Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Pagtutuunan ko ng pansin ang Juan 1:1, nagbibigay ng ebidensya na ang mga Israelita na nakakapagsalita ng Griyego ay pamilyar sa Griyegong pagsasalin ng Lumang Tipan ay maaaring makilala ang unang pangungusap sa Mabuting Balita ni Juan, “Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos” bilang magkatulad kay Moises.
Sa kasamaang-palad, ang mga huling tagapakinig na Hentil, sa halip na manatili sa Bibliya, ay natutunan ang mga makabagong Platonikong pilosopiya tungkol sa banal na Logos at mali ang pagkakaunawa sa unang berso na ito sa Mabuting Balita ni Juan bilang isang sanggunian sa isang ikalawang banal na katauhan na sangkot sa paglikha sa Genesis. Ang mga Hentil ay ipinaliwanag ang Juan 1:1 nang ontolohiko, iyon ay, tungkol sa kalikasan, kakanyahan, o pagkadiyos. Ngunit ang isang Israelita ay hindi kakailanganing ipaliwanag ang Juan 1:1 nang ontolohiko. Ang isang mambabasang Israelita na pamilyar sa mga Griyegong Kasulatan ng Lumang Tipan ay maaaring idugtong ang Juan 1:1 kay Moises.
Noong una, nagbigay kami ng mga dahilan upang maunawaan na ang “Noong simula pa lang” ng Juan 1:1 ay hindi isang direktang sanggunian sa paglikha sa Genesis subalit medyo pasadya na umaalingawngaw sa Genesis dahil si Juan ay ilalarawan ang isang bagong simula. Pagtutuunan natin ang dalawang pahayag na ang Salita “ay kasama ng Diyos” at “ay Diyos.” Ang aking sanaysay (hindi lamang ako) ay ang “Ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos” ay isang paghahambing kay Moises, hindi isang paglalarawan ng isang ikalawang banal na katauhan o isang mahirap unawaing plano na sangkot sa paglikha sa Genesis.
Ang artikulong ito ay magkakaroon ng dalawang bahagi:
- Una, makikita natin na ang literaryo at pampakay na mga pagkakatulad sa “kasama ng Diyos” at “ay Diyos” ng Juan 1:1 ay matatagpuan sa bersyong Griyego ng Lumang Tipan, hindi sa ekstra-Biblikal na literatura, at ang mga pariralang ito ay pangunahing tinutukoy ang tao na si Moises.
- Makikita natin na ang Mabuting Balita ni Juan ay tahasang ikinukumpara si Yahushua kay Moises at hindi kay Yahuwah. Ang Ebanghelyo ni Juan ay ipinapakita si Yahushua bilang isang propeta gaya ni Moises na isinugo ni Yahuwah, hindi bilang si Yahuwah.
Ang Juan 1:1 Ay Tungkol Sa Isang Tao
“Ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos” ay sinasalita ang isang tao, hindi isang ikalawang banal na katauhan (isang banal na “hipostasis”), hindi rin ang isang mahirap maunawaan na ideya gaya ng “Karunungan.”
Ang ating tungkulin ay upang makita kung paano ang mga pariralang “kasama ng Diyos” at “ay Diyos” ay maaaring makilala sa mga Israelita na nakakapagsalita ng Griyego na pamilyar sa LXX na ipinupunto sa tao na si Moises. Kukunin muna natin ang parirala sa Juan 1:1b na “kasama ng Diyos.” Para kanino, o para ano, ang parirala na “kasama ng Diyos” tumutukoy sa Griyego na Lumang Tipan? Makakatulong ito upang makilala ang parirala na “kasama ng Diyos” sa Griyego: πρὸς τὸν θεόν, pros ton Theon.
πρὸς τὸν θεόν ni Moises
Madalas ang pariralang pros ton Theon ay isinalin sa LXX bilang “para sa Diyos” kapag sinundan ng isang pandiwang palipat gaya ng “magbigkas, magsalita, tumawag, o manalangin” gaya ng “sinabi ni Abraham sa Diyos” (Genesis 17:18, Nehemias 4:3, atbp.) Ngunit may iba pang halimbawa ng pros ton Theon na may mga pandiwa na mayroong diwa ng kalapitan, gaya ng “lumapit kayo” at “magdalangin,” ginamit nang pinakamadalas ng isang tao, si Moises.
Medyo ilang beses, sinabi ni Moises na nasa isang relasyon na pros ton Theon / πρὸς τὸν θεόν “sa/para sa/kasama ng Diyos” kapag si Moises ay gumagawa ng pagdadalangin kay Yahuwah sa ngalan ng Faraon. Narito ang ilang halimbawa:
Exodo 8:29 (LXX Exo 8:25) “At sinabi ni Moises, ‘Narito iiwan kita, at aking idadalangin kay Yahuwah, na ang mga pulupulutong na langaw ay magsialis bukas kay Faraon’.”
(καὶ εὔξομαι πρὸς τὸν θεόν).”
Exodo 10:18 “At nilisan niya (Moises) si Faraon, at nanalangin kay Yahuwah (ηὔξατο πρὸς τὸν θεόν).”
Pansinin ang tatlong bagay tungkol sa mga bersong ito:
- Ang pandiwa sa parehong Griyego at Hebreo, isinalin bilang “idadalangin,” ay mayroong ideya ng pagmumuni-muni o pamamagitan. Maaari at ginagawa ni Moises sa paraang pros ton Theon “kasama ng/para sa/sa Diyos” upang manalangin at gumawa ng pamamagitan para sa iba.
- Ang LXX ay paminsan-minsan na binabago ang “PANGINOON/Yahuwah” sa “Diyos/Theon.” Kung saanman ang Hebreo ay “gumagawa ng pamamagitan kay Yahuwah,” isinasalin ng LXX bilang “gumagawa ng pamamagitan sa Diyos (pros ton Theon).”
- Ang punto: ang isang mambabasa na pamilyar sa Griyegong Lumang Tipan ay maiuugnay ang gumagawa ng pamamagitan at ang pariralang pros ton Theon kay Moises. Ipinakilala si Moises bilang isang tao na mayroong daanan ng pamamagitan na pros ton Theon, sa/para sa/kasama ng Diyos ng Israel.
Ang payo ni Jethro:
Exodo 18:19 “Dinggin mo ngayon ang aking tinig; papayuhan kita, at sumaiyo nawa si Yahuwah: ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ni Yahuwah, at dalhin mo ang mga usap kay Yahuwah…” Ang LXX ay dalawang pros ton Theon sa bersong ito. Sa unang pagkakataon, ang LXX ay binabasa, “ikaw ang kinatawan ng bayan sa mga bagay sa harap ni Yahuwah.” Pagkatapos ay sinasabi ni Jethro, “at dalhin mo ang mga usap kay Yahuwah (pros ton Theon).”
Tiyakan, nakita ni Jethro ang natatanging relasyon ni Moises kay Yahuwah sa ngalan ng bayan. Si Moises, inilarawan sa pros ton Theon, ay ang kinatawan ng bayan “sa harap ni Yahuwah” at kasama ang “mga bagay tungkol kay Yahuwah.”
Ating itala ang dagdag na kaganapan ng pros ton Theon sa mga pandiwa na sangkot si Moises tungo sa kalapitan kay Yahuwah. Matapos ang unang pagkakataon na si Moises ay tumungo kay Yahuwah sa Bundok Sinai at pagkatapos ay bumalik pababa sa bayan at sinabi sa kanila kung ano ang sinabi ni Yahuwah:
Exodo 19:8 “At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ni Yahuwah ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan kay Yahuwah.”
Susunod, noong si Moises ay muli na kasama ni Yahuwah sa Bundok Sinai, mababasa natin sa Exodo 19:21 “At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila’y lumagpas upang makita si Yahuwah, at mamatay ang karamihan sa kanila.” Ang bayan ay pinagbawalan na lumagpas pros ton Theon. Ngunit si Moises ay maaaring lumagpas pros ton Theon.
Patuloy sa Bundok Sinai, Exodo 19:24, “At sinabi ni Yahuwah sa kaniya, ‘Yumaon ka, bumaba ka; at ikaw ay sasampa, ikaw at si Aaron na iyong kasama: ngunit ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit kay Yahuwah, baka Siya ay hindi makapagpigil sa kanila.’”
Ngayon ay lalong pansinin ang sumusunod na dalawang berso. Sa panahon ng pagtanggap ng Israel ng Tipan sa Sinai, sina Aaron at ang dalawang anak niya kasama ang 70 matatanda na kumakatawan sa bayan ay tumungo sa bundok sa landas ni Moises ngunit sasamba lamang mula sa malayo. Mababasa natin:
Exodo 24:2 “At si Moises lamang ang lalapit kay Yahuwah; datapuwa’t sila’y hindi lalapit; o ang bayan man ay sasampang kasama niya.”
Sa huli, matapos ang tao ay ginawa ang isang gintong baka, bumaba si Moises kasama ang salita ni Yahuwah sa tableta ng bato, binasag ang mga ito, at ang ginawang pulbos ang gintong baka:
Exodo 32:30 At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, “Kayo’y nagkasala ng malaking kasalanan: at ngayo’y sasampahin ko kay Yahuwah; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan.”
Naniniwala ako na ang mga halimbawa na ito ay nagpapakita na ang isang Israelita na nagsasalita ng Griyego na mayroong kaalaman sa Griyegong Lumang Tipan (LXX) ay maaaring makilala ang pariralang pros ton Theon at iugnay ito sa tao na si Moises. Si Moises ay gumawa ng panalangin ng pamamagitan pros ton Theon. Kumatawan si Moises sa bayan pros ton Theon. Para sa isang mambabasa ng Griyegong Lumang Tipan, ang pagdatin sa o nasa posisyon na pros ton Theon ay hindi inilarawan bilang ikalawang banal na katauhan at hindi rin ang isang mahirap maunawaan na katangian gaya ng Karunungan. Ito ay isang tao, ang tao na si Moises, na pros ton Theon.
Mayroong ilang nagpapatotoong ebidensya ng Bagong Tipan na umaangkop sa dugtungang ito kung saan matatagpuan natin ang pariralang pros ton Theon na ginamit nang tiyakan upang magtalaga ng isang tao, ang tao na si Kristo Yahushua. Si Yahushua ang Mesias, gaya ni Moises, ngunit sa mas dakilang lawak, ay mayroong papel ng pamamagitan at matalik na relasyon pros ton Theon.
Hebreo 2:17 Kaya’t kailangang siya ay maging kagaya ng kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang siya ay maging isang maawain at tapat na Kataas-taasang Pari sa mga bagay na nauukol kay Yahuwah, upang gumawa ng handog na pantubos sa mga kasalanan ng mga tao (τὰ πρὸς τὸν θεὸν).
Hebreo 5:1 Bawat Kataas-taasang Pari ay pinili mula sa mga tao at itinalaga upang mangasiwa sa mga bagay na may kaugnayan kay Yahuwah para sa kanilang kapakanan—ang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay para sa mga kasalanan (τὰ πρὸς τὸν θεόν, ikumpara sa 2 Corinto 3:4).
Ang paglilingkod bilang pamamagitan sa ibang tao tungkol sa mga bagay kay Yahuwah pros ton Theon ay kapareho ng isinagawa ni Moises (Exodo 4:16, 18:19).
Ang Salita Ay Diyos – θεὸς ἦν ὁ λόγος – ni Moises
Ayos lang, maaari mong sabihin, ang pariralang pros ton Theon “kasama ni Yahuwah” ay maaaring makilala sa isang Israelita na nagsasalita ng Griyego bilang isang parunggit kay Moises, bilang isa na may natatanging matalik na relasyon at papel ng pamamagitan kay Yahuwah at Israel, ngunit ano naman ang sumusunod na parirala, “ang Salita ay Diyos”? Sinasabi ba ng Lumang Tipan na si Moises si Yahuwah?
Noong tinawag ni Yahuwah si Moises sa nasusunog na palumpong, nagpahayag si Moises ng pag-aatubili upang isugo siya dahil sa kanyang kawalan ng kakayahan na magsalita nang mabuti, sinabi ni Yahuwah kay Moises na si Aaron ang magiging tagapagsalita ni Moises. At pagkatapos, sinabi ni Yahuwah kay Moises na “Diyos” kay Aaron.
Exodo 4:16 “At siya (Aaron) ang makikipagusap sa lagay mo sa bayan: at mangyayari na siya’y magiging sa iyo’y bibig, at ikaw ay magiging sa kaniya’y parang Diyos.
Karamihan sa mga Ingles na tagapagsalin ay inilagay ang salitang “parang” sa pagsasalin ng deklarasyon ni Yahuwah: “ikaw ay magiging sa kaniya’y parang Diyos.” Ngunit ang Hebreo ng bersong ito וְאַתָּ֖ה תִּֽהְיֶה־לּ֥וֹ לֵֽאלֹהִֽים ay walang salita na “parang” rito. Ang mas literal na pagsasalin ay “Ikaw ay magiging sa kaniya’y Diyos” (ikumpara sa Exodo 29:45; Jeremias 24:7, 32:8; Ezekiel 34:24; Zacarias 8:8).
Kawili-wili, ang LXX ay nagdadagdag ng isang tiyak na artikulo na kaugaliang palambutin ang direktang sanggunian kay Moises bilang Yahuwah: “Gagawin mo sa kanya ang mga bagay na nauukol kay Yahuwah” (σὺ δὲ αὐτῷ ἔσῃ τὰ πρὸς τὸν θεόν). Ito ang eksaktong parirala na nakita nating ginamit ni Yahushua sa Bagong Tipan na naglalarawan ng papel ng pamamagitan ni Yahushua bilang kataas-taasang pari o saserdote (Exodo 18:19, Hebreo 2:17, 5:1).
Isa pang kawili-wili ang Exodo 4:16 dahil mayroon itong kaparehong “magiging” na pandiwa (ngunit sa panghinaharap) parang Juan 1:1. Sinasabi ng Juan 1:1, “at ang Salita ay Diyos.” Sinasabi ng Exodo 4:16, “Ikaw sa kaniya’y Diyos.”
Exodo 7:1 “At sinabi ni Yahuwah kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang parang Diyos kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.”
Ang mga tagapagsalin ng Ingles ay inilagay ang salitang “parang”: “Ginawa kitang parang Diyos kay Faraon.” Ngunit ang salitang “parang” ay wala sa parehong Hebreo o Griyegong Lumang Tipan. Ang literal na pagsasalin ay “Ginawa kitang Diyos kay Faraon.”
Kaya rito ay mayroon tayong malinaw na sanggunian kay Moises bilang Diyos. Nalalaman nating lahat na ang Bibliya ay hindi sinasabi na si Moises ay Diyos sa isang ontolohikal, pisyolohikal, o sa “espiritu” o sa “likas” na diwa.
Maaari tayong magtiwala na ang Bibliya ay HINDI nag-aangkin na si Moises ay Diyos sa isang ontolohikal na diwa
|
Maaari tayong magtiwala na ang Bibliya ay HINDI nag-aangkin na si Moises ay Diyos sa isang ontolohikal na diwa sa iba’t ibang dahilan, kabilang:
- Kinukuha namin ang pahayag sa konteksto. Binabasa namin ang nalalabi ng Bibliya. Si Moises ay isang sanggol, may nagtangkang patayin siya, lumaki siya, nagpastol ng mga tupa, namatay, atbp. Siya ay hindi isang Diyos ng Israel nang ontolohiko.
- Ang Diyos ng Israel ay “ginawa” na Diyos si Moises. Ang pandiwa ay tunay na hindi “ginawa kang Diyos” kundi mas literal “binigyan, pinagkalooban.” Sinabi ng Diyos, “Pinagkalooban ko sa iyo na maging Diyos sa Faraon.” Ang Diyos ng Bibliya ay hindi ginawa, pinagkalooban, o pinahintulutan na maging Diyos sa sinuman. Ngunit ang Diyos “binigyan, pinagkalooban, ginawa” si Moises na Diyos sa paraan na ang tao na Moises ay kumakatawan kay Yahuwah sa tungkulin, kapangyarihan, awtoridad, at marahil sa katangian kay Aaron at Faraon. Si Moises ay mayroong isang “katulad kay Yahuwah” na papel sa paraan na si Moises ay nagbigay ng mga salita kay Aaron katulad sa pagbibigay ng mga salita ni Yahuwah kay Moises. Ito ay si Yahuwah na gumagawa sa loob at sa pamamagitan ng mga salita at gawa ni Moises. Tungkulin ni Moises bilang si Yahuwah sa Faraon dahil si Yahuwah ay naghatid ng mga salot na hinatid ni Moises sa Faraon.
Ito ay kapareho sa tao na si Yahushua. Ito ay si Yahuwah na gumagawa sa loob at sa pamamagitan ng mga salita at gawa ng tao, si Yahushua.
Ang Mabuting Balita ni Juan ay hindi ipinahayag na si Yahushua ay literal o ontolohiko na Diyos sa kalikasan, gaya sa aklat ng Exodo ay hindi ipinahayag si Moises na literal o ontolohiko na si Yahuwah. Sa Ebanghelyo ni Juan, itinangi si Yahushua mula kay Yahuwah. Isinugo ni Yahuwah si Yahushua (3:34, 5:24, 17:3. Ikumpara sa Exodo 3:12-15, atbp.). Kumakatawan si Yahushua kay Yahuwah at nagsasalita ng mga salita na ibinigay ni Yahuwah sa kanya. Sa Ebanghelyo ni Juan, si Yahushua ay “isang taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko kay Yahuwah” (Juan 8:40, ikumpara sa Juan 14:1, Mga Gawa 2:36, 10:38, 2 Corinto 5:9).
Upang ibuod, ang pariralang “kasama ng Diyos” at “ay Diyos” ng Juan 1:1 ay may mga pagkakatulad sa tao na si Moises sa Griyegong Lumang Tipan. Dapat nating subukan ilaglag sa ating sarili ang mga ontolohikal na interpretasyon ng Juan 1:1 na sumasalungat sa nalalabi ng Kasulatan.
Bago natin makita kung paano si Yahushua ikumpara kay Moises sa nalalabi ng Mabuting Balita ni Juan, mahalaga na tandaan na ang unang bahagi ng Juan 1:1, “Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita,” ay nagbibigay rin ng pagkakatulad kay Moises.
Simula At Ang Salita/Torah
Habang nakikita ko ang “noong simula pa lamang” ng Juan 1:1 sa pangunahin bilang isang ulyaw ng Genesis 1:1 dahil, kay Yahushua at sa kanyang paglilingkod, nagtalaga si Yahuwah na kasalukuyang gumagalaw na isang bagong simula, mayroon ding isang pagkakatulad ng “salita” kay Moises at Exodo mula sa Egipto, na isang bagong simula.
Ang simula at tipan ng Israel ay dumating sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah. Ito’y mahalaga kaya ang salitang “salita”, דבר davar sa Hebreo at λόγος logos sa Griyego, ay hindi makikita sa talaan ng paglikha sa Genesis. Sa halip, ang davar/logos ay iniuugnay sa Lumang Tipan nang mas madalas sa pahayag ng pangako ni Yahuwah sa patnyarka at ang katuparan ng pangakong iyon sa pagbuo ng bayan ng Israel.
Ibinigay ni Yahuwah ang Kanyang salita, isang pangako sa mga ama. Pagkatapos, ibinigay ni Yahuwah ang Kanyang salita nang natatangi sa pamamagitan ni Moises sa Bundok Sinai, at ang Israel ay nabuo. Ang mga modernong komentaryo sa Ebanghelyo ni Juan ay halos walang paltos na inilalarawan kung ano ang Logos (ang salita) sa kaisipang Griyego. Ngunit ang Logos, isang salita para sa kaisipang Hebreo, ay nangangahulugang Torah, ang katawan ng rebelasyon at pagtuturo ni Yahuwah na ibinigay sa Israel sa pamamagitan ni Moises. Ang simula ng Israel bilang isang bayan ay dumating sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah, iyon ay, ang Torah. Maging sa kasalukuyan, ang mga relihiyosong Hudyo ay nalalaman na anong pinakamahalaga sa paglikha at pagpapanatili ng Israel bilang isang bayan ay ang salita ni Yahuwah (Torah).
Sa simula, sa pamamagitan ng salita, iyon ay, sa pamamagitan ng Torah na ibinigay sa panahon ng karanasang Exodo at Sinai, naranasan ng Israel ang isang bagong simula. Ang Israel ay naging isang bansa, panganay na anak ni Yahuwah, ang bayan ni Yahuwah. Iyon ay kung bakit sinabi ni Yahuwah: “Ang buwang ito’y magiging sa inyo’y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo” (Exodo 12:2).
Sa pagsisimula ng bansang Israel at kay Moises, ang salita ni Yahuwah/Torah ay inukit sa mga tableta ng bato. Ngunit sa bagong simula kay Yahushua, ang Salita ni Yahuwah ay naging laman, isang tao. Ang Bibliya ay tinawag ang salita ni Yahuwah dahil ito’y naglalaman ng mga salita ni Yahuwah. Si Yahushua ay ang Salita ni Yahuwah dahil siya ang nagsasalita ng mga salita ni Yahuwah sa isang paraan na hindi makakaya ng ibang tao.
Kapag ang isa ay nauunawaan na ang simula ng bansang Israel ay dumating sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah, ang isa ay maaaring makita na ang unang berso ng Ebanghelyo ni Juan ay nagdadala ng mga magkakasamang pagkakatulad at uri mula sa parehong Aklat ng Genesis at Aklat ng Exodo. Ito ay patotoo na ang Juan 1:1 ay naglalarawan ng katapat kay Moises, ang tao na si Yahushua.
Sa Buong Mabuting Balita ni Juan, Tahasang Ikinumpara Si Yahushua Kay Moises, Hindi Kay Yahuwah. Si Yahushua Ang Ikalawang Moises, Hindi Ang Ikalawang Diyos.
Iyong Juan 1:1 na tumutukoy kay Moises ay itinaguyod ng katunayan na ang may-akda ng Ebanghelyo nang maaga at madalas gumagawa ng direktang paghahambing sa pagitan nila Moises at Yahushua. Ang paghahambing na Moises-Yahushua ay batay sa mga salita ni Yahuwah, Siya na nakikipag-usap sa pamamagitan ni Moises, naitala sa Deuteronomio 18:15-19:
“Palilitawin sa iyo ni Yahuwah mong Diyos ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig; 16 Ayon sa lahat ng iyong ninasa kay Yahuwah mong Diyos sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, “Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ni Yahuwah kong Diyos, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay.” 17 At sinabi ni Yahuwah sa akin, “Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang salitain. 18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. 19 At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.”
Sa kanyang unang kabanata, pinabibilis ni Juan upang ipahayag sa pamamagitan ng patotoo ni Andres na “Natagpuan na namin siya na tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta” (Juan 1:45). Hindi nagsulat si Moises tungkol sa isang ikalawang katauhan ng Diyos, isang ikalawang hipostasis ng Diyos, na isusugo ni Yahuwah. Sa halip, nagsulat si Moises tungkol sa propeta gaya niya na isusugo ni Yahuwah.
Sa kanyang unang kabanata, pinabibilis ni Juan upang ipahayag sa pamamagitan ng patotoo ni Andres na “Natagpuan na namin siya na tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta” (Juan 1:45). Hindi nagsulat si Moises tungkol sa isang ikalawang katauhan ng Diyos, isang ikalawang hipostasis ng Diyos, na isusugo ni Yahuwah. Sa halip, nagsulat si Moises tungkol sa propeta gaya niya na isusugo ni Yahuwah.
|
Gaya noong ang Israel ay nakiusap na isang tagapamagitan ang magsasalita ng mga salita ni Yahuwah para sa kanila, at sinabi ni Yahuwah na ang pakiusap ay nararapat (Deuteronomio 18:16, Exodo 20:19-20). Si Moises ang tagapamagitan na iyon; gayundin, inilalagay ni Yahuwah ang Kanyang salita sa bibig ng tagapamagitan na si Yahushua. Ang Mabuting Balita ni Juan ay maaaring sabihin na “ang Salita ay Diyos” dahil noong nagsalita si Yahushua, ito ay si Yahuwah na nagsasalita. Noong si Yahushua ay nagsagawa ng isang himala, ito ay si Yahuwah na kumikilos (ikumpara sa Mga Gawa 2:22). Sina Moises at Yahushua ay mga ahente ni Yahuwah, sa pamamagitan nila si Yahuwah ay nagsalita at gumawa. Ngunit si Yahushua ay si Yahuwah na kumikilos at nagsasalita sa ganoong antas kaya si Yahushua mismo ay tinawag na ang Salita ni Yahuwah.
Ang pahayag na “at ang Salita ay Diyos” ay hindi isang ontolohikong pahayag tungkol kay Yahushua bilang isang diyos sa kalikasan o diwa kundi tungkol sa ahensya. Iyon ay, si Yahushua ay kumatawan kay Yahuwah. Si Yahuwah ay nasa paggawa at sa pamamagitan ni Yahushua (ikumpara sa 2 Corinto 5:19). Ang “Kristolohiya” ng Ebanghelyo ni Juan, na tungkol kay Yahushua, ay hindi “pagkakatawang-tao,” na “si Yahuwah ay naging tao,” kundi sa halip ay “ahensya,” na si Yahuwah ay isinugo ang tao na si Kristo Yahushua, kumakatawan kay Yahuwah, nagsasalita ng mga salita ni Yahuwah, sa pagbibigay ng kapangyarihan ni Yahuwah ay nagagawa ang mga gawa ni Yahuwah. Hindi nagsagawa ng mga himala ni Yahuwah si Moises sa pamamagitan lamang ng sinalitang salita. Isang panahon ay sinabi ni Yahuwah kay Moises na magsalita lamang, ngunit siya’y nabigo. Si Yahushua ay ang salita ni Yahuwah sa ganoong saklaw kaya kapag nagsalita si Yahushua, ang pilay ay pinagaling, at ang patay ay itinaas.
Kaya tingnan natin kung paano si Yahushua ikinumpara kay Moises sa Ebanghelyo ni Juan, hindi kay Yahuwah, hindi sa isang mahirap unawain na ideya sa kaisipan ni Yahuwah. Si Moises ay nabanggit nang tahasang 13 beses sa Ebanghelyo ni Juan. Ang unang pagkakataon ay nasa panimula ni Juan.
Juan 1:17: “Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang kagandahang-loob at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Kristo Yahushua.”
Sina Moises at Yahushua ay parehong tagapamagitan sa kanila na dumarating. Ang pinagkukunan ng Torah ay si Yahuwah—ito’y dumating sa pamamagitan ni Moises. Ang pinagkukunan ng kagandahang-loob at katotohahan ay si Yahuwah—parehong dumating sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. Ang “kagandahang-loob at katotohanan” ay ang mga sentrong elemento sa rebelasyon ni Yahuwah kay Moises upang pagtibayin na maging ang pagkakasala dahil sa gintong baka, pinanumbalik ni Yahuwah ang Kanyang tipan sa Israel at mananatiling kasama ng Israel (Exodo 34:6).
Pagkatapos, nananatili sa kabanata 1, Juan 1:45, “Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa rito, ‘Natagpuan na namin siya na tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta, si Yahushua na taga-Nazareth, ang anak ni Jose.’”
Ito lamang ay kahibangan na ipahiwatig na si Moises ay nagsulat tungkol sa pagkuha ni Yahuwah ng kalikasan ng tao. Ang pagtatapat ni Apostol Felipe ay lumilipad sa mukha ng tradisyonal na interpretasyon ng Kristyanismo. Anong isinulat ni Moises ay ang pagsusugo ni Yahuwah ng isang propeta gaya niya.
Hindi rin nagsulat ang mga propeta tungkol kay Yahuwah na kinukuha ang anyo ng tao. Ang mga propeta ay isinulat ang tungkol kay Yahuwah sa pagsusugo ng Davidikong Mesias (ikumpara sa Juan 1:41).
Sinabi ni Yahushua sa Juan 5:46: “Kung pinaniwalaan ninyo si Moises, sana'y pinaniwalaan din ninyo ako, sapagkat siya ay sumulat tungkol sa akin.” Muli, nagsulat ba si Moises tungkol sa isang diyos na kukunin ang anyo ng tao o isang taong-diyos na isang naiibang katauhan ng Diyos na isusugo? Hindi, nagsulat siya tungkol sa propeta gaya niya na isusugo ni Yahuwah. Ang propetang iyon ay sasalitain ang lahat ng inutos ni Yahuwah sa kanya.
Ang mga mahimalang tanda na itinatala ng Mabuting Balita ni Juan ay puno ng mga paghahambing nila Moises at Yahushua (tipolohiya). Marahil ang pinakamahusay na halimbawa ng magkatulad na mahimalang tanda ay ang pagpapakain sa 5,000 dahil ito’y pinaalahanan ang mga tao ng mahimalang panustos ng manna ni Yahuwah noong si Moises ay pinangunahan ang Israel sa loob ng 40 taon.
Pansinin ang reaksyon ng mga tao sa pagpapakain ni Yahushua sa 5,000. Juan 6:14: “Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Yahushua, sinabi nila, ‘Ito nga talaga ang propetang darating sa sanlibutan!’” Ang himala ni Yahushua ay idinugtong siya sa ipinangakong propeta, gaya ni Moises.
Si Yahushua (gaya ni Moises) ay ginawang malinaw, sa mga ginawa niya sa maraming pagkakataon (halimbawa sa Juan 5:30, 8:28, 14:10; Mga Gawa 2:2), na siya ay hindi ang pinagkukunan ng himala. Si Yahushua ay ang lagusan. Si Yahuwah ang pinagkukunan. Ang Ama ay ang gumagawa, ngunit “sa likod ng eksena” dahil ang mga tao ay hindi Siya maaaring makita. Juan 6:32: “Kaya’t sinabi ni Yahushua sa kanila, ‘Ito ang katotohanan, sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama ang nagbigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.’”
Gaya ni Moises, si Yahushua ay ang lagusan sa pamamagitan niya at kung saan ang himala ay isinasagawa.
Iba Pang Paghahambing Ng Bagong Tipan Kay Yahushua At Moises
Nais kong banggitin na ang ibang literatura ng Bagong Tipan ay kinukumpirma ang paghahambing na Moises-Yahushua na ipinapakita ng Mabuting Balita ni Juan. Nagpapakita si Juan ng kaparehong Kristo gaya ng nalalabi ng Bagong Tipan, hindi isang naiibang Kristo. Dapat tumuloy nang walang pagsasabi na kung, gaya sa ibang literatura ng Bagong Tipan, ang Mabuting Balita ni Juan ay ikinukumpara si Yahushua kay Moises, ang Ebanghelyong ito ay hindi nagpapahayag na si Yahushua ay si Yahuwah.
Sa mga Ebanghelyo nila Mateo at Lucas, ipinakita si Yahushua bilang isang propeta gaya ni Moises na umaakyat sa bundok at ipinapaliwanag ang Torah. Ang Aklat ng Mga Gawa ng Apostol, ang Apostol na si Pedro at alagad na si Esteban ay direktang idinudugtong si Yahushua sa mga pahayag ni Moises na “itataas ni Yahuwah para sa iyo ang isang propeta gaya ko mula sa iyong mga kapatid” (Mga Gawa 3:22-23, 7:35-37). Katulad nito, ang may-akda ng Aklat ng mga Hebreo ay direktang ikinukumpara si Yahushua kay Moises (Hebreo 3:3-6).
Pagsusuri At Hamon
- Ang literaryo at pampakay na mga pagkakatulad sa mga pariralang “kasama ng Diyos” at “ay Diyos” ng Juan 1:1 ay matatagpuan sa bersyong Griyego ng Lumang Tipan, hindi sa ekstra-Biblikal na literatura, at ang mga pariralang ito ay pangunahing tinutukoy ang tao na si Moises. Ang mga Israelita na nakakapagsalita ng Griyego na pamilyar sa Griyegong Lumang Tipan ay maaaring makilala na si Moises ay “kasama ng Diyos pros ton Theon” at maging ang “ay Diyos” sa isang kumakatawan na diwa at pagkakaunawa na ang may-akda ay ipinakilala ang pagdating ng “propeta gaya ni Moises…tungkol sa isinulat ni Moises.”
Sa ibang salita, ang Juan 1:1 ay ipinapakilala ang isang propeta gaya ni Moises, hindi isang ikalawang katauhan ng Diyos at hindi isang mahirap unawaing plano.
|
Sa ibang salita, ang Juan 1:1 ay ipinapakilala ang isang propeta gaya ni Moises, hindi isang ikalawang katauhan ng Diyos at hindi isang mahirap unawaing plano.
Sa ibang dako, ang mga Hentil ng ikalawang siglo ay tuluyang hindi naunawaan ang pambungad na pahayag ni Juan. Sa halip, inangkin nila na ipinakilala ni Juan ang isang ikalawang katauhan ng Diyos na naugnay kay Yahuwah sa isang ontolohikal na paraan, likas o diwa. Ang mga tagapagpaliwanag na ito ay pinabayaan o nakaligtaan ang tipolohiya ni Moises at natutunan ang mga Griyegong pilosopikong pagpapalagay sa kasulatan ni Juan. Katulad nito, ang kaisipang Griyego ay bigo na makilala ang pagkakatulad sa Hebreo ng Logos sa Torah at ang “noong simula pa lamang” sa pagsisimula ng Israel sa Sinai.
Sa ibang salita, ang Juan 1:1 ay ipinapakilala ang isang propeta gaya ni Moises, hindi isang ikalawang katauhan ng Diyos at hindi isang mahirap unawaing plano.
- Ang mga sanggunian sa Mabuting Balita ni Juan na direktang ikinumpara si Yahushua kay Moises ay nagpapatunay na ang pambungad na pahayag ni Juan ay ginagawa ang kaparehong bagay, gaya ng ibang paghahambing ng Bagong Tipan kay Yahushua at Moises. Ang Ebanghelyo ni Juan ay hindi ipinapakita ang isang naiibang Kristo kaysa sa nalalabi ng Bagong Tipan.
- Hamon: Kung ang sanaysay ay mali, iyon ay, ang sanaysay na ang Juan 1:1 ay isang parunggit kay Moises na pareho ang “kasama ng Diyos (pros ton Theon)” at “ay Diyos” – pahintulutan akong ipakita ang isang dalawahang hamon:
A. Ipaliwanag kung bakit ang “kasama ng Diyos” (pros ton Theon) at “ay Diyos” ay hindi naaangkop kay Moises, at
B. Ibinibigay ang ebidensya mula sa Bibliya at ibang Panahon ng Ikalawang Templo ng Hudyo na literatura kung saan ang alinman sa isang ikalawang katauhan ng Diyos (hipostasis) o isang banal na katangian gaya ng karunungan ay ipinakita bilang “pros ton Theon” at “ay Diyos.”
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Bill Schlegel.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC