Higit pa sa pinakadakilang pag-ibig na nalalaman ng buong mundo, ito ang pag-ibig na ibibigay ko sa iyo nang mag-isa.
- Nino Oliviero
Ang pananabik na itangi, pahalagahan at pasalamatan ay saligan sa bawat nabubuhay na kaluluwa. Karamihan ay nagmamasid para sa kahulugan ng pagkayari at katuparan sa kapares. Maging ang kapares na iyon ay isang “kasama sa buhay” ng kaparehong kasarian, isang kuwerdas ng abal-abal nang walang pangmatagalang pangako, o isang relasyon kasama ang isang kasapi ng kaparehong kasarian, ang tindi sa likod ng lahat ng ganung mga relasyon ay pagnanais na hanapin ang sinuman na tunay na tumatanggap, nagmamahal at nagpapahalaga ng isa para sa kanyang sarili.
Ang mga pelikula, mga nobela, at mga sikat na musika ay nag-ambag lahat sa paniniwala na maliban kung ika’y kasama sa “pag-ibig ng iyong buhay,” ikaw ay kulang at, dahil dito, walang kakayahan ng tunay na kaligayahan. Ang mga awit gaya ng “How Am I Supposed to Live Without You”1 “I’m Saving All My Love (For You),”2 “Endless Love”3 at marami pang ibang tampulan sa “romantikong pag-ibig.” Maraming kawan ng tao ay tumungo na maniwala na kapag sila’y walang kapares na magdudulot sa kanilang maramdaman ang lahat ay gugulin para sa kanila, magiliw na damdaming ipinahayag sa awit, ang kanilang buhay sa anumang paraan ay nagkukulang. Ang ganitong mga pakiramdam ay mas lalong matindi sa mga nagsosolo o nag-iisa.
Ang pagnanais na ito para sa pag-iisa kasama ang isa pa na nakakaunawa, nagmamahal at tumatanggap sa iyo maging sino at ano ka man (gayon din ang sino at ano ang hindi ka!) ay ipinunla ng Manlilikha mismo. Ito ay isang napakahalagang bahagi ng pagiging tunay na masaya at kontento dahil tayo ay nilikha sa pangangailangan na magkaroon ng relasyon sa isa pang tao. Ang problema ay, si Satanas ay pinangunahan ang karamihan na hanapin ang relasyong iyon sa maling lugar, sa maling “kapwa.”
Ang apostol na si Pablo ay malinaw na binalaanan laban sa ganung pagkakamali:
“Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon kay [Yahushua]. Sapagkat ang buong kalikasan ng [Eloah] ay na Kay [Yahushua] sa Kanyang pagiging tao. Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Kanya, na Siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala.” (Colosas 2:8-10, MBB)
Para maging “kumpleto” ay ibig sabihin ang iyong mga pangangailangan at pagnanais ay ganap at lubos na masiyahan. Ang pagiging kumpleto ay anumang inaasam ng lahat. Ayon sa Banal na Kasulatan, gayunman, anumang paniniwala o pagtuturo na magdudulot sa iyo na maniwala na mahahanap mo ang pagkayari at katuparan sa sinuman, maliban sa Tagapagligtas, ay isang “tradisyon ng mga tao,” puno ng “walang kabuluhang karunungan” at “pandaraya” sa iyo.
Ang katunayan ay, tanging si Yahushua ang maaaring magtugon sa nasasabik na puso para sa pagmamahal, pagtanggap at pang-unawa sa sinuman. Ang natatanging nakapapawing balsamo para sa kalungkutang naranasan ng bawat isa (solo man o may asawa) ay isang malapit, matalik na relasyon kasama Siya.
Napakahirap para sa tao na tanggapin ang simple ngunit makapangyarihang katotohanang ito. Bakit? Dahil ang walang kabuluhang kaisipan ng mundo ay nilusob ang bawat aspeto ng pagtuturo, maging ang espiritwal na aspeto. Ang mga kaisipang ito ay napakalakas sapagkat nagmula sa ama ng kasinungalingan (Satanas). Naging tanyag ang mga ito dahil ang mga kasinungalingan ni Satanas ay nananawagan sa ating karaniwang (pantaong) pangangatwiran, mga damdamin, at mga pagnanais. Ang espiritwal na katotohanan ay walang kalamangan nito. Sa 1 Corinto 2:14, tayo ay sinabihan na:
Sapagkat ang taong hindi nagtataglay ng Espiritu ay hindi kayang tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng [Eloah]: Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espiritwal.
Ang espiritwal na katotohanan ay tila hangal sa ating karaniwang mga kaisipan dahil ito ay sukdulang iba mula sa mga walang kabuluhang kaisipan at mga tradisyonal na pagtuturo ng mundong ito. Mas makahulugan o makapangyarihan na katotohanan, ito ang mas sukdulan na lumayo mula sa mga pagtuturo at mga kaisipan ng mundong ito, at tila mas hangal ang katotohanang ito sa ating mga karaniwang kaisipan.4
KABALINTUNAAN: isang pahayag o paksa sa pagtatalo na parang pagsasalungatang panloob o walang katotohanan subalit sa katunayan ay nagpapahiwatig ng posibleng katotohanan. |
Ang lipunan at ang popular na media ay parehong nag-ambag sa paniniwalang kung walang kapares, ang ganung katuparan ay imposibleng maranasan. Ang pananabik sa pag-iisa sa isa pang tao ay nagdudulot sa mga solo na mag-atubiling hanapin ang katuparan sa kanilang Manlilikha. Tayo ay naging lubos na naturuan sa paniniwala na ang pagkayari ay maaari lamang na mula sa isa pang tao, na marami ang natatakot sa isang matalik na relasyon kay Yahuwah ay hindi maaaring matugunan ang lahat ng pangangailangang hinaharap ng mga nagsosolo sa buhay. Gayunman, tila ito’y isang pasalungat, ipinapakita ng Kasulatan na tangi lamang ang Manlilikha ang may kakayahang bigyan ng katuparan ang bawat lugar ng isang nabubuhay.
Ang mga solo ay nasasabik para sa pagkayari at pag-iisa sa isa pang tao ay makikita ito sa kaparehong lugar na mahahanap din ng mga taong may asawa na: kay Yahuwah lamang. Ito ay mahirap sa karamihan na maunawaan at gayunman, kapag ang isa’y nakaranas ng kaligayahan ng pag-iisa, ito ay dapat tanggapin sa pamamagitan ng pananalig “sapagkat ang inaakala nilang kahangalan [ni Yahuwah] ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan [ni Yahuwah] ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao.” (1 Corinto 1:25, MBB)
Isang tao ay inilarawan ang kabalintunaan sa pagitan ng espiritwal na katunayan at mga kasinungalingan ni Satanas nang mabuti nung kanyang isinulat ang pagpapakilala ni Yahushua sa karunungan ni Yahuwah:
Ito’y parang ipalagay Siya sa lahat ng aking buhay
Bilang pinakamatalino sa lahat ng sangkatauhan.
Ngunit kapag ang banal na karunungan ni [Yah] ay
kahangalan sa mga tao,
Siya
ay dapat parang papalabas na Kanyang kaisipan.
Kahit na ang Kanyang pamilya ay sinabing Siya ay
baliw.
At mga pari’y sinabi ang isang demonyong dapat
sisihin.
Subalit si [Yah] sa anyo ng “galit” na batang
lalaki
Maaaring
hindi wari’y ganap na ganap na matino.
Kapag tayo sa ating kahangalan isipin na tayo ay
matatalino,
Pinaglalaruan Niya ang hangal at Kanyang binuksan
ang ating mga mata.
