Isang maagang 1970s na awitin ang nagsisimula sa mga naghahanap na salita: “Kung ang isang larawan ay nagpinta ng isang libong salita, bakit di kita maipinta? Ang mga salita ay di magpapakita sa’yo na nalalaman ko.”1
Ang isang larawan ay sinabi na “nagpinta ng isang libong salita” dahil ang larawan, ito man ay pininta o isang litrato, ay naghahatid ng impormasyon na mangangailangan ng mga pahina ng mga salita upang maglarawan, at pagkatapos nito, ilan sa mga detalye ay malamang na makakaligtaan. (Larawan sa kaliwa: Marie Joséphine Charlotte du Val d'Ognes (1786–1868) 1801 - Marie Denise Villers French)
Ang mga simbulo ay ang mga larawan ng Kasulatan na nagpinta ng isang libong salita. Ang isang simbulo ay naghahatid ng isang kayamanan ng mga pananarinari na mawawala rin sa ibang paraan. Isang pangunahing halimbawa ng simbolohiya ng Bibliya ay matatagpuan sa sanggunian ni Juan Bautista sa Tagapagligtas bilang “ang kordero ni Yah na siyang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29, FSV) Kung wala ang ibang salitang sinabi, ang sangguniang ito ay agad nagdadala sa kaisipan ng buong sistema ng sakripisyo na inilagay sa kinalalagyan upang tubusin ang bumagsak na sangkatauhan.
Isa pang simbulong ipinakita sa Kasulatan ay tungkol kay Melquisedec. Ipinahayag ng Awit 110:4: “Sumumpa si Yahuwah, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedec.” Ang kahalagahan ng nakakubling sangguniang ito ay binigyang-diin noong ang may-akda ng aklat ng mga Hebreo ay sinipi ang bersong ito nang salita para sa salita sa Hebreo 7:17: “Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.” (ADB)
Ang Bibliya ay palaging ipinapaliwanag ang sarili nito upang maunawaan ang simbulong ito, ang gagawin lamang ay tumungo sa Genesis 14 at matutunan kung sino si Melquisedec at saan siya unang nakilala.
Melquisedec: Misteryosong Tao
Ilang taon bago isinilang si Isaac, naglalagay ng isang ningning sa mata ni Abraham at isang tuwa sa labi ni Sara, si Lot at ang kanyang pamilya ay hinuli sa isang digmaan sa pagitan ng isang bilang ng mga haring Canaanite. Nang marinig ni Abram ang balita, agad siyang nagtipon ng isang maliit na hukbo ng mga alagad at tinugis ang sumasalakay na pwersa sa malayong hilaga kung saan nabawi ang lahat ng mga ninakaw, kasama ang lahat ng mga kalakal na nilooban mula sa mga siyudad ng kapatagan.
Noong bumalik si Abraham at kanyang pribadong hukbo sa katimugan, isang misteryosong tao ang dumating para makilala siya. Sinasabi ng Genesis 14:18, “At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y saserdote ng Kataas-taasang Diyos.”
Si Melquisedec ay isang hari at sinamba niya ang “Kataas-taasang Diyos,” si Yahuwah. Ngunit ang kwento ay hindi natatapos rito. Nagpahayag si Melquisedec ng isang pagpapala kay Abram at pagkatapos ay nagbayad ng ikapu si Abram kay Melquisedec!
Matapos matanggap ang ikapu mula kay Abraham, ang misteryosong tao na ito ay bumalik sa mga ulap ng nakalipas at hindi na nakita kailanman. Hindi natin nalalaman kung saan siya nanggaling; hindi natin nalalaman kung sinu-sino ang kanyang mga ninuno; hindi natin nalalaman kung paano siya dumating upang maging isang saserdote ni Yah. Lahat ng mga mabababaw na impormasyon ay tinanggal at tanging mga pinakamahahalagang impormasyon ang ipinakita. Siya ay saglit lang na lumitaw sa sagradong talaan, at mabilis lang umalis, subalit makikita sa mahiwagang tao na ito ay ang mga nakatagong detalye na nagtuturo ng mga mayayamang aral tungkol sa paglilingkod ng muling nabuhay na Tagapagligtas.
Hari ng Pagkamatuwid
Ang mismong pangalan, Melquisedec, ay nangangahulugang “hari ng pagkamatuwid.” Ang Kasulatan ay nagbibigay ng isang hindi nagkakamaling talaan ng mga kabiguan at mga kahinaan ng maging sa mga pinaka nakatuong tagasunod ni Yah, ngunit walang ganoong talaan ang umiiral kay Melquisedec. Narito, siya ay isang naaangkop na simbulo ni Yahushua. Walang ibang tao ang ganap na ipinunto kay Kristo Yahushua kundi si Melquisedec.
Ang may-akda ng Hebreo ay ipinaliwanag:
Ngayon, isipin natin kung gaano kadakila ang taong ito, na maging si Abraham na ating ninuno ay nagbigay sa kaniya ng ikapu sa kaniyang mga samsam. Ang mga anak nga ni Levi na naging mga saserdote ay may kautusan na kumuha ng ikapu mula sa mga tao. Ito ay ang kaniyang mga kapatid bagaman sila ay nagmula sa baywang ni Abraham. Ngunit siya na ang angkan ay hindi nanggaling sa kanila ay kumuha ng ikapu mula kay Abraham at siya na tumanggap ng mga pangako ay kaniyang pinagpala. Ngunit walang pagtatalo na ang nakakababa ay pinagpala sa pamamagitan niya na nakakahigit. At dito, ang mga taong tumatangap ng ikapu ay namamatay. Ngunit sa kabilang dako, siya ay tumatanggap ng ikapu at mayroon siyang patooo na siya ay buhay. Marahil, maaaring masabi ng sinuman na maging si Levi na kumukuha ng ikapu ay nagbayad ng ikapu sa pamamagitan ni Abraham. Sapagkat nang salubungin ni Melquisedec si Abraham, si Levi ay nasa baywang pa ng kaniyang ninuno. (Hebreo 7:4-10, ADB)
Ang katunayan na nagpahayag ng isang pagpapala si Melquisedec kay Abraham, ang ninuno ni Aaron at ang kanyang angkan ng kaparian, ay itinatatag na ang kaparian ni Melquisedec ay nakatataas sa sumunod na Leviticong kaparian.
Hari ng Kapayapaan
Si Melquisedec ay higit pa sa “Hari ng Pagkamatuwid.” Bilang Hari ng Salem, siya ang “Hari ng Kapayapaan,” sapagkat ang Salem ay nangangahulugang kapayapaan. Muli, isa pang napakagandang simbulo para kay Yahushua na “Pangulo ng Kapayapaan.”
Ang mga Trinitaryan ay matagal nang pinagmuni-munihan na si Melquisedec ay alinman sa Banal na Espiritu o ang isang Kristo na bago nagkatawang-tao. Ilan pa nga ay ipinalagay na si Melquisedec ay ang Ama sa anyong tao. Gayunman, ang ganitong mga pagbabakasakali ay walang iba kundi mga kamaliang naiwan mula sa paganong doktrina ng trinidad. Si Melquisedec ay isang ganap na tao. Tiyak at lubos na walang pahiwatig sa Kasulatan sa ibang paraan. Kaya dahil dito, siya ay isang sakdal na naaangkop na ipunto sa Tagapagligtas na, ipinapakita ng Kasulatan, na ganap na tao rin.
Upang matubos ang sangkatauhan kung saan si Adan ay bumagsak, si Yahushua ay kailangang isang ganap na tao rin. “Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Diyos, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Kristo Yahushua.” (Roma 5:15, ADB)
Tanging isang ganap na anyo ng tao (simbulo) ang maaaring magpunto sa ganap na anti-tipikong tao (katunayan), si Yahushua.
Ang Pag-asa ng Kristyano
Ang katunayan na si Melquisedec ay parehong saserdote at hari habang ganap na tao ay itinuturo ang isang napakahalagang aral tungkol kay Yahushua na, isang hari at isang saserdote rin habang ganap na tao. Si Yahushua, gaya ni Melquisedec bago niya, ay itinalaga sa mataas, banal na opisina ni Yahuwah mismo. Ginagawa nito ang kaparian ni Yahushua na nakakataas sa mga Leviticong kaparian na minana lang ito sa kabutihan ng kanilang kaangkanan.
Ito ay hindi ginawa ng walang panunumpa. Sa isang dako, sila ay naging saserdote ng walang panunumpa, sa kabilang dako si Yahushua ay naging saserdote ng may panunumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi sa kaniya:
“Si Yahuwah ay sumumpa
At hindi magsisisi.
Ikaw ay saserdote magpakailanman
Ayon sa uri ni Melquisedec.”
Sa pamamagitan nito, si Yahushua ang naging katiyakan ng isang lalong higit na mabuting tipan. (Hebreo 7:20-22, ASND)
Ang Leviticong kaparian ay dumating sa katapusan sa krus, ngunit ang kaparian ni Yahushua ay magpapatuloy magpakailanman. Ito ang pag-asa ng Kristyano:
Sa isang dako, dahil pinigilan sila ng kamatayan upang magpatuloy, kinakailangan ang maraming [Leviticong] saserdote. Sa kabilang dako naman, dahil si Yahushua ay nabubuhay magpakailanman, siya ay may pagkasaserdoteng mananatili magpakailanman. Kaya nga, ang mga lumalapit kay Yahuwah sa pamamagitan niya ay maililigtas niya nang lubusan, yamang siya ay nabubuhay magpakailanman upang siya ay mamagitan sa kanila.
Sapagkat nararapat na ibigay sa atin ang ganitong uri ng Pinakapunong Saserdote. Siya ay banal, walang kapintasan at malinis. Siya ay nahihiwalay sa mga makasalanan at itinaas siya ni Yahuwah na mataas pa sa kalangitan. Siya ay hindi natutulad sa ibang mga pinunong-saserdote na kailangang maghandog ng mga handog araw-araw, una para sa kaniyang mga kasalanan. At pagkatapos ay maghahandog sila ng mga handog para sa mga kasalanan ng ibang tao. Sapagkat kaniyang ginawa ito nang minsan at magpakailanman, nang ihandog niya ang kaniyang sarili. Sapagkat ang kautusan ay nagtatalaga ng mga pinunong-saserdote na mga taong may kahinaan. Ngunit ang salita ng panunumpa na dumating pagkatapos ng kautusan ay nagtalaga sa anak na pinaging-ganap magpakailanman. (Hebreo 7:23-28, ASND)
Si Yahushua, gaya ni Melquisedec, na direktang itinalaga ni Yahuwah para sa isang espesyal na opisina. At sa kabutihan ng kanyang sariling dugo na dinanak, lahat ng tumatanggap ng kanyang kamatayan, muling pagkabuhay, at paglilingkod sa kanilang mga buhay, ay tatayo sa harapan ni Yah na parang hindi sila nagkasala.
1 “If,” awitin ni David Gates.