Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang mga lider ng sinaunang mundo ay mas umaasa kaysa sa mga kasalukuyang namumuno sa delegasyon. Bagama’t walang sinuman ang maaaring pisikal na naroroon sa maraming lugar nang sabay-sabay upang gumawa ng trabaho sa personal, posible na ngayon na kunin ang telepono, magpadala ng email o magsagawa ng kumperensyang tawag. Salamat sa teknolohiya ng impormasyon, ang mga katanungan, kasagutan, pagbabago at pagpapasya ay maaari nang maglakbay nang napakalayong distansya sa agarang sandali.
Hindi ganito sa panahong nakalipas. Upang kontrolin ang isang organisasyon noon, ang mga ahente ay kailangang-kailangan. Ang mga pinaka pinagkatiwalaang indibidwal ay kailangan na maaaring ikomisyon at ipadala sa malayong rehiyon upang isagawa ang tungkulin sa ngalan ng kanilang panginoon.
Ilagay ang iyong sarili sa sapatos ng isang hari o mangangalakal na magpapadala ng isa sa iyong mga alagad upang makipagnegosasyon sa isang magulong kasunduan o kontrata sa isang bahagi ng mundo kung saan walang paraan na mapapanatili ang karaniwang ugnayan sa kanila. Batay sa kung gaano kalayo ang kanilang lalakbayin, maaaring ilang araw, ilang linggo, o maging ilang buwan para sa isang mensahe mula sa kanila na babalik sa iyo. Ang panginoon ay hindi malalaman ang kinalalabasan ng misyon hanggang ang bagay ay natapos na.
Bilang kahihinatnan nito, para makamit ang isang bagay sa anumang antas ng kahusayan, ang ahente ay binigyan ng sapat na kapangyarihan ng awtoridad ng kanyang panginoon upang makagawa ng pasya “sa lagay na iyon,” doon at pagkatapos, sa pangyayari na hindi inaasahan ay dapat na itaas. Ang nauugnay na mga tao, ito man ay mga hukbo, mga opisyal ng pananalapi o mababang ranggo na legado, ay dapat na makipagtulungan sa mga utos ng ahente, na parang tinig ng hari mismo ang nagsasalita sa kanila! Hindi pagpipilian ang pangalawang hula.
Ito’y may epekto sa paraan ng naiisip ng tao at, bilang kahihinatnan, ang wika na ginamit nila. Ang kaparehong tuntunin ng ahensya ay nagpapatuloy hanggang ngayon. Narinig mo ba ang mga nakabasa ng balita na pinag-uusapan na si Bush ay makikidigma kay Saddam? Subalit, sa kabila ng isang matigas na usapan, si Bush ay ligtas na nasa Washington at si Saddam ay nagtatago sa kanyang lungga! Sila’y hindi nagtagpo nang personal. Sa halip, sila’y nagpadala ng kani-kanilang mga anak ng bayan upang gawin ang labanan sa kanilang ngalan.
Gaano kahalaga ang lahat ng ito sa pagkakaunawa ng Banal na Kasulatan? Maaari tayong matuto ng isang mamahaling aral mula sa pinaka hindi siguradong tao — isang tao na pinuri ni Yahushua dahil sa kanyang dakilang pananampalataya. Siya ay, sa lahat ng bagay na itinuring, talagang walang katiyakang makakakuha ng anumang katibayan mula sa Mesias ng mga Hudyo, siya’y nasa paglilingkod ng kapangyarihang sumasakop at isang Romanong senturyon sa panahong iyon! Subalit ipinahayag ni Yahushua na ang pananalig ng taong ito ay walang kapareho, maging sa buong Israel. Tunay na isang papuri!
Siya ay umapela kay Yahushua na pagalingin ang kanyang alipin. Wala namang kakaiba rito. Ang nagpagalak kay Yahushua nang lubos rito ay ang makatuwirang paliwanag na ibinigay niya na nagpatong ng kanyang pakiusap. Sumagot ang senturyon, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na papuntahin kayo sa ilalim ng aking bubungan. Sapat na pong bumigkas kayo ng salita at gagaling na ang aking lingkod.” Sa anong batayan siya dumating upang paniwalaan na ang salita n Yahushua ay dala ang napakadakilang awtoridad? Tumungo siya sa pagpapaliwanag: “Ako man ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, at may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at humahayo nga siya. Sinasabi ko naman sa iba, ‘Lumapit ka,’ at lumalapit nga siya. Sa aking utusan, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya” (Mateo 8:8-10).
Sumagot ang senturyon, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na papuntahin kayo sa ilalim ng aking bubungan. Sapat na pong bumigkas kayo ng salita at gagaling na ang aking lingkod.” Sa anong batayan siya dumating upang paniwalaan na ang salita n Yahushua ay dala ang napakadakilang awtoridad? Tumungo siya sa pagpapaliwanag: “Ako man ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, at may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at humahayo nga siya. Sinasabi ko naman sa iba, ‘Lumapit ka,’ at lumalapit nga siya. Sa aking utusan, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya” (Mateo 8:8-10).
|
Kung mayroong isang bagay na nauunawaan ng indibidwal na ito nang mabuti, ito ay ang tuntunin ng delegadong awtoridad. Kinuha niya lamang ang nalalaman niya mula sa karanasan at ginamit ito kay Yahushua at ang Panginoon ay namangha! Ang senturyon ay ilang lansangan ang kalamangan mula sa mga awtoridad ng relihiyon.
Ang kanyang dakilang pananampalataya ay batay sa katunayan na kinilala niya ang isang pagkakapareho ng kanyang relasyon sa kanyang emperador at relasyon ni Yahushua sa kanyang Diyos. Siya at si Yahushua ay mga tao na ang awtoridad ay nanggaling sa kanilang pagsunod sa kani-kanilang panginoon. Sapagkat hangad nila ang adyenda ng kani-kanilang panginoon at hindi ang personal na adyenda, sila’y binigyan ng kapangyarihan na kumilos sa kanilang ngalan. Sa ibang salita, ang isang tao na itinaguyod sa isang lugar kung saan may kapangyarihan sila sa iba hanggang sa saklaw na sila’y nasa ilalim ng awtoridad ng kani-kanilang panginoon. Walang sinuman sa kanyang tamang kaisipan na binigyan ng kapangyarihan ang hindi maaaring pagkatiwalaan para isulong ang adyenda ng kanyang amo. Ang senturyon ay malinaw na naiugnay ang espiritwal na dinamika ni Yahushua sa kanyang sukdulang dedikasyon sa kalooban ng Ama.
Malamang ang senturyon ay narinig rin ang usapan kung paano inangkin ni Yahushua na kumilos sa ngalan ng Ama, na sa sinaunang mundo ay nangahulugan na eksaktong kaparehong bagay gaya ng pagsasagawa ng trabaho bilang isang isinugong ahente (isang shaliach). Anong nalalaman natin ay ang nakita niya kay Yahushua na isang awtoridad mula kay Yahuwah na may pwersa o kapangyarihan na palayasin ang sakit at mga diyablo sa pariralang “Humayo ka” at para tawagin ang hininga ng buhay pabalik sa walang buhay na katawan.
Ang pananalig kay Yahuwah ay tila palaging nakabatay sa pagtukoy sa Kanyang mga tunay na ahente at naaayon na pagsunod sa kanila. Ito ang tanging matalinong polisiya para sa ating lahat.
Ito ay ang tungkulin ni Moises bago niya iniharap ang sarili niya sa mga matatanda ng Israel sa Exodo 4 na dapat maunawaan nila na ang Diyos ng Israel ang nagsugo sa kanya. Ganon din si Elias sa 1 Mga Hari 18:36. Pansinin ang mga salita ni Yahushua sa libingan ni Lazaro sa Juan 11:41-42. Siya’y nanalangin, “Ama, salamat dahil dininig mo ako. Alam kong lagi mo akong pinakikinggan, ngunit sinabi ko ito para sa mga taong nakatayo rito, upang sila'y maniwala na isinugo mo ako” — upang malaman nila at maunawaan na ako ang iyong natatanging kinomisyong ahente.
Kung nais mong ilarawan ang ganoong tao sa isang maka-Hudyong paraan ay sasabihin mong sila’y “nilangisan.” Karamihan sa mga tao ay pinili ang terminong “pinahiran” dahil ang tunog nito’y mas sopistikado at mas malinis. Ngunit sa buong Hebreong Bibliya, kung kailan si Yahuwah ay nagtakda ng isang tao bilang isang ahente upang tuparin ang partikular na layunin, mamuno man sa Kanyang bayan bilang isang hari, mamagitan bilang isang saserdote, o maging patnyarka gaya ni Abraham, ang sasabihin ay isang “pinahiran” o mesias (tingnan ang Awit 105:15). Habang ang panahon ay sumusulong at ang Israel ay lumaki sa kaalaman ng plano ni Yahuwah, dumating sila sa pag-asa na may sukdulang ahente si Yahuwah na lilitaw, sukdulang binigyan ng kapangyarihan at sukdulan sa pagkamasunurin. Tinukoy nila ang indibidwal na ito, sapat sa katamtaman, bilang “ang Mesias.”
Ibinuod ni N.T. Wright ang kanilang inaasahan: “Malinaw na kung kailan nagpapakita ang Mesias, at kung sinuman ito, siya ay magiging ahente ng Diyos ng Israel. Ito ay dapat na malinaw na nakikilala mula sa anumang pagpapahiwatig na siya sa sarili niya ay isang transendenteng anyo, umiiral sa isang talulikas na moda bago gumawa ng kanyang paglitaw sa puwang at panahon” (Wright, The New Testament and the People of God, p. 320).
Ito ang tumitibok na puso ng ano ang kahulugan para maniwala na si Yahushua ay ang Mesias at dahil dito ang pinagmulan ng pananampalataya ng Bagong Tipan. Lahat ng ating pakikitungo kay Yahuwah at lahat ng pakikitungo ni Yahuwah sa atin ay pinagitan ng isang “awtorisadong mangangalakal” ng mga espiritwal na bagay, ang taong pinagtibay ni Yahuwah, si Yahushua ng Nazaret. Ang pagkapayak ng ating kredo, na naiiba mula sa nakakatindig-balahibong kaguluhan ng nahuling Trinitaryanismo, na tunay na sumira sa tuntunin ng ahensya, ay angkop na ulitin. Nawa'y ang ating mga anak ay hindi makalimutan na “Iisa ang Diyos at iisa ang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Yahushua” (1 Timoteo 2:5).
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Alex Hall (Focus on the Kingdom, Volume 8, No. 10, July, 2006)
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC