Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Panimulang Teksto: Mga Bilang 15:37-40
37 At sinalita ni Yahuwah kay Moises, na sinasabi,
38 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila na sila’y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawa’t laylayan ng isang panaling bughaw:
39 At sa inyo’y magiging isang tirintas, upang inyong mamasdan, at inyong maalaala ang lahat ng mga utos ni Yahuwah, at inyong tuparin; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na siya ninyong ipinangaapid:
40 Upang inyong maalaala at gawin ang lahat ng aking mga utos, at maging banal kayo sa inyong Elohim.
Iniibig ko ang mga kautusan ni Yahuwah. Oo. Inilagay Niya ang pag-ibig na iyon sa akin. Hindi lamang iniibig ko ang mga ito… Iniibig ko na iniibig ang mga ito. Ito’y kalugud-lugod. Ito’y tiyakan na hindi isang pasanin. Nagagalak ako sa pagtalima sa mga kautusan, at ako’y nasasabik kapag natutunan ko kung paano sundin ang mga ito nang mas sakdal. Ako’y katulad ni David sa Awit 119:97 – “Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.” Ito’y isang sakdal na kautusan mula sa isang sakdal na Manlilikha, kaya nais kong parangalan Siya sa pinakamahusay na makakaya ko.
Hindi ko malilimutan noong ako’y unang natuto tungkol sa teksto na panimula lamang ng pag-aaral sa araw na iyon. Nakaupo ako sa salas nina Brother Arnold at Sister Hazel (aking mga pinag-biyenan) sa isang gabi; Nakapag-asawa lamang ako sa loob ng humigit-kumulang isang taon kay Tisha, at ang isang tao na nakaupo sa salas na iyon kasama naming lahat, at ang kanyang pangalan ay Orlando Smith. Si Brother Orlando ay isang nakakatanda na may isang mahabang puting balbas at may mahabang kandado ng puting buhok na tumubo sa kanyang mga sentido sa gilid ng kanyang ulo. Si Brother Orlando ay may suot din na isang bonete sa ulo, at palaging may hinila-pataas na pantalon kaysa sa akin.
Ang pinaka kakaibang bagay para sa akin ay noong nakita ko ang parang mga palawit na nakasabit kay Brother Orlando. Mayroon siyang apat nito na nakatali sa isa niyang sinturon, at mayroon din siya sa mga pupulsuhan at isa sa leeg. Ito’y tila mahiwaga sa akin dahil tumalima ako sa kautusang ito sa loob ng matagal na panahon na, ngunit naalala kong naitanong sa kanya, “Kapatid, bakit mo suot ang mga tirintas na iyon?” Ang katanungang iyon ay tila kakaibang lumabas sa aking bibig ngayon, ngunit naitanong ko ang kaparehong katanungan at pagkatapos ay napakaraming tao na ngayon ang nagtanong sa akin sa nakalipas na mga taon.
Dinala niya ako sa Kasulatan, tiyakan sa Mga Bilang 15:37-41. Pinag-usapan ko ang tungkol rito sa loob ng ilang minuto at ibibigay ko sa iyo ang ilang karanasan.
Sa Mga Bilang 15:32-36, mayroon tayong isang talaan ng isang tao na binato sa kamatayan dahil sa paglabag sa Sabbath. Ilan sa mga Israelita ay nakita ang isang tao na nagtitipon ng kahoy sa araw ng Sabbath. Hindi ibig ni Yahuwah ang buong komunidad na batuhin ang taong ito sa kamatayan maliban kung ang paglabag niya sa Sabbath ay sinasadya at walang pag-iingat. Bueno, matapos nito, sinabi ni Yahuwah kay Moises.
Mga Bilang 15:38
38 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila na sila’y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawa’t laylayan ng isang panaling bughaw.
Hindi namin tiyakang binabasa ang APAT na laylayan saanman sa teksto na ito, ngunit ang karagdagang teksto na sinasalita ang kautusan ay Deuteronomio 22:12. Narito’y mababasa natin na ang mga tirintas ay inilagay sa apat na laylayan ng mga kasuotan ng mga anak ng Israel. Nababasa natin dito sa Mga Bilang na isang bughaw na tirintas ang dapat ilagay sa tirintas sa bawat sulok. Tunay, dalawang kautusan ang nakuha natin na susundin. Ang una ay para gumawa ng mga tirintas, at ang pangalawa ay habang gumagawa ng mga tirintas, lalagyan ng panaling bughaw ang tirintas sa bawat laylayan.
Kung ikaw ay nakita ang samahan ng Mesianiko o Hebreong Ugat sa anumang panahon, marahil ay narinig mo ang mga tirintas na ito ay tinawag na “tzitzit.” Bueno, ang salitang “tirintas” o “palawit” sa Mga Bilang 15 ay kinuha mula sa mismong salitang Hebreo na iyon:
H6734 – צִ יצִ ת צִ יצִ ת 'tseeth-tsee tsiytsith
pambabae ng 6731; isang mabulalak o parang pakpak na pag-usli, iyon ay isang harapang trangka ng buhok, isang tirintas:— palawit, burlas.
Itong partikular na salitang Hebreo ay ginamit lamang nang apat na beses sa buong Tanak, tatlong beses rito sa Mga Bilang 15, isang beses sa Ezekiel 8:3 kung saan nababasa natin (ADB), “At kaniyang inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako (Ezekiel) sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako sa pangitain na mula sa Elohim sa Jerusalem…” Ang salitang “buhok” na tinutukoy sa isang trangka ng buhok ay ang salitang Hebreo na “tzitzit.” Nakikita natin ang ugnayan rito, ang trangka ng buhok na kawangis ng isang palawit o tirintas.
Magpatuloy tayong magbasa sa Mga Bilang 15.
39 At sa inyo’y magiging isang tirintas, upang inyong mamasdan, at inyong maalaala ang lahat ng mga utos ni Yahuwah, at inyong tuparin; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na siya ninyong ipinangaapid:
40 Upang inyong maalaala at gawin ang lahat ng aking mga utos, at maging banal kayo sa inyong Elohim.
Sinasabi ni Yahuwah na ang mga tirintas na ito, na may panaling bughaw sa mga ito, ay para sa mga Israelita upang maalala at gawin ang mga kautusan ni Yahuwah. Kaya anong ginagawa ni Yahuwah ay ibinibigay sa mga anak ng Israel ang isang karagdagang kautusan (ang utos sa tirintas) upang tulungan silang maalala ang Kanyang mga kautusan na tumutukoy sa kung paano ang kanilang buhay ay mamumuhay. Nalalaman natin na maging si Yahushua ang Mesias ay sinunod ang kautusang ito sapagkat sa mga Ebanghelyo, sinabi na ang babae ay hinipo ang “lupi” ng kanyang kasuotan, ang salitang Griyego para sa “lupi” (kraspedon) ay ang kaparehong salitang ginamit sa tekstong Septuagint ng Mga Bilang 15:37-41. Kaya anong nahipo ng babae sa isyu ng dugo ay ang “tzitzit” na nasa laylayan ng kasuotan ni Yahushua.
Ngayon, nais kong isaalang-alang ito: Bakit pinili ni Yahuwah ang kulay na bughaw para sa tirintas? Palambang ba Siyang pumili ng isang kulay?
Muli ngayon, nais kong ipaalala sa iyo ang isang bagay na tinalakay ko. Hindi palaging ipinapakita ni Yahuwah ang “bakit” sa Kanyang mga kautusan. Minsan, tumatalima tayo sa isang kautusan, at hindi natin nauunawaan kung bakit kinakailangan. Patuloy tayong sumusunod sa kautusan dahil nalalaman natin na si Yahuwah ay isang mapagmahal na Ama at Siya ay nag-iingat para sa ating pinakamahusay na kapakanan. Patuloy tayong sumusunod kahit na hindi natin nauunawaan kung bakit ibinigay Niya sa atin ang isang partikular na kautusan.
Madalas kapag tayo’y sumusunod, sa mga taong nakalipas, ipinagkakaloob Niya sa atin ang pagkakaunawa. Minsan, gayunman, hindi. Kapag hindi Siya naglayon sa atin ng pagkakaunawa ng dahilan para sa isang kautusan, dapat tayong manatili sa pagsunod sa Kanya dahil… nalalaman ng Ama ang pinakamahusay.
Kamakailan akong tumakbo sa ilang impormasyon na bago sa akin. Matapos ang pag-aaral nito sa loob ng isang linggo ngayon, natagpuan ko na ilang tao na ang nagbukas ng pagkakaunawang ito. Ito’y isang lubos na sinaunang pagkakaunawa, at naniniwala ako na nalalaman ko na ngayon kung bakit inutos ni Yahuwah na isang BUGHAW na panali ang inilagay sa tirintas, na mahalaga. Nais kong ibahagi ito sa lahat ng naririto para sa iyo upang isaalang-alang.
Ang unang lugar na nais kong puntahan ay Exodo 24. Ang Exodo 24 ay itinatala para sa atin ang Seremonya ng Tipan sa pagitan ni Yahuwah at bayan ng Israel. Tandaan na ang Exodo 20 ay ibinibigay ang Sampung Utos sa pamamagitan ng bibig ni Yahuwah, at pagkatapos ang Exodo 21-23 ay naglalaman ng iba’t ibang karagdagang pangalawang batas na tumatapat sa mga kategorya ng sampung utos. Ibig kong simulan sa Exodo 24, berso 1, upang makakuha ng ilang konteksto.
Exodo 24:1-8
1 At kaniyang sinabi kay Moises, “Sumampa ka sa kinaroroonan ni Yahuwah, ikaw, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitong pu ng mga matanda sa Israel; at sumamba kayo mula sa malayo:
2 At si Moises lamang ang lalapit kay Yahuwah; datapuwa’t sila’y hindi lalapit; o ang bayan man ay sasampang kasama niya.”
3 At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ni Yahuwah, at ang lahat ng mga palatuntunan. At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan, at nagsabi, “Lahat ng mga salita na sinalita ni Yahuwah, ay aming gagawin.”
4 At sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ni Yahuwah, at bumangon ng maaga sa kinaumagahan, at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok, at ng labing dalawang batong pinakaalaala, ayon sa labing dalawang lipi ng Israel.
5 At kaniyang sinugo ang mga binata ng mga anak ni Israel, na nagsipaghandog ng mga handog na susunugin at nagsipaghain kay Yahuwah ng handog na baka tungkol sa kapayapaan.
6 At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo, at inilagay sa mga tasa; at ang kalahati ng dugo ay iniwisik sa ibabaw ng dambana.
7 At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, “Lahat ng sinalita ni Yahuwah ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.”
8 At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan, at sinabi, “Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipan ni Yahuwah sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito.”
Nakikita natin kung anong nagaganap rito. Gumagawa si Yahuwah ng isang tipan sa bayan tungkol sa Kanyang Torah. Ang salitang Torah ay nangangahulugang mga pagtuturo at mga tagubilin ni Yahuwah. Ngayon, magpatuloy tayo sa pagbabasa.
Exodo 24:9-10
9 Nang magkagayo’y sumampa si Moises, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitongpu ng mga matanda sa Israel:
10 At kanilang nakita ang Elohim ng Israel; at mayroon sa ilalim ng Kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro, at paris din ng langit sa kaliwanagan.
Si Moises at ang mga kasamahan niya ay sinabi na nakita nila ang Elohim ng Israel (syempre hindi sa Kanyang kabuuan, kundi sa ilang diwa sapagkat ang salitang “nakikita” [ra’ah] ay maaaring mangahulugang “nauunawaan.” Ilang Targums [mga pagpapaliwanag] sa tekstong ito ay sinasabi na nakita nila ang kaluwalhatian ni Yahuwah).
Ngayon, nais kong pagtuunan mo ng pansin ang paglalarawan ng anong nakita nila sa ilalim ng Kanyang mga paa. Ang teksto ay sinasabi na ito’y parang isang yaring lapag na batong zafiro, at katulad ng langit sa kaliwanagan. Ang Septuagint ay isinalin ang Exodo 24:10 bilang “At kanilang nakita ang pook kung saan ang Elohim ng Israel ay nakatayo; at mayroon sa ilalim ng Kaniyang mga paa ay tila isang yaring tipak ng zafiro, at tila lumilitaw na kalawakan ng langit sa kadalisayan nito.” Kaya, ang Septuagint ay nagsasalita tungkol sa kanila na higit na nakikita ang trono ng Elohim kaysa sa nakikita si Yahuwah Elohim sa sariwa, Espiritu na anyo, na nalalaman nating imposible mula sa ibang Kasulatan.
Susunod, mayroon akong isang larawan ng isang zafiro … na kinuha ko sa internet mula sa isang tagalikha ng mga alahas. Mapapansin mo na ito’y isang napakagandang bughaw na kulay, katulad sa isang malalim na bughaw na kalangitan o isang napakagandang bughaw na karagatan.
10.47 karat, Maharlikang Bughaw, Zafirong Sri Lankan, Presyo: USD $90,100
Kung maaari na nating tingnan ngayon ang ilang teksto sa aklat ni Ezekiel, makikita natin na ang trono ni Yahuwah sa katunayan ay gawa sa mismong batong zafiro na ito. Ito ang dahilan ng pagiging matikas nito.
Ezekiel 1:25-28
25 At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo: pagka sila’y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
26 At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon.
27 At ako’y nakakita ng parang metal na nagbabaga, na parang anyo ng apoy sa loob niyaon, na nakikita mula sa kaniyang mga balakang na paitaas; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy, at may ningning sa palibot niyaon.
28 Kung paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng kaluwalhatian ni Yahuwah. At nang aking makita, ako’y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita.
Dito sa pangitain ni Ezekiel, nakikita niya ang ilang uri ng sulyap ng kaluwalhatian ni Yahuwah, at nakikita niya ang isang trono o luklukan na parang anyo ng batong zafiro, tumpak sa kung anong nakita nila Moises at Aaron sa Exodo 24:10. Tandaan ito, para kay Moises at Aaron na makita ang tronong ito ni Yahuwah na gawa sa zafiro, dinala ni Yahuwah ang bato mula sa kalangitan kung saan Siya nananahan. Dinala Niya ang partikular na zafiro na batong ito mula sa kalangitan. Anong nakita natin ay ang trono ni Yahuwah ay gawa sa napakaganda, makalangit na zafirong bato.
Nakikita natin uli ito sa Ezekiel 10:1, kung saan mababasa natin, “Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, sa langit na nasa ulunan ng mga kerubin, may nakita na parang isang batong zafiro, na parang isang luklukan.”
Bumalik tayo sa Exodo 24 kung saan mababasa natin ang tungkol sa banketa ng zafiro sa ilalim ng mga paa ni Yahuwah, at basahin natin ang berso (10) kasama ang mga berso 11-12.
10 At kanilang nakita ang Elohim ng Israel; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro, at paris din ng langit sa kaliwanagan.
11 At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay: at sila'y tumingin sa Elohim, at kumain at uminom.
12 At sinabi ni Yahuwah kay Moises, “Sampahin mo ako sa bundok, at dumoon ka: at ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas na bato, at ng kautusan, at ng utos na aking isinulat, upang iyong maituro sa kanila.”
Pansinin na matapos nating mabasa ang batong zafiro sa ilalim ng mga paa ni Yahuwah, nagsasalita si Yahuwah tungkol sa mga tapyas ng bato kung saan ang mga kautusan ay isusulat. Nais niyang ibigay ang mga tapyas na ito kay Moises, at ibinigay Niya nga sa pagtatapos ng unang 40 araw na pag-aayuno ni Moises sa Exodo 31:18.
Kailangan kong ipunto rito na kapag binabasa natin na “at ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas na bato” (ADB), ito ay literal na mula sa Hebreo na “At ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas NG bato.” Ang salitang Hebreo para sa “bato” ay “eben,” ngunit ang salitang Hebreo rito ay “ha eben” na nangangahulugang ANG bato. Ang punto ay ANG bato ay ang bato na nakita nila sa ilalim ng mga paa ni Yahuwah!
Inilarawan namin ang mga malalaking bato na ito na gawa sa ganayt o ilang matandang bato sa tuktok ng bundok, ngunit ano kung isinulat ni Yahuwah ang Kanyang mga kautusan sa mga mahahalagang batong zafiro, ang kaparehong bato na bumubuo sa Kanyang makalangit na trono? Ano kung nagtapyas si Yahuwah ng bato mula mismo sa Kanyang luklukan? Natagpuan ko na isang mas sinaunang tanaw ng mga bato ay ang mga ito’y maliliit na bloke ng batong ginawa mula sa zafiro ng trono ni Yahuwah.
Sa pag-aaral nito, natagpuan ko ang isang bagay na kapana-panabik sa isang Aramaikong Targum na naitala mula pa noong 1,500 taon ang nakalipas. Ang salitang Targum ay nangangahulugang “pagpapaliwanag o pagsasalin.” Pansinin, noong ang mga Judahite ay bumalik sa Jerusalem matapos ang pagkakabihag sa Babilonya, marami sa kanila ay inampon ang wika ng Aramaiko at hindi na nagsasalita ng Hebreo. Kaya ang kaparian ay ibig basahin ang Torah sa Hebreo at pagkatapos ay ibibigay ang pagsasalin o pagpapaliwanag sa Aramaiko. Ito’y parang ako na nagbabasa ng isang bahagi ng Torah sa Hebreo at pagkatapos ay isinasalin at ipinapaliwanag sa iyo sa wikang Ingles.
Sa paglipas ng panahon, ang mga Aramaikong Targums ay dumating sa pagsusulat, at ang mga ito’y paminsan-minsang binabasa sa mga sinagoga ng panahon ni Yahushua. Anong ginagawa nila para sa atin ay upang bigyan tayo ng kabatiran tungo sa kung paano ang mga tiyak na teksto sa Tanak (Lumang Tipan) ay naunawaan o ipinaliwanag ng mga sinaunang Israelita.
Ang tekstong natuklasan ko sa aking mga pag-aaral ay isang Targum ng Awit ni Solomon. Ang may-akda ng Targum na ito ay ipinapaliwanag ang Awit bilang isang paglalarawan ng relasyon ni Yahuwah sa Kanyang metaporikong asawang babae – ang Israel – at naniniwala Siya na ito’y isinasalaysay para sa atin ang paglalakbay ng Israel tungo sa ilang.
Sumusunod ang teksto sa Targum na ito, nababasa natin ang Awit ni Solomon 1:11 – “Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak.” Pagkatapos ang Targum ay sinasabi:
“Dahil dito, ang salita ay nagmula kay Moises: Tumingin ka sa kalangitan, at ibibigay ko sa iyo ang dalawang tapyas ng bato, tinabas ng zafiro ng Aking maluwalhating luklukan, maliwanag gaya ng dalisay na ginto, inayos sa mga linya, isinulat ng aking daliri, kung saan ay pinalaganap ang Sampung Salita, nilinang ang higit pa sa pilak na dinalisay nang pitong beses sa pito… at ibibigay ko ang mga ito sa iyong kamay tungo sa bayan ng Tahanan ng Israel.” Wow…
Narito ay mayroon tayong isang Aramaikong teksto, mga 1,500 taong gulang, na nagpapahayag na ang mga bato ng sampung utos ay tinabas mula sa zafiro ng trono ni Yahuwah. Kahanga-hanga kung tatanungin mo ako.
Bueno, natagpuan ko rin ang isang komentaryo sa isa pang bahagi ng Exodo (34:1) na nagpapahayag na ang mga kautusan ay isinulat sa mga tapyas ng zafiro. At ang komentaryong ito ay naitala mahigit 900 taon ang nakalipas, isinulat ng isang tao na tinatawag na Rashi. Siya ay pinaniwalaan na isang inapo ni Haring David at dahil dito, isang Judahite. Siya ay isinilang sa bayan ng Troyes sa Pransya, at huli sa kanyang buhay, ay isang dakilang iskolar ng Torah o Tanak, nagsusulat ng isang komentaryo sa maraming teksto ng Banal na Kasulatan.
Bago natin basahin kung ano ang sinasabi ni Rashi tungkol sa Exodo 34:1, basahin natin ang mismong teksto:
Exodo 34:1
At sinabi ni Yahuwah kay Moises, “Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira.”
Syempre, ito’y nagdadala sa kaisipan ng katunayan na noong bumaba si Moises ng bundok (Exodo 32) matapos matanggap ang unang pangkat ng mga tapyas ng bato, siya’y lubos na napopoot dahil ang bayan ay sumasamba sa isang gintong baka kaya hinagis niya ang mga bato patungo sa ibaba ng bundok, nadurog nang pira-piraso. Ito ay kung bakit inutos ni Yahuwah kay Moises na humugis ng dalawa pang tapyas ng bato gaya ng unang modelo.
Ang komentaryo ni Rashi sa tekstong ito ay ang sumusunod: “Ipinakita sa kanya ang isang minahan ng zafiro mula sa loob ng kanyang tolda, at sinabi sa kanya, ‘Ang mga tapyas ng zafiro ay magiging iyo,’ at mula rito’y si Moises ay naging mas mayaman.” Naniwala si Rashi na ang ikalawang pangkat ng mga tapyas ay yari mula sa batong zafiro. Hindi batong zafiro mula sa trono ni Yah, ngunit zafiro pa rin. Kung isinulat ito ni Rashi, at siya nga, ibig sabihin, sa lahat ng posibilidad, ito ay isang laganap na pagkakaunawa ng kanyang panahon dahil siya ay itinuring bilang isa sa pinaka prestihiyosong Rabi ng pananampalatayang Judahite. Kung ang mga batong ito ay “gaya ng una,” ang unang pangkat ay yari mula sa batong zafiro, at ang Exodo 24:10-12 ay napakagandang dumating sa liwanag.
Ipinapaliwanag nito kung bakit si Yahuwah ay inilalagay ang isang BUGHAW na panali (hindi luntian, pula, atbp.) sa tirintas ng mga Israelita. Ang bughaw na panali ay nagpapaalala sa kanila ng mga kautusan dahil ang mga ito’y nakasulat sa bughaw na batong zafiro. Tandaan na ang mga Israelita ng panahong iyon ay nakita ang mga tapyas ng bato, hindi katulad natin, na hindi nakakita nito. Nakita nila ang zafiro at nalalaman ang kulay ng mga tapyas, at sa bawat oras na tumingin sa panaling bughaw sa kanilang mga tirintas, ito’y nagpapaalala sa kanila ng bughaw na kulay ng mga tapyas ng bato kung saan ang mga kautusan ay isinulat. Isang bagay na hindi ba?
At mayroon ibang kaisipan na mayroon ako na nauugnay mula sa pag-aaral na ito. Halimbawa, kapag ang kalangitan ay pinakabughaw sa isang malinaw na araw, ginagawa ka nitong mas mabuti. Mayroong pag-aari na nakakapagpagaling sa paglikha ni Yahuwah. Ito’y maaaring tumapat sa pagpapagamot sa Kanyang Torah, na isinulat sa bughaw na batong zafiro at inaalala sa pamamagitan ng isang panaling bughaw.
Isa pang bagay. Ang pangalang “bughaw na batas” ay maaaring isang palatandaan ng orihinal na sampung utos. Sa maagang Amerika, ang mga tiyak na batas na nagdala ng mga mararahas na kaparusahan ay tinawag na “bughaw na batas.” Ito ay partikular na totoo ng paggawa ng mga ipinagbabawal sa Sabbath (sa kanila ay araw ng Linggo). Hindi ko sinasabi na ang pangalan ay dumating mula sa bato ng sampung utos, ngunit ito’y gumagawa ng diwa sa akin.
Narito ang isang bagay na isasaalang-alang. Bakit ang tanda ng batas para sa pulis ay “bughaw na liwanag?” Maaari ba ang bughaw ay kumakatawan sa batas sa pangkalahatan, nagmumula sa sinaunang Hebreong kultura?
Sa anumang klase, hindi ako naniniwala na si Yahuwah ay palambang na pinili ang kulay na bughaw para sa mga tirintas. Ako’y naniniwala na malayon Niyang pinili ito dahil ang Sampung Utos ay inukit Niya sa batong zafiro, ang kaparehong bato kung saan yari ang Kanyang trono.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Matthew Janzen.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC