Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
‘Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa dumanak ang dugo, na nakikipag-away laban sa kasalanan.’ — (Hebreo 12:4)
‘Hindi pa kayo nakikipaglaban’ — pagkatapos ang iba ay nakipaglaban, at ang manunulat ay inaanyayahan ang kanyang mga mambabasa na ikumpara ang kanilang pahambing na kalayaan mula sa pag-uusig mula sa kapalaran na iyon kaya maaari silang malugod na gawin ang mas prangkong tungkulin ipinasa sa kanila. Sino iyong iba?
“Sapagkat dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo’y huwag magsihina, na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa. Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa dumanak ang dugo, na nakikipagaway laban sa kasalanan.” (Hebreo 12:3-4)
|
Kung ang pagpapalagay ng marami ay tama na ang sulat na ito ay ipinahayag para sa Inang Iglesya sa Jerusalem, ang kapalaran ni Esteban, ang unang martir at si Santiago, ang kapatid ni Juan, na ‘namuno’ na ang Iglesya, maaaring nasa kaisipan ng manunulat. Kung ang petsang itinalaga sa sulat ng ilan ay tinanggap, ang pag-uusig sa ilalim ni Nero, na nagpailaw sa mga hardin ng Kapitolyo ng mga buhay na sulo, ay naganap na, at ang manunulat ay maaaring hiniling na ang Iglesya sa Jerusalem na maglining sa sarili na sila’y mas mahusay kaysa sa kanilang kapatid sa Roma. Ngunit kung ang alinman sa mga haka-hakang ito ay inampon o hindi, may isa pang kaibahan na malinaw sa kaisipan ng manunulat. Sinasalita niya ang mahabang serye ng mga bayani ng pananalig, ilan sa kanila ay ‘binato at nilagari,’ at siya’y may mga Kristyano at ipapahayag sa kanila ang kaibahan ng kanilang posisyon sa mga sinaunang hinirang at martir. At mayroon pang kaibahan, mas nakakaantig, mas kahanga-hanga at maringal, sa kanyang kaisipan, sapagkat ang aking teksto ay agarang sinusundan ng isang sanggunian kay Kristo Yahushua, na ‘tiniis ang Krus, ipinagwalang bahala ang kahihiyan nito.’ Kaya siya mismo ay ‘nakipaglaban hanggang dumanak ang dugo.’ Kaya, ang manunulat ay inaanyayahan ang kanyang mga mambabasa na isipin ang mga martir sa Inang Iglesya, ng dugo na dumagsa sa Simbahan sa Roma, ng mga pinatay na hinirang sa mga nakalipas na salinlahi, at, higit sa lahat, ng dakilang Tagapagtatag ng kanilang kaligtasan, at, pinasigla ng mga kaisipan, sa pagkalalaki upang pasanin at malakas na lumabas sa salungatan na inilatag sa kanila. ‘Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa dumanak ang dugo, na nakikipag-away laban sa kasalanan.’
1. Kaya ngayon, naririto na tayo, upang simulan, ang permanenteng kondisyon ng Kristyanong buhay bilang isa ng pakikidigma at paglaban.
Ang larawan ng buong konteksto ay iginuhit mula sa arena. Isang berso o dalawa bago nagsalita ang manunulat tungkol sa lahi: ngayo’y bahagya niyang nililipat ang kanyang pananaw at sa halip ay sinasalita ang tungkol sa tunggalian o ang mga bakbakan na pinasiklab rito. Ang kanyang punto ay palagi at saanman, gayunman, ang mga anyo ay maaaring mag-iba kung saan ang sagupaan ay isinagawa. Isang elemento ng pagsisikap, pagtitiis, at antagonismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa Kristyanong buhay. Iyon ay kapaki-pakinabang na pag-isipan sa sandali. Napakabuting awitin ang berdeng pastulan at bughaw na katubigan, at upang magalak sa mga pagpapala, kaaliwan, katahimikan, kaluguran ng Kristyanong karanasan, at upang magalak sa kaisipan ng maraming kaawaan para sa nabubuhay na kaluluwa na dumarating sa mga tao sa pamamagitan ng pananalig. Lahat ng iyon ay totoo at pinagpala, ngunit ito lamang ay isang panig ng katotohanan. At maliban kung tayo’y nahuli at nagbawas sa pagsasanay at karanasan sa ibang panig ng Kristyanong buhay, na ginagawa ito na isang pagpapagal at sakit sa mas mababang sarili at isang patuloy na paglaban, ako’y mangangahas na sabihin na wala tayong karapatan sa tahimik, matamis at malambot na panig nito; at kailangang itanong sa sarili natin kung nalalaman natin ang anuman tungkol sa Kristyanismo. Ito’y hindi ibinigay sa atin lamang — ito’y hindi ibinigay sa atin nang karaniwan — upang matiyak iyong mga dakila at mahahalagang bagay na nagdudugtong, subalit ito’y ibinigay sa atin kaya, pinagyayaman, pinapatatag at pinalalakas ng pag-aari ng mga ito. Dapat tayong maging mas angkop para sa sagupaan, gaya ng isang matalinong komandante ay makikita na ang kanyang mga kawal ay busog na busog bago niya ipukol ang mga ito sa labanan.
Isang elemento ng pagsisikap, pagtitiis, at antagonismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa Kristyanong buhay.
|
Ngunit pagkatapos, sa pagdaan mula doon, na isa lamang tagilirang isyu, hayaan akong ipaalala sa iyo na ang ating kalaban ay ‘nakikipag-away laban sa kasalanan.’
Ilan sa mga tao ay kukunin ang aking teksto para mangahulugan lamang sa sagupaan na pinapasiklab natin sa ating mga kasamaan, kakulitan, at kahinaan. Ang ilan, ginabayan ng konteksto, ay kukunin ang sanggunian nang eksklusibo sa mga antagonismo sa mga kasamaan sa paligid natin at sa sagisag ng mga ito sa mga tao na hindi nagbabahagi ng mga Kristyanong pananaw ng buhay o pangangasiwa. Wala sa isa o iba pa sa mga ito na dalawang eksklusibong pagpapaliwanag ay maaaring mapanatili. Sapagkat ang kasalanan ay isa, sumagisag man sa ating sarili o sa mga tao o institusyon. Mayroon tayong kaparehong sagupaan na pasisiklabin laban sa tiyakan na kaparehong kalaban kapag tayo’y nagsumikap sa tungkulin ng paglilinis ng ating sarili mula sa lahat ng karumihan ng laman at espiritu at kapag tayo’y naging abala sa mas malapad na panukala ng paghahangad upang dalhin ang bawat tao na makilala ang kapangyarihan ng pag-ibig ni Kristo, at upang mamuhay sa kadalisayan sa pagtalima sa Kanya.
At kaya, ang unang batawan kung saan ang bawat Kristyano ay para magwagi sa labanan, upang patunayan ang kanyang galing, at para sanayin ang kanyang lakas sa loob ng kaparangan, kung saan ang mga tala ay lubos na makitid at kung saan ang pansariling laban sa sarili sa pang-araw-araw na pakikidigma. Bawat isa sa atin ay nagdadala ng kanyang pinakamalalang kaaway sa loob ng kanyang tsaleko. Tayong lahat ay may mga pagnanasa, pagsinta, pagkahilig, pagnanais, pagkakasala, bisyo, kakulitan, pagkamakasarili, katamaran — isang buong hukbo ng kasamaan ang nakahilata gaya ng isang pugad ng mga ulupong sa loob natin, at ang ating unang tungkulin at ang ating panghabangbuhay na misyon ay kunin ang tusok at lason ng mga ito, sakalin at ilabas sila.
Isang taimtim na tungkulin ng bawat Kristyano na magpasiklab ng pakikidigma upang ilayo ang kanyang sarili mula sa pagkakabitag sa kasalukuyang walang diyos na pamumuhay na nananaig sa paligid niya. Dapat tayong lumaban upang panatilihin ang ating sarili mula sa pananakit ng mundo at ang mga makamundong komunidad na tinitirahan natin.
|
At pagkatapos, at pagkatapos lamang iyon, darating ang susunod na bagay — ibig sabihin, ang antagonismo na dapat permanenteng tayuan ng mga Kristyano para sa isang mundo na hindi nakikiisa sa kanilang mga pananaw, na kakaiba sa mga kasabihan na namamahala sa kanilang mga buhay, at walang ginagawang panunumpa sa Hari na sinumpaan nila na susundin. At ang antagonismo na iyon ay tumatakbo sa iba’t ibang anyo. Una sa lahat, isang taimtim na tungkulin ng bawat Kristyano na magpasiklab ng pakikidigma upang ilayo ang kanyang sarili mula sa pagkakabitag sa kasalukuyang walang diyos na pamumuhay na nananaig sa paligid niya. Dapat tayong lumaban upang panatilihin ang ating sarili mula sa pananakit ng mundo at ang mga makamundong komunidad na tinitirahan natin. Anong mangyayari sa isang kapitan ng barko na hindi iniingatan ang kanyang bruhula nang tama upang neutralisahin ang mga epekto ng lahat ng dami ng bakal sa kanyang sasakyang-dagat? Ika’y naglalakad sa mga silid ng ospital. Kung ikaw ay hindi nag-iingat, makakakuha ka ng sakit sa hangin. Tiyak na ang mga hindi nag-iingat na mga Kristyano na hindi pinapanatili ang pananggalang laban sa papalapit at nakapaligid na kasamaan na hindi mapipigilang hahawaan gaya ng isang Ingles na naglakbay, sinasabing patungo sa Estados Unidos, babalik siya na may mga intonasyon ng ating mga kapatid sa kabilang panig ng Atlantiko na walang malay na dumudulas mula sa kanyang bibig. Ang unang tungkulin, kailangan sa mga Kristyano, ay para matanto na sila’y nabubuhay sa gitna ng isang order ng mga bagay na hindi tuntunin ng Panginoon at para maingat na hindi nila makuha ang impeksyon.
Hindi ko kailangang sabihin ang isang salita tungkol sa ibang anyo ng antagonismo, na katumbas na kailangan at maglalayo sa atin mula sa pag-aalala tungkol sa mga kahatulan na maaaring mabuo sa atin ng mga taong nakapaligid sa atin. ‘Sa akin, isang maliit na bagay na dapat akong hatulan mo o kahatulan ng tao.’ Ngunit ang pakikipaglaban sa kasalanan, na maawaing pakikidigma ng Kristyano sa mundo, ay hindi ganap alinman sa pagpapanatili sa sarili niya mula sa pakikipagsabwatan sa mga nakapaligid na kasamaan o sa pagtanggi na hayaan ang antagonismo na ilipat siya mula sa kanyang tinatahak. Mayroong higit pa sa isang payak na tungkulin: ang bawat Kristyano ay dapat na sundalo ni Kristo upang makakuha ng pagkilala sa mga kautusan ni Kristo, at ang mga tuntunin ng Kanyang salita ay susundin sa sanlibutan.
Ang kalipunan ay hindi organisado sa mga Kristyanong tuntunin. Titingin ka lamang sa paligid mo upang makita ito. Hindi ko kailangang manahan sa iba’t ibang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga malilinaw ng pagtuturo ng Aklat at bawat komunidad, at bawat bansa, at bawat indibidwal, ngunit hayaan akong ipaalala sa iyo na hangga’t ang Sermon sa Bundok ay ang kautusan para sa indibidwal at mga komunidad, ang Kristyanong tao, kung siya’y matapat sa kanyang Panginoon, dapat na ‘nakikipag-away laban sa kasalanan’ sa pagpupunyagi na maitatag ang kaharian ni Kristo, na ang kaharian ng pagkamatuwid. Ang sermon na iyon ay hindi naglalaman ng lahat ng Kristyanong patotoo, kundi ito ang Magna Carta ng isang inilapat na Kristyanismo, ang mga kautusan ng kaharian mula sa labi ng mismong Hari.
Kaya kapatid, dumarating ako sa iyo kasama ito sapagkat ang aking mensahe na walang Kristyano ang gumagawa ng kanyang gawa bilang sundalo ni Kristo, ‘nakikipag-away laban sa kasalanan,’ hangga’t naghahangad siya, sa pinakamahusay ng kanyang lakas, upang makuha ang kautusan ni Kristo, na pagkamatuwid, itinatag sa balat ng lupa.
|
Kaya kapatid, dumarating ako sa iyo kasama ito sapagkat ang aking mensahe na walang Kristyano ang gumagawa ng kanyang gawa bilang sundalo ni Kristo, ‘nakikipag-away laban sa kasalanan,’ hangga’t naghahangad siya, sa pinakamahusay ng kanyang lakas, upang makuha ang kautusan ni Kristo, na pagkamatuwid, itinatag sa balat ng lupa.
Sinasalita ang mga dinamita at ibang pampasabog, bakit, mayroong sumasabog na kapangyarihan na sapat sa Kristyanismo upang basagin sa pira-piraso ang mga kasamaan na gumagawa nang malaking bahagi sa modernong panlipunan na buhay. Ngunit, naku! Ang Kristyanong Iglesya ay napakahaba at masyadong isinagawa sa pamamasa ng pulbura sa halip na pagpapaputok nito at hinahangad na ipaliwanag ang dakila at malinaw na mga kautusan ng Panginoon sa halip na paghahangad na iangkop ang mga ito.
Mayroong isang bagong espiritu sa paligid natin ngayon, na dapat nating ipagpasalamat nang madasalin, ngunit dapat ring kalimutan na, gaya ng mga bagong kilos-merito, maaari itong iisa ang pinapanigan at pinagrabe. Mas maraming pinsala ang nagawa sa maraming direksyon ng mga Kristyanong guro na naghahangad na iangkop ang mga tuntunin ng mga kautusan ni Kristo sa iba’t ibang yugto ng panlipunang kasamaan nang walang hayagang kaalaman ng mga katunayan ng kaso. Subalit iyon na ganap na inamin, nananatili akong nagagalak na naniniwala na ang mga tao ni Kristo sa palagid natin ay nagigising, hindi pa nagaganap, tungo sa taimtin na obligasyon na inilatag sa mga Kristyanong simbahan, kung sila’y hindi mapapahamak sa kawalang-sigla at kawalan ng aktibidad, upang ipahayag at hangarin na makilala ang mga kautusan ni Kristo para sa indibidwal at direksyon ni Kristo para sa komunidad.
Tandaan lamang ang mga limitasyon at mga pinagmulan na sinalita ko na. Ang tao ay may trabaho na krusada sa ibang tao na minsan niyang tinulungan sa kadalisayan. At ang unang gawa ng repormistang Kristyano ay sa kanyang sariling puso. At muli, nakakatulong lamang na makitungo sa mga institusyon kung nakikitungo ka sa mga tao na nabubuhay sa ilalim nila. Ang pangunahing gawa ng Kristyanong Iglesya ay palaging pang-indibidwal, at sa pamamagitan ng kanilang pagpapabuti, ang pagpapabuti ng kalipunan ay magiging pinakatiyakan. Ngunit ang kamalian ng maraming mahuhusay at maaalab na mga tao ngayon ay nasa kaisipan na kung itatakda mo ang ‘kapaligiran,’ na tinatawag nito ito, tama, makukuha mo ang mga tao na tama. Ito ay isang kamalian. Kunin ang isang balot ng langong basura mula sa kaiskwateran at ilagay sa modelong bahay-panuluyan, at sa loob ng dalawang linggo, ang bahay-panuluyan ay magiging mas marumi gaya ng mga lugar kung saan ang mga tao ay kinaladkad. Ayusin ang mga tao, at pagkatapos ay maaari mong itakda sila sa isang bagong kapaligiran; ayusin sila, at ang kalipunan ay maaayos. At ayusin ang iyong sarili unang-una, at pagkatapos ay maaari mong ayusin ang kalipunan. Labanan ang iyong kasalanan, at pagkatapos ay labanan ang kasamaan ng iba.
2. Pansinin ang tindi ng labanan kung saan ang iba ay isinilang.
Nasabi ko na na ang agarang konteksto ay nagpapahiwatig ng dalawang kaibahan sa pagitan ng pahambing na kalayaan mula sa pag-uusig sa mga mambabasa ng sulat at iba pa.
Ang una ay ipinahiwatig ng lahat ng maluwalhating pagtitipon-tipon ng mga bayani at mga martir ng pananalig na nauuna sa kabanatang ito. Sa kakulangan ng pakikitungo sa retorika o pagdilat sa paksa, ang mga Kristyano sa salinlahing ito ay maaaring maisip sa sarili nila ang anong pasanin ng kanilang mga magulang at ginawa iyon na nagpanalo para sa kanila sa kadaliang ito.
Naiisip ko na ang modernong Kristyanismo, sa pagkakampante sa sarili nito, ay magiging mas mabuti kung minsang babalik sa alalahanin na may mga panahon kung kailan ang ‘mga kabataan, matanda at bata,’ ay lumaban hanggang dumanak ang dugo at noong sila’y tumungo sa kamatayan nang may galak gaya ng isang babaeng ikakasal sa altar.
|
Natatandaan ko ang isang lumang simbahan sa dalusdos ng isa sa mga burol ng Roma, nakabalot sa lahat ng mga panloob na pader nito ay isang pulutong ng mga pinakamalalagim na larawan ng mga martir. Maaaring may isang hindi kapaki-pakinabang na paghanga at adorasyon sa mga ito. Naiisip ko na ang modernong Kristyanismo, sa pagkakampante sa sarili nito, ay magiging mas mabuti kung minsang babalik sa alalahanin na may mga panahon kung kailan ang ‘mga kabataan, matanda at bata,’ ay lumaban hanggang dumanak ang dugo at noong sila’y tumungo sa kamatayan nang may galak gaya ng isang babaeng ikakasal sa altar.
Ah, kapatid, ikaw na Hindi Kompormista sa salinlahing ito, na mayroong isang magaan na relihiyon, tanging minsang natatanda kung paano ito nagutay. Isipin si George Fox at ang mga Kaibigan. Isipin ang mga maagang Hindi Kompormista, tinutugis at nagmamadali, ang kanilang mga ilong ay hiniwa at ang mga tainga ay pinutol, ang kanilang mga pandarambong at pagkakatapon, at pagkatapos ay nahihiyang pag-usapan ang tungkol sa mga kahirapan na haharapin mo. ‘Hindi ka pa lumalaban hanggang dumanak ang dugo.’
Isang mas nakakaantig na kaibahan ang ipinahiwatig, at malinaw na pangunahin sa kaisipan ng manunulat, dahil bago niya sinabi, ‘Isaalang-alang siya na pinatiisan ang mga salungatan ng mga makasalanan.’ Ang kanyang salita para sa ‘isaalang-alang’ ay maaaring kunin bilang ‘ikumpara, timbangin,’ ang pagdurusa ni Kristo at ang iyo. Pinasan niya ang mabigat na bahagi ng krus, at ibinaba ang magaan na bahagi sa ating mga balikat. Syempre, ang mga mas mahiwaga at mas malalim na aspeto ng kamatayan ni Kristo, kung saan wala siyang padron para sa atin, ngunit ang tubo para sa ating mga kasalanan, ay hindi dumarating tungo sa pananaw ng kaibahang ito. Ang mga ito’y sagana sa nalalabi ng sulat. Subalit rito, ang manunulat ay naiisip si Kristo Yahushua sa kanyang kakayahan bilang Prinsipe ng pagdurusa sa ngalan ng pagkamatuwid, na maaaring takasan ang kanyang Krus kung pinili niya na abandonahin ang kanyang pakikidigma at kanyang pagkasaksi. Si Kristo Yahushua ay may dakilang parte na higit pa doon. At ang pagkakaiba ng kanyang pagdurusa at kamatayan ay hindi nahawakan sa ganoong pagsasaalang-alang. Ngunit huwag nating hayaang makalimutan na siya ay iyon, at ano pa man ang kanyang kamatayan, ito’y tumatayo bilang mismong sukdulan ng lahat ng pagdurusa para sa pagkamatuwid. Siya ang Hari ng mga Martir at ang Sakripisyo para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Tayo’y tumungo sa kanya at tatakan ang magiting na kalakasan ng katangian, nakatago mula sa agarang pagsisiyasat ng matamis na kahinahunan kung saan ito’y nakatago, katulad ng kamay na bakal sa isang pelus na gwantes.
Ating unawain kung paano ang kanyang padron ay itinaas sa atin at kung paano ang Krus ay ang ating halimbawa at ang batayan ng lahat ng ating pag-asa. ‘Hindi pa tayo nakikipaglaban … Isaalang-alang Siya.’
3. At ngayon, panghuli, tandaan ang mas magaan na pakikidigma ay nanunungkulan sa atin.
Ang pakikipaglaban ay nagbabago ang anyo nito, ngunit sa diwa, ito’y nagpapatuloy. Sa unang panahon, ang pakikidigma ay binuo ng mga tao na nagpapaluan sa isa’t isa o nakikilahok sa sunggaban ng mga kamay, paa, at mukha sa mukha. Ngayon, ito’y dwelo ng artilerya — isang dakilang parte na mas siyentipiko, isang dakilang parte na mababa ang pagkaaligasgas; ngunit lahat ng ito’y pakikidigma. Ang mundo’y ginamit upang sinugin ang mga Kristyano, ibitin sila, batuhin sila. Hindi na ito ginagawa ngayon, ngunit ang ganon pa rin ang paglaban. Ang mundo’y bahagyang naging Kristyanismo, at ang mga tuntunin ng Kristyanismo ay naroroon, sa isang tiyak na hindi sakdal na paraan, pinasok sila sa pamamagitan ng mga masa kaya ang antagonismo ay hindi gaanong mainit gaya ng minsan. At ang Iglesya ay pinahina ang patotoo nito at tunay na inampon ang mga kasabihan ng sanlibutan. Kaya bakit dapat ang sanlibutan ay uusigin ang isang Iglesya na isang kapiraso ng mundo sa ilalim ng isa pang pangalan? Ngunit hayaan ang sinuman para sa sarili na matapat na subukan na mamuhay sa padron ng mga kawikaan ni Kristo, at hayaan ang kanyang sarili na gumanap laban sa ilang nakahihiyang kasamaan sa paligid niya, at hangarin na malupig ang mga ito, sapagkat si Kristo ay inaanyayahan siya. Makikita niya kung ang lumang antagonismo ay wala pa rito. Anong koro ng mga piniling epitetmo ay agarang palalabasin! ‘Walang paraan,’ ‘panatiko,’ ‘may kinikilingan,’ ‘rebolusyonaryo,’ ‘Pariseo,’ ‘mapagpaimbabaw.’ Ang mga ito’y magiging matamis, mabangong bulaklak sa kuwintas na pinagtagpi. Batay rito, ang isang Kristyano na nakayuko sa Kristyanong pamumuhay para sa sarili niya at hinahangad na iangkop ito sa paligid niya ay lalaban at magtitiis.
Ang isang Kristyano na nakayuko sa Kristyanong pamumuhay para sa sarili niya at hinahangad na iangkop ito sa paligid niya ay lalaban at magtitiis.
|
Ngunit lahat ng ito na wala — wala — kung anong tatahakin ng unang ranggo, at tumungo, nang may galak. Sila’y bumagsak sa mga trinsera at pinuno nila ang mga ito kaya ang mga antas sa likuran ay maaaring makatawid. Dinala nila ang saksak ng tabak; tusok ng aspili lamang ang makukuha natin. Mga bato ang inihagis sa kanila, gaya ni Esteban sa labas ng pader; dakot lamang ng putik ang dapat nating katakutan.
Kaya kapatid, tanggapin ang kasalukuyang anyo ng permanenteng labanan at makikita na ginagawa mo ang tungkuling inilatag sa iyo nang pabulong-bulong, may galak, at puspusan. At huwag masyadong pag-isipan ang mga balisa at kayamutan. Para sa atin na salitain ang mga pagsasakripisyo ni Kristo gaya ng taong gabara sa isang kanal na lumalawak sa mga kapanganiban ng kanyang paglalakbay sa pagkakarinig ng isang Artikong manlalakbay o gaya ng isang tao na tumungo sa isang primera klaseng karwahe sa London na magsasalita sa isang Aprikanong manlalakbay tungkol sa ‘kapanganiban ng kalsada.’ ‘Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa dumanak ang dugo. Isaalang-alang Siya; kunin ang iyong krus, at sundin Siya.’
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Alexander MacLaren.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC