Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Kinuha ko ang aklat ni Edwin Lutzer, One Minute After You Die, muli at sinimulang basahin ang Kabanata 3: “The Ascent into Glory.”
Ang kanyang mga salita ay lubos na mahimig, ngunit ang mga ito’y mayroong lasa at amoy ng atsara. Ano ang ibig kong sabihin?
Si Lutzer ay, naku po, isang tagagawa ng mga maling pagpapaliwanag. Ang kasulatan ay agarang isiniwalat ang kanyang aklat na pinamagatang, One Minute After You Die, bilang mapanlinlang. Ang mga kabanata isa at dalawa ay kapahamakan ng maling interpretasyon, ngunit tayo’y tutungo sa kabanata tatlo, at natagpuan natin na si Ginoong Lutzer ay nagpapatuloy sa kanyang mga katha na parang siya ay nagbabasa nang direkta mula sa isang trilohiya ni Plato!
Hayaan akong banggitin ang ilang pahayag sa Kabanata 3. Sa pahina 55, sinipi niya ang 1 Corinto 3:21-23: “lahat ng ito’y para sa inyo, at kayo’y para kay Kristo, at si Kristo nama’y para kay Yahuwah,” binabanggit ang kamatayan bilang kaloob ni Yahuwah sa atin. Anong hindi niya nakikita ay isang koneksyon na naging sagabal para sa mga Trinitaryan (sa iba). Ang sipi ay ipinapakita ang isang malinaw na pagpapailalim ni Yahushua, ang Kristo, kay Yahuwah. Sapagkat ang doktrina ng Trinidad ay niyayakap na si Yahushua ay si Yahuwah, ang mga Trinitaryan sa kasong ito ay hindi maipaliwanag kung paano si Yahuwah ay maaaring sumailalim kay Yahuwah. Ang siping ito ay tinatapos, “kayo’y para kay Kristo, at si Kristo nama’y para kay Yahuwah.”
Sa pahina 56, muling natisod si Lutzer, ipinahayag na ang mga pagano ay hindi maaaring alisan ang mga Kristyano ng kaloob ng kamatayan na maghahatid sa kanila tungo sa presensya ni Yahuwah. Marahil nais mong padalhan ng mensahe si Ginoong E.R. Lutzer ng malawak na listahan ng mga kasulatan ng “kamatayan” na tahasang ipinapakita na ang ganoon ay hindi ang kaso. Walang sinuman ang ihahatid tungo sa presensya ni Yahuwah sa kamatayan. Ito ay hindi maaaring mangyari hanggang sa ikalawang pagdating ni Kristo Yahushua at ang dumadalong muling pagkabuhay. Nais kong paalalahanan si Lutzer ng mga salita ni Pablo: “Pagkatapos noon ay [sa muling pagkabuhay o nanatiling buhay upang salubungin si Yahushua] makakapiling na natin ang Panginoon magpakailanman” (1 Tesalonica 4:13-17).
Sa ibaba ng pahina 56, ang may-akda ay inaalok ang kaisipang ito: “Katulad nito, ang kamatayan ay ang paraan kung saan ang ating katawan ay inilalagay sa kapahingahan habang ang ating espiritu ay hinatid sa tarangkahan ng langit.” Hinatid nino? Ibigay sa akin ang sanggunian ng Bibliya. “Ang ating espiritu ay hinatid” papunta sa langit sa kamatayan? Kapag ang tao ay namatay, ang pagkakaisa ng katawan at kaluluwa ay magkasamang namatay; ang kumbinasyon ng katawan/kaluluwa ay mortal. Ang mga Griyego (Plato) ay itinuro na ang katawan ay walang saysay at ang kamatayan ay pinahihintulutan ang kaluluwa na ilaglag ang katawan at tumakas upang mamuhay magpakailanman ng isang buhay ng sarili nito. Ang mga Kristyanong gnostikong sinanay ng mga Griyego, sa panahon matapos ang mga kaganapan sa Bibliya, ay inirekomenda na binibigyan nila ang hiwalay na kaluluwa ng isang destinasyon: ang mga mabubuti ay pupunta sa langit (taas), at ang mga masasama ay ibabagsak sa mga napakasamang kamara ng Hades o sa agarang apoy ng impyerno. Sa katunayan, gayunman, ang Kasulatan ay ipinahayag na ang mortal na katawan/kaluluwa, ang buong tao, ay nagpapahinga o natutulog sa kamatayan (Daniel 12:2) hanggang ang muling pagkabuhay ay magaganap sa pagbabalik ni Yahushua sa pagtunog ng ikapitong trumpeta, at hindi bago ang isang sandali (Pahayag 11:15-18). Ang huwad na Griyegong pagtuturong ito, niyakap ng karamihan ng mga Kristyano, lalo na ang mga Katoliko at mga Calvinists, ay isang matalinong likhang kamalian na naging “teolohiyang orthodox” sa nakalipas na libong taon.
Sa kaparehong talata ng kanyang aklat, tinutukoy ni Lutzer ang ating “espiritu” na hinatid sa langit. Ngunit ito ay madaling maunawaan nang mali bilang isang may agarang kamalayang buhay sa langit. Tiyak sa kapanganakan, nagpapadala si Yahuwah ng isang paglabas ng Kanyang espiritu upang lumikha ng buhay sa bata. Ang espiritung iyon ni Yahuwah na nananahan sa loob ng indibidwal hanggang sa siya ay mamatay. Ang espiritu ay walang anyo o pagkakakilanlan, ngunit kinukuha ito ni Yahuwah kapag ang buhay, ang ating pag-ikot ng buhay ay nagwawakas. Narito ang patotoo: “Sinong nakakaalam ng diwa ng tao kung napaiilanglang, at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa?” (Mangangaral 3:21). “At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik kay Yahuwah na nagbigay sa kaniya” (Mangangaral 12:7). “Nguni’t hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay... sapagka’t walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa [libingan, Sheol, Hades]” (Mangangaral 9:5, 10). Ang muling pagkabuhay ay ang tanging paraan upang lumabas sa kamatayan (Juan 11:11, 14)!
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Wayne Stallsmith.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC