Bakit Unitaryan Monoteismo ang may Pinaka Biblikal na Katuturan
Ano ang kalikasan ni Yahuwah? At sino si Yahushua?
Ayon sa kasaysayan, mayroong tatlong paraan ng pagsagot sa mga katanungang ito. At, sa kaparehong tanda, tatlong paraan ng pagpapaliwanag ng Bibliya:
I. Trinitaryanismo: Ang pananaw na ito ay si Yahuwah ay tunay na may tatlong katauhan: Yahuwah ang Ama, Yahuwah ang Anak, at Yahuwah ang Espiritu Santo. Bawat isa sa mga ito ay ganap na Yahuwah. At subalit hindi tatlong diyos, kundi isa. Ang mga katauhang ito ay: Kapwa-walang hanggan, Kapwa-mahalaga, at Kapwa-magkatumbas. Nakikita ng mga trinitaryan na si Yahuwah ay isang banal na sangkap na binabahagian ng tatlong katauhan.
|
Ang mga sumusunod na apat na punto ay ipinapakita kung bakit ang Unitaryan Monoteismo ay ang natatanging posisyon na gumagawa ng biblikal na katuturan:
1. Si Yahuwah ay palaging ipinapakilala bilang iisang entidad.
“Dinggin mo, Oh Israel: si Yahuwah nating Elohim ay isang Yahuwah.” (Deuteronomio 6:4)
|
Ibinigay sa atin ni Yahuwah ang mga kasulatan sa karaniwang wika ng tao. At ang isahang personal na panghalip ng “Ako”, “Akin” at “Siya” ay tinutukoy ang isang tao. Dahil dito, kung kailan ang Bibliya ay ginagamit ang mga salitang ito bilang pantukoy kay Yahuwah, itinuturo sa atin na iisa lang si Yahuwah. Ang dakot ng ilang beses na ang Bibliya ay gumagamit ng isang maramihang panghalip upang tukuyin si Yahuwah ay dapat na timbangan laban sa libu-libong beses na mga isahang personal na panghalip na ginamit para kay Yahuwah. Isaalang-alang ang mga sumusunod na sipi:
- Deuteronomio 4:39: “Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na si Yahuwah ay Siyang Elohim sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.”
- Deuteronomio 32:39: “Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang elohim sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.”
Ang mga siping ito ay sinasabi sa atin na si Yahuwah ay iisa at wala nang iba pa maliban sa Kanya.
2. Si Yahushua ay palaging ipinapakilala sa Bibliya bilang isang naiibang katauhan mula kay Yahuwah.
“At ipahayag ng bawat bibig na si Kristo Yahushua ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ni Yahuwah ang Ama.” (Filipos 2:11)
|
Sa 1 Corinto 15:27-28, nababasa natin: “Sapagkat ipinasakop niya ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa. Sa pagsasabi na ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop sa kanya, maliwanag na hindi kasama rito si Yahuwah, na siyang nagpasakop ng lahat ng mga bagay kay Kristo.” Sinasabi ni Pablo rito na si Yahuwah ay inilalagay ang lahat ng bagay sa ilalim ng paa ng Mesias, ngunit halatang hindi kay Yahuwah mismo. Ito ay gumagawa ng malinaw na pagkakaiba sa pagitan ni Yahushua, ang itinaas na Mesias, at si Yahuwah, ang Nag-Iisa na nagtaas sa Kanya.
Ang pagkakaibang ito ay umalingawngaw rin sa Filipos 2:9-11: “Kaya naman siya'y lubusang itinaas ni Yahuwah, at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan; upang sa pangalan ni Yahushua ang bawat tuhod ay lumuhod, ang mga nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa, at ipahayag ng bawat bibig na si Kristo1 Yahushua ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Yahuwah ang Ama.”
Si Yahuwah, ang Ama, ay hindi mababagong naiiba mula sa Kanyang anak na itinaas Niya sa Kanyang kanang kamay.
3. Tayo ay hindi kinailangan ng Kasulatan na maniwala na si Yahushua ay si Yahuwah.
“Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Kristo Yahushua, ang Anak ni Yahuwah...” (Juan 20:31)
|
Sa Mateo 16:16, inihayag nang tama ni Pedro na si Yahushua ay ang Mesias, ang anak ng nabubuhay na si Yahuwah. At sinasabi ng Juan 20:31: “Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Kristo Yahushua, ang Anak ni Yahuwah, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan.” Kaya sinuman kay Pedro o Juan ay hindi sinabi na si Yahushua ay si Yahuwah; sa halip, sinabi nila na si Yahushua ay ang Mesias, ang anak ni Yahuwah.
Sa Roma 10:9, sinabi ni Pablo: “Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Yahushua ay Panginoon, at sasampalataya ka nang buong puso na binuhay siyang muli ni Yahuwah mula sa kamatayan ay maliligtas ka.” Hindi sinabi ni Pablo na dapat natin ihayag na si Yahushua ay si Yahuwah; sa halip, hinihimok niya tayo na ihayag natin na “si Yahushua ay Panginoon” at maniwala na “binuhay siyang muli ni Yahuwah mula sa kamatayan.”
Upang magbuod, si Yahushua ay ang pinakamataas na nilalang sa sanlibutan, ngunit siya ay patuloy pa rin na nasa ilalim ni Yahuwah. Si Yahushua ay ang itinaas na walang kasalanang tao na anak ni Yahuwah.
“At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na si Yahuwah at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.” (Juan 17:3)
|
4. Si Yahuwah ay nagtataglay ng mga tiyak na katangian, na hindi angkop sa pagiging tao.
Natutunan natin mula sa 1 Timoteo 1:17 na si Yahuwah ay “walang kamatayan at hindi nakikita.” At mula sa kaparehong sulat sa 6:16, na “Siya lamang ang walang kamatayan.” Sinasabi sa atin ng Juan 1:18 na “Kailanma'y walang nakakita kay Yahuwah.” Ayon sa Bagong Tipan, nakikita si Yahushua, siya ay maliwanag na natatanaw, at siya ay namatay sapagkat itinatag ang ating pananampalataya sa kanyang kamatayan, libing at muling pagkabuhay alang-alang sa ating lahat.
Pagwawakas: Lahat ng bahagi ng Bibliya ay dapat na ipaliwanag sa liwanag ng kabuuan. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit ang Unitaryan Monoteismo ay gumagawa ng pinakabiblikal na katuturan.
“At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na si Yahuwah at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.” (Juan 17:3)
Yakapin ang patotoong ito at tanggapin ang kaloob na buhay na walang hanggan upang manindigan sa harapan ni Yahuwah sa kasakdalan ni Yahushua.
Ang artikulo ay batay sa 2 vidyo ng paglalahad ng isang Unitaryan na Pastor, si Daniel Calcagno.
1 G5547 (Christos): Ang “Kristo” ay ang salitang Griyego para sa “pinahiran” o “mesias.” Ang katumbas nito sa Hebreo ay H4899 (mâshı̂yach).