Ang Pag-asa ng Makasalanan: Ang taong ito ay tumatanggap ng mga makasalanan!
Hindi mo na kailangan na maghintay hanggang ika'y tumigil sa pagkakasala para lumapit kay Yahuwah. Lumapit na ngayon din. Tulad mo na nagkasala sapagkat Siya ay tumatanggap ng mga makasalanan!
|
Mayroon akong pinakamabuting balita para sa iyo! Nais mo bang marinig? Handa ka na ba?
Siguradong handa ka na?
Bueno, ang mabuting balita ay … ikaw ay isang makasalanan!
Malamang hindi ito ang inaasahan mo na marinig. Subalit totoo! Ito nga ay isang mabuting balita, sa pamamagitan ni Yahushua, tinatanggap ni Yahuwah ang mga makasalanan!
Isang Kaloob para sa mga Makasalanan
Ang mabuting balita ng ebanghelyo ay, habang ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ang kaloob ni Yah ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng kaloob ni Yahushua. (Tingnan ang Roma 6:23.) Nais ni Yah na ang lahat ay maligtas ngunit ang katotohanan ay, namatay si Yahushua para sa mga makasalanan lamang. Nalalaman ng bawat Kristyano na ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ni Yah. Dahil dito, nagsilbi sa atin na ipalagay na siya ay namatay para sa lahat. Sa isang diwa, gayunman, namatay si Yahushua para sa mga makasalanan lamang.
Ito ay tila madiwara, ngunit hindi. Ang mga Pariseo ng panahon ni Kristo ay inangkin ang dakilang pagmamataas sa kanilang pagkamatuwid para sa sarili. Matapos tawagin ni Yahushua si Mateo na maging kanyang lingkod, nagbigay si Mateo ng isang piging para sa Tagapagligtas kung saan nag-imbita pa siya ng marami sa mga kaibigan at kilala sa kalipunan.
Ang mga Pariseo ay nangilabot, dumaing:
“Bakit kayo nakikisalo at umiinom sa piling ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”
Sumagot sa kanila si Yahushua, “Hindi ang malulusog ang nangangailangan sa manggagamot kundi ang mga maysakit. Hindi ako pumarito upang tawaging magsisi ang matutuwid kundi ang mga makasalanan.” (Tingnan ang Lucas 5:30-32.)
Sa ibang salita, sinasabi ni Kristo, “Kung hindi ninyo ako kailangan, dapat ninyong malaman na hindi ako dumating para sa inyo. Naparito ako para sa mga makasalanan.”
Ang mga Kristyano ngayon ay malayang inaamin ang pagiging makasalanan. Subalit gaano karaming tao ang tunay na ibig sabihin ito? Ang totoo ay, maraming Kristyano ay ikinukumpara ang kanilang sarili sa iba, nakikita ang iba pa na nagkukulang. “Sigurado,” aminado sila, “Maaaring isa akong makasalanan, ngunit hindi ako kasing sama ng … gaya ng taong ito. Maingat ako sa aking dyeta: Hindi ako masyadong kumakain ng maasukal na pagkain, hindi pa ako nakakatikim ng kapeina, at ang karne ay hindi ko pa nakakain. Marahil ay nanonood ako ng mga pelikula, ngunit ang mga palabas na hindi pinapanood ay puno ng karahasan, at hindi ako kailanman nanonood ng mga pelikula na nagpapakita ng kahubaran. Mabuting-mabuti ako sa aking Kristyanong paglalakad!”
At sa pagkukumpara ng kanilang sarili sa iba, napagpasyahan nila na ang kanilang kasalanan ay tunay na hindi naman masama.
Namatay si Yahushua para iligtas ang mga makasalanan. Nais ni Yahuwah na iligtas ang mga tinatanggihan ang kanilang pagkamakasalanan, subalit ayaw nilang tanggapin si Kristo. Tanging mga makasalanan lamang ang maaaring lumapit kay Kristo. Ang mga tao na itinuring ang sarili na matuwid ay hindi maaari dahil upang tanggapin ang pagkamatuwid ni Kristo, dapat muna nilang kilalanin na sila’y mga makasalanang tao at nangangailangan ng isang Tagapagligtas. Ang isang tao na matuwid sa kanyang sarili ay naiisip na wala siyang pagkakasala, kaya ano ang dapat niyang pagsisihan? Tangi lamang ang mga tao na kinikilala na hindi niya maaaring iligtas ang kanyang sarili ang maaari, sa pananalig, ay kumapit sa mga merito ni Yahushua para sa kaligtasan. Ito ay kung bakit, bagama’t namatay si Yahushua para sa lahat, tumatanggap lamang si Yah ng mga makasalanan.
Ang Panghihikayat ng Masamang Balita!
Walang sinuman ang nais na kilalanin kung gaano kasama ang kanyang mga panloob na kaisipan o aminin kung ilang beses na siyang nagsisi, para tangkain ang kaparehong kasalanan nang paulit-ulit. Ngunit kung ikaw ay isang makasalanan, ito ay isang mabuting balita! Kung tinanggap ni Yahuwah ang mga makasalanan, ikaw ay tatanggapin Niya rin! Hindi tinatanggap ni Yah ang mga nagbigay lamang ng pabigkas na paglilingkod sa pagiging isang makasalanan dahil lamang inasahan na sa kanila. Ngunit ang lahat na mga aktwal na makasalanan, na nararamdamang wala nang pag-asa at naligaw, ay tatanggapin Niya.
Para hikayatin ang mga makasalanan na lumapit kay Yah para sa kaligtasan, nagkwento si Yahushua ng isang talinghaga na mabuting naglalarawan ng mga kondisyon ng isang tao na tinanggap.
Isinalaysay naman ni Yahushua ang talinghagang ito sa mga mapagtiwala sa sarili, mapanghamak sa iba sa paniniwalang sila ay matuwid. “Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang manalangin—isang Pariseo at isang maniningil ng buwis. Ganito ang panalangin ng Pariseo habang mag-isa siyang nakatayo, ‘Yah ko, pinasasalamatan kita na hindi ako tulad ng ibang tao—mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya o gaya ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang ulit akong nag-aayuno sa isang linggo. Nagbibigay ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ Samantala, ang maniningil ng buwis ay nakatayo sa malayo, hindi man lamang makatingin sa langit at binabayo ang kanyang dibdib sa pagsasabing, ‘Yah ko, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan.’ Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong iyon na itinuring na matuwid ni Yah at hindi ang Pariseo. Sapagka't ang bawat nagtataas ng kanyang sarili ay ibababa at ang bawat nagbababa ng sarili ay itataas.” (Tingnan ang Lucas 18:9-14.)
Marahil ay nababalutan ka ng takot. Maaaring maisip mo na ikaw ay lubos na bumagsak, o paulit-ulit na ginawa ang kasalanan na ilang beses nang pinatawad. Kung ganito nga, ikaw ang mismong tinatawagan ni Yah! Hindi mo kailangang lumayo mula kay Yahuwah hanggang magapi mo ang kasalanan sa iyong buhay. Hindi mo kailangang maghintay na lumapit kay Yah hanggang matagumpay na labanan ang tukso nang ilang beses. Sapagkat ika’y makasalanan, maaari kang lumapit, at tatanggapin ka Niya.
Ang imbitasyon ni Yah para sa iyo ay: “Kayo'y manumbalik, kayong nagsisitalikod na mga anak, aking pagagalingin ang inyong mga pagtalikod.” (Jeremias 3:22, ADB) Ang mas mababa at mas mahina na nalalaman mo sa iyong sarili, mas marami kang tiwala na tatanggapin ka Niya sapagkat sinabi Niya: “Ang lahat ng ibinibigay ng Ama sa akin ay lalapit sa akin, at ang lumalapit sa akin ay hinding-hindi ko itataboy.” (Juan 6:37, FSV)
Huwag nang maghintay na lumapit kay Yahuwah. Ang pagnanais na ikaw ay lalapit kay Yah, Siya mismo ang nagtanim sa iyong puso. Maaari kang magkaroon ng tiwala na si Yahuwah ay tatanggapin ka nang tumpak dahil Siya ay tumanggap na ng napakaraming tao bago pa ikaw: ang lasinggero, si Noe; ang maligalig na ama, si Lot; ang mamamatay-tao, si Moises; ang nangalunya, si Rahab; ang nakikiapid at mamamatay-tao, si David … lahat ay natagpuan ang kapatawaran at pagtanggap kay Yahushua.
Maaari kang magtiwala na si Yahuwah ay tatanggapin ka dahil si Yahushua ay namatay para sa iyo, hindi ka hinayaan na mapahamak.
Tinanggap sa Minamahal
Hindi natin nais na maramadaman tayo ay hindi karapat-dapat. Ngunit ang mabuting balita ay, si Yahushua ay namatay para iligtas ang mga makasalanan. Ibig sabihin, kung ikaw ay isang makasalanan, siya ay namatay para sa iyo!
Ang mga Pariseo ay dumaing, “Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan.” (Lucas 15:2)
Ikaw ba ay isang makasalanan? Kilalanin na siya ay namatay para sa iyo. Huwag mong subukan na paliitin ang iyong pagkamakasalanan. Aminin ito. Ito ay iyong pagkilala na ikaw ay isang makasalanan at nangangailangan ng isang Tagapagligtas na nagtitiyak ng pagtanggap sa iyo ni Yahuwah.
Huwag lumayo mula sa Tagapagligtas dahil ikaw ay isang makasalanan. Huwag lumayo dahil ikaw ay hindi isang iskolar ng Bibliya. Huwag lumayo dahil ikaw ay nahihiya, matapos kang patawarin ni Yah, humina ka at ginawa ang kaparehong kamalian nang paulit-ulit. Lumapit sa Ama.
Walang limitasyon sa bigat ng pagkakasala na nagawa mo subalit si Yah ay patuloy na tinatanggap at pinapatawad ka. Ang pag-ibig at kagandahang-loob ni Yah ay walang katapusan!
Ikaw ba ay nagpupunyagi sa ilalim ng pasanin ng kasalanan? Pinipilit ba ni Satanas sa iyo ang isang kamalayan sa iyo na hindi ka karapat-dapat? Purihin si Yah para doon dahil ang mga kagaya mo mismo ang dahilan kung bakit ipinagkaloob Niya ang Kanyang bugtong na anak.
Wala kang bagay na magagawa na magdudulot kay Yahuwah na talikuran ka. Ang tanging bagay na maaaring tumayo sa landas mo ay ang iyong personal na pasya. Kaya gumawa na ng pasya! Abutin ang kamay ng pananalig at kunin ang pangako! Ang kaligtasan ay suma-iyo. Ang gagawin mo lamang ay tanggapin ito sa pananalig.
“Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, ‘Halika.’ Magsabi ang bawat nakikinig, ‘Halika.’ Lumapit ang nauuhaw. Ang sinumang may nais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.” (Pahayag 22:17, FSV)