa Italian Medical Order at, sa huli, nakulong sa loob ng tatlong taon sa paggawa ng mismong bagay na inaangkin ng mga Malaking Parma na sinusubukang gawin – gamutin ang kanser.
Hindi mo maaaring pagkatiwalaan ang mga angkin ng industriya ng gamot dahil ito’y ganap na isang negosyong gumagawa ng salapi para sa kanila. Si Satanas ay ginagamit ang pangkukulam, ang hiwaga ng modernong parmasitiko ay para sa isang layunin at isang layunin lamang: upang lasunin ang katawan na, dahil dito, ay papalabuin ang kaisipan at pinapamanhid ang budhi. Ang isang malinaw na kaisipan na may kakayahan na mapakinggan ang Banal na Espiritu ay mahalaga sa laban kontra kasalanan. Ang parirala mula sa Pahayag 18:23, “sapagkat sa pangkukulam mo ay nadaya ang lahat ng mga bansa,” ay ibinigay ng The Heritage Bible bilang: “dahil sa iyong kulam na nanghihikayat ng gamot ang lahat ng mga lahi ay napahamak.”
Ang mga gamot na inireseta ng mga doktor sa buong mundo at maging ang mga tinatawag na “over the counter” na medisina na wala nang reseta, ay mayroong mga epektong malayo ang nararating, hindi lamang sa katawan, kundi sa kaisipan rin. Ang mga karaniwang pangalawang epekto ng maraming gamot ay hindi lamang pagkatuyo ng labi at pagkahilo, kundi pagkahapo, pag-aantok at maging kawalan ng panandaliang memorya. Ito’y nag-iiwan sa isang tao na madaling tamaan ng mga tukso ni Satanas. Ang mga talaang anekdota ay inangkin na ang mga pagsasalin ng dugo ay maaari minsang humantong sa malalim na pagbabago sa personalidad. Ipinahayag ni Yahuwah na ang dugo ay dapat na iwasan dahil “ang buhay ng laman ay nasa dugo.” (Tingnan ang Levitico 17-10-14.)
Si Yahuwah ay ang Manlilikha ng lahat. Dahil dito, Siya ang may sakdal na kaalaman ng pinakamahusay na paraan upang makuha at mapanatili ang kalusugan.
Sapagka’t iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
Iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina.
Ako’y magpapasalamat sa iyo; sapagka’t nilalang ako na kakila-kilabot at kagila-gilalas:
Kagila-gilalas ang iyong mga gawa; . . .
Nang ako’y gawin sa lihim, . . .
Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal.
(Awit 139:13-16, ADB)
Ang Manlilikha ng iyong katawan ay nalalaman ang pinakamahusay na paraan upang mapanatili ang katawan na malusog. Nilikha Niya ang walong kautusan na, kung sinunod nang tama, ay tutulong sa pagpapanumbalik at pananatili ng kalusugan:
- Nutrisyon
- Ehersisyo
- Tubig
- Sikat ng Araw
- Pagpipigil
- Sariwang Hangin
- Kapahingahan
- Isang Saloobin ng Pasasalamat (na nagdadala ng tiwala sa banal na kapangyarihan)
Iyong mga nagpaparangal kay Yahuwah sa pagpapanatili ng Kanyang kautusan, kabilang ang Kanyang kautusan ng kalusugan, ay pararangalan ni Yahuwah ng kapayapaan, kalusugan at, pinakamahalaga sa lahat, tagumpay sa laban kontra kasalanan. Si Yahuwah ay sinabi na “yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin.” (1 Samuel 2:30, ADB) Iyong mga sumunod sa lahat ng mga kautusan ni Yahuwah ay mahahanap sa sarili na pinagpala sa mga hindi inaasahang paraan. “Ang pagkatakot kay Yahuwah ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.” (Kawikaan 14:27, ADB)
Kalooban ni Yahuwah para sa Kanyang bayan na mamuhay sa buhay na pinayaman ng mabuting kalusugan. Ito ay hindi maaaring makamit sa mga nakalalasong gamot na laganap na ipinapamahagi ng mga pinakamodernong nagsasanay sa medisina. Ang gamot na nireseta ay hindi nakakapagpagaling. Sila lamang ay nagkokontrol sa mga sintomas, madalas sa kabayaran ng pagdadala ng ibang mapaminsalang pangalawang epekto. Ang pinakamahusay na kalusugan ay ang paraan ng Langit. Nagbigay si Yahuwah ng mga lunas sa kalikasan para sa bawat karamdaman. Ang Internet ay nagbibigay ng daan sa isang kayamanan ng impormasyon na unang hindi makukuha. Kung mayroon kang isang partikular na isyu na pang-kalusugan, magsaliksik ng mga likas na remedyo na magbibigay ng lunas.
Ngayon, tiyakin muli na panatilihin ang lahat ng mga kautusan ni Yahuwah. Siya ang magbibigay sa iyo ng kagandahang-loob, karunungan at tagumpay sa bawat lugar.
1 http://thedoctorstv.com/doctors/main
2 Nakalista sa http://worldtruth.tv/big-pharma-criminality-no-longer-a-conspiracy-theory-bribery-fraud-price-fixing-now-a-matter-of-public-record/.
3 Tingnan ang http://www.bibliotecapleyades.net/salud/esp_salud33s.htm at http://originofaids.com/.