Bagong Liwanag ay pinapakita ang tunay na kalikasan ni Kristo: 100%, ganap na tao!
Ang erehya ng isang tatluhang diyos ay ginamit ni Satanas upang itago ang isa sa pinaka kahanga-hangang mga katunayan ng kaligtasan: si Yahushua, ang tanging bugtong na anak ng isang tunay na Diyos, ay 100% ganap na tao! |
Ang problema sa mga pagpapalagay ay, kapag minsang tinanggap, ang mga ito’y maaaring maglatag ng isang pundasyon, o lumikha ng isang kapaligiran, kung saan ang iba pang mga pagpapalagay ay maaaring tingnan bilang makatuwiran at mainam. Ito ang kaso sa erehya ng isang tatlo sa isang diyos.
Ang trinidad ay hindi itinataguyod ng Kasulatan.1 Gayunman, kapag ang erehyang ito ay niyakap, ito’y naglatag ng pundasyon para sa isa pang pagpapalagay: ang mabuhay bago sa simula ng ikalawang indibidwal ng diyos: “Diyos Anak.” Sa katunayan, ang tatluhang diyos ng tatlong magkakapantay, kapwa umiiral na mga entidad ay kailangan kaya silang lahat ay umiiral bago ang simula sa kapanganakan ni Kristo.
Ang paniniwala na si Yahushua ay nakibahagi sa isang walang hanggang bago sa simulang pag-iral sa Ama ay isang doktrinang maingat na ginawa ni Satanas mismo. Ito’y lumiikha ng distansya sa pagitan ng mga makasalanan at ni Kristo sa kaisipan ng mga mas kailangan siya.
Isang balintunang “hiwaga”
Isang karaniwang pagtuturo sa mga Trinitaryan ay si Yahushua ay 100% ganap na banal habang, sa kaparehong panahon, 100% ganap na tao. Ang ganitong pagkaimposible, syempre, ay nagdudulot ng pagkalito. Ngunit kung kailan ang mga espiritwal na lider ay tinanong kung paano ang Tagapagligtas ay maaaring ganap na tao habang sa kaparehong panahon ay ganap ring banal, ang buong talakayan ay inilabas bilang isang banal na “hiwaga” na lubos na magulo para sa mahina, may hangganan na mga kaisipan upang maunawaan.
Ito’y katawa-tawa! Nais ni Yahuwah sa lahat na maunawaan ang agham ng kaligtasan. Ipinahayag ng Isaias 1:18: “‘Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiranan,’ sabi ni Yahuwah: ‘bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa.’”
Ito ay isang imbitasyon! Nais ni Yahuwah na tayo’y makaunawa. Sa katunayan, ito ang Kanyang nais para sa sangkatauhan na maunawaan at maligtas na diniktahan ng banal na plano para sa ating kaligtasan: Ang pagbagsak ni Adan ay tutubusin ng ikalawang Adan (Yahushua). Hindi ng isang paghahalo ng banal at tao; kundi ng isang tunay na tao.
Tangi lamang sa pagiging ganap na tao maaaring maipakita ni Yahushua sa kanyang sariling buhay ang kapangyarihan ng banal na awa, ang kalakasan ng banal na pag-ibig.
Patotoo ni Yah
Sa sistema ng hukuman, isang saksi ang nagbibigay ng patotoo. Tinutukoy ni Pablo ito sa kanyang unang sulat kay Timoteo. Pansinin kung paano, sa siping ito, tinutukoy ni Pablo kay Yahuwah bilang sukdulang Tagapagligtas, nagpapatotoo na “ang taong” si Yahushua, ay tinupad ang lahat ng mga kinakailangan para sa ating kaligtasan.
Ito’y mabuti at kinalulugdan ng Diyos na ating Tagapagligtas. Ibig niyang ang lahat ay maligtas at makaalam sa katotohanan. Iisa ang Diyos at iisa ang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Yahushua. Ibinigay niya ang kanyang sarili bilang pantubos para sa lahat; isang patotoong pinatunayan sa takdang panahon. (1 Timoteo 2:3-6, FSV)
Ang tanging bugtong na anak ni Yah ay kailangan na ganap na tao kung siya ay tutubusin ang sangkatauhan kung saan bumagsak si Adan. Siya ay kailangan na maging ganap na tao para kay Yahuwah para patotohanan na ang kanyang sakripisyo ay sapat. Tangi lamang kung ang anak ni Yah ay ganap na tao, maaari niyang maipakita na ang banal na awa ay sapat maging para sa pinakamababa, at pinakamasasamang tao.
Ang katotohanan ay, habang ang Lumang Tipan ay naglalaman ng maraming sipi na humula sa paparating na Mesias, wala kahit isa sa mga ito, kapag binasa sa konteksto, ay inaangkin na ang Mesias sa anumang paraan ay dibino.2 Dagdag pa, wala kahit iisang sangguniang ginawa sa anuman sa mga siping ito ng Lumang Tipan tungkol sa isang umiiral bago ang simula na Kristo. Ang ganitong mga angkin ay lumitaw nang huli mula sa hindi naaayon na mga pagpapaliwanag ng Bibliya.
Natupad ang Propesiya sa tao, si Yahushua
Isa sa mga unang propesiya ng Mesias ay isang pangakong ibinigay kay Abraham: “At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka't sinunod mo ang aking tinig.” (Genesis 22:18, ADB) Kinumpirma ni Pablo na ang propesiyang ito ay tinutukoy si Yahushua: “Ngayon, nangako si Yahuwah kay Abraham at sa kanyang binhi. Hindi sinasabi ng kasulatan na, ‘At sa mga binhi,’ na nangangahulugang marami, kundi ‘At sa iyong binhi,’ na nangangahulugang isa lamang, at ito’y si Kristo.” (Galacia 3:16, FSV)
Nilinaw rin ni Yahushua na ang pangako kay Abraham ay tinutukoy siya. Sinabi niya sa mga Hudyo: “Ang ama ninyong si Abraham ay nagalak dahil makikita niya ang araw ko. Nakita niya ito at siya ay nagalak.” (Juan 8:56, FSV)
Si Yahushua mismo ay walang ginawang angkin sa pagkadiyos o dibinidad. Sa katunayan, ang kanyang nais na paraan ng pagtukoy sa kanya ay ang “anak ng tao,” isang Hebreo na katumbas sa ating modernong “tao.”
Ito ay ganap, walang halong katauhan ni Yahushua na nag-aaliw sa nagsusumikap at ipinapakita ang kalakasan ng kagandahang-loob ni Yah.
Kaya nga, dahil mayroon tayong isang Dakilang Kataas-taasang Pari na pumasok na sa kalangitan, at iyon ay si Yahushua na Anak ng Diyos, matatag nating panghawakan ang ating ipinahahayag.
Sapagkat mayroon tayong Kataas-taasang Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan. Tulad natin ay tinukso rin siya sa lahat ng mga paraan, gayunma'y hindi siya nagkasala.
Kaya't lumapit tayo na may lakas ng loob sa trono ng biyaya, upang tumanggap tayo ng awa, at makatagpo ng biyaya na makatutulong sa panahon ng ating pangangailangan. (Hebreo 4:14-16, FSV)
Anak ng Tao
Ang banal na karunungan ni Yahuwah ay nahulaan na ang tanging isang tao, ganap na sumuko sa Kanyang kalooban, ay maaaring magtubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan ni Adan. Si Yahushua ang tanging bugtong na anak ni Yah, ngunit siya rin ay isang sakdal na tao. Siya ay wala sa isang makalangit na pedestal, tinanggal mula sa katunayan ng tao. Sa halip, nauunawaan niya ang ating mga pagpupunyagi sapagkat siya rin, ay isang ganap na tao.
Ang mga kasinungalingan ni Satanas tungkol sa tunay na kalikasan ni Kristo ay ibinaon ang napakagandang patotoong ito, ngunit ngayon na ang patotoo ay ibinalik na, ang bawat anak ni Adan ay maaaring mahikayat na, gaya ni Yahushua, ang anak ng tao, nagtagumpay, tayo rin ay maaaring magtagumpay.
Ang kanyang sakdal na buhay, namuhay sa ganap na pagsuko sa kalooban ni Yah, ay ipinakilala sa mapagpakumbabang mananampalataya sa pananalig. Tayo ay maaari nang tumayo sa harap ni Yah na parang hindi tayo nagkasala. Ang unawaang ito ng kagandahang-loob ay nagsisimula ng isang pagbabago ng kagandahang-loob. Dahil sa ating bumagsak na kalikasan, tayo ay maaaring wala pang malay sa bawat kasalanan ng kamangmangan, ngunit ang nagbagong puso ay hindi kailanman pipiliin na magpatuloy sa nalalamang kasalanan. Ang pagkamatuwid ni Yahushua ay ipinakilala sa ating ngalan at tayo ay nakatayo sa harap ng Ama na parang hindi tayo nagkasala.
“Ano ngayon ang ating sasabihin tungkol sa mga bagay na ito? Kung si Yahuwah ay kakampi natin, sino ang makalalaban sa atin? Kung hindi niya ipinagkait ang sariling Anak kundi ibinigay siya para sa ating lahat, hindi kaya kasama rin niyang ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?” (Roma 8:31 at 32, FSV)
Para sa mas maraming impromasyon sa pagkatao ni Kristo, hanapin ang bahagi ng WLC Radyo na pinamagatang, “Kagulat-gulat na bagong liwanag tungkol sa pagkakatawang-tao!” |
1 Ang 1 Juan 5:7-8 ay karaniwang ginagamit upang ituro ang doktrina ng trinidad. Gayunman, ang siping ito ay hindi lumitaw sa anumang orihinal na mga manuskrito. Sa katunayan, ito’y hindi lumabas sa anumang Griyegong manuskrito hanggang ika-11 siglo.
2 Ang propesiya ng Isaias 9:6 ay lumalabas na tumukoy sa ipinangakong Mesias bilang “ang Makapangyarihang Diyos,” ngunit ito ay dahil sa isang maling pagkakaunawa ng malawak na paggamit ng salitang “El” sa Hebreo.