BALANTOK Ng Lupa – Hindi Isang Bola, Globo, O Bayle – Isaias 40:22
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“BALANTOK ng Lupa” – Isaias 40:22
Kung nais mong ipakita na ang Daigdig ay isang globo batay sa Bibliya, dapat mong isangguni ang isang berso maliban sa Isaias 40:22, sapagkat ang bersong ito ay hindi itinataguyod ang angkin na iyon. Kung nilalayon mo na gamitin ang bersong ito upang patunayan ang isang globo, mayroong hindi bababa sa tatlong pangunahing isyu rito: ang balantok, ang mga balang, at ang tolda.
Isaias 40:22 Siya ang nakaupo sa BALANTOK ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan.
Ang mga frisbees at mga pinggan ay hugis gaya ng mga bilog, na tunay na raun. Ang isang bilog ay hindi kapareho sa isang globo, isang bola, o isang bayle, kahit na ang isang bola ay maaaring parang isang bilog kung nakita lamang sa isang dimensyon.
Ang terminong “balantok” sa berso sa ibabaw ay isinasalin mula sa Hebreong pangngalan na chug (Strong’s 2329), na nangangahulugan na bilog, lukso, o kagiliran. (Pansinin na ito’y hindi isinalin bilang bola o globo.) Bukod sa berso na ito, dalawang beses pa itong lumabas sa Bibliya. Sa Job 22:14, mababasa natin ang tungkol kay Yahuwah na naglalakad sa balantok o lukso ng langit (naglalakad sa arko ng langit), at sa Kawikaan 8:27, mahahanap natin na ang balantok na ito ay inilagay sa balat ng kalaliman. Ang parirala na ito sa KJV (ADB) ay “nang siya’y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman.” Ang isang bola ay nagkukulang ng isang gilid na maaaring ituring na “balat” kung saan ay naroroon sa patag na Daigdig. Ipinapahayag ng NKJV (ABTAG2001), “Nang siya’y maglagay ng bilog sa ibabaw ng kalaliman.” Ito’y mapanghamon (o sa halip ay imposible) na gumuhit ng isang bola o isang globo sa isang bagay, ngunit tiyak na posible na gumuhit o maglagay ng isang bilog sa isang bagay.
Job 22:14 Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya’y hindi nakakakita; at siya’y lumalakad sa balantok ng langit. (ADB)
Kawikaan 8:27 Naroroon na ako nang kanyang itatag ang kalangitan, nang siya’y maglagay ng bilog sa ibabaw ng kalaliman, (ABTAG2001)
Pansinin na walang saysay na gumuhit ng “isang globo” sa ibabaw ng kalaliman. Ikumpara rin:
Job 26:10 “Siya’y gumuhit ng bilog (Strong’s 2328) sa ibabaw ng katubigan, sa hangganan ng liwanag at kadiliman. (ABTAG2001)
Ang pangngalan sa ibabaw (chug) ay konektado sa Hebreong pandiwa na may kaparehong pangalan, na binigkas na chug (Strong’s 2328), na nangangahulugan na gumuhit sa paligid at para gumawa ng isang bilog. Ito’y matatagpuan sa Job 26:10, kung saan maaari nating mabasa na si Yahuwah ay gumuhit ng isang bilog sa ibabaw, o (sa ADB) “gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig.”
Ang Isaias 40:22 ay dagdag na nagpapahiwatig na ang mga nananahan ay parang mga balang noong si Yahuwah ay umupo sa balantok na ito (ang arko ng langit). Ito’y nangangailangan ng isang tiyak na kataasan, na gumagawa nang mabuti sa isang pisikal na arko na inilagay nang mataas sa isang bilog na Daigdig. Isang kataasan ang ipinahiwatig rin sa Job 22:12, kung saan mababasa natin: “Hindi ba ang Diyos ay nasa itaas ng kalangitan [shamayim]? Masdan mo ang pinakamataas na mga bituin, sila’y napakaringal!” Pansinin na sinasabi nito kay Yahuwah na “masdan mo” ang mga bituin noong Siya’y umupo o naglalakad sa paligid ng arko ng langit.
Ang tala sa umaga (Lucifer) ay nais na itaas ang kanyang luklukan sa ibabaw ng mga bituin ni Yahuwah, at siya ay hindi sinasabi ang tungkol sa tuktok ng sansinukob kundi ang itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap. Ito ang kung saan naisip niya ang luklukan ni Yahuwah – sa ibabaw ng kaulapan. Ang luklukan ni Yahuwah ay tunay na inilarawan na nasa ibabaw ng arko ng langit, at batay sa talaan ng paglika sa Genesis, ang mga bituin ay inilagay sa arko ng langit.
Isaias 14:12 Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! 13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng El; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: 14 Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan.
Ezekiel 1:26 At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon.
Genesis 1:14 At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: 15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon. 16 At nilikha ng Elohim ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin. 17 At mga inilagay ng Elohim sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,
Ang kaparehong berso (Isaias 40:22) ay gumagamit rin ng paghahambing na parang kurtina na paglaladlad ng langit at inilaladlad na parang isang TOLDA upang maging tahanan – sapagkat ang mga nananahan ay parang mga balang. Halos imposible na maisip ang larawan ng isang tolda na inilagay sa isang globo kung saan ang mga nananahan ay nabubuhay. Ito’y sakdal na analohiya kung maiisip natin ang isang patag na Daigdig na may arko ng langit sa ibabaw nito, at lalo na kung maiisip natin ang Tolda sa panahon ng Exodo.
Habang ang chug ay hindi isang pagsasalin para sa bola, mayroon, gayunman, isang salita para sa “bola” na maaaring ginamit ni Isaias kung ito ang anong nais niyang ipahayag, subalit hindi niya ito ginamit sa berso sa ibabaw. Ginamit niya ito, gayunman, sa Isaias 22:18 kung saan ang bola ay isang pagsasalin mula sa dur (Strong’s 1754):
Isaias 22:18 Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang BOLA sa malaking lupain; doon ka mamamatay, at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian, ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon.
Inilalarawan rin ni Isaias si Yahuwah kasama ang Daigdig (lupa) bilang isang tuntungan ng paa. Mahirap ilarawan si Yahuwah sa isang patuloy na gumagalaw at umiikot na bola sa ilalim ng Kanyang mga paa, ngunit ang analohiya ay gumagawa nang sakdal kung maiisip natin ang Daigdig na patag, na may lukso at apat na haligi, dagdag pa ang likas na nakapirmi.
Isaias 66:1 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan?
Iba Pang Berso Sa Kaparehong Paksa
Sa Bibliya, ang Daigdig ay inilarawan na hindi mayayanig, nakatayo sa mga haligi, na may simboryo sa ibabaw nito, nakatayo sa mismong sentro ng paglikha ni Yahuwah, sa halip na isang gumagalaw na bagay gaya ng isang umiikot na bola sa bilis na 1,000 milya kada oras habang tumatakbo nang mas mabilis pa sa bala sa paligid ng araw sa 67,000 milya kada oras. Ito ay kung bakit ang mga tao na naniwala sa una ay dapat na kahit papaano’y igalang sa halip na pagtawanan. Ngunit hindi rin ba sinasabi na ang Daigdig ay nakabitin sa wala? Paano ito angkop sa alinmang modelo?
Job 26:7 Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala.
Ang ibang pagsasalin ay gumamit ng salitang “kawalan,” na maaaring humantong sa mambabasa na isaalang-alang ang talaan ng paglikha at ang parirala, “at ang lupa ay walang anyo at walang laman.” Marahil ang paglalarawan ni Job ay tinutukoy ang sandali noong nilikha ni Yahuwah ang Daigdig, ibinibitin ito sa wala, pagkatapos ay nagpapatuloy sa paghahati ng katubigan at idinudugtong ito sa mga haligi. Ang bersong ito ay hindi umaalingawngaw kung naiisip natin ang isang gumagalaw na bola na umiikot sa paligid ng araw, sapagkat ang ganoong patuloy na umiikot na globo ay hindi nakabitin sa anuman at hindi nangangailangan ng mga haligi.
Isaias 13:13 Kaya’t aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.
Awit 104:5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man.