Kapag tayo sa ating kahinaan ay naniniwalang tayo
ay malakas,
Siya
ay walang magawa na ipakita na tayo ay mali.5
Ang pag-aatubiling tanggapin na si Yahuwah ay maaaring ibigay ang anumang bagay na kailangan upang maging kumpleto at matupad ay dahil sa ang dalawang lugar kung saan ang mga solo ay karaniwang nagpupunyagi sa karamihan ay ang 1) kalungkutan at, 2) mga sekswal na pagsinta. Ito’y hindi magkakaroon ng kahulugan sa karunungan ng tao na si Yahuwah ay maaaring tuparin ang mga lugar na ito. Ang mga ito’y gayong “pantaong” pagpupunyagi. Paano maaaring ibigay ni Yah nang ganap para sa kalungkutan ng babae para sa pagsasama? Paano naman Niya pasisiyahan ang mga sekswal na pagnanais ng lalaki?
Kakulangan sa pananalig na si Yahuwah ay gagawin ano man ang Kanyang ipinangako ay nagresulta sa maraming mga hindi masayang pag-aasawa. Maraming tao ang “napagkasunduan” para sa mas-mababa-pa-sa-ulirang kapares sa kadahilanan lamang na ang pwersa na pasiyahan ang dalawang lugar na ito ay napakalakas na sila’y hindi naniniwala (o hindi talaga nalalaman) na si Yahuwah ay maaaring ibigay ang anuman para sa dalawang lugar na ito din.
Kalungkutan
Harapin natin ito: kung hindi dahil sa kalungkutan, karamihan ay mas nanaisin pang mamuhay nang mag-isa. Wala kang responsibilidad para sa pangangailangan ng iba o magalang sa kanilang mga pagkakaiba. Maaari kang kumain kapag gusto mo, gumayak kapag hiling mo, ilaan ang salapi at ang iyong oras kung paano mo gusto – lahat nang walang sangguniin ng sinumang tao. Maaari mong gawin anumang nais mong gawin, kung kailan mo ito nais gawin.
Subalit, ang pangangailangang maramdamang mahalin ay nangangailangan na tayo’y magtatag ng malapit na relasyon sa isang mahalagang tao kaya ang sakit at pag-iisa ay magwawakas. Ngayon, ang kaisipan ng mundo’y itinuturo sa atin na anumang relasyon na may anumang mahalagang tao ay katanggap-tanggap habang ito’y lumulutas sa problema ng kalungkutan, at kapag o kung ang tao’y napagtanto na ang pakikipagrelasyon ay hindi na kayang lutasin ang problema ng kalungkutan, ang tao’y malayang tapusin ang relasyong iyon at humanap ng panibagong kaya iyon. Ayon sa kaugalian, ang Kristyanong simbahan ay itinuro ang mas sukdulang pakikitungo na lutasin ang problema ng kalungkutan. Sang-ayon ang simbahan na ang kalungkutan ay isang problema na dapat lutasin sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa mahalagang tao . . . Gayunman, ang simbahan ay karaniwang nagdaragdag ng ilang biblikal na alituntunin na mas naghihigpit kaysa sa kaisipan ng mundo tungkol sa pakikipagrelasyon. Ayon din sa kaugalian, itinuro ng simbahan na ang tanging katanggap-tanggap na relasyon ay ang pag-aasawa (Genesis 2:24), at ang tanging katanggap-tanggap na mahalagang tao ay ang iyong salungat na kasarian (Genesis 1:27; 2:23).6
Ang katunayan na ang pag-aasawa ay hindi nagbibigay ng katuparan at pagkayari kung saan ang puso ng tao ay nasasabik. Ang paniniwala na ang malapit na relasyon sa ibang tao ay maaaring magbigay ng inaasam na katuparan ay gayon isang taos-pusong nakabaon na kaisipang pantao na maraming tao, kapag hinarap ang mga katunayan ng hindi masayang pag-aasawa, patuloy na kumakapit sa paniniwala na ang pag-aasawa ay magiging iba – kung nahanap nila ang tamang kapares.
Isang kasinungalingan din na marami ang nagpahayag na “Ang asawa ko’y hindi ganun ang trato sa akin. Hindi ako mag-aasawa ng ganung tao!” Gayunman, ang katunayan ay ang mga tao’y mayroong karapatan pumili nang malaya na nagmula kay Yah. Ang asawa na tila perpekto sa isang 20’s ay maaari, labing-lima o dalawampung taon ang lumipas, ay mayroong umunlad na katangian, sa kanyang personal na pagpili, na lubos na kakaiba mula sa anumang ipinakita niya nung siya ay bata pa.
