Limang Kognitibong Pagkiling Na Maaaring Makaapekto Sa Ating Teolohiya
|
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |

Maaaring nakakadismaya na ibahagi ang iyong pananalig sa iyong mga “orthodox” na kaibigan at kapamilya para lamang tanggihan ang iyong mga paniniwala. Marami ang matiyagang kumakapit sa mga pagpapaliwanag sa harap ng Biblikal na ebidensya sa kabaligtaran. Bakit ilan sa kanila ay lubos na nag-aatubili na baguhin ang kanilang teolohiya? Marahil napakahusay na ang kognitibong pagkiling ay nagpapanatili sa kanila mula sa tunay na pagpreseso ng impormasyon.
Ang mga pagkiling ay maaaring magpagana sa ating mga utak sa pagpapadali ng proseso ng pagpapasya.1 Gayunman, ang kognitbong pagkiling ay maaaring magdulot sa atin na gumawa ng depekto sa halip na matalinong pasya. Ang may-akda at tagapagturo na si Kendra Cherry ay binigyang-kahulugan ang kognitibong pagkiling bilang “isang uri ng kamalian sa pag-iisip na nagaganap kapag ang mga tao ay nagpoproseso at nagpapaliwanag ng impormasyon sa mundo na nakapaligid sa kanila.”2 Ayon sa Psychology Today, itong uri ng “paulit-ulit na padron ng pag-iisip” ay maaaring humantong sa “hindi tumpak o hindi matuwid na mga konklusyon.”3 Higit sa 180 kognitibong pagkiling ay maaari na “manghimasok sa kung paano natin iproseso ang datos, mag-isip nang kritikal, at maunawaan ang realidad.”4
Sa kasalukuyang pulitikal na pinamamahalaan na kapaligiran, madali na makilala ang mga ganoong pagkiling na gumagawa sa ibang tao. Ngunit ang tanyag na may-akda na si C.S. Lewis ay itinala na ang mga Kristyano ay hindi lusot mula sa pagkatig:
Karamihan sa atin ay hindi tunay na nilalapitan ang paksa upang alamin kung anong sinasabi ng Kristyanismo; tayo’y lumalapit rito sa pag-asa ng paghahanap ng suporta mula sa Kristyanismo para sa mga pananaw ng ating sariling partido.5
Tunay nga, si Yahuwah, na tumitingin at naghahanap sa puso, ay nagbabala sa atin ng pagiging madaya ng kaisipan ng tao:
Jeremias 17:9 Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?
Katulad sa pulitika, ang ating teolohiya ay maramdamin din sa pagpapahamak ng mga kognitibong pagkiling. Hindi katulad sa pulitika, maaaring mas mahirap na makilala ang ating mga teolohikal na pagkiling o para makita ang mga ito bilang isang hadlang upang makilala ang Biblikal na patotoo sapagkat ang ating mga pagkiling ay madalas nagtatago sa likod ng ating mga pangrelihiyong tradisyon. Gayong ipinupunto ni Propesor Jackson Wu:
Dagdag pa, ang katiningan ng tradisyon ay nagpapakilos sa atin. Isinasala natin ang mga tiyak na teksto at mga teolohikal na konklusyon, o marahil ay lubos nating binibigyang-diin ang mga ideya na lagpas sa anong matatagpuan sa Kasulatan. Sa pag-iral, ang ating mga tradisyon at “Kristyano” na sub-kultura ay lumilikha ng mga pagkiling at nagpapayaw ng kahalagahan o kahulugan tungo sa isang sipi.6
Sa himpilan na ito, ating sisiyasatin ang limang kognitibong pagkiling na maaaring humadlang sa matuwid na ekshegesis at pigilan ang ating kahandaan upang isaalang-alang ang mga pagpapaliwanag na naiiba mula sa ating sarili nang tunay.
Kumpirmasyong Pagkiling
Ang kumpirmasyong pagkiling, marahil ang pinakalaganap na kognitibong pagkiling, ay binigyang-kahulugan ng Encyclopedia of Human Behavior bilang “Ang pagkahilig na magsaliksik nang pili o ipaliwanag ang impormasyon sa isang paraan na nagkukumpirma sa mga paunang kuru-kuro o hipotesis ng isa.”7 Ang impormasyon na humahamon sa pagkiling ay mas malamang na hindi papansinin o tahasang tanggihan. Ang kumpimasyong pagkiling ay laganap sa mga teolohiyang kabilugan kung saan ang natuto at karaniwang tao ay naghahanap sa Banal na Kasulatan ng mga sipi na nagtataguyod ng itinatag nang paniniwala. Madalas, ang isa na may ganitong pagkiling ay mararamdaman na parang may nagawa silang angkop na pagsisikap kapag, sa katunayan, ang layunin ng kanilang maka-Kasulatan na pagsasaliksik ay hindi para tukuyin ang katotohanan kundi para kumpirmahin ang kanilang bersyon nito. Ang mamamahayag na si Jason Zweig ay inilalarawan ito bilang isang panloob na “oo naman pare” na nagloloro ng posisyon ng isang tao.8

Ang mga patunay na teksto ay ang tinapay at mantikilya ng kognitibong pagkiling na ito. Sa kasamaang-palad, ang eysigesis ay nagaganap sa halip na ekshegesis9 dahil ang Biblikal na teksto ay pinaputi ng kuru-kuro ng tagapaliwanag. Kapag ang ebidensya na nagpapawalang-bisa sa pagpapaliwanag ay ipinakita, ang isa na may kognitibong pagkiling ay kakapit sa kanilang kamalian, madaling pinababayaan ang isang bagay na simple gaya ng tekstwal na konteksto, sa halip na pag-amin sa kamalian.
Ipinapaliwanag ni Propesor Aaron Chalmers kung paano ang kumpirmasyong pagkiling ay maaaring magpahirap na baguhin ang mga Biblikal na pagpapaliwanag ng isa:
Ang mga mananaliksik ay nagpakita na ang epekto ng kumpirmasyong pagkiling ay mas dakila para sa mga isyu na pinamamahalaan ng emosyon at mga paniniwala na nakabaon nang malalim. Sa parehong pagkakataon, ang mga tao ay mas marahil na lalaban sa pagbabago. Dahil dito, aasahan natin na ang pagkiling na ito ay isang mahalagang salik sa biblikal na pagpapaliwanag, na madalas nakikitungo sa mga isyu na madamdamin ang kahalagahan at—para sa mga mula sa isang pangkumpisal na karanasan—madalas isinasangkot ang mga paniniwalang malalim na pinanghahawakan.10
Ang mga ganoong taos-pusong pinanghahawakang paniniwala ay maaaring magdulot sa atin na pangatuwiranan ang anumang bagay na nagtataguyod ng ating pananaw. Isang organisasyon ang nakatuon sa pagtataguyod ng kritikal na kaisipan ay nagpapaliwanag:
Kung ang isang konklusyon ay nagtataguyod ng iyong mga umiiral na paniniwala, pangangatuwiranan mo ang anumang bagay na nagtataguyod nito. Mahirap para sa atin na isantabi ang ating mga kasalukuyang paniniwala upang isaalang-alang ang mga tunay na merito ng isang argumento. Sa kasanayan, ito’y nangangahulugan na ang ating mga ideya ay hindi na tinatablan ng kritisismo at palagiang pinatibay…Hilig natin na awtomatikong ipagtanggol ang ating mga ideya nang walang alinlangan sa mga ito.11
Kaya dahil dito, kahit na ipinakita sa Kasulatan na sumasalungat sa kanilang pagpapaliwanag, ang mananampalataya na may pagkiling ay tatanggihan ang datos at ipagtatanggol ang kanilang paniniwala sa pamamagitan ng “paghuhukay nang mas malalim.” Ang palatandaan na ito ay kinilala bilang epekto ng balik-putok.
Epekto Ng Balik-Putok
Kapag ang ating mga pangunahing paniniwala ay hinamon ng sumasalungat na impormasyon, ito’y nagdudulot sa atin na doblehin ang panahon para palakasin at protektahan ang ating posisyon. Bagama’t humarap sa kongkretong ebidensya na nagpapahina sa paniniwala, tumatanggi tayo na baguhin ang ating opinyon. Ang kognitibong pagkiling na ito ay kinilala bilang epekto ng balik-putok.

Isang dahilan ang mga tao ay maaaring madamdamin na muling mangako sa kanilang may depektong paniniwala ay takot. Halimbawa, ang takot na magkamali o umamin na nagkamali ay maaaring malakas na maghikayat sa atin na labanan ang mga sumasalungat na paniniwala bagama’t Biblikal na pinatunayan. Sapagkat makikita natin sa mga nalalabing pagkiling, ang iba pang takot ay maaaring magdulot sa atin na iwasan ang teolohikal na pagbabago.
Kamalian Ng Kahiyaan Na Lang
Ang mga pangnahing paniniwala ay umunlad sa loob ng maraming panahon at karaniwang isinasangkot ang pamumuhunan. Ang kamalian ng kahiyaan na lang ay nagaganap kapag ang isa ay kumakapit sa isang bagay na pinamuhunan nila dahil lamang ito’y nagdudulot rin ng lubos na sakit para bitawan.13 Ang kamalian na ito ay madalas nagaganap sa pinansyal na mundo14 ngunit maaaring mahayag sa teolohikal na lupain. Ang kamalian ng kahiyaan na lang ay maaaring maganap sa mga tao na ang trabaho ay nakatali sa kanilang teolohiya o namuhunan ng mga panahon, salapi, at emosyon tungo sa kanilang posisyon o paglilingkod. Para sa marami, ang takot na mawala ang kanilang “puhunan” ay maaaring lubos na napakahirap sa kanila na uamlis. Ang ilan ay maaaring ituring na mababa ang kirot na kumapit sa isang maling paniniwala kaysa mawalan ng reputasyon sa pagbabago ng kanilang teolohiya. Sa kasamaang-palad, ang kasabihan na “Huwag kumapit sa isang pagkakamali dahil lamang ikaw ay naglaan ng panahon sa paggawa nito” ay madalas pinabayaan. Ang ilan pa ay binibilang ang kabayaran ng pag-alis mula sa kanilang pamumuhunan at nasumpungan ito na lubos na mabigat para tiisin.15
Posible na si Saulo ng Tarso (Pablo) ay naranasan ang kamalian ng kahiyaan na lang:
Galacia 1:13-14 Sapagkat inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihiyon ng mga Hudyo, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ni Yahuwah: 14 At ako’y nangunguna sa relihion ng mga Hudyo ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, palibhasa’y totoong masikap ako sa mga sali’t-saling sabi ng aking mga magulang.
Bagama’t siya ay “masikap tungkol kay Yahuwah,”16 ang kanyang pagiging totoong masikap para sa kanyang sali’t-saling sabi ng kanyang mga magulang ay nagpapanatili sa kanya tungo sa pagkilala kay Yahushua bilang ipinangakong Mesias. Ang kanyang pagkiling ay nagbulag sa kanya sa patotoo at humantong sa kanyang pag-uusig sa mga Kristyano. Para kay Pablo na iwan ang estado ng sumisikat na bituin ay magiging lubos na napakahirap, kung hindi aakalain. Mabuti na lang, noong si Saulo (Pablo) ay nakatagpo si Kristo sa landas patungong Damasco, binago niya ang kanyang mga pananaw, subalit bilang kapalit ay nawala sa kanya ang lahat ng pinagtrabahuan niya nang lubusan. Sa huli, ang aposotol ay kinilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kaalaman at kasigasigan para kay Yahuwah.17 Tungo sa pagwawakas ng kanyang buhay, matuwid na tinatapos ni Pablo na ang kabayaran ng pagbabago ng kanyang paniniwala tungkol kay Yahushua ay sulit ang halaga:
Filipos 3:8 Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Kristo Yahushua na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya’y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Kristo.
Nakalulungkot, hindi lahat ay gumagawa ng pasyang ito sapagkat ang pangrelihiyon na tradisyon sa bulag na katapatan, kahit man lang pansamantala, ay tinatalo ang katotohanan.
Pangkatang Pagkiling
Ang pangkatang pagkiling, tinatawag rin na panliping epekto, ay ang pagkahilig na ituring ang ating sarili bilang walang kinikilingan. Sa katunayan, gayunman, tayo’y nagpapakita ng pagkiling sa mga nabibilang sa kaparehong pangkat gaya ng ginagawa natin.18 Sa lupain ng teolohiya, ito’y maaaring makita bilang pagbibigay ng mas dakilang bigat sa mga kuru-kuro ng mga tinutukoy natin o nabibilang sa kaparehong denominasyon o samahan. Mga kapamilya, kaibigan, pastor, lider ng paglilingkod, at iskolar ay itinuturing na mapagkakatiwalaan at “tama” dahil sila’y nabibilang sa ating “kabilugan.” Hindi natin natatanto, gayunman, na ang mga pagkiling na iyo ay laganap sa mga akademiko at natutong klero gaya sa mga karaniwang tao. Dahil lamang ang isa ay dapat na walang kinikilingan sa kanilang pag-aaral ng Kasulatan ay hindi nangangahulugan na sila nga.

Ang takot na tanggihan ng pangkat ay maaaring magsilbi bilang isang solidong tagapag-udyok upang mapanatili ang teolohiya ng pangkat, kahit na ito’y mali. Makikita natin ito nang itinanghal ng mga magulang ng isang lalaki na isinilang na bulag. Noong pinagaling siya ni Yahushua, nagdahilan sila ng kamangmangan dahil sa takot na palalayasin sa sinagoga:
Juan 9:20-22 Nagsisagot ang kaniyang mga magulang, at nangagsabi, “Nalalaman naming ito’y aming anak, at siya’y ipinanganak na bulag: 21 Datapuwa’t kung paanong siya’y nakakakita ngayon, ay hindi namin nalalaman; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata, ay hindi namin nalalaman: tanungin siya; siya’y may gulang na; siya’y magsasalita para sa sarili niya. 22 Ang mga bagay na ito’y sinabi ng kaniyang mga magulang, sapagkat nangatatakot sa mga Hudyo: sapagkat pinagkaisahan na ng mga Hudyo, na kung ang sinomang tao’y ipahayag siya na siya ang Kristo, ay palayasin siya sa sinagoga.
Katulad nito, noong ang isang Hudyong lider ay dumating upang tanggapin si Yahushua bilang Mesias, sila’y nanatiling tahimik dahil sa takot na tanggihan:
Juan 12:42-43 Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa Kaniya; datapuwa’t dahil sa mga Pariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila’y mapalayas sa sinagoga: 43 Sapagkat iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian kay Yahuwah.
Ang isang pangangailangan para sa pagpabor ng pangkat ay lumilikha ng isang matatag na kognitibong pagkiling, at kakaunti, kung anuman, ang ligtas sa mapangwasak na pang-akit nito. Gayunman, dapat tayong lumaban, sapagkat mas mabuti nang tanggihan ng tao kaysa ni Yahuwah.
Epekto Ng Ilusyonaryong Katotohanan
Ang epekto ng ilusyonaryong katotohanan ay “ang pagkahilig ng tao na tukuyin ang isang pahayag bilang totoo dahil lamang narinig nila ito noon, hindi isinasaalang-alang ang aktwal na pagkamakatotohanan nito.”19 Ang pagiging pamilyar sa kung paano ang isang partikular na Kasulatan ay ipinaliwanag ay maaaring humadlang sa isa mula sa pagtanggap ng isang sumasalungat na pananaw bilang katotohanan. Sa ibang salita, kung ang isang paniniwala o tradisyon ay inulit, lalo na mula sa isang makapangyarihang pinagkukunan gaya ng isang pastor, iginagalang na ministro, o maging ang isang kasapi ng pamilya, ang isa ay mas malamang na tatanggapin ang pagpapaliwanag dahil ito’y pamilyar. Ipinapahayag ni J.I. Packer ang kapangyarihan na hinulma ng tradisyon sa ating mga Biblikal na paniniwala:
Hindi tayo nagsisimula sa ating Kristyanong buhay sa paggawa ng ating pananalig para sa ating sarili: ito’y pinamamagitan sa atin ng Kristyanong tradisyon sa anyo ng mga sermon, aklat, at itinatag na mga padron ng buhay-simbahan at pakikisama. Binabasa natin ang ating mga Bibliya sa liwanag ng ano nang nabuo sa bigat ng tinanggap na mga kuru-kuro at pananaw na dumating sa pagkalapat, sa parehong Simbahan at mundo…Madali na walang kamalayan na ito’y naganap; napakahirap kahit simulan na matanto kung paano ang napakalalim na tradisyon sa diwang ito ay humulma sa atin.20
Ang pamilyaridad ng tradisyon ay nakita bilang patunay ng pagkatotoo nito. Tunay, ang orthodoxy, ayon kay Phillips Brooks, ay bulag sa pagkakasala nito:
Ang orthodoxy ay, nasa Simbahan, lubos na anong pagtatangi na nasa iisang kaisipan. Ito ay ang napaagang kapalaluan ng katiyakan. Ito ay ang gamot ng di-kasakdalan na parang ito ang kasakdalan.21
Ilan ay maaaring ituring ang mga sagradong bulwagan ng “orthodoxy” bilang isang ligtas na santuwaryo at takot na anong maaaring maganap kung sila’y tumapak sa labas ng mga hangganan nito. Anumang hamon laban sa tradisyon ay maaaring mapansin bilang isang posibleng panlilinlang mula sa kaaway. Karamihan ay hindi natanto, gayuman, na ang kasalukuyang “orthodoxy” ay umunlad. Maging ang mga Biblikal na iskolar ay magpapatotoo nito. Sa ibang salita, ang kasalukuyang orthodoxy ay erehiya ng nakalipas. Mahalaga, dahil dito, na hangarin natin ang orthodoxy ni Yahushua at kanyang mga pagtuturo. Buhat nang makita natin kay Saulo ng Tarso (Pablo), ang tradisyon ay maaari na isang tipak ng pagkatisod sa patotoo. Hindi dapat tayo matatakot na siyasatin ang ating mga tradisyon sa liwanag ng Kasulatan. Ang salita ni Yahuwah ay maaaring magtiis sa pagsusuri. Ang katanungan ay, maaari ba ang ating mga doktrina?
Ano Ang Maaari Nating Gawin?
Ano ang maaari nating gawin upang labanan ang mga kognitibong pagkiling? Para simulan, dapat nating kilalanin na tayong lahat na makakapitan nito. Itinatala ni Packer:
Maaari nating hindi gampanan ang ganap na katuwiran ng ating itinatag na kaisipan at kasanayan at idahilan ang ating sarili mula sa pagsusulit at pagrereporma ng mga ito gamit ang Kasulatan.22
Kinakailangan, dahil dito, na madasalin nating siyasatin ang ating mga paniniwala at tanggalin ang anumang “kalap” mula sa ating mata at baka ito ang maging hadlang sa ating mula sa pagtugon sa maling pananaw ng iba.23
Dagdag pa, iyong mga may pananaw na hindi-Trinitaryan kay Yahuwah ay dapat manalangin para kay Yahuwah upang pagkalooban ng karunungan at rebelasyon sa ating mga “orthodox” na kaibigan at kapamilya, lalo na tungkol sa Kanyang pagkakakilanlan at Kanyang Anak. Ito ang ipinalangin ni Pablo:
Efeso 1:16-17 Ay hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin; 17 Upang ipagkaloob sa inyo ni Yahuwah ng ating Panginoong Kristo Yahushua, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa Kaniya.
Dagdag pa, ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kognitibong pagkiling sa iba sa isang mapagpakumbaba at hindi maka-akusadong paraan ay maaaring makatulong. Isa pa, ang isang pag-amin kung paano ang Panginoon ay isiniwalat ang ating mga pagkiling ay maaari na mabisa.
Panghuli, makiusap kay Yahuwah para sa katapangan na magpatuloy na ibahagi ang iyong mga paniniwala na pinahintulutan at magtiwala kay Yahuwah na gagawin ang Kanyang parte. Kung si Pablo ay maaaring tanggalan ng kaliskis mula sa kanyang mga mata upang makita kung sino si Yahushua, maaari din tayo.24

1 “Pagkiling,” Psychology Today, nakuha noong 5-28-20, https://www.psychologytoday.com/intl/basics/bias
2 Kendra Cherry, “What is Cognitive Bias?, 5-5-20, nakuha noong 5-28-20, https://www.verywellmind.com/what-is-a-cognitive-bias-2794963
3 “Pagkiling,” Psychology Today, nakuha noong 5-28-20, https://www.psychologytoday.com/intl/basics/bias
4 Jess Desjardins, “24 Cognitive Biases That Are Warping Your Perception of Reality,” Visual Capitalist, 12-13-18, nakuha noong 5-28-20, https://www.visualcapitalist.com/24-cognitive-biases-warping-reality/
5 C.S. Lewis, Mere Christianity, (New York: Harper Collins, 1952), p.87.
6 Jackson Wu, How Cognitive Biases Produce Theological Syncreticism, 9-26-18, nakuha noong 5-28-30, https://www.patheos.com/blogs/jacksonwu/2018/09/26/how-cognitive-biases-produce-theological-syncretism/
7 Wilke, A, and R Mata. “Cognitive Bias.” Encyclopedia of Human Behavior, in-edit ni V. S. Ramachandran, 2nd ed., vol. 1, Academic Press, 2012, pp. 531-535.
8 Jason Zweig, How to Ignore the Yes-Man in Your Head,” Wall Street Journal, 11-19-09.
9 “Ang Biblikal na ekshegesis ay isang sistematikong proseso kung saan ang isang tao ay dumating sa isang makatuwiran at maliwanag na diwa ng kahulugan at mensahe ng isang biblikal na sipi.” https://www.theopedia.com/exegesis “Ang eysigesis ay ang gawa na nagpapataw ng kahulugan tungo sa isang teksto at madalas inilarawan sa termino ng pagbabasa ‘tungo’ sa teksto sa halip na ‘mula’ nito. Dahil dito, ang kabaligtaran ng ekshegesis.” https://www.theopedia.com/eisegesis
10 Aaron Chalmers, “The Influence of Cognitive Biases on Biblical Interpretation” (Bulletin for Biblical Research, 26.4), p. 470-471.
11 School of Thought, sapagkat sinipi mula sa “24 Cognitive Biases That Are Warping Your Perception of Reality,” Visual Capitalist, 12-03-18, nakuha noong 5-29-20, https://www.visualcapitalist.com/24-cognitive-biases-warping-reality/
12 “What is the Backfire Effect?” 12-13-19, nakuha noong 5-28-20, https://www.scienceabc.com/humans/what-is-the-backfire-effect-confirmation-bias-psychology.html
13 School of Thought, sapagkat sinipi mula sa “24 Cognitive Biases That Are Warping Your Perception of Reality,” Visual Capitalist, 12-03-18, nakuha noong 5-29-20, https://www.visualcapitalist.com/24-cognitive-biases-warping-reality/
14 Sunk Cost Fallacy, Behavioral Economics, https://www.behavioraleconomics.com/resources/mini-encyclopedia-of-be/sunk-cost-fallacy/
15 Lucas 14:27-33.
16 Mga Gawa 22:3.
17 Roma 10:2.
18 School of Thought, sapagkat sinipi mula sa “24 Cognitive Biases That Are Warping Your Perception of Reality,” Visual Capitalist, 12-03-18, nakuha noong 5-29-20, https://www.visualcapitalist.com/24-cognitive-biases-warping-reality/
19 Aaron Chalmers, “The Influence of Cognitive Biases on Biblical Interpretation” Bulletin for Biblical Research, 26.4, p.476.
20 J.I. Packer, “Fundamentalism” and the Word of God, (Grand Rapids, MI; William B. Eerdmans Publishing, 1958), p. 69-70.
21 Phillips Brooks, Life and Letters of Phillips Brooks, v. III, (Alexander V. G. Allen, New York: E. P. Dutton, 1901), p. 74.
22 J.I. Packer, “Fundamentalism” and the Word of God, (Grand Rapids, MI; William B. Eerdmans Publishing, 1958), p. 69-70.
23 Mateo 7:1-5.
24 Mga Gawa 9:18.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/5-cognitive-biases-that-can-affect-our-theology/
Pinalitan namin ang mga Tagalog na titulo at pangalan ng Ama at ng Anak ng mga ginamit ng mga apostol. Sa ibinigay na mga maka-Kasulatan na sipi, ibinalik namin ang kanilang mga orihinal na pangalan sapagkat ginamit ng mga napukaw na manunulat. Gayunman, kinikilala namin ang makasaysayang pag-unlad kung saan ang pangalang Yahushua ay dumating para ibigay bilang “Hesus.” Dagdag pa, kinikilala namin na ang Tagalog na terminong “Diyos” ay karaniwang ginamit bilang katumbas sa Hebreo na Eloah o Elohim. –Pangkat ng WLC