Tinutukoy ng Bibliya ang apat na sulok sa maraming berso, parehong tungkol sa buong Daigdig at mga tiyak na lupain, gaya ng Israel. Ang lupain ng Israel ay hindi hugis gaya ng globo ngunit maaaring ilarawan bilang patag. Ang terminong “apat na sulok” ay maaaring ipaliwanag nang literal o bilang isang analohiya na ginamit ng mga manunulat upang iparating ang kabuuan. Halimbawa, sa Mga Gawa 10:11 at 11:5, nakikita ni Pedro ang isang malapad na kumot na nakabitin sa apat na sulok, naglalaman ng iba’t ibang hayop. Likas, ang kumot na ito ay dapat na medyo patag, at ang lahat ng nilalaman nito sa apat na sulok ay katanggap-tanggap para kay Pedro na kainin. Katulad nito, ang Israel ay ikinumpara sa apat na sulok sa Ezekiel 7:2, bagama’t hindi ito parisukat gaya ng mga kumot. Ang Pahayag 7:1 ay tila tinutukoy ang apat na sulok ng lupa bilang isang pisikal na realidad, na may apat na anghel na humahawak ng apat na hangin.
Mga Gawa 10:11 At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa: + Mga Gawa 11:5
Ezekiel 7:2 At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Yahuwah sa lupain ng Israel, May wakas: ang wakas ay dumating sa apat na sulok ng lupain.
Pahayag 7:1 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.
Tingnan rin ang bersong ito tungkol sa apat na sulok, at pansinin ang salitang “kalaparan” na kawili-wili:
Pahayag 20:8 At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. 9 At nangagsipanhik sila sa KALAPARAN ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.
Ang salitang “kalaparan” sa ibabaw ay naglalarawan ng kalatagan ng Daigdig at hindi ang mga bahagi ng Daigdig. Ang salita ay isang pagsasalin mula sa pangngalan na πλάτος/platos (Strong’s 4114) at maaaring isalin bilang malapad o maluwang na kapatagan. Ang katumbas na pang-uri ay πλατύς/platus (Strong’s 4116), na maaaring gamitin bilang isang paglalarawan ng isang daanan, gaya sa Mateo 7:13 (maluwang at malapad). Ang katumbas na pandiwa ay πλάσσω/plassó (Strong’s 4111), na maaaring isalin bilang anyo o molde. Ang salitang Pranses na “plateau” ay nagpapahiwatig ng isang bahagi ng antas (o halos kaantas) ng kalatagan ng Daigdig. Ang salitang Pranses ay nagmula sa platel, isang paglalarawan ng isang patag na bagay, gaya ng isang plato. Sa Swedish, ang salita para sa “patag” ay “platt” (katulad sa ibang Alemanyang wika).
Ang Bibliya ay isinasama ang mga talinghaga at mga analohiya, at kahit ang mga ito’y hindi palaging naglalarawan ng mga tunay na bagay o kaganapan, ang mga ito’y nagpapahiwatig ng bagay at ginamit para sa isang layunin. Nilalayon ng may-akda para sa mga mambabasa na isaisip ang isang tiyak na larawan habang nagbabasa ng mga paghahambing, panulaan, o talinghaga. Dahil dito, hindi natin maaaring balewalain ang mga analohiya kung ayaw o binibigyang-diin lamang ang pinapaboran natin. Ayon sa Bibliya, ang isang napakataas na puno ay makikita mula sa pinakadulong abot ng Daigdig. Habang ito’y maaaring isang eksaherasyon (o pagmamalabis), kung ang Daigdig ay isang globo, bakit ang diyablo ay kailangan pa na kunin si Yahushua patungo sa isang mataas na lugar?
Daniel 4:11 Ang punong kahoy ay lumaki, at tumibay, at ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa.
Mateo 4:8 Muling dinala siya ng diyablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila.
Hindi nito ibig sabihin na pinatunayan natin na ang Daigdig ay patag, ngunit ito’y tiyak na lumilitaw na ang Bibliya ay nagpapahiwatig na ito nga (nang may matapat na pagbabasa), lalo na kung isasaalang-alang din natin ang aklat ni Enoc.
Kawili-wili, si Wernher von Braun (ang Alemanya na inhinyerong aerospace at arkitekto ng kalawakan ay inupahan ng NASA) ay may sumusunod na awit na inilagay sa kanyang puntod, naglalarawan ng sindak ng mang-aawit sa paglikha ni Yahuwah ng arko ng langit, na nagpapakita ng gawang-kamay ni Yahuwah:
Awit 19:1 Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ni Yahuwah; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Annika Björk. Ang artikulo ay pinaikli mula sa sumusunod na pinagkukunan: https://blogs.crossmap.com/stories/circle-of-the-earth-not-a-ball-globe-or-sphere-is-4022-ZzWXD_2UTtyy1yppF9pkg
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC