Sa kanyang pamamaalam na pahayag, itinuro ni Yahushua sa Kanyang mga alagad na “Habang kayo'y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita. Ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang ayaw sumampalataya ay paparusahan.” (Marcos 16:15-16, MBB05)
Ano itong Magandang Balita na kinakailangang ipangaral sa lahat ng tao?
Si Pablo, na isa sa Kanyang mga alagad na may kapangyarihang ipangaral ang mensaheng ito, ay pinagtibay na ang Magandang Balita ni Yahushua, “sapagkat ito ang kapangyarihan [ni Yahuwah] para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya.” (Roma 1:16, MBB05)
Papaano ang Magandang Balita ni Yahushua ay kumakatawan ng kapangyarihan ni Yahuwah para sa ikaliligtas ng sangkatauhan?
Ipinakita ni Pablo ang lihim: “Sapagkat ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid [ni Yahuwah] ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang itinuring na matuwid [ni Yahuwah] sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.’ ” (Roma 1:17, MBB05) Ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang ayaw sumampalataya ay paparusahan.
Pinaalalahanan tayo ni Yahushua: “Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian [ni Yahuwah] at mamuhay nang ayon sa Kanyang kalooban, at ibibigay Niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.” (Mateo 6:33, MBB05) Ipinapakita ng Magandang Balita ang paraan upang makamit ang katuwiran ni Yahuwah, at kapag nasa atin na ang katuwiran Niya, hindi tayo magkukulang ng ano man!
“Ang nakakaalam tungkol sa matuwid, sa Aki'y makinig, kayong lingkod ko na tagapag-ingat ng Aking kautusan. Hindi kayo dapat matakot sa puna ng tao, o manlupaypay man kung laitin kayo.” (Isaias 51:7, MBB05)
“Ganito ang gagawin kong kasunduan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi [ni Yahuwah]: Itatanim ko sa kanilang puso ang Aking mga utos, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip. Pagkatapos ay sinabi pa Niya, “Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan.” (Hebreo 10:16-17, MBB05)
Ang katuwiran ni Yahuwah ay ipinahayag sa Kanyang Kautusan. Sa mga matapat ay magkakaroon ng Kanyang Kautusan sa kanilang mga puso, at magkaganon nga’y magkakaroon ng kakayahang lumakad nang matuwid sa harapan Niya.
Paano natin magagawa ang mga gawa ni Yahuwah? Paano natin makakamit ang Kanyang katuwiran?
Sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang Anak.
“Kaya't siya'y tinanong nila, Ano po ang dapat naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa [ni Yahuwah]? Ito ang ipinapagawa sa inyo [ni Yahuwah], sumampalataya kayo sa sinugo Niya, tugon ni [Yahushua].” (Juan 6:28-29, MBB05)
Sa pananalig sa plano ng kaligtasan na nakatuon sa Kanyang Anak, makakamit natin ang kapangyarihan na kailangan para magawa ang Kanyang mga gawa. Sa ibang salita, matatamo natin ang kapangyarihang sumunod sa Kanyang Kautusan.
Maaari ba tayong maging makatuwiran sa harap Niya sa pamamagitan ng sarili nating mga gawa?
Hindi kailanman.“Ang itinuring na matuwid [ni Yahuwah] sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” (Roma 1:17, MBB05)
Kung sa tingin natin na ang paggawa ay may papel na ginagampanan upang makamit ang katuwiran ni Yahuwah, kung ganon nga, nagdaragdag tayo sa Kanyang Banal na Kasulatan. At binigyan Niya tayo ng maliwanag na babala na huwag magdaragdag sa Kanyang mga salita.
“Huwag mong daragdagan ang Kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka Niya bilang isang sinungaling.” (Kawikaan 30:6, MBB05)
Ang lahat ng mga kailangan ni Yahuwah upang ipagkaloob sa atin ang Kanyang katuwiran ay pananampalataya sa ebanghelyo ni Yahushua. Ang katuwiran lamang Niya ang makapagbibigay sa atin ng kakayahan o kapangyarihang sundin ang Kanyang Kautusan. Walang lugar ang ating mga sariling gawa sa Kanyang ebanghelyo.
“Lahat tayo'y naging marumi sa harapan [ni Yahuwah]; ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad. Nalanta na tayong lahat gaya ng mga dahon; tinatangay tayo ng malakas na hangin ng ating kasamaan.” (Isaias 64:6, MBB05)
Bakit binibigyang-diin ng World’s Last Chance ang may kinalaman sa lunar Sabbath at mga doktrina patungkol sa estado ng mga patay, ang isang libong taon, at iba pa. . .?
Ang pag-iingat at pag-uunawa ng mga doktrina ng Banal na Kasulatan ay sumasandig sa iisang bagay: ang pagtahan sa katuwiran ni Yahuwah, kung saan makakamit lamang sa pamamagitan ng pananampalataya sa Magandang Balita ng pagliligtas ni Yahushua.
“Hindi nagkasala si Kristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan Niya ay maging matuwid tayo sa harap [ni Yahuwah].” (2 Corinto 5:21, MBB05)
Anumang ebanghelyo na nagtuturo ng kaligtasan na makakamit sa pamamagitan ng pagdagdag ng ibang elemento sa pananampalataya ay maling ebanghelyo.
Ang pinakamahalagang balita na maaaring ipahayag sa nalalapit na pagwawakas ng kasaysayan ng daigdig ay ang katuwiran ni Yahuwah na malayang makukuha ng SINUMANG naniniwala kay Yahushua, bilang Tagapagligtas, na kayang magbigay ng kakayahan sa atin na sumunod sa Kanyang Kautusan BAWAT ORAS, kapag naibigay natin ng lubos ang ating mga buhay sa Kanya.
Hindi natin iniingatan o sinusunod ang Kautusan para maligtas; pinapanatili natin ang Kautusan sapagkat tayo ay ligtas! HalleluYAH!
Kapag pinapanatili natin ang Kautusan ni Yahuwah sa pamamagitan ng Kanyang mapagbigay na biyaya, tayo ngayon ay minamasdan nang mabuti bilang banal o makatuwiran, sapgkat ang Kanyang Kautusan ay maaninag sa Kanyang katuwiran o kabanalan. Ito ang pinakadiwa ng Ebanghelyo, ang pinakamabuting balita na maaaring ibigay sa nasisirang daigdig sa mga huling araw nito.
Kaya hindi nakapagtataka kung ipahayag ni Pablo ng napakaligaya:
“Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita [ni Yahushua], sapagkat ito ang kapangyarihan [ni Yahuwah] para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Hudyo at gayundin sa mga Griyego. Sapagkat ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid [ni Yahuwah] ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang itinuring na matuwid [ni Yahuwah] sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.’ “ (Roma 1:16-17, MBB05)