Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Kamakailan lamang ay narinig ko ang isang bilang ng mga tao na nagtaka kung paano makakapagpabago ng mga buhay ang tunay na ebanghelyo ng paparating na Kaharian ni Yahuwah? Paano ang partikular na mensaheng ito ay isa sa pamamagitan nito darating ang kaligtasan? Ang mga ito’y mabubuting katanungan. Layunin ng artikulong ito na magtangka ng kasagutan kung bakit mayroong kapangyarihan sa ebanghelyo ng Kaharian kapag pinaniwalaan, at para magpasigla ng ating pagsisikap tungo sa pananalig na ito na minsang isinugo.
Nilikha ni Yahuwah ang tao mula sa alabok ng lupa, huminga ng buhay sa kanya, at siya ay naging isang nabubuhay na nilalang (kaluluwa, Genesis 2:7). Kunin ang maingat na tala na ang pisikal na tao’y walang kaluluwa, ang pisikal na tao ay isang kaluluwa. Ang Manlilikha pagkatapos nito’y itinakda ang Kanyang mga anak sa landas tungo sa kanilang tadhana na ipinagkaloob ni Yahuwah – upang mamuno sa lupa (Genesis 1:28). Ang puno ng buhay ay umaalalay sa kanila. Ilang libong taon ang nakalipas, ang propeta at haring David ay pinatotohanan na ito nga ang tadhana ng tao sa Awit 8:3-8.
Lumipas pa ang isang libong tao sa Bagong Tipan, ang mga may-akda ng Hebreo ay nagpaalala sa atin na bagama’t hindi pa natin nakakamit ang tadhanang iyon, makakamit natin iyon sa panahon na paparating (tingnan ang 2:1-8). At sa huli, matapos muling matiyak sa Pahayag 5:10 na ang pisikal na tao ay muling binuhay mula sa kanilang mga libingan at binigyan ng bagong espiritwal na katawan ay balang-araw mamumuno sa lupa, tayo’y darating sa huling kabanata ng Bibliya kung saan ang tao’y maaabot ang kanyang tadhanang ipinagkaloob ni Yahuwah at ang puno ng buhay ay babalik sa larawan na aktibo sa lupa, magpapagaling sa mga bansa (Pahayag 22:1-2).
Syempre, napakaraming detalye ang kailangan para punan ang kwento, lalo na sa katunayan na si Kristo Yahushua na ipinahayag ang paparating na Kaharian ni Yahuwah, ay pinatay sa pagpapahayag nito, at muling binuhay mula sa mga patay upang kumpirmahin na siya ang isa na itinalaga ni Yahuwah upang magpakita sa Kaharian na iyon, ang bagong likha. Ang punto rito ay ang mensaheng ito ng paparating na Kaharian ni Yahuwah at ang mga bagay na tungkol kay Yahushua Mesias na may kaugnayan sa Kaharian ay mga bumubuo sa ebanghelyo – ang rebelasyon ng layunin ni Yahuwah para sa sangkatauhan at ang Kanyang plano para makamit ang layuning iyon. Ang bawat tao ay may kaluwalhatiang ibinigay ni Yahuwah na sa isang araw ay ganap na igagawad sa kanila (2 Corinto 3:18; 1 Juan 3:2).
Nakikita mo, ang mensahe mula kay Yahuwah sa pamamagitan ng ebanghelyo ay malinaw; ang pisikal na tao na nilikha mula sa alabok ng lupa ay mayroong kakayahan sa mga mata ng kanilang Manlilikha/Ama na matagumpay na mangasiwa sa mga bagay ng Kanyang nilikha mula sa loob ng isang Ama at anak na relasyon sa Kanya. Syempre, ang tagumpay na ito ay unang kailangan ng ang mga anak ni Yahuwah na sumasampalataya sa mensahe na nagtataguyod ng palatuntunang ito. Sapagkat nalalaman natin na kapag ang mga anak sa pangkalahatan ay hindi sumampalataya na ang kanilang mga magulang ay tunay na naiisip na sila’y likas na “mabuti” tulad nila (kailangang lumago at maging ganap), sila’y nagiging matatakutin at nawawalan ng gana sa kanilang mga buhay. Ito lamang ang kalikasan ng kaisipan ng tao. Ang kasalanan ay ang sumusunod sa kawalan ng tiwala. Ito’y nilikha sa paraang ito. Ang pangangailangan sa paniniwalang ito sa positibong pagsusuri ng pangunahing halaga at ang pagiging mapagmahal ay nasa puso ng bawat kakayahan ng bata na matagumpay na maging ganap at lumaki sa layunin ng paglikha sa kanya. Kung hindi ka nagsimula sa lugar na ito, ang nilalayon na resulta ay hindi makakamit. Sa anumang paraan, dapat kang bumalik sa panimulang puntong ito. Ang isang bata (o isang matanda) na nagsisimula sa lugar na ito ay mayroong pinakamahusay na pagkakataon na matagumpay na maging ganap at makamit ang lahat ng nilalayon sa kanya noong isinilang siya. Muli, ito’y nilikha sa paraang ito. Ang kaparehong tuntunin ng relasyon ng Ama at anak ay ang puso ng anumang bagay na gumagana sa ating relasyon kay Yahuwah at ang ating kakayahan na matiyak ang kapalaran at kaluwalhatian na nilalayon noong nilikha Niya tayo. Kaya ang ebanghelyo, o “ang salita ng kaharian,” o simpleng “ang salita,” ay ang kapangyarihan ni Yahuwah para sa kaligtasan ng lahat ng sumasampalataya (ikumpara ang Mateo 13:19; Marcos 4:14; Lucas 8:11). Nasa mensaheng ito si Yahuwah ay nagpahayag ng pag-asa sa tugatog ng Kanyang likha – ang Kanyang pisikal, mga anak na tao. Sa mismong mga salita ng mensahe ng ebanghelyong ito nananahan ang nagpapasiglang kapangyarihan ng banal na espiritu upang makibagay sa buhay ng isang tao, batay sa paniniwala rito (1 Tesalonica 2:13). Sa pamamagitan ng likha ni Yahuwah, ito ay kung papaano gumagana ang kaisipan ng tao.
Sa kasamaang-palad, ang kawalan ng paniniwala sa mensaheng ito mula kay Yahuwah ay naging tumatakbong pwersa sa likod ng palansak na kawalan ng gana at mga makasalanang kaugalian ng sangkatauhan mula sa simula. Tumanaw sa anong agad na nangyari matapos ang simpleng panghihikayat ng ating Magulang para sa atin upang sumulong sa pananalig. Ang Genesis 3 ay isang maiksing talaan kung paano ang kawalan ng paniniwala, sinundan ng pagsuway, gumapang sa pamamagitan ng mapaglalang na panlilinlang ng ating kaaway na diyablo. Mahalaga na may mga anak tayo na dinadala sa paniniwala na sila’y kailangan nang higit sa pagiging tao upang maging katanggap-tanggap sa mga mata ni Yahuwah. Para baga, sa pamamagitan ng pagkamit sa espiritwal na pagkakaunawa’t kaalaman, sila’y hindi malilimitahan sa buhay sa isang pisikal na katawan. Sila’y nilinlang na “hindi kayo mamamatay” (Genesis 3:1-5) sa kawalan ng paniniwala sa mensahe ni Yahuwah at pagsuway. Ang pisikal na katawan ay maaaring mamatay, ngunit ang buhay ay malinaw na tutungo sa ilang uri ng “espiritwal” na lupain. At tiyak nang sapat, sa iba’t ibang anyo, ang doktrina ng isang “imortal na kaluluwa” ay laganap na tinanggap na maaaring sabihin na pundasyon ng ano ang isang pandaigdigang sistema ng relihiyon na itinayo sa pagkamatuwid sa pamamagitan ng huwad na pilosopikong kaalaman. Ito ang mismong kabaligtaran ng pagkamatuwid sa pamamagitan ng biblikal na “pagtalima sa pananalig” (Roma 1:5; 16:26) sa patnubay at kagandahang-loob ng ating Ama. Ang huwad na sistema ay nagpapadala ng isang madayang mensahe na ang pisikal na sangkatauhan ay hindi sapat ano pa man upang makamit ang tadhanang ipinagkaloob sa kanila ni Yahuwah, at sa gayon ay isang hadlang sa espiritwal na paglago ng mga anak ni Yahuwah. Pupunta sa langit (o impyerno) sa pamamagitan ng isang imortal na kaluluwa ay hindi lamang biblikal na mali, kundi ito’y nakakasira sa kaisipan at puso ng mga anak ni Yahuwah. Tanging ang magandang balita ng paparating na Kaharian ni Yahuwah at ang muling pagkabuhay ng mga patay na pisikal na tao upang mamahala sa Kaharian ay maaaring isang nagtatamang pwersa upang pagalingin ang kaisipan at puso ng tao.
Nalalaman na ng marami sa mga mambabasa namin, sa pundasyon ng doktrina ng imortal na kaluluwa na ito ay ang ideya na ang pisikal ay “masama,” o sa kahit papaano’y hindi gaanong mabuti kaysa sa hindi materyal na kaluluwa na nananahan sa katawan, na ipinalagay na “mabuti.” Ang “totoong” tao sa naisip na senaryo ay itong walang hanggan o imortal na kaluluwa, kung saan ang katawan ay mababa’t panlabas na pambalot na pansamantalang pinapatira ang kaluluwang iyon. Ito ay isang Griyegong pilosopikong paniniwala, banyaga sa Bibliya, at tumatayong hadlang sa landas ng espiritwal na progreso. Ito ay may epekto sa paghawak ng mga tao na bihag sa kasalanan, mapanira sa pisikal na tao na anak ni Yahuwah na nilikha sa Kanyang larawan. Ito’y nagpapadala ng mensahe na “Wala kang kakayahan” sa mga anak na gawa sa karbon na nilikha ni Yahuwah upang kailanganin ang Kanyang positibong pangmagulang na paninindigan ng kanilang namanang kahalagahan at pagmamahal. Ngunit ang patotoo ay tayo’y mahahalagang nilalang, dahil tayo’y nilikha sa larawan ni Yahuwah, at dahil lamang sinabi Niya sa atin mismo. Iyon ay sakdal na kagandahang-loob, ang kagandahang-loob ng isang Ama sa Kanyang mga anak! Ganoon lamang kasimple, praktikal, makatuwiran, at gayunman, kahanga-hanga! At isang makapangyarihang mensahe para sa kaisipan at puso ng tao!
Itong materyal/di-materyal na dualismo ng tao ay hindi matatagpuan sa rebelasyon na dumarating sa atin mula kay Yahuwah sa pamamagitan ng Hebreong Kasulatan, alinman sa luma o bagong tipan. Ang Bibliya ay nagpahayag nang paulit-ulit na ang tao ay isang kaluluwa, at ang kaluluwang ito (pisikal na nilalang) ay namamatay (Ezekiel 18:20; Mateo 10:28). Sa kamatayan, ang bawat tao ay natutulog hanggang ang kanilang pisikal na katawan ay muling ibinangon mula sa libingan at binigyan ng isang bagong imortal, niluwalhating katawan. Muli, ang mensahe ni Yahuwah ay ang pisikal o materyal ay “mabuti”; samantalang ang mensahe ng huwad na relihiyon mula sa simula ay ang materyal ay “hindi sapat.” Ang mga bata ay hindi maaaring magpatakbo nang matagumpay, o maging ganap nang tama, sa ilalim ng nahuling sistema ng paniniwala. Sila’y nagiging matatakutin, nakikipagkumpitensya, naiinggit, naninibugho, nangangalunya, at maging nakamamatay na mga kapatid mula sa loob ng sistemang ito. Ang espiritu ni Yahuwah ay hindi tumatakbo sa isang kaisipan o isang mundo na batay sa ganitong uri ng paniniwala (sa katunayan ay isang “kawalan ng paniniwala”).
Ito ay kung bakit ang ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah ay ang patotoo na maaaring magpasimula upang itakda ang mga tao nang malaya mula sa kasalanan at kasamaan (Juan 8:32; Lucas 4:18). Mayroon lamang isang gamot para sa ating sakit, at ito ay ang mensahe ng ebanghelyo ng Kaharian. Sa isang mundo na balot ng kadiliman, ito ay isang tumatagos na liwanag ng pag-asa para sa kaligtasan at paggaling.
Tila nahuhulaan ni Yahushua na kapag siya’y bumalik sa lupa, makikita niya nang bahagya “ang pananalig” na nananatili sa lupa (Lucas 18:8). Dahil dito, parang siya’y tumpak. Ngunit sa mga sumampalataya ay sasabihin niya: “Mamanahin ang kaharian na hinanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan” (Mateo 26:34).
Tandaan: Ang konsepto ng Trinidad na nagpapahayag na si Yahushua, ang anak ni Yahuwah, ay isang walang hanggan na umiral na bago pa isilang bilang tao ay isang likas na umaapaw na kasamang doktrina ng imortal na kaluluwa. Muli, kami’y pinakiusapan (pinilit pa ng mga banta ng pagtitiwalag) na maniwala na ang pagiging tao ay hindi sapat. Kaya ito ang dahilan kung bakit ang paniniwala at pagtuturong ito ay lubos na mapanganib sa sangkatauhan at sa proseso ng kanilang espiritwal na pagiging ganap.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Robin Todd.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC