8 Kinakailangang Sandata sa Giyera Kontra Pagkakasalang Sekswal
Ito ang Natatanging Panahon upang Lubos na Makitungo sa mga Pagkakasalang Sekswal. Malapit nang magsara ang probasyon. Magiging pinakahangal para sa mga Kristyano ngayon na hindi gamitin ang lahat ng mayroong sandata sa kanilang digmaan laban sa sekswal na imoralidad.
Kailangan natin maging sukdulan sa pakikitungo sa sekswal na imoralidad sa mga natitirang sandali ng malayang panahon. Itinaguyod ni Satanas ang pinakamabangis na digmaan laban sa hinirang na bayan ni Yahuwah upang masiguro na sila’y nananatiling alipin sa pornograpiya at sekswal na imoralidad. Kami’y pinaalahanan ng Kanyang salita na sinumang gumagawa ng mga pagkakasalang sekswal ay parurusahan (1 Corinto 6:9-10; Galacia 5:19-21). Sa World’s Last Chance, kami ay ganap na may kamalayan sa ganitong uri ng hindi humuhupang digmaan na itinaguyod ni Satanas laban sa bayan ni Yahuwah sa lugar na ito, sa buong mundo. Gayunman, walang sinumang dapat na maramdamang walang lakas o walang magawang tulong sa digmaang ito. Purihin ang Kanyang Pangalan para sa katunayang ito.
Dapat tayong maging sukdulan sa ating mga sagupaan at nagnanais na gamitin |
Kailangang malayo ang marating sa ating labanan at pagkasabik na gamitin ang bawat sandata na ibinigay ng Langit sa atin upang mapagtagumpayan ang sekswal na imoralidad. Nagbabala si Yahushua, “Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay.” (Mateo 18:8, MBB). Ang ating Nakatatandang Kapatid, Yahushua, ay pinamunuan tayo na maging pinaka-rebolusyonaryo sa pakikitungo sa kasalanan, iyon ay maging sabik na gawin ang lahat upang mapagtagumpayan ang hindi humuhupang digmaang ito.
Patungo sa tagumpay na iyon, nais naming ibahagi ang listahan ng 8 sandata na kailangang gamitin ng bawat Kristyano na isang adik sa anumang uri ng sekswal na imorlidad. Hindi namin inilista ang mga ito sa anumang espesyal na pagkakaayos. Lahat ng ito’y kailangan na ipatupad nang seryoso at sabay-sabay para masiguro ang permanente at pangmatagalang tagumpay, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala:
Sandata #1: Simulan sa Pagbahagi ng Iyong Karanasan ng Pagkagumon.
Ito ay laging mahirap, sapagkat ang sekswal na pagkagumon ay kahiya-hiya, at ang mga biktima ay madalas mabigat ang loob na ibahagi ang kahihiyang ito sa ibang tao. Gayunman, ang pagbahagi ng iyong kwento sa ibang tao ay tutungo sa mahabang paglayo sa pagkagumon. Ang Alcoholics Anonymous sa mahabang panahon ay nauunawaan ang kahalagahan ng pagbabahagi ng isang kwento ng pagkagumon, at kanilang hinihimok ang bawat isang naghahanap ng kalayaan mula sa pagkagumon na ibahagi ang kanilang istorya.
Ang Biblikal na alituntunin para sa epektibong sandatang ito ay makikita sa Santiago 5:16: “Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.”
Habang ang iba’y maaaring gamitin ang naturang berso upang ipagtapat ang kasalanan ng isa’t-isa, ipinaliwanag ni Calvin ang kanyang ibang pagkakaunawa ng bersong ito sa sumusunod na teksto:
“Marami dahil dito, naiisip na si Santiago ay itinuturo nito ang paraan ng pagkakasundo ng magkapatid, iyon ay, sa pamamagitan ng pag-amin ng mga kasalanan. Ngunit habang ito’y sinabi, ang kanyang [Santiago] bagay ay iba; sapagkat kanyang iniuugnay ang tugunang panalangin sa tugunang pagtatapat na makakatulong sa gawang ito, na tayo’y matulungan . . . [ni Yahuwah] sa mga panalangin ng ating mga kapatid;sapagkat nalalaman nila ang ating mga pangangailangan, ay pasiglahin na manalangin na tayo’y tulungan; ngunit sila para kanino ang ating mga sakit ay hindi nalalaman ay mas mabagal na dalhan tayo ng tulong.” (https://www.studylight.org/commentary/james/5-16.html)
Apela ng WLC: Talunin ang iyong kahihiyan at ibahagi ang iyong karanasan sa isa o maraming mong pinagkakatiwalaan, upang sila’y sumama sa iyong mabungang panalangin. Kailangan mo ang bawat posibleng tulong sa iyong laban kontra sekswal na pagkagumon, at ang sandatang ito ay sinisigurado ang ibang mapagkakatiwalaang kasama na sasamahan ka sa kanilang maalab na mga panalangin.
Sandata #2: Palitan ang Kapaligiran na Humahantong Sa’Yo sa Tukso.
Ikansela ang anumang bayad na TV channel, itapon ang video store cards, iwasan maging mag-isa araw man o gabi, i-block ang pornograpiya sa iyong computer, alisin ang mga suskripsyon sa iyong kahina-hinalang website o pahayagan. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga hakbang na dapat mong gawin. Bawat pagkagumon sa pornograpiya ay dapat matanggal mula sa pang-araw-araw na karaniwang gawain sa lahat ng lugar ng kahinaan at tukso. Kailangan mong maging sukdulang aktibo sa pagputol sa lahat ng kalagayan na nag-aambag sa iyong sekswal na pagkagumon, at kung saan inaatake ka ni Satanas. Basahing mabuti ang sumusunod na paunawa mula sa ating modelong dapat tularan, ating Panginoong Yahushua:
“Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso. Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.” (Mateo 5:27-30, MBB)
Maging walang humpay sa pakikitungo sa iyong gumagambalang kasalanan ng sekswal na pagkagumon. Ikaw ay lumalaban para sa iyong buhay at ang iyong walang hanggang tadhana ay nakataya. Mayroong impyerno na dapat iwasan at Langit na dapat mapagtagumpayan.
|
“Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya'y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin. Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito. Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na walang hanggan na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay. Kung ang mata mo naman ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na walang hanggan na bulag ang isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno.” (Mateo 18:6-9, MBB)
Apela ng WLC: Maging walang humpay sa pakikitungo sa iyong gumagambalang kasalanan ng sekswal na pagkagumon. Ikaw ay lumalaban para sa iyong buhay at ang iyong walang hanggang tadhana ay nakataya. Mayroong impyerno na dapat iwasan at Langit na dapat mapagtagumpayan. Hindi mo gagamitin ang bawat sandata sa iyong laban ng lahat ng labanan kay Satanas at kanyang mga masasamang anghel, habang si Yahushua ay nananatili sa Pinakabanal na Lugar? Muling ayusin ang iyong pang-araw-araw na karaniwang gawain at lumayo sa mga lugar kung saan ikaw ay sumusuko sa tukso, at iwasan maging mag-isa ano pa man ang maging kapalit.
Sandata #3: Masigasig na Depensahan ang Pasukan ng Iyong Mata
Matutunan mula sa matuwid na si Job, kung paano didepensahan ang pasukan ng iyong mga mata.
“Ako'y taimtim na nangako sa aking sarili, na di titingin nang may pagnanasa sa ibang babae.” (Job 31:1, MBB)
Bawat sumusunod kay Yahuwah ay kailangang gumawa ng kasunduan sa kanilang mga mata, at nanunumpa kay Yahuwah na ang kanilang mga mata ay hindi malihis sa sinuman nang may pagnanasa. Ang tipan na ito ay kailangang ulitin bawat oras ng araw, hanggang ang mata ay disiplinado nang maayos. Ito ay magiging isang tunay na labanan na maayos na sanayin ang mata, sapagkat ang mata ay pinakasuwail sa paksang ito at laging handang malihis sa pagnanasa sa ibang kasarian. Kung si Job, ang matuwid, gumawa ng kasunduan sa kanyang mga mata, dapat rin ba ang mga sumusunod kay Yahuwah ngayon ay gumawa din ng kaparehong tipan?
Apela ng WLC: Huwag tumigil sa iyong walang humpay na mga pagsisikap na sanayin ang iyong mga mata na hindi titingin nang may pagnanasa sa sinuman lalo na sa babae. Kahit na gaano pa katagal ang pagsasanay na ito, patuloy na humingi ng banal na tulong sa ganap na determinasyon na makamit ang layuning maging makabagong Job, ukol sa pagdidisiplina ng iyong mga mata.
Sandata #4: Tanggihan ang Paanyaya ni Satanas sa Kasalanan sa Pagsigaw ng Salitang “HINDI!” sa Tukso.
Kapag sinubukan ni Satanas na ika’y tuksuhin, tanggihang ang ganung paanyaya sa pagsigaw ng salitang “HINDI” sa kanyang mukha. Huwag mag-alala anumang iniisip ng ibang tao sa paligid mo kapag narinig nilang sumigaw ka ng “HINDI.” Ang kusang-loob na makadiwang pananalita sa parte mo ay pupurihin ng Langit, at isang anghel ay agad madiktahang dumating sa iyong tulong. Narito ang pinaaalahanan ni Pablo sa atin tungkol sa ating tungkulin ng pagsigaw ng salitang “HINDI” bawat oras na tayo’y matutukso:
“Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob [ni Yahuwah] na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at mamuhay tayo sa daigdig na ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at karapat-dapat [kay Yahuwah].” (Tito 2:11-12, MBB)
Apela ng WLC: Bakit hindi mo nais ang Langit na magpadala ng anghel na tutulong sa iyo kapag ikaw ay natutukso? Kapag sinigaw mo ang salitang “HINDI” sa tukso ni Satanas, makakakita ka agad ng katuparan ng natatanging pangakong ito: “Anghel ang siyang bantay sa may takot [kay Yahuwah], sa mga panganib, sila'y kinukupkop.” (Mga Awit 34:7, MBB)
Sandata #5: Buksan ang Iyong Sarili sa Ibang Tao.
Ito ay lubos na makapangyarihang sandata sa sagupaan ng buhay at kamatayan laban sa sekswal na imoralidad at ito’y konektado sa unang sandata. Napakahalaga na humanap ng ibang tao na iyong magiging kasangga sa iyong laban at sinuman na ikaw ay bukas. Upang maging bukas sa mga mapagkakatiwalaang ito ibig sabihin sa una’y ibahagi mo ang iyong kahinaan sa kanila, at makiusap sa kanila na manalangin para sa iyong tiyak na kailangan. Ibig sabihin nito’y ikaw ay bahala sa kanila kapag ika’y nabigo, at maipapaliwanag mo sa kanila ang mga dahilan ng iyong pagkukulang sa bawat oras na ika’y mabibigo. Dapat kang magtapat kapag hindi mo napanatili ang mga pangako mo sa kanila, o hindi mamalagi sa kanilang lupon. Sa Bibliya, nahanap namin ang saligan para sa makapangyarihang sandatang ito sa Mangangaral 4:9-12:
Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal. Kung malamig ang panahon, maaari silang magtabi sa higaan upang parehong mainitan. Ngunit saan siya kukuha ng init kung nag-iisa siya? Kung ang nag-iisa'y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot. (Mangangaral 4:9-12, MBB)
Isa pa, ang kaparehong tema ay naulit sa Santiago 5:14-15:
Ang sekswal na imoralidad ay walang katapusang mas seryoso at mas nakamamatay na sakit kaysa sa pinakamalalang pisikal na karamdaman. Ang pisikal na karamdaman ay maaaring humantong sa pagkawasak ng katawan at sa huli’y kamatayan ng katawan. Subalit kung sekswal na imoralidad ay pinahintulutan na wala nang lunas, hahantong ito sa pagkawasak ng katawan at kaluluwa.
|
May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin [ni Yahuwah] ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. (Santiago 5:14-15, MBB)
Ang sekswal na imoralidad ay walang katapusang mas seryoso at mas nakamamatay na sakit kaysa sa pinakamalalang pisikal na karamdaman. Ang pisikal na karamdaman ay maaaring humantong sa pagkawasak ng katawan at sa huli’y kamatayan ng katawan. Subalit kung sekswal na imoralidad ay pinahintulutan na wala nang lunas, hahantong ito sa pagkawasak ng katawan at kaluluwa. Kaya, kapag tayo’y nagkasakit nang seryoso at nangangailangan ng paggaling, tayo ay ipinayo ni Santiago na hanapin ang tulong ng ekklesia upang manalangin sa atin. Gaano pa kalaki ang tulong na kailangan ng isang adik sa sekswalidad mula sa ibang mapagkakatiwalaang sumusunod kay Yahuwah kapag lumalaban sa mga pagkakasalang sekswal?
Ang pagiging bukas-palad sa Ama sa pamamagitan ng mga mapagkakatiwalaang kaibigan, sa pagtutuos laban sa sekswal na imoralidad, ay makakamit ang mga sumusunod na benepisyo:
- Matutulungan tayo nitong maging sigurado na mahal tayo ng iba ano pa man ang ating mga kahinaan.
- Matutulungan tayo nito na pasiglahin ang diwa ng pagpapatawad tungo sa nagkasala laban sa atin.
- Babawasan nito ang ating pagnanasa at mga makasalanang mithiin.
- Matutulungan tayo nitong pagalingin nang mabilis mula sa mga sugat ng ating nakaraang pagkabigo.
- Matutulungan tayo na maging mas mapagmahal, katapatang-loob, at matiyaga sa ating asawa at mga kaibigan.
- Matutulungan tayong pigilang kumparahin ang pagtatalik sa pag-ibig at katuparan ng kaluluwa.
- Matutulungan tayong maging mas mabuting mga magulang.
Apela ng WLC: Huwag nang mag-atubiling maghanap ng isa o maraming mapagkakatiwalaang kaibigan sa’yo na babahagian mo ng iyong mga sagupaan, at sa pamamagitan nito’y ikaw ay magiging bukas sa ating Ama na si Yahuwah. Ibinigay na ang adik sa sekswal ay nagbabantulot na magbukas-palad sa iba. Subalit sa labanang ito ng buhay at kamatayan, ang adik sa sekswal ay hindi dapat mag-atubili na gamitin ang lahat ng mga sandata na mayroon. Malapit na, bawat nakatagong lihim ay darating sa liwanag (Tingnan ang Lucas 8:17). Hindi ba magiging matalino na gamitin ang makapangyarihang sandatang ito at makamit ang tulong kaysa sa itago ito hanggang sa maisapubliko ang ating landas sa impyerno? Isang kahangalan na itago ang ating sekswal na imoralidad at tanggihan ang tulong na mayroon sa kapanganiban ng ating mga kaluluwa.
Sandata #6: Humingi ng Payo. Humingi ng Payo. Humingi ng Payo.
Ang Bibliya ay sagana sa mga tagubilin tungkol sa kahalagahan ng paghingi ng payo mula sa iba. Narito ang mga berso ng Bibliya na nagtataguyod sa paksang ito:
“Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.” (Kawikaan 11:14, MBB)
“Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.” (Kawikaan 15:22, MBB)
“Ang mabuting payo ay kailangan para magtagumpay; kung hindi ka handa huwag nang pumalaot sa labanan.” (Kawikaan 20:18, MBB)
“Ang digmaa'y naipagtatagumpay dahil sa mahusay na pagpaplano sapagkat ang tagumpay ay bunga ng mabuting payo.” (Kawikaan 24:6, MBB)
Ito ay isang signos ng kalakasan at hindi ng kahinaan kapag ang adik sa sekswal ay binigyan ng payo ng isang Kristyanong tagapayo, o ng nakatatandang Kristyano.
Apela ng WLC: Kapag tayo’y nahaharap sa seryosong pisikal na karamdaman, tumutungo tayo sa doktor ng mediko para sa tulong at gabay. At tayo’y madalas siyasatin nang higit pa sa isang espesyalista upang linawin ang pagsusuring ibinigay ay tama. Maaari bang ang sumusunod kay Yahushua, na naghihirap mula sa nakamamatay na sakit ng sekswal na imoralidad, ay maging kulang sa pagkamasigasig sa paghingi ng payo mula sa mga taong may takot kay Yahuwah? Magiging isang kahangalan kung hindi hihingi ng tulong, tanggihang humingi ng payo ay salungat sa paalala ng Ama na si Yahuwah, na nakabalangkas sa mga bersong iyon. Isa pa, kami’y nananawagan sa mga adik sa sekswal na humingi ng tulong, at madaling hanapin ito.
Sandata #7: Gugulin ang Kapangyarihan sa Pangalan ni Yahushua kapag Natutukso.
Mayroong walang-hanggang kapangyarihang matatagpuan sa ngalan ni Yahushua, ating Panginoon. Kapag natutukso ni Satanas, malakas na isigaw ang pangalan ni Yahushua.
Tayo ay pinangakuan ng walang iba kundi si Yahushua Mismo na kapag tayo’y humiling ng anumang bagay sa Kanyang pangalan, matatanggap natin ito.
“Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa Akin ay makakagawa ng mga ginagawa Ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na Ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa pangalan Ko ay gagawin Ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan Ko, ito ay Aking gagawin.” (Juan 14:12-14, MBB)
Kapag ang adik sa sekswal ay natukso, kapag sinabi niya ang mga saliutang ito, “Tulungan mo ako, Yahushua”, naniniwalang mayroong kapangyarihan sa Kanyang pangalan, ang kapangyarihan ng tukso ay agad maglalaho. Oo, mayroong hindi mailarawang kapangyarihan sa pagtataas ng Kanyang pangalan na nagwawasak ng kadiliman at nagpapaalis kay Satanas at mga masasamang espiritu.
“Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng inyong banal na Lingkod na si [Yahushua] ay makagawa kami ng mga himala.” (Mga Gawa 4:30, MBB)
Apela ng WLC: Kapag natukso, huwag mag-atubiling isigaw nang malakas, “Yahushua, tulungan mo ako” na labanan ang tukso, at kunin ang pangakong “Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo” (Filipos 4:13, MBB). Walang panunuksong hindi maaaring mapagtagumpayan kung tiwala kang tumatawag sa Kanyang pangalan. Sanayin ang sarili na laging tumawag sa Kanyang pangalan kapag natukso, at ang inaasahang tulong ay darating para sa iyo.
Sandata #8: Magsaulo ng Talaan ng mga Kasulatan na Gamitin Bawat Oras na Ikaw ay Natutukso.
Narito ang payo ni David bilang taguyod sa makapangyarihang sandatang ito:
“Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan. Buong puso ang hangad kong sambahin ka't paglingkuran, huwag mo akong hahayaang sa utos mo ay sumuway. Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.” (Mga Awit 119:9-11, MBB)
Wala na dapat oras na maantala. Ang probasyon ay malapit nang magsara, at kailangan mo ang lahat ng tulong na dapat mong tipunin upang mapagtagumpayan ang lahat ng klase ng sekswal na imoralidad. Nananatili ang Langit at mas handang tumulong, ngunit ipakita mo ang iyong kahandaan at pagkukusa na itaguyod ang digmaan. Darating ang banal na tulong sa sinumang nagkukusang dapat tulungan.
|
Apela ng WLC: Simulan na ngayon sa paggawa ng sarili mong listahan ng mga paboritong berso ng Bibliya na sasauluhin at papanatiling ulitin araw-araw, lalo sa sandaling natutukso. Habang may kapangyarihang makukuha mula sa pagbigkas ng pangalan ni Yahushua, mayroon ding kapangyarihang makukuha mula sa pagsasaulo ng mga Kasulatan. Matapos ang lahat, hindi pa ba ito kung paano hinarap mismo ni Yahushua ang mga tukso ni Satanas?
Bilang Paglalahat:
Hinihimok namin ang lahat ng bayan ni Yah na lumalaban sa anumang klase ng sekswal na pagkagumon na agad simulang gamitin ang walong alituntuning ito. Kapag mga sandatang ito ay sama-samang nagamit, tutungo sila sa pangmatagalang tagumpay sa lahat ng klase ng sekswal na imoralidad, kung saan sumasalot sa karamihan sa Kanyang mga tagasunod ngayon. Huwag pumili ng isa mula sa mga nakalistang mga sandata. Kapag ikaw ay lumaban para sa iyong buhay at buhay ng iyong pamilyang naghihirap, tandaan na bawat nakalistang sandata ay gagawa ng papel na pahinain ang mga tukso at makamit mo ang pangmatagalang tagumpay. Wala na dapat oras na maantala. Ang probasyon ay malapit nang magsara, at kailangan mo ang lahat ng tulong na dapat mong tipunin upang mapagtagumpayan ang lahat ng klase ng sekswal na imoralidad. Nananatili ang Langit at mas handang tumulong, ngunit ipakita mo ang iyong kahandaan at pagkukusa na itaguyod ang digmaan. Darating ang banal na tulong sa sinumang nagkukusang dapat tulungan.
Sa WLC, nanalangin kami sa bawat lalaki at babae na nasa mga sagupaang ito, at nananalangin din kami na ang banal na karunungan ay magiging gantimpala sa mga apektadong mag-asawa, kapatid, mga anak, mga magulang, at iba pang kasapi ng pamilya para sila’y mabigyan ng kinakailangang suporta at pang-unawa.
Nawa ang Amang Yahuwah ay lumiwanag ang Kanyang Banal na Mukha sa ating lahat, habang tayo’y naninindigang maging katulad ni Yahushua. Amen.