1/Ano pa ang mas mahalaga sa pananalig at pagpapahayag ng tamang EBANGHELYO? Ito ay ang Magandang Balita ni Yah! Si Kristo bilang kinatawan ay inatasan ng pagpapahayag Nito. Ang pagtuturo ng isa pang Ebanghelyo ay pagpapatiwakal. Nagbabala si Pablo laban sa pagtuturo nito:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
2/Bakit ganoon na lamang kabilis ninyong tinalikuran si Yah at kayo'y bumaling agad sa ibang ebanghelyo. Ang totoo'y wala ibang ebanghelyo. Sapagkat may nagsisikap na baluktutin ang ebanghelyo ni Kristo. Sinuman ang mangaral ng naiiba, dapat siyang sumpain - Galacia 1:6-8
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
3/Ano pang mas katakut-takot sa KANYANG poot? Kapag ginulo natin ang Ebanghelyo ay ganon din si Yahuwah. Makukuha ang Kanyang sumpa. Ito’y nangangahulugang walang hanggang kamatayan. Nalalaman ito ni Satanas. Kaya siya’y masigasig na baluktutin ang tunay na Ebanghelyo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
4/Ipinagkaloob ni Yahuwah kay Kristo ang pagpapahayag ng Ebanghelyo, ang tanging mabuti na gagawin ay pag-aralan ang Ebanghelyo. Naitala ni Marcos na ang Ebanghelyo ay sinimulan ni Kristo: ‘Ito ang pasimula ng ebanghelyo ni Kristo Yahushua, ang Anak ni Yahuwah.’ Marcos 1:1
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
5/Ano ang Ebanghelyo ayon kay Marcos? “Nang maibilanggo si Juan, nagpunta si Yahushua sa Galilea at nangaral ng Ebanghelyo. “Dumating na ang takdang panahon at malapit na ang paghahari ni Yahuwah. Kaya magsisi na kayo at sumampalataya sa Magandang Balitang ito!” Marcos 1:14-15
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
6/Ang Ebanghelyo ay ang balita ng papalapit na pagtatatag sa lupa ng Kaharian ni Yah. Ibig sabihin nito’y malapit na wakas ng paghahari ni Satanas sa lupa. May mas mabuti pa bang Ebanghelyo sa balitang ito? Ito ang Ebanghelyo ng Ama na kinomisyon ni Kristo upang ipahayag.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
7/Nagbigay si Kristo ng 2 tiyak na kautusan para sa mga natuto ng Ebanghelyo ng Kaharian: Manalig sa Ebanghelyo’t magsisi sa mga kasalanan. Hindi mo pa ba malinaw na nakikita kung gaano nagtagumpay si Satanas sa pagkubli ng Ebanghelyo ng Kaharian at pinalitan ito ng isa pa?
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
8/Nagturo ba si Kristo ng isa pang Ebanghelyo? Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kailangan ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Ebanghelyo tungkol sa paghahari ni Yahuwah sapagkat isinugo ako para rito” Lucas 4:43. Ano ang nag-iisang layunin at tampulan ng paglilingkod ni Kristo?
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
9/Tinupad ba ni Kristo ang tampulan noong binuo niya ang 12 alagad? ‘Siya’y nangangaral at naghahayag ng Ebanghelyo patungkol sa paghahari ni Yahuwah. Ang 12 alagad ay kasama niya. Kasama rin niya ang ilang mga babae na pinagaling mula sa masamang espiritu at sakit.’ Lucas 8:1-2
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
10/Nakatuon ba si Kristo sa pagbabago ng Ebanghelyo? Ano ang inutos niya? “Pagalingin ninyo ang mga may sakit na naroroon. Sabihin ninyo sa kanila: Ang paghahari ni Yahuwah ay dumating na sa inyo” Lucas 10:9. Muli, ito’y ang kaparehong tampulan sa Ebanghelyo ng Kaharian.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
11/Ano ang kanyang itinuro matapos ang muling pagkabuhay? Sinabi ni Lucas na si Kristo ay “nakita nila sa loob ng 40 araw at nagsalita siya ng mga bagay patungkol sa paghahari ni Yah.” Mga Gawa 1:3. Kahit na nabuhay muli, hindi siya nagbago mula sa Ebanghelyo ng Kaharian.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
12/Bakit si Kristo’y lubos na nahuhumaling sa Ebanghelyo ng Kaharian? Dahil siya’y isang masunuring anak sa komisyon ng Kanyang Ama. Siya’y maalab at nilamon ng Ebanghelyo dahil ito’y nagbibigay-parangal sa Kanyang Ama, at ipinahayag ang pagpapanumbalik ng lupa para kay Yah.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
13/Isang retorikang tanong: Hindi ba ang mga tagasunod ni Kristo ngayo’y kasing alab at nakatuon sa Ebanghelyo ng Kaharian gaya niya? Tayo’y hindi ba masunurin kay Yah sa pagpapahayag ng kaparehong Magandang Balita na patuloy na sinabi ni Kristo matapos ang muling pagkabuhay?
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
14/Ang mga tagasunod ba ni Kristo'y napanatili ang alab para sa Ebanghelyo ng Kaharian? “Nang sila ay maniwala kay Felipe na nangangaral ng Ebanghelyo patungkol sa paghahari ni Yah at patungkol sa pangalan ni Yahushua. Sila ay nabawtismuhan, mga lalaki at babae” Mga Gawa 8:12.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
15/Si Pablo ba’y may alab sa Ebanghelyo gaya ni Yahushua? “Ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat na nalibot ko, upang pangaralan sa paghahari ni Yah, ay hindi na muli pang makakakita ng aking mukha” Mga Gawa 20:25. Si Pablo’y nagturo ng Ebanghelyo gaya ni Kristo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
16/Tumuloy ba si Pablo sa pagtuturo ng Ebanghelyo hanggang sa huli? “Si Pablo ay nanatili ng 2 buong taon sa bahay na inuupahan niya. Tinatanggap niya ang lahat ng pumupunta sa kanya. Ipinapangaral niya ang paghahari ni Yah at mga bagay na nauukol kay Kristo” Mga Gawa 28:30-31.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
17/Ngayo’y tanong natin: Paanong hindi na natin naririnig ngayon ang tungkol sa, na itinuro ni Kristo’t mga alagad? Ang sagot ay nananahan lamang sa mga Ama ng Platonikong Simbahan. Hindi nila gusto ang Kanyang Kaharian sa lupa. Sa halip ay nais nilang pumunta sa Langit.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
18/Binago nila ang Ebanghelyo sa pagbura ng makalupang kaharian at hinugis ang kanilang ‘ebanghelyo’ na ang tampulan ay ginawa ni Kristo sa Krus at bagong pag-asa ng pagpunta sa Langit kung sumampalataya tayo kay Kristo. Lahat ngayo’y naniniwala na sa isa pang ebanghelyo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
19/Ano ang mali sa pagtanggap ng Ebanghelyo ng mga Ama ng Simbahan o sa nagbabayad-sising kamatayan ni Kristo? Sagot namin: sinong mortal ang binigyan ni Yah ng karapatang baguhin ang Ebanghelyo ng Kanyang Kaharian? Di ba’y nagbabala si Pablo laban sa isa pang ebanghelyo?
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
20/Ang nagbabayad-sising kamatayan ni Kristo ay mahalagang bahagi ng Ebanghelyo. Ang pananalig sa nagbabayad-sising kamatayan ni Kristo ay paraan upang makapasok tayo sa makalupang Kaharian ni Yah. Ngunit hindi maaaring ibaba ang Ebanghelyo sa kamatayan at muling pagkabuhay lang.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
21/Ang nagbabayad-sising kamatayan ni Kristo ay mahalagang bahagi ng Ebanghelyo. Ang pananalig sa nagbabayad-sising kamatayan ni Kristo ay PARAAN upang makapasok tayo sa makalupang Kaharian ni Yah. Ngunit hindi maaaring ibaba ang Ebanghelyo sa kamatayan at muling pagkabuhay lang.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
22/Noong binago ang Ebanghelyo para alisin ang makalupang kaharian, ipinakilala nila ang kamalian ng pagpunta sa Langit. Halos lahat ng Kristyanismo ay inipit ang kanilang hangad sa maling pag-asa na ito. Ang paraan upang ilantad ang maling ito ay bumalik sa Ebanghelyo ni Kristo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
23/Pinarangalan namin si Yah noong tumanggi kaming tanggapin ang isa pang Ebanghelyo ng mga Ama ng Simbahan. Si Yah sa Paghuhukom, sa marahas na pagbago sa Ebanghelyo, ay uusigin sila. Kung tunay na iniibig SIYA ay masayang tatanggapin ang Kanyang Ebanghelyo na itinuro ni Kristo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
24/Ngayo’y alam mo na kung bakit hindi humpay ang WLC sa pagpapahayag ng Ebanghelyo ng Kaharian ni Yah. Taimtim naming layunin na sundan si Kristo at mga apostol. Sa dahilang ito, tinuligsa namin ang huwad na ‘ebanghelyo’ na namamayani ngayon. ISA LANG ang tunay na Ebanghelyo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
25/Kami’y inutusan na magsisi at manalig sa Ebanghelyo. Hindi maaaring alisin ang makalupang kaharian, at angkinin ang paniniwala sa Ebanghelyo ni Kristo. Ang totoong pagsisisi’t pananalig sa Ebanghelyo ni Kristo’y magkasabay. Ito’y bunga ng pagtanggap sa Ebanghelyo ng Kaharian.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021