Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Mayroong ilang mandamyento para sa paninindigan na ang pagkahilig na maniwala sa malinaw na kabalighuan ay tumataas sa halip na bumababa sa mas mataas na edukasyon.”1
“Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Kristo Yahushua, ang Ama ng kaluwalhatian, na bigyan kayo ng Espiritu ng karunungan at ng pahayag upang lubos ninyo siyang makilala. Nang sa gayon ay maliwanagan ang inyong puso, upang maunawaan ninyo ang pag-asa ng kanyang pagtawag sa inyo, ang kayamanan ng kanyang maluwalhating pamana sa mga banal” (Efeso 1:17-18).
Sa kasamaang-palad, kakaunti ang may kusang-loob na talikuran ang pagtanggap ng kanilang mga kapantay at gumawa ng isang paninindigan para sa anumang ipinapalagay nila na totoo sa kanilang kaisipan, ngunit sa halip ay naiisip nila ang kamangmangan at niyakap ang “hiwaga” na papanatagin ang isang magusot na budhi at pagkakasundo sa madla.
|
Tayo’y dumating sa matatag na personal na konklusyon na walang bigat ng hiyaw o pantas na palakat tungkol sa “pagsasayang ng panahon ni Yahuwah” ang maaaring itago ang katunayan mula sa isang makatuwirang isipan na ang ilan sa mga bagay ay pinaniwalaan ng mga nagsisimba sa katunayan ay walang kapararakan. Ang karumal-dumal na kasaysayan ng kaugalian ay hindi nagbibigay ng karangalan sa Pangalan ng Isa na inaangkin nila na kilala at itinuturo. Dahil dito, ang isa lamang ay gamitin ang pagsusulit ni Yahushua, na ang isa ay hindi kukuha ng matamis na tubig mula sa isang sinalaulang balon o mga ubas mula sa matinik na palumpong. Sa kasamaang-palad, kakaunti ang may kusang-loob na talikuran ang pagtanggap ng kanilang mga kapantay at gumawa ng isang paninindigan para sa anumang ipinapalagay nila na totoo sa kanilang kaisipan, ngunit sa halip ay naiisip nila ang kamangmangan at niyakap ang “hiwaga” na papanatagin ang isang magusot na budhi at pagkakasundo sa madla. Ang patotoo’y nabibigo!
Naging mas madali para sa mga Kristyano na sumama sa mga tanyag na opinyon, na sanay na ipinaliwanag ng pilosopong Aleman na si Arthur Schopenhauer (1788-1860): “Walang opinyon, datapwa’t balintuna, ang hindi handang yakapin ng mga tao sa lalong madaling panahon na maaari nilang ihatid sa paniniwala na ito na karaniwang pinagtibay.”
Isang halimbawa ng ayos ng aral na ipinahayag ng kaugalian upang panatilihin ang mga hindi natuto “sa pagpapasakop” ay kagaya nito: “Ang Anak ni Yahuwah ay namatay; ito ay lubusang pinaniwalaan dahil ito ay balintuna. Siya ay inilibing at muling nabuhay; ang katunayan ay tiyakan dahil ito ay imposible.”2 Ang ganitong ayos ng argumento ay dapat na alinman sa bulag na paniwalaan (“sa pamamagitan ng pananalig”) o itapon na walang kapararakan, na sa kasamaang-palad, karamihan sa buong mundo ay ginagawa. Ang Bibliya ay hindi kailanman nagsasalita nang ganito, ngunit oo, ang Anak ni Yahuwah (hindi ang Yahuwah Anak) ay namatay at ang kanyang Ama ay muling siyang binuhay mula sa mga patay at itinaas siya. Sa payak na wika, tingnan ang Mga Gawa 2:14-36.
Maging si Albert Einstein ay nagbigay ng parangal kay Isaac Newton, ang dakilang pisiko at teologo na napagtanto ang kamay ni Yahuwah sa Paglikha at tinanggihan na itapat ang Trinidad; dahil dito’y marami sa mga teologong gawa ni Newton ay itinago mula sa publiko. Isinulat ni Newton na “ang sangkatauhan ay mahilig sa mga hiwaga, at humahawak nang walang iba na napakabanal at sakdal bilang hindi maaaring maunawaan,” ngunit inabiso na “Ang katotohanan ay matatagpuan sa pagiging payak, at hindi sa pagkarami-rami at kalituhan ng mga bagay.” Talagang totoo!
William Tyndale
|
Sinabi ni William Tyndale na ang mga iskolar na nagtalo tungkol sa mga kahulugan sa likod ng malinaw na ibig sabihin ng mga salita ay “mga batugang nagtatalo at palaaway tungkol sa mga salitang walang kabuluhan, patuloy sa pagngatngat sa mga mapait na balakbak at hindi nakakamit ang matamis na ubod sa loob.” Para kay Tyndale, ang Bibliya ay babasahin sa kabuuan, at ang mga salita ay tinanggap kung ano ang mga ito, “sapagkat sinasabi nito ang isang kwento na anumang tao ay maaaring maunawaan, nang walang pagtatalaga, o pag-aaral ng teolohiya.” Hindi nagtagal bago sinunog ng Simbahan si Tyndale para sa kanyang pananalig, isinulat niya, “Mabilis na sumibak sa bato ng tulong ni Yahuwah at magpasya ng katapusan sa lahat ng bagay sa Kanya” at “Huwag papagapi sa mga panghihikayat ng mga tao.”3
Si Isaac Watts, ang dakilang lohiko at manunulat ng himno (“When I Survey the Wondrous Cross,” “Joy to the World,” “O Yahuwah, Our Help in Ages Past” at higit 500 pa), ay ipinunto sa kanyang klasikong batayang aklat sa lohika, “Ang kapangyarihan ng katuwiran ay ibinigay sa atin ng ating Manlilikha, sapagkat sa mismong kawakasan, upang sundin ang katotohanan; at ating inabuso ang isa sa Kanyang pinakamayayamang kaloob kung tayo’y nagpapalamang sa kapahamakan sa pamamagitan ng anumang mas masamang kapangyarihan ng kalikasan o ang mga namamatay na interes ng buhay na ito. Ang katuwiran mismo, kung matapat na sinunod, ay mangunguna sa atin na tanggapin ang banal na pahayag ng Mabuting Balita, kung saan ito’y nararapat na imungkahi, at ito’y magpapakita sa atin ng landas tungo sa walang hanggang buhay.”4
Malinaw na mayroong isang malapit na koneksyon sa pagitan ng pag-aaral ng lohika ni Isaac Watts at kanyang pagtanggi sa Trinidad. Matapos ang paglalaan ng 20 taon ng matinding pag-aaral ng Kasulatan sa kalikasan ni Yahuwah, isinulat ni Watts: “Ngunit paano ang mga mahihinang nilalang ay tinanggap ang lubos na kakaiba, napakahirap at napakalabo ang isang doktrina gaya nito [ang Trinidad], sa pagpapaliwanag at pagtatanggol kung saan ang karamihan sa mga tao, maging ang mga tao ng kapantasan at kabanalan, ay iniligaw ang sarili sa walang humpay na kapitaganan ng pagtatalo at walang katapusang kalituhan ng kadiliman? At maaari ba ang kakaiba at nakalilitong palagay ng tatlong totoong katauhan na ito ay ginagawa ang isang tunay na Diyos nang napakahalaga at kinakailangan na isang bahagi ng Kristyanong doktrina, na nasa Lumang Tipan at Bago, ay kinatawan nang napakalinaw at napakadali, maging sa mga pinakamararamot na pagkakaunawa?”5
Sa liwanag ng pangunguna, ang tanong ko ay: Sa anong batayan ang isang organisasyon ay inaangkin na batay sa Bibliya at “nakasentro kay Kristo” na naninindigan sa doktrina na hindi binanggit ni Yahushua o ng mga Apostol, maliban kung sinusundan nito ang Romanong kredo ng kawalang-mali at kataasan ng pagtuturo at tradisyon ng Simbahan sa Bibliya? Upang maging matapat sa harap ni Yahuwah, dapat mong sagutin ang tanong na iyon at kumilos.
Isaalang-alang ang mga siping ito. Basahin kung ano ang mga ito; huwag subukan at “ipaliwanag” ito ayon sa ilang unang inakalang doktrina:
- Juan 14:28: “Pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin.”
- Juan 20:17: “Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”
- Efeso 4:6: “Isang Diyos at Ama ng lahat, na siyang dakila kaysa lahat.”
At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.
|
Nanalangin si Yahushua: “Ama, dumating na ang oras, luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang luwalhatiin ka ng Anak, kung paanong binigyan mo siya ng kapangyarihan sa lahat ng tao, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya. At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo. [“Isinugo” ay hindi nagpapahiwatig na “mula sa langit”, si Juan Bautista at ang mga propeta ay “isinugo” lahat. Ibig sabihin nito ay “kinomisyon.”] Niluwalhati kita sa lupa sa pagtupad ko sa gawaing ibinigay mo sa akin” (Juan 17:2-4, FSV).
Ang mga salita na naka-bold ay mga kakaibang pahayag sa pagitan ng kapantay, kapwa walang hanggang katauhan!
“Kaya’t tumayo si Pedro, kasama ang labing-isa, at nagpahayag sa malakas na tinig…‘ Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Yahushua na taga-Nazareth ay pinatunayan sa inyo ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo… Sa mula’t mula pa’y alam na at ipinasya na ni Yahuwah na ibigay sa inyo si Yahushua. At ipinako ninyo siya sa krus at ipinapatay sa mga makasalanan. Subalit si Yahuwah ang muling bumuhay sa kanya, at nagpalaya sa kanya mula sa pagdurusa ng kamatayan…Ngayon, kaming lahat ay mga saksi na ang Yahushua na ito ay muling binuhay ni Yahuwah. Dahil iniluklok siya sa kanan ni Yahuwah, at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Banal na Espiritu, nakikita at naririnig ninyo ito na ibinuhos sa amin ngayon…Kaya’t dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Yahushua na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ni Yahuwah na Panginoon at Kristo’” (Mga Gawa 2:14-36).
Sa huli’y nagpatotoo si Esteban: “Puspos ng Banal na Espiritu, ay tumitig sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ni Yahuwah, at si Yahushua na nakatayo sa kanan ni Yahuwah. Sinabi niya, ‘Tingnan ninyo! Nakikita kong bukas ang kalangitan at ang Anak ng Tao na nakatindig sa kanan ni Yahuwah…’ Habang binabato nila si Esteban ay nananalangin siya, ‘Panginoong Yahushua, tanggapin mo po ang aking espiritu.’ Siya’y lumuhod at sumigaw nang malakas, ‘Panginoon, huwag mo po silang papanagutin sa kasalanang ito!’ Pagkasabi nito, siya’y namatay” (Mga Gawa 7:55-60).
Dinggin mo, Oh Israel: si Yahuwah nating Elohim ay isang Yahuwah! (Deuteronomio 6:4)
|
At marami pang malinaw na pahayag sa Kasulatan ay pinalayas ang anumang ideya na si Yahushua ay si Yahuwah o si Yahuwah sa tatlong Katauhan:
- 2 Corinto 11:31: “Ang Diyos at Ama ng Panginoong Yahushua, na siyang karapat-dapat sa papuri magpakailanman, ang nakaaalam na hindi ako nagsisinungaling.”
- Efeso 1:3: “Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua, na siyang nagpala sa atin kay Kristo Yahushua ng bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan.”
- 1 Pedro 1:3: “Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua! Dahil sa laki ng kanyang dakilang kahabagan ay muli tayong ipinanganak sa isang buhay na pag-asa sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo Yahushua mula sa kamatayan.”
- Deuteronomio 6:4: “Dinggin mo, Oh Israel: si Yahuwah nating Elohim ay isang Yahuwah!”
1 Peter Berger, A Far Glory: The Quest of Faith in an Age of Credulity, Free Press, 1992, p. 163.
2 E.G. Bewkes, The Western Heritage of Faith and Reason, Holt, Rinehart, 1971.
3 Mula sa William Tyndale: If God Spare My Life ni Brian Moynahan.
4 Logic, unang inilathala noong 1724, muling inilimbag ng Soli Deo Gloria Publications, Morgan, PA, 1996, p. 325.
5 Sinipi mula kay William G. Eliot, Discourses on the Doctrines of Christianity, American Unitarian Assn., 1877, pp. 97, 100.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Keith Relf.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC