Ang Kristolohiya Ng Landas Sa Damasco Ni Saulo Ng Tarso
|
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |

Isa sa mga pinaka dramatikong kaganapan sa makasaysayang talaan ni Lucas ng kapanganakan at pag-unlad ng maagang Iglesya ay ang pagbabagong-loob ni Saulo ng Tarso mula sa taga-usig ng Kristyano hanggang sa tagasunod ni Kristo. Lumitaw si Yahushua kay Saulo sa landas patungo sa Damasco sapagkat habang nasa daan, ang masugid na Pariseo ay binigyan ng awtoridad ng punong saserdote upang arestuhin ang mga Kristyano at dalhin sila pabalik sa Jerusalem para parusahan.1
Paano nagbago ang pananaw ni Saulo kay Yahushua matapos makatagpo ang muling nabuhay at itinaas na hari? Natanto ba niya na si Yahushua ay hindi lamang ang ipinangakong Mesias kundi ang Diyos ng sanlibutan rin? Anong rebelasyon ang ibinigay ni Yahushua tungkol sa sarili niya na nagpanday sa pagkakaunawa ni Saulo at nagbago sa kanya tungo sa pagiging Pablo, ang pinakadakilang misyonaryo ng unang siglo?2 Ating sasagutin ang mga katanungang ito sa pagsisiyasat ng karanasan ni Pablo sa landas patungo sa Damasco. Ating simulan sa paggalugad sa teolohiya ni Pablo bago ang paghaharap sa Panginoon.
Ang Teolohiya Ni Saulo Ng Tarso
Ang mga paniniwala ni Pablo ay isasama ang pagsunod sa kredo ng mga Hudyo na nalalaman bilang ang Shema. Ang Biblikal na pahayag ng pananampalataya ay sinasabi na si Yahuwah ay ISANG Yahuwah.
|
Marami sa anong nalalaman natin tungkol kay Saulo bago ang kanyang paghaharap kay Yahushua ay nagmumula sa mga mismong salita ni Saulo. Sinabi niya na siya ay “isang Hudyo na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia,” at dahil dito, “isinilang na mamamayang Romano.”3 Natanggap niya ang kanyang mahigpit na rabinikong pagsasanay mula kay Gamaliel, isang respetadong rabi at kasapi ng Sanhedrin.4 Sinabi ni Saulo nang higit pa sa isang okasyon na siya ay “masisigasig sa Kautusan,” at “kay Yahuwah,” at para sa “sa kaugalian ng aking mga ninuno.”5 Ano naman itong paglalarawan sa sarili na “Hebreo sa mga Hebreo” na “walang kapintasan” ayon sa Kautusan6 na pinaniwalaan kung sino si Yahuwah? Ayon kay Saulo, naniwala siya sa lahat ng sinasabi ng Kasulatan:
Mga Gawa 24:14 “Ngunit ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko kay Yahuwah ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta.
Kaya dahil dito, ang mga paniniwala ni Pablo ay isasama ang pagsunod sa kredo ng mga Hudyo na nalalaman bilang ang Shema. Ang Biblikal na pahayag ng pananampalataya ay sinasabi na si Yahuwah ay isang Yahuwah.
Deuteronomio 6:4-5 “Dinggin mo, Oh Israel: si Yahuwah nating Diyos ay isang Yahuwah: At iyong iibigin si Yahuwah mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.
Ano pa, ang pinaniwalaan ni Pablo, batay sa Kasulatan, na ang paparating na Mesias ay isang lingkod ni Yahuwah8 na itinadhana na maghahari sa ngalan ni Yahuwah, sapagkat itinatala ni Propeta Mikas.9 Ang taga-usig na naging apostol ay hindi naniniwala, hindi rin ang sinumang tradisyonal na Hudyo na nagpapanatili ng Torah sa kanyang panahon, na ang mismong Mesias, ay ang Makapangyarihang Diyos, sapagkat ito ay magiging kabaligtaran sa isang Diyos ng Shema. Sa ibang salita, bago nakaharap ni Pablo si Yahushua sa landas patungo sa Damasco, walang maka-Kasulatan na konsepto ano pa man na ang isang Diyos ay sa halip isang kasapi ng isang tatlong katauhan na Pagkadiyos. Hindi rin niya naisip na ang Mesias ay kapwa katumbas, kapwa walang hanggan, o kapwa pangkalahatan sa Diyos Ama gayong sa huli’y tinutukoy ng mga ikaapat na siglong kredo. Sino ang pinaniniwalaan ni Saulo tungkol kay Yahushua?
Sino Ang Pinaniniwalaan Ni Saulo Tungkol Kay Yahushua?
Hindi naniwala si Saulo na ang lalaki mula sa Nazaret ay ang ipinangakong Mesias. Sa kabaligtaran, naiisip niya na siya ay isang impostor, sapagkat pinatotohanan ng kanyang pagkasigasig na wasakin ang mga sumunod sa “huwad” na Kristo na ito. Sinasabi sa atin ni Lucas na si Saulo ay nasa “sumang-ayon” noong ang Sanhedrin ay binato sa kamatayan si Esteban para sa pag-akusa sa konseho ng pagpatay sa Isang Matuwid, iyon ay, ang Mesias.10 Lubos na nagalit si Saulo laban sa mga itinuturing si Yahushua na ang Kristo kaya “pinuksa ni Saulo ang iglesya, na pinapasok ang bahay-bahay, at kinakaladkad ang mga lalake’t mga babae, at sila’y ipinapasok sa bilangguan.”11 Gayunman, hindi pa kuntento ang maalab na pag-uusig ni Saulo. Nakiusap siya sa awtoridad na habulin ang mga tagasunod ni Kristo sa labas ng hangganan ng banal na siyudad:
Sinasabi sa atin ni Lucas na si Saulo ay nasa “sumang-ayon” noong ang Sanhedrin ay binato sa kamatayan si Esteban para sa pag-akusa sa konseho ng pagpatay sa Isang Matuwid, iyon ay, ang Mesias.
|
Mga Gawa 9:1-6 Datapuwa’t si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote, 2 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya’y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem. 3 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya’y malapit sa Damasco: at pagdaka’y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit: 4 At siya’y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya’y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? 5 At sinabi niya, “Sino ka baga, Panginoon?” At sinabi niya, “Ako’y si Yahushua na iyong pinaguusig: 6 Ngunit magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.”
Matulis na tinanong ni Saulo, “Sino ka baga, Panginoon?” ay lumilikha ng sakdal na pagkakataon para kay Yahushua na ipakita na siya ang Diyos Anak, ang ikalawang kasapi ng Trinidad. Ngunit walang sinabi si Yahushua para baguhin ang pagkakaunawa ni Saulo na siya ay isang tao na ipinako sa krus para sa pag-aangkin na ang Mesias.
Si Saulo, binulag ng makalangit na liwanag, ay pinangunahan na pumunta sa siyudad kung saan siya naglaan ng tatlong araw ng pag-aayuno at pananalangin hanggang ang isang alagad na nagngangalang Ananias, tinuruan ng bumangon na Panginoon, ay dumating sa kanya na may mensahe:12
Mga Gawa 9:17-22 At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga’y si Yahushua, na sa iyo’y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Banal na Espiritu. 18 At pagdaka’y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya’y nagtindig at siya’y binautismuhan; 19 At siya’y kumain at lumakas. At siya’y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco. 20 At pagdaka’y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Yahushua, na siya ang Anak ni Yahuwah. 21 At ang lahat ng sa kaniya’y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay naparito siya, upang sila’y dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote. 22 Datapuwa’t lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Hudyo na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito si Kristo Yahushua.
Narito, nagbibigay si Lucas sa mga mambabasa ng mga karagdagang detalye tungkol sa paghaharap ni Saulo sa Panginoon. Itinatala niya na si Saulo ay nauunawaan na ang taong ito mula sa Nazaret, na una niyang pinaniwalaan na isang impostor, ay tunay na ang Mesias, sapagkat pinatunayan ng mensahe na si Saulo ay nagsimulang magsermon sa mga sinagoga. Ngayon na napuspos ng Banal na Espiritu, nagsimulang ipahayag ni Saulo si Yahushua bilang Anak ni Yahuwah, isang termino na ginamit ng mga unang siglong Hudyo na kasing-kahulugan ng Mesias.13 Ito ay kinumpirma noong isinusulat ni Lucas sa berso 20 na nataranta ang mga Hudyo sa pagpapatotoo ni Saulo na si Yahushua ay ang Kristo.
Hindi kailanman sinabi ni Yahushua kay Saulo na siya si Yahuwah. Sa halip, anong nagbago ay ang Kristolohiya ni Pablo. Ngayon ay nauunawaan na ni Saulo na si Yahushua ay ang ipinangakong hari, at ito ang tiyakan na anong nagsisimula na itinuturo niya.
|
Ang katanungan sa harap natin ay, nagbago ba ang teolohiya ni Pablo noong ipinakita ni Yahushua ang sarili niya sa isang Pariseo mula sa Tarso? Ang kasagutan ay isang umaalingawngaw na hindi! Walang panahon na si Saulo ay nagbigay ng anumang impormasyon upang salungatin ang kanyang maka-Kasulatan na pagkakaunawa na si Yahuwah ay isang Yahuwah. Hindi kailanman sinabi ni Yahushua kay Saulo na siya si Yahuwah. Sa halip, anong nagbago ay ang Kristolohiya ni Pablo. Ngayon ay nauunawaan na ni Saulo na si Yahushua ay ang ipinangakong hari, at ito ang tiyakan na anong nagsisimula na itinuturo niya. Ang isa na minsang inuusig ang mga tagasunod ni Yahushua ay kasalukuyang nagtuturo ng pananalig sa kanya bilang Kristo:
Galacia 1:22-23 At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesya ng Hudea na pawang kay Kristo. 23 Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo’y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira.”
Iyong nakaharap ni Saulo ang bumangon na si Yahushua ay nagpapakita lamang na ang tao mula sa Nazaret ay ang ipinangakong Kristo ay dagdag na pinatunayan ng kanyang mga muling pagsasalaysay ng mga kaganapang ito. Noong humarap siya sa isang salungat na madla sa Jerusalem, ipinahayag ni Saulo:
Mga Gawa 22:1-8 “Mga kapatid na lalake at mga magulang, pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo. 2 At nang marinig nilang sila’y kinakausap niya sa wikang Hebreo, ay lalo pang tumahimik sila: at sinabi niya, 3 Ako’y Hudyo, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa’t pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa’y masikap tungkol kay Yahuwah, na gaya ninyong lahat ngayon: 4 At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae. 5 Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: na sa kanila nama’y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan. 6 At nangyari, na, samantalang ako’y naglalakbay, at nalalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling tapat, biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko. 7 At ako’y nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? 8 At ako’y sumagot, ‘Sino ka baga, Panginoon?’ At sinabi niya sa akin, ‘Ako’y si Yahushua na taga Nazaret, na iyong pinaguusig.’

Hindi tinukoy ni Yahushua ang sarili niya bilang Yahuwah o ang Bago Nagkatawang-tao na Salita na umiral bago isilang sa langit kundi isa lamang na tao mula sa Nazaret. Dagdag pa, sa talaang ito, ibinigyan tayo ng karagdagang impormasyon tungkol sa anong sinabi ni Ananias kay Saulo:
Mga Gawa 22:12-16 “At isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa Kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Hudyong nagsisitahan doon, 13 Ay lumapit sa akin, at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin, Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin. At nang oras ding yao’y tumingin ako sa kaniya. 14 At sinabi niya, ‘Ang Diyos ng ating mga magulang ay itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban, at makita mo ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig. 15 Sapagkat magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig. 16 At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.”
Tinutukoy ni Ananias si Yahuwah bilang “Ang Diyos ng ating mga magulang,” habang si Yahushua ay inilagay tungo sa isang naiibang kategorya, iyon ay ang “Lingkod na Matuwid,” isang pagtatalaga para sa Mesias.
|
Tinutukoy ni Ananias si Yahuwah bilang “Ang Diyos ng ating mga magulang,” habang si Yahushua ay inilagay tungo sa isang naiibang kategorya, iyon ay ang “Lingkod na Matuwid,” isang pagtatalaga para sa Mesias.14 Sa ibang salita, hindi sinasabi ni Ananias na ang Diyos ng ating mga magulang ay tinukoy na si Saulo ay makikita at maririnig ang mula kay Yahuwah, kundi siya ay makikita at maririnig ang mula kay Kristo.
Ang ilan ay maaaring mangatuwiran na ang kahanga-hangang paraan kung paano si Yahushua ay lumitaw kay Saulo ay nagpapakita na siya si Yahuwah. Hindi iyon ang kaso, gayunman, dahil ang mga anghel ay lumitaw sa mga hinirang ng Bagong Tipan. Tiyakan, walang sinuman ang magtatalo na ito’y nagpapatunay na sila’y mga diyos.15 Sa halip, ito ay ang itinaas na Yahushua, ngayo’y niluwalhati at ibinangon tungo sa pagiging imortal ang nakaharap ni Saulo.
Kung si Yahushua ay si Yahuwah, matuwid nating aasahan ang dakilang paghaharap na ito sa landas patungong Damasco upang isama ang isang rebelasyon na si Yahushua ay hindi lamang ang Mesias kundi ang Diyos Makapangyarihan din, isang rebelasyon na higit na lagpas sa Mesias sa kaugnayan at kahalagahan. Subalit sa paanuman, ang batayang doktrinang ito ay tinanggal. Hindi lamang ito na liban sa makapagbagong-buhay na paghaharap, kundi wala rin ito mula sa nalalabing bahagi ng aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol. Salungat sa anong nilalayon ng orthodoxy, hindi kailanman itinuro ni Pablo sa kanyang mga sulat bagama’t sinabi niya na “sapagkat hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ni Yahuwah.”16 Tunay nga, ang buod ng pagtuturo ng apostol sa kung sino si Yahuwah ay maaaring matagpuan sa kanyang sulat sa iglesya sa Corinto:
1 Corinto 8:5-6 Sapagkat bagama’t mayroong mga tinatawag na mga diyos, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga diyos at maraming mga panginoon; 6 Ngunit sa ganang atin ay may isang Diyos lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo’y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Kristo Yahushua, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo’y sa pamamagitan niya.
Ibinuod at tiyak na itinuturo ni Pablo na si Yahuwah ang Ama ay ang isang Diyos, sa pagpapanatili sa Shema ng Deuteronomio 6:4. Sa kabilang dako, isinusulat ni Pablo na si Yahushua ay ang Kristo, na sa pagpapanatili ng rebelasyon na ibinigay sa kanya sa landas patungong Damasco. Saan nagmula ang ideya na naniwala si Pablo na si Yahushua ay si Yahuwah? Ang mga makasaysayan na talaan ay nagpapakita na ang doktrina matapos ang Biblikal na panahon ay tumagal ng mahigit 300 taon upang ganap na umunlad, at ito’y hindi kinodigo bilang opisyal na dogma ng Simbahan hanggang Konseho ng Nicaea noong 325 AD.
Si Saulo ng Tarso ay matuwid na piniling abandonahin ang anong maling paniniwala tungkol kay Yahushua upang yakapin ang katotohanan tungkol sa kung sino siya. Gayundin, dapat tayong magpasya kung tatanggapin o hindi ang pahayag ng bumangon na Panginoon na ibinigay kay Saulo sa kanyang landas patungong Damasco—na siya ang Kristo—o kung tayo ay kakapit sa mga paniniwala na ipinasa sa atin ng mga Helenistikong Ama ng Simbahang Katoliko.
1 Mga Gawa 9:1-2; 22:4-5.
2 Ginagamit ko ang mga pangalang Saulo at Pablo nang palitan sa buong artikulong ito. Tingnan ang Mga Gawa 13:9.
3 Mga Gawa 22:3, 28.
4 Mga Gawa 22:3 at Mga Gawa 5:34-35.
5 Mga Gawa 21:20; 22:3; Galacia 1:14.
7 Ang Shema o Shama ay ang salitang Hebreo para sa dinggin o pakinggan, ang unang salita sa kredo.
8 Isaias 42:1-7; 49:3-13; 50:10; 52:13-15; 53:11-12; Zacarias 3:8; Awit 2:6; Mga Gawa 3:13; 4:24, 26-28 at 30, atbp.
9 Mikas 5:2-4.
11 Mga Gawa 8:3.
12 Mga Gawa 9:8-16.
13 Juan 1:49; 20:31; Lucas 4:41; Mateo 16:16; 26:63, atbp.
14 Ang Lingkod na Matuwid ay isang sanggunian sa Mesias sa Isaias 53:11. Ito ay hindi isang sanggunian na nakareserba para sa diyos sapagkat sa Hebreo 10:38 noong tinutukoy ni Yahuwah iyong gumagawa ng Kanyang kalooban ay Kanyang lingkod na matuwid.
15 Lucas 2:9-13; 24:4; Mga Gawa 12:7, atbp.
16 Mga Gawa 20:27. Ang mga sulat ni Pablo ay binibigyang-diin na si Yahushua ay ang Kristo ni Yahuwah, ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan at muling nabuhay mula sa kamatayan. Ito ay si Yahushua na lumitaw sa kanya sa kanyang landas patungong Damasco. Tingnan ang 1 Corinto 15:3-19, atbp.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/saul-of-tarsus-damascus-road-christology/
Pinalitan namin ang mga Tagalog na titulo at pangalan ng Ama at ng Anak ng mga ginamit ng mga apostol. Sa ibinigay na mga maka-Kasulatan na sipi, ibinalik namin ang kanilang mga orihinal na pangalan sapagkat ginamit ng mga napukaw na manunulat. Gayunman, kinikilala namin ang makasaysayang pag-unlad kung saan ang pangalang Yahushua ay dumating para ibigay bilang “Hesus.” Dagdag pa, kinikilala namin na ang Tagalog na terminong “Diyos” ay karaniwang ginamit bilang katumbas sa Hebreo na Eloah o Elohim. –Pangkat ng WLC