Mayroong tatlong uri ng kalungkutan: 1) kalungkutan bago mag-asawa; 2) kalungkutan sa pag-aasawa; at, 3) kalungkutan pagkatapos mag-asawa. Ang tangi lamang pagkakaiba sa pagitan ng kalungkutan bago mag-asawa at kalungkutan pagkatapos mag-asawa ay ang kalungkutan sa pag-aasawa ay nagdudulot sa sinuman na matanto sa isang kapares ay hindi nagpapakalma ng kalungkutan. Bagkos, sa katunayan, maaari mong maramdamang mas malungkot sa pag-aasawa, kapag ang nanlilisik na pagkakaiba sa pagitan ng anumang naiisip mo na dapat at ano ang katunayan, ay mas malapit sa tahanan. Mas madalas ang pag-aasawa ay nagiging isang pangungutya ng lahat ng panaginip na mayroon ang tao bago ang pag-aasawa.
Ang tanging kaugnayan na magpapalugod sa lahat ng pusong nasasabik ng tao ay ang personal na relasyon ng bawat indibidwal sa Tagapagligtas. Siya lamang ang maaaring magtugon sa iyong pangangailangan, mahalin ka nang walang anumang kapalit, itaguyod ang iyong mga pangarap at mga hangad, tanggapin ka ano pa man (at ano yung hindi ka), at tutulong sa iyo na umunlad na maging totoong tao na nilikha na maging. Ang pag-iisa lamang sa iyong Manlilikha ay tutugon sa kalungkutan ng puso. Ipinaliwanag ni Yahushua sa Kanyang layunin na: “. . . Naparito ako upang [kayo] ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.” (Juan 10:10, MBB)
Ang mga tao, lalo na ng kababaihan, na mga hindi nakapag-asawa ay madalas natutuksong hindi kumpleto bagama’t ang tunay na kaligayahan ay tinakasan sila. Ang pananabik na maranasan ang pag-ibig sa pag-aasawa, ang nais na ibahagi ang sekswal na pagpapalagayang-loob, ang paghahangad na magkaroon ng anak, ay maaaring lumilim sa maraming kaligayahan na mayroon sa taong nabubuhay.
Isang nakapanlulumong pagkakamali para sa sinuman na manganlata ang mga taon ng kanyang buhay, sabik sa anumang wala siya. Ang mga nararamdaman ay ang resulta ng mga kaisipang iyon. Ang kaisipan ay hindi awtomatikong huwes sa ating damdamin na tama man o mali. Ang damdamin ay pag-agos lamang ng ating kaisipan. Kapag ang solong tao ay nananahan sa damdamin ng kakulangan at pagtanggi, ito ay isang bukas paanyaya kay Satanas na pumasok at magdusa nang may pagsisisi at pananabik. Ang kaloob ni Yahuwah ay isang katuparan sa pamamagitan ng pagsasama at kagalakan kasama Siya. Ang katuparang ito ay isang bagay na hindi kailanman ibibigay ng makasalanang mundo. Ito ay mas totoo kaysa sa anumang bagay na naranasan kasama ang taong kapares.
Ipinagkaloob ni Yahuwah ang sagot para sa bawat kailangang naranasan ng mga nilalang na Kanyang nilikha. Ang pangangailangan upang umalalay sa buhay ay natugunan ng pagkain, tubig at hangin na nilikha rin ni Yahuwah. Ang pangangailangan para sa musika ay natugunan ng awiting inaawit ng mga ibon. Ang pangangailangan para sa mental na kasiglahan ay tinustusan ng maraming kahanga-hanga ng paglikha ni Yah, at ang malalim na mga katotohanang naitala sa Kanyang salita na nagbibigay pagkain para sa pag-aaral sa walang katapusang panahon ng walang hanggan! Ang iyong pangangailangang nilikha ni Yah para sa malapit na relasyon sa iba ay maaari lamang tuparin ng Manlilikha rin.
Ipinapakita ng Banal na Kasulatan kung paano mo maaaring maranasan ang ganap na pagkayari at katuparan sa iyong buhay, makakaya mong tamasahin ang isang masaganang gantimpala ng buhay bilang isang solo: dapat mong unahin ang bagay na dapat naman talaga na una. “Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ni Yahuwah] at ang pamumuhay nang ayon sa Kanyang kalooban, at ibibigay Niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.” (Mateo 6:33, MBB)
Ang sakit ng kalungkutan ay sintomas lamang na ang ating pangangailangan na maramdamang mahalin at pahalagahan ay hindi natugunan nang sapat. Mas kaunting sapat na pangangailangan na natugunan, mas nararamdaman natin ang sakit ng kalungkutan. Kapag inuna natin ang mga bagay na dapat talaga ay una, hindi lamang kayang pasiyahan [ni Yahuwah] ang pangangailangan na ito sa Kanyang kahanga-hangang pagpapala, kaya Niya ring pasiyahan ang pangangailangang ito sa pamamagitan ng malapit na relasyon sa ibang tao. Ang ating uhaw o gutom na makamit ang katuwiran ay nagbibigay pahintulot sa Banal na Espiritu na punuin ang ating espiritu ng pag-ibig na walang kapalit ni [Yahushua] (ang pag-ibig na walang kapalit ni [Yahushua] ay walang iba kundi ang pag-ibig na agape ni [Yah]). Ang pag-ibig na ito ay sobrang nagbibigay ng kasiyahan at ganap na katuparan na tayo ay inatasang ibahagi ito sa ibang tao. Habang ibinabahagi natin ang pag-ibig na walang kapalit ni [Yahushua] sa ibang tao na mga tumanggap, ang ating buklod na diwa nasa kanilang diwa at tayo’y bumubuo ng matalik na relasyong-espiritwal. . . .
Ilagay ang mga bagay sa unahan na dapat talaga sa unahan ay nagbibigay sa mga solo na maranasan ang sayang nararanasan ng mag-asawa na natanggap mula sa matalik na relasyon sa ibang tao. Maraming tao ay mali ang naiisip na ang kasiyahan ng pagpapalagayang-loob na iyon ay natanggap sa pamamagitan ng sekswal na pagtatalik, ngunit ang ganoon ay hindi ang kalagayan. Ang pagpapalagayang-loob na nagdadala ng kaligayahan sa mag-asawang pares ay nabuo sa Espiritu ni [Yah] sa kanilang diwa. Ang dulot nito’y magkasama sila sa mas malalim na antas kaysa sa ng laman. Maliban na lamang kung ikalugod ang pagpapalagayang-loob ng diwa sa diwa, ang sekswal na pagtatalik ay magdadala ng hindi totoong kaligayahan gayon din ng pangmatagalang kasiyahan. Ang kakulangan ng pagkakaunawa ukol rito ay nagdulot sa maraming pag-aasawa na mauwi sa diborsyo at marami pang nagpapatuloy sa pangalan lamang.7
Nilikha ni Yahuwah ang pangangailangan sa iyong puso na naisin ang matalik na relasyon sa ibang tao. Ang pilosopiya ng tao, sinimulan ni Satanas, ay nagdulot sa marami na hanapin iyon sa ibang tao. Gayunman, tanging sa iyong Manlilikha lamang mahahanap ang iyong pangangailangan na matutupad. Tanggapin sa pananalig Siya na lumikha sa iyo ng kakayahan upang ibigay sa iyo – maging ang pangangailangan para sa pag-iisa sa ibang tao na sasagot sa pusong tumatangis sa kalungkutan.
Mga Sekswal na Pagsinta
Ang sangkatauhan ay nilikha upang masiyahan ang isang sekswal na relasyon sa kapares ng buhay ng salungat na kasarian. Dahil dito, maraming mga solo ang hindi tumitigil na magtanto na si Yahuwah ay maaaring tuparin ang lugar na ito ng kanilang buhay rin. Iyong mga tumigil na magmuni-muni sa posibilidad ay karaniwang nag-aatubili sa ganap na pagsuko sa lugar na ito ng kanilang buhay kay Yahuwah dahil sa takot na sila’y magiging abnormal o kahit pa mawala ang lahat ng kanilang mga sekswal na pagsinta kapag Siya’y pinahintulutan na ibigay sa kanila ang kontrol sa kanilang sekswal na pagnanais. Ito ay nagdugtong sa kaparehong takot na kapag pinahintulutan nila si Yahuwah na pasiyahan ang sakit ng kanilang kalungkutan, sila ay hindi na mag-aasawa pa.
Ang ganoong mga takot ay ganap na walang batayan. Ang mga pagdududa at mga takot na ito ay nagmula kay Satanas. Ikaw ay nilikha na magkaroon ng mga sekswal na pagsinta at pagnanais.
Ang problema ay ang pagkakasalang iyon ay maling gamit sa anong ipinagkaloob ni [Yahuwah] at ang [kasalanan] ay ginawa tayong mga alipin sa ating sekswal na pagsinta. Kapag ating isinuko ang mga pagsintang ito sa kontrol ng Banal na Espiritu araw-araw . . . pinapalaya tayo ni [Yahushua] mula sa pag-alipin. Ang kalayaang ito ay hindi ibig sabihin nag-aalis sa ating mga sekswal na pagsinta; ito lamang ay ibinabalik ang kontrol na mayroon tayo nung nilikha tayo ni [Yah]. Ang bagong kontrol na ito ay nagpapahintulot na tamasahin ang kasiyahan nang walang pagkakaroon ng kasamang sekswal na sinumang nakikita ni [Yahuwah] na hindi akmang kasali sa atin sa pag-aasawa.
Ito ay magdadala sa atin sa ikalawang takot na, “Ako’y hindi na mag-aasawa kung pahihintulutan ko si [Yahushua] na makitungo sa aking kalungkutan.” Ang makatuwirang paliwanag para sa takot na ito ay, “Kung pahihintulutan kong si [Yahushua] na pasiyahan ang aking kalungkutan sa pagtatagpo sa pangangailangan ko na maramdamang mahalin at pahalagahan at [bigyan ako ng kontrol] sa aking sekswal na pagnanais, si [Yahuwah] ay hindi pipiliing pasiyahan ang mga pangangailangan na ito sa pag-aasawa.” Walang bagay na mas higit sa katotohanan; Si [Yahuwah] ang Nag-iisang nagtatag ng pag-aasawa. Gayunman, hindi itinatag ni [Yah] ang pag-aasawa para sa mga kadahilanang naiisip natin. Naiisip natin na si [Yahuwah] ay itinatag ang pag-iisang-dibdib upang masiyahan ang ating mga pangangailangan at mga sekswal na pagnanais sa pagtanggap ng pag-ibig mula sa ibang tao, ngunit itinatag ni [Yah] ang pag-iisang-dibdib sa pagbibigay at/o pagbabahagi ng Kanyang pag-ibig sa ibang tao. Bilang resulta ng pagbabahagi ng Kanyang pag-ibig sa sinuman, ating nararamdaman ang Kanyang pag-ibig nang mas malalim at ang ating mga pangangailangan at mga sekswal na pagnanais, maging ang mga bagay na tumukoy sa kasarian, ay mas masiyahan. Upang sa pag-aasawa ay makamit ito, dapat nating isuko araw-araw sa kontrol ng Banal na Espiritu at pahintulutan si [Yahushua] na pasiyahan na gawin tayong kumpleto. Dahil dito, iyong mga nagpahintulot kay [Yahushua] na pasiyahan ang kanilang mga pangangailangan at mga pagnanais ay handang makamit ang layuning kung saan itinatag ni [Yahuwah] ang pag-iisang-dibdib.8
Ganap na pagsuko kay Yahuwah ay hindi ka gagawing kulang na lalaki o kulang na babae. Sa halip, ikaw ay magiging mas ganap na lalaki o mas ganap na babae habang ang iyong Manlilikha ay tinatanggal ang nagpapahinang epekto ng kasalanan at binabalik ka sa ganap na tayog ng tunay na lalaki at babae kay Yahushua.
Wala nang dapat matakot na kapag kanilang isinuko nang ganap ang kanilang kalungkutan at kanilang mga sekswal na pagnanais kay Yahuwah, na Siya ang nagpapanatili sa kanilang solo o mag-isa. Nilikha ni Yahuwah ang institusyon ng pag-aasawa! Ang Manlilikha mismo ay ipinahayag na: “Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.” (Genesis 2:18, MBB) Mayroong isang dahilan at isang dahilan lamang si Yahuwah na hindi ka gagawing “isang laman” sa ibang tao. Ang dahilan na iyon ay simple lamang: sapagkat, sa kasalukuyan, may mga hindi pa tamang tao na sa iyo’y sasama. Oo, mayroong bilyung-bilyong indibidwal sa mundo, ngunit hindi lahat sa kanila ay gagawin kang masaya at natupad sa kahulugan kung saan nilalayon ni Yahuwah ang relasyong pag-aasawa na maging iyon.
Ang matapat na Kristyano na nakapangasawa ng kapares na hindi pa ganap na matapat kay Yahuwah ay hahanpin ang kanilang pag-iisang-dibdib at ang tahanan kung saan ang mga anino’y hindi umangat. Ang masamang epekto ay aanihin ang ani ng kalungkutan sa kanilang buong buhay, habang nakikita nila ang negatibong impluwensyang nakakaapekto sa espiritwal na pamumuhay ng kanilang mga anak at, tungo sa kanila, ang kanilang mga apo. Kung ikaw ay naghihintay ng tamang panahon para sa pag-iisang-dibdib, hanapin ang iyong katuparan sa iyong Manlilikha at magtiwala sa Kanya upang dalhin ka sa tamang kapares kung mayroon nang isa. Huwag unahan ang iyong Elohim at pakasalan ang sinuman para lamang tuparin ang iyong pagnanais. Mahahanap mo lamang ang ganung mga aksyon na hahantong lamang sa pagkabigo, sakit at kalungkutan.
Ang nais para sa pagkayari at katuparan, ang kalungkutan at sakit kapag ang isa’y nasa hindi nagtatangi, mapag-arugang relasyon, hahantong sa napakarami na hanapin ito sa ibang tao subalit ang katotohanan ay, tanging ang iyong Manlilikha lamang ang magtutugon sa mga pangangailangan na iyon. Ang mapagbigay-loob na imbitasyon ay mas pinahaba pa:
“Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan Ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang Aking pamatok at matuto kayo sa Akin sapagkat Ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa Akin ng kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang Aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay Ko sa inyo.” (Mateo 11:28-30, MBB)
Ang pangakong ito ay hindi lamang para sa pagkakasala. Ito’y para sa anumang pasaning bumibigat sa iyong puso at sumasalanta sa iyong kaligayahan. Magtiwala kay Yahuwah. Siya na lumikha sa iyo, nalalaman anumang kailangan mo na magdadala sa iyo ng ganap na kaligayahan, katuparan at isang masagana, buhay na puno ng gantimpala.
“Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni [Yahuwah]; mapalad ang mga taong nananalig sa Kanya. Matakot kay [Yahuwah], kayo na Kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay. Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay [Yahuwah] ay sumunod, mabubuting bagay, sa Kanya'y di mauudlot.” (Mga Awit 34:8-10, MBB)
1 Michael Bolton at Douglas T. James
2 M. Masser at Gerry Goffin
3 Lionel Richie
4 Gregory L. Jackson, How Surrender Makes Marriage Happier, Divorce a Blessing, The Single Life Fulfilling, pp. 151-152, bold orihinal, mga italics itinustos. Ang may-akda ay nagpapasalamat para sa pagsasaliksik ni G. Jackson, kung nagbigay ng batayan para sa artikulong ito.
5 Michael Card, “God’s Own Fool.”
6 Jackson, op. cit., pp. 152-153, orihinal na pagpapahalaga.
7Ibid., pp. 170-171.
8 Ibid., pp. 172-173, orihinal na pagpapahalaga.