Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang Hebreo ay isinulat upang hikayatin ang mga mananampalataya na maging ganap (Hebreo 5:12-14; 10:24) at para magbabala sa mga mambabasa tungkol sa mga panganib ng pagtanggi kay Kristo at sa gayon ay babalik sa kanilang mga dating gawa (Hebreo 3:12-14; 6:8-9; 13:13). Ang mga sipi na nagbabala ay tila nagpapahiwatig na ang Hebreo ay isinulat para sa mga nagsasanay na Kristyano, ngunit hindi lahat ay maaaring hirangin o nabigong maging ganap (Hebreo 5:11-12). Ang mga mambabasa ay nasa panganib ng pagtanggi sa kanilang pananalig at mahulog pabalik sa Hudaismo. Ang Hebreo ay tila isang aklat na puno ng mga katanungan at mga isyu, at ang Hebreo 6:4-6 ay maaari na isa sa pinakamahirap ipaliwanag na sipi sa lahat ng Hebreo at marahil sa buong Bibliya. Dalawang katanungan ang nakapalibot sa siping ito: sino ang mga tao, at ano ang ibig sabihin ng “tumalikod”? Ang dalawang katanungang ito ay sisiyasatin, kasama ang iba’t ibang pagpapaliwanag, upang tiyakin kung anong pagkakaunawa ang pinakamahusay na angkop sa siping ito sa konteksto nito. Ipapakita nito na ang Hebreo 6:4-6 ay isang babala para sa mga lehitimong Kristyano, na nasa panganib na mahulog pabalik sa Hudaismo, inilalagay sa kahihiyan at ipinapako sa krus si Kristo muli, at sa gayon ay gumagawa ng isang kasalanang hindi mapapatawad sa pamamagitan ng pagtanggi sa ebanghelyo.
Sino Ang Mga Tao?
Ipapakita nito na ang Hebreo 6:4-6 ay isang babala para sa mga lehitimong Kristyano, na nasa panganib na mahulog pabalik sa Hudaismo, inilalagay sa kahihiyan at ipinapako sa krus si Kristo muli, at sa gayon ay gumagawa ng isang kasalanang hindi mapapatawad sa pamamagitan ng pagtanggi sa ebanghelyo.
|
Ang unang pangunahing katanungan ay upang ipahayag ang tungkol sa siping ito kung sino ang mga taong ito na tinutukoy ng manunulat ng Hebreo? Ang tema sa bahaging ito ng Hebreo na nagsisimula sa 5:11 ay ang pangangailangan ng mga mananampalataya sa pagkaganap. Ang mga mambabasa ay nailarawan sa kawalang-kilos, katamaran, at katumalan sa kanilang espiritwal na estado kaya ang manunulat ng Hebreo ay pinaniwalaan ito na isang panimula sa pagkabulok at dakilang pagtalikod. Kung ang mga mambabasa ay hindi sumulong sa pagkaganap, sila’y uurong, at kung sinuman ang tuluyang aatras, ang kanilang kalagayan ay magiging mahigpit. Ang mga berso 1-3 ng Hebreo 6 ay ipinapakita na ang mga mananampalataya ay sukdulang nakabatay sa kagandahang-loob ni Yahuwah upang mapagtagumpayan ang kanilang paghihimagsik at kawalan ng pananalig; at ang mga berso 4-8 ay inilalarawan kung saan ang pagsisisi at pagsulong sa pagkaganap ay imposible kung walang pagtitiwala kay Yahuwah. Ang siping ito ay tumitingin sa isa na nakakatanggap ng mga dakilang pagpapala at mayroong mga karanasang pangrelihiyon (Hebreo 6:4, 5). Susunod, ang taong iyon ay tumatalikod at, sa paggawa nito, muling ipinapako sa krus si Kristo at inilalagay siya sa kahihiyan. Sa huli, imposible na magpanibago ang taong iyon sa pagsisisi. Kaya, ang mga tunay na mananampalataya o iyong mga nakikitang sumasampalataya kay Kristo ay may mababaw na pananalig? Binalangkas ng mga berso 4-5 ang apat na kaganapan na nagpapatotoo na sila’y mga tunay na mananampalataya.
Una, ang mga taong ito ay “dati nang naliwanagan” (berso 4). Ang tao ay maaaring maliwanagan at hindi maligtas (Hebreo 10:26; 2 Pedro 2:20-22; Juan 16:8-11). Ang manunulat ay nagbabala na ang isang tao ay maaaring nalalaman na tinutupad ni Kristo ang Lumang Tipan at patuloy na wala pang tamang relasyon kay Yahuwah. Ang pariralang ito ay isang likas na paraan upang sumangguni sa karanasan ng pagbabagong-loob (2 Corinto 4:4-6). Ang kaparehong pandiwa ay ginamit sa Hebreo 10:32, nagpapahiwatig ng isang karanasan ng tunay na kaligtasan.
Ikalawa, sila’y “nakalasap ng makalangit na kaloob” (berso 4), na nagpapatrabaho ng mga konsepto na naugnay sa paunang pagbabagong-loob (Juan 4:10; Roma 6:23; Santiago 1:17-18). Ang mga mambabasa ay inangkin na maranasan ang isang relasyon kay Kristo (ikumpara sa 1 Pedro 2:3; Awit 34:8), magkaroon ng pananalig kay Kristo, at hinimok na ipakita ang pananalig na iyon sa pamamagitan ng kanilang mga gawa (Hebreo 6:12). Ang ilan ay maaaring tumutol na ang pandiwa rito ay maaari lamang mangahulugan na isang munting lasap (Mateo 27:34; Juan 2:9). Gayunman, upang angkinin na ang mga taong ito ay nalasap ngunit hindi kumain ay ibinabatay ang pagpapaliwanag sa isang kahulugan ng salita. Pinahintulutan ni Yahuwah ang Kanyang Anak na “malasap ang kamatayan alang-alang sa lahat” (Hebreo 2:9), hindi lamang patikim na kamatayan sa krus. Ang “malasap” ay nagdadala ng ideya ng karanasan; ang mga mananampalatayang Hebreo ay naranasan ang kaloob ng kaligtasan, ang Salita ni Yahuwah, at ang kapangyarihan ni Yahuwah (berso 5). Ang isang tao sa ilalim ng impluwensya ng Espiritu ay maaaring malasap ang gawa ng Banal na Espiritu nang direkta, na dahilan kung bakit ang hindi mapapatawad na kasalanan ay hindi mapapatawad.
Ikatlo, ang manunulat ay inilalarawan ang ilan na “mga naging kabahagi sa Banal na Espiritu” (berso 4). Posible na ito lamang ay inilalarawan ang mga nakakita ng Banal na Espiritu na gumagawa sa gitna nila (ikumpara sa 1 Pedro 5:1; 2 Pedro 1:16-17). Mas malamang na nakibahagi sila sa gawa ng Banal na Espiritu kapag naghatol Siya sa kanila. Ang mga taong ito ay hindi lamang “mga naging kabahagi sa Banal na Espiritu” kundi rin “mga kabahagi sa makalangit na pagkatawag” (Hebreo 3:1) at “mga kabahagi ni Kristo” (Hebreo 3:14). Ang “kabahagi” ay pangunahing nagpapahiwatig ng “pakikilahok” at nagsasaad ng isang matalik na kaugnayan sa Banal na Espiritu, nagpapahiwatig ng pagtanggap sa Banal na Espiritu tungo sa isang buhay.
Panghuli, sila’y “nakalasap ng kabutihan ng salita ni Yahuwah at ng mga kapangyarihan ng panahong darating” (berso 5). Ang kaisipan ay angkop sa mga nagbagong-loob na ang pagtuturo sa “Salita ni Yahuwah” ay ibinigay sa kanila na isang lehitimong karanasan ng “kabutihan” nito at mga nakakakilala rin ng katunayan ng mga himala. Kung ang mga taong ito ay narinig ang ebanghelyo at nasaksihan ang mga himala, sila’y kagaya ni Hudas.
Ang apat na pariralang ito ay angkop sa mga tunay na Kristyano na may kapansin-pansing kadalian sa pinakamahusay—ang pagsisikap na makita ang mga ito bilang mga propesor lamang ng pananalig sa halip na mga tunay na nagbabagong-loob ay medyo sapilitan. Ang kabuuang konteksto ng Hebreo 6:4-5, kabilang ang berso 6, ay ipinupunto ang isang kahulugan ng lehitimong paniniwala. Ang apat na parirala ay inilarawan ang isa sa maagang simbahan kung saan ang Banal na Espiritu ay pinanirahan. Dagdag pa, paano kaya ang mga hindi naligtas na mga tao ay palaging dinudungisan si Yahushua at inilalagay siya sa kahihiyan? Isa pa, ang manunulat ay hindi nabanggit ang kapatawaran sa mga kasalanan, paglilinis, pagpapabanal, ang kaligtasan ng kaluluwa, bagong buhay, o ang paninirahan ng Banal na Espiritu. Ibig sabihin na ito ay hindi isang nagkataong tagamasid kundi isa na, kung sila’y tumalikod, ay kailangang magdusa ng mga kahihinatnan ng pasyang iyon.
Ang Pagkakasala ng “Tumalikod”
Ilan sa mga nagsasanay na mananampalataya ay naiisip ang tungkol sa pagbabalik sa Hudaismo. Kung sila’y tumalikod mula kay Kristo matapos ang kanilang pagbabagong-loob, ang kanilang desersyon ay nagpapakita na sila’y hindi mga tunay na Kristyano.
|
Ang ikalawang sentrong katanungan tungkol sa bahaging ito ay ano ang kanilang pagkakasala? Ilan sa mga nagsasanay na mananampalataya ay naiisip ang tungkol sa pagbabalik sa Hudaismo. Kung sila’y tumalikod mula kay Kristo matapos ang kanilang pagbabagong-loob, ang kanilang desersyon ay nagpapakita na sila’y hindi mga tunay na Kristyano. Ang may-akda ay nais ang mambabasa na maunawaan ang kahalagahan ng ano ang kanilang isinaalang-alang. Ang pinakamalaking suliranin sa siping ito ay ang pandiwari na parapesontas sa berso 6, isinalin bilang “kapag tumalikod.” Mayroong iba’t ibang pagpapaliwanag ng bersong ito, at bawat isa sa limang mahahalagang pananaw ay dagliang siniyasat upang tukuyin kung anong interpretasyon ang pinakamaaasahan.
Sinasabi ng unang pananaw na ang siping ito ay naglalarawan ng isang naligtas na tao na nawalan ng kaligtasan. Ang siping ito ay hindi itinuturo ito dahil kung ang isa ay maaaring maligtas at napahamak, hindi na nila magagawang maligtas muli (berso 6). Ang salitang Griyego na apostasia, na ginamit para sa apostasiya, ay hindi ginamit sa siping ito. Ang pandiwa para sa “tumalikod” (Hebreo 6:6), na parapipto, ay ginamit, na nangangahulugan na “bumagsak.” Dagdag pa, ang Kasulatan ay nagtuturo ng seguridad ng mga hinirang (Roma 8:29-30), at ang buhay na walang hanggan ay ang hindi maiaalis na pag-aari ng mga sumasampalataya kay Kristo para rito (Juan 5:24; 10:26-30). Bilang karagdagan, isa sa pinakamalakas na mga argumento para sa walang hanggang seguridad ay ang huling bahagi ng kabanatang ito (Hebreo 6:13-20). Kung ito’y tumutukoy sa apostasiya, kapag ang isang naligtas na tao ay tumalikod kay Kristo, sila’y hindi na maaaring ipanumbalik sa kaligtasan. Sila’y naligaw na magpakailanman.
Itinuturo ng ikalawang pananaw ang imposibilidad ng pagiging ligtas nang paulit-ulit. Kung ang isang tao ay sinusubukang pangatuwiranan nang paulit-ulit, muli nilang ipinapako si Kristo sa krus sa bawat pagkakataon na sila’y sumasampalataya kay Kristo para sa kaligtasan. Ang pinakamahalagang suliranin sa pananaw na ito’y ang mga mambabasa ay hindi patuloy na sinusubukan na maligtas muli, kundi ang kabaligtaran. Sila’y nasa panganib ng panghuling apostasiya mula kay Kristo (Hebreo 2:3; 3:12; 4:10; 7:11; 10:26-31).
Nakikita ng ikatlong pananaw ang sipi bilang isang ganap na pagpapalagay. Ang may-akda ay ginagamit ang kasong ito upang bigyan ng babala ang mga espiritwal na hilaw (berso 1-3) na huwag tanggihan ang alok ni Yahuwah ng kaligtasan (Hebreo 3:12). Gayunman, ang pananaw na ito ay tila gumagawa ng munting diwa. Una, ang pagkakaroon ng isang babala na umiikot sa taong dayami ay walang kabuluhan. Ikalawa, ang pandiwari na “kapag tumalikod” (parapesontas) ay hindi kondisyonal. Ito’y isinama sa naunang paglalarawan ng “at.” Gramatikal, ito’y kaagapay ng apat na aorist na pandiwari ng mga berso 4 at 5 at ito lamang ay “totoo” bilang sila. Ikatlo, ang madaliang tono ay ginagawa itong malabo na ang manunulat ay inaksyunan lamang pagpapalagay kundi mga kalagayang walang katotohanan. Ang pag-uulit ng isang kaparehong babala sa Hebreo 10:26-31 upang salungatin ang anumang tangka upang ipaliwanag ang siping ito bilang pagpapalagay.[31]
Sa huli, sinusuri ang wika ng may-akda sa bahaging ito na “imposible nang panumbalikin sa pagsisisi ang mga minsang naliwanagan, nalasap … nabahagian … naranasan … at tumalikod, para muling ibalik sa pagsisisi,” tila ang wika ng may-akda ay nagsasalita na parang nalaman nila ang mga ganoong kaso.
|
Sa huli, sinusuri ang wika ng may-akda sa bahaging ito na “imposible nang panumbalikin sa pagsisisi ang mga minsang naliwanagan, nalasap … nabahagian … naranasan … at tumalikod, para muling ibalik sa pagsisisi,” tila ang wika ng may-akda ay nagsasalita na parang nalaman nila ang mga ganoong kaso.
Ang ikaapat na pananaw ay sinasabi na ito’y tumutukoy sa mga gawa at mga gantimpala ng mananampalataya. Dahil dito, ang mga berso 4 at 5 ay tinutukoy ang isang mananampalataya. Ang produksyon ng halaman ay ipinupunto ang mga gawang tiyak na may gantimpala (berso 7). Kaya ang mga tinik ay sinunog sa luklukan ng paghahatol ni Kristo (berso 8). Ang hatol ng bayan ay itinalagang “disiplina,” na sangkot ang parehong pansamantala at eskatolohikal na aspeto. Ang mga lehitimong mananampalatayang ito ay nasa panganib ng kawalan ng mga pagpapala ng bagong tipan sa buhay na ito at mga gantimpala sa Luklukan ng Paghahatol ni Kristo. Dalawang suliranin ay gumagawa sa pagpapaliwanag na ito na napakahirap. Una, bigo itong ituring ang ibang nagbabalang sipi nang matuwid. Ang mga babala sa 6:7-8 at 10:27 ay nangako ng banal na paghahatol na tila sangkot ang higit pa sa kawalan ng gantimpala. Ikalawa, ang diin ng talata na ito ay hindi sa mga gawa o gantimpala kundi sa pagsisisi at pananalig. Sinasabi na ang mga berso 7-8 na inilalarawan ang mga gawa ay isang hindi matuwid na pagpapalagay; sila’y maaari lamang ilarawan ang mga tugon ng parehong mga mananampalataya at hindi sumasampalataya sa salita ni Yahuwah.
Panghuli, ang ikalimang pananaw ay sinasabi na ang siping ito ay isang babala sa mga sinanay ang pananalig kay Kristo ngunit nasa panganib ng paglisan sa Kristyanismo para maligaw sa Hudaismo. Maraming dahilan ang nagtataguyod ng pananaw na ito. Una, ito’y nagbibigay ng lehitimong kahulugan sa dalawang kasalukuyang pandiwari ng berso 6. Sa pagbabalik sa Hudaismo, ang mga taong ito, sa isang diwa, ay paulit-ulit na ipapako sa krus si Kristo at ilalagay siya sa hayagang kahihiyan. Ang panahunang pangkasalukuyan ay nagpapahiwatig na ito’y isang patuloy na bagay. Ang manunulat ay hindi sinabi na ang mga taong ito’y hindi maaaring ihatid sa pagsisisi kundi sila’y hindi maaaring ihatid sa pagsisisi habang itinuturing si Yahushua sa ganoong landas ng kahihiyan. Kapag sila’y tumigil sa pagbibigay ng kahihiyan kay Kristo sa paraang ito, maaari silang ihatid sa pagsisisi at magpanibago ng kanilang pakikisama kay Yahuwah.
Ikalawa, ang pananaw na ito ay ipinapaliwanag ang berso 9, ipinakilala bilang isang kabaligtaran. “Ang takdang ‘kaligtasan ay nasa mas mabuting kalagayan’ ay mas literal na mga ‘bagay na mayroong kaligtasan.’” Ang kaligtasan sa Hebreo ay tumatanaw sa pagpasok tungo sa milenyong kaharian.
Ikatlo, kabaligtaran sa pananaw ng kawalan ng mga gantimpala, ang pananaw na ito ay nagbibigay ng mas alinsunod na kahulugan sa nalalabing nagbabalang sipi sa Hebreo.
Ikaapat, ang pananaw na ito ay umaangkop sa mga berso 7-8. Ang lupain ay isinumpa sa kabila ng trabahong ginawa rito. Ang salitang “wakas” sa berso 8 ay kapareho sa salitang “luma” sa 8:13, ibig sabihin na ang lupain ay “malapit nang mawala.”
Ang manunulat ng Hebreo ay may kaisipan ng isang pagtalikod mula sa pananalig, na apostasiya. Ang pariralang “kapag tumalikod” ay maaaring kunin bilang “kapag bumagsak” at inilalarawan ang isang tao na imposibleng magsisi hangga’t sangkot sa mga gawa na nagbabanta laban sa kanilang pagsasanay kay Kristo.
|
Ikalima, ito’y tumutulong na ipaliwanag ang parirala sa berso 6, “imposible nang panumbalikin sa pagsisisi.” Ito lamang ang totoo sa hindi mapapatawad na kasalanan, at para sa ganoong tao, walang pagsisisi ang posible. Isang pagsalungat sa pananaw na ito ay itinuturo na isang panahon ang maaaring dumating kapag ang isang tao ay hindi maaaring maligtas. Gayunman, ang imposibilidad ay nasa tao, hindi kay Yahuwah (Hebreo 12:15-17; 2 Pedro 2:19-21). Ang mga tao ay hindi malalabanan ang kagandahang-loob ni Yahuwah. Sila’y dumating sa isang estado ng puso kung saan ang pagsisisi ay imposible. Hindi imposible dahil si Yahuwah ay hindi kusang-loob na dadalhin sila sa pagsisisi, ngunit dahil ang tao ay matigas kaya hindi sila magsisisi. Tila malinaw na ang manunulat ay hindi nagsasalita sa mga Kristyano na nagpapatuloy sa kasalanan kundi maaaring magsisi at magbagong-loob ang lahat maliban sa mga sinadyang iwanan ang kanilang pananalig, na inilarawan bilang “naglalayo sa buháy na Yahuwah” (Hebreo 3:12).
Ang manunulat ng Hebreo ay may kaisipan ng isang pagtalikod mula sa pananalig, na apostasiya. Ang pariralang “kapag tumalikod” ay maaaring kunin bilang “kapag bumagsak” at inilalarawan ang isang tao na imposibleng magsisi hangga’t sangkot sa mga gawa na nagbabanta laban sa kanilang pagsasanay kay Kristo. Sa pag-alis mula sa Kristyanong paglago, ang mga apostata ay inilagay ang sarili sa posisyon na ipinako sa krus si Kristo at inilantad sa hayagang kahihiyan. Ang pagtanggi kay Kristo matapos magtapat sa kanya ay isang gawa ng walang habag na poot. Ang may-akda ng Hebreo ay kinondena ito bilang isang kondisyon kung saan ang isang kalahok ay hindi na maaaring bumalik sa pakikisama kay Yahuwah. Ang pagsisisi ay nagpasimula ng kanilang Kristyanong karanasan (Hebreo 6:1), ngunit walang ikalawang panimula para sa mga itinakwil ang karanasang iyon. Katulad nito, ang isa na inalay para sa kasalanan ay “wala na” (Hebreo 10:26). Imposible na magpanibago ang mga naranasan sa mga berso 4-5 kung sila’y bumagsak sa apostasiya; maaari nilang natanggap ang isang bagay na katulad ng Kristyanismo ngunit hindi ang tunay na bagay. Tanging sa pagtitiis kay Yahushua maipapakita na taglay nila ang totoong bagay.
Pagwawakas
Tila malinaw mula sa dagliang pagpapaliwanag na ang mga tao na inilarawan sa siping ito ay mga lehitimong mananampalataya, na bigo na lumago sa pagkaganap, at sa ilalim ng pag-uusig, ay natukso na bumalik sa Hudaismo. Ang may-akda ng Hebreo ay nagbabala sa kanyang mga mambabasa na iyong mga nahulog, o “tumalikod,” matapos ang lahat ng mga dakilang espiritwal na pribilehiyo na naranasan nila, hindi maaaring maihatid pabalik sa pagsisisi. Ang Hebreo 6:6 ay nagpapakita ng isang solidong babala sa mga sutil na makasalanan na gumagawa ng apostasiya mula kay Kristo matapos maranasan ang isang pagkakaunawa ng ebanghelyo na sila’y hindi maaaring asahan ang pagpapanumbalik kay Yahuwah matapos ang kanilang matibay na pagtanggi sa Kanyang awa. Ang manunulat ay hinimok ang mga mananampalatayang ito na ipakita ang kanilang lehitimong pananalig sa pagtitiis sa kanilang tungkulin kay Kristo. Bilang pagbubuod, ang Hebreo 6:4-6 sa konteksto nito, ay lumilitaw ang Hebreo 6:4-6 na inilalarawan ang isang hindi mapapatawad na kasalanan, isa na tunay na mananampalataya (berso 4-5) na gumagawa ng isang panghuli at hindi na mababawing pagtanggi sa ebanghelyo na gumagawa ng apostasiya, na umaangkop sa takda sa berso 6 tungkol sa imposibilidad na magpanibago sila tungo sa pagsisisi.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Taylor Matthew.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC