Isang kaloob na nakakaligtaan marahil ay higit pa sa anuman ay ang kaloob na oras. Kung walang sakripisyo ni Yahushua, wala nang nalalabing oras – para sa sinuman. Lahat ay hahatulang nagkasala sa pagsuway sa banal na kautusan, ang kaparusahan ay walang hanggang kamatayan. Dahil ang oras mismo ay isang kaloob, ang bayan ni Yahuwah ay kikilalanin ang responsibilidad na gamitin ito nang matalino at sa paraan na magpaparangal sa Kanya.
Bilang mabubuting katiwala ng iba’t-ibang kaloob ng Eloah, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat. (1 Pedro 4:10, MBB)
Sa mismong kalikasan nito, ang oras ay mahiwaga. Karaniwan na ipalagay na mayroon ka na “lahat ng oras sa mundo” na makamit ang mga nais mo sa buhay. Ang pangwakas ng kamatayan, ang hindi inaasahang aksidente o ang mahaba, matagal na karamdaman, ay mga bagay na nangyayari sa iba, hindi sa sarili. Dahil sa ilusyong ito, maraming tao ang tumutungo sa buhay nang hindi nakakamit ang mabuti na maaari nilang gawin, o magiging kanilang pribilehiyo na gawin sa pakikipagtulungan sa Langit.
Pinayuhan ng Kasulatan: “At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ni Panginoong Yahushua at sa pamamagitan Niya’y magpasalamat kayo kay Yahuwah Eloah.” (Tingnan ang Colosas 3:17.)
Para gumawa ng isang bagay sa ngalan ni Yahushua ay nangangahulugang gagawin mo ito bilang Kanyang kinatawan. Bilang isang Kristyano, ikaw ay kinatawan ni Yahuwah, Kanyang isinugo sa mundong pinuno ng pagkakasala. Anumang ginagawa mo o hindi mo ginagawa ay sumasalamin sa Kanya. Sa pagkuha sa pangalan ng “Kristyano,” ipinapahayag mo ang iyong sarili na bahagi ng pamilya ng Langit.
Ang iyong mga aksyon at mga salita ba ay sumasalamin sa iyong panawagan?
Hangad ni Satanas na pasamain ang mga kaloob ni Yahuwah at ilihis ang mga pagpapalang inilaan ng Langit. Lumikha siya ng hindi mabilang na mga paraan upang maakit ang atensyon at mahuli ang imahinasyon. Sa mga paglilihis na ito, maraming Kristyano na hindi papangaraping bigyan ng kahihiyan ang kanilang Manlilikha sa mas halatang paraan ay nalinlang sa pagsasayang ng mahalagang talentong ibinigay sa kanila: ang kanilang oras.
Si Satanas ay may mga pampalibang na nilikha para sa bawat uri ng personalidad at para sa bawat panlasa ng indibidwal. Ang mga malayang gawaing ito ay inililihis ang atensyon at nagdudulot ng kaulapan sa isipan. Ang resulta ay ang pag-aaral ng Bibliya at mga gawain na mayroong walang hanggang halaga ay nagiging mahirap at nakakapagod, nakakayamot at hindi kawili-wili. Ito ay isa sa mga pinakamapaglalang na panlilinlang ni Satanas.
Marami na hindi pinangarap ang pagsusugal ay, oras-oras, sasalang sa paglalaro ng baraha kasama ang mga kaibigan – para sa pagpapaluwag lamang. Gayunman, ang kakayahan sa baraha ay hahantong sa kagustuhan na gamitin ang kaalaman at kakayahan para sa personal na pakinabang. Ang maliit na halaga ng salapi, malamang barya-barya, ay nakataya, pagkatapos dadami, sa tumataas na halaga hanggang ang pagkagumon o adiksyon sa pagsusugal at ang kagalakan ay magiging napakalaki.
Ang ibang libangan marahil ay hindi lilitaw na malapit ang koneksyon sa bisyo at makasalanang pagpapakasawa, ngunit ang kaisipan na naaabala sa mga gawaing ito ay katumbas ng pagiging alipin kay Satanas at ang paghahanap ng kabanalan ay nakakayamot at nakakawalang-gana ay gaya ng sinuman na sumasalang sa mas halatang mga pagkakasala. Siguro’y hindi ito nakikita saanman nang malinaw maliban sa isyu ng mga computer games.
Sa ilalim ng pagbabalatkayo ng “paglalaro,” karamihan ay natutunan ang mga kakayahan ng kriminal at nakikilahok sa pagdanak ng dugo – lahat ay legal dahil ito lamang ay isang computer game. Gayunman, ang epekto sa walang malay at mismong pangunahing tauhan ay hindi dapat makaligtaan. Isang inilathalang insidente ang naganap nung nasaksihan ni Paxton Galvanek ang isang SUV (Sports Utility Vehicle) na tumilapon at nagpagulung-gulong sa highway. Sinabi ni Galvanek na ang paglalaro ng isang videogame na pinamagatang “America’s Army” ay nagturo sa kanya ng kakayahang mediko upang sugpuin ang pagdanak ng dugo ng pasahero na ang mga daliri ng kamay ay napinsala sa pagsalpok.
Si Galvanek ay walang pormal na medikong pagsasanay; sa halip, umasa siya sa mga aral na natutunan niya sa paglalaro ng America’s Army, isang video game na binuo ng US Army noong 2002 bilang propaganda at pangangalap na kasangkapan. Ang mga manlalaro ay nakakatanggap ng virtual na pagsasanay habang nasa progreso ng laro at nagsasagawa ng mga misyon katulad ng isang sundalong Amerikano. Ang pinakatampok sa larong ito ay ang online multi-player mode, kung saan ang bawat team ay ituturing bilang sundalong Amerikano o kaalyado, habang ang iba ay lilitaw bilang mga kaaway. Ang interface ay kilala sa makatotohanang paglalarawan ng mga armas at labanan. . . . Ito ay isa sa maraming larong pangdigmaan na kasalukuyang nagagamit, kabilang ang Full Spectrum Warrior, isa pang larong pinondohan ng Army. Sa kabuuan, ang US military ay bumuo ng 23 iba’t-ibang video games para sa iba’t-ibang layunin. (Tingnan ang Public Broadcasting Service (PBS), http://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/digitalnation/waging-war/a-new-generation/playing-americas-army.html)
Si Hans Jørgen Olsen, isang 12 taong gulang mula sa Norway, gayon din ay nagligtas sa kanyang kapatid mula sa pag-atake ng usa gamit ang mga kakayahang natutunan niya sa paglalaro ng World of Warcraft. Bagama’t ang pagliligtas ng buhay ay hindi maitatangging isang mabuting bagay, gaano pa karaming tao ang sasanayin upang pumatay sa paglalaro ng mga ito? Sa katunayan, ang mga sundalo mismo ay sinasanay sa kaparehong mga simulasyon.
Ayon sa website ng Public Broadcasting Service:
- Ang
video game na America’s Army ay
mayroong 9.7 milyong rehistradong gumagamit – bilang na labing-limang beses na mas malaki
kaysa sa dami ng karaniwang US Army.
- Ito
ay nadownload na mahigit 42.6 milyong beses, higit pa sa anumang ibang war
game.
- Simula noong Agosto 2008, ang mga rehistradong gumagamit mula sa mahigit 60 bansa ay gumugugol ng 230 milyong oras sa paglalaro ng America’s Army.
At ang “laro” ay napakamakatotohanan, maging ang mga sundalo ay nagprotesta sa epekto nito sa mga naglalaro: “Nakakuha ng protesta mula sa ilang grupo ang America’s Army, kabilang ang mga beterano sa Iraq laban sa digmaan, na sinasabing umaakit ito ng digmaan at layong kumalap ng mga bata sa pinakabatang edad na 13.” (PBS.org)
Ang mga modernong “sibilisadong” tao ay nanatiling mapanlumo sa barbarong kalupitang nasaksihan ng mga Romano sa kanilang mga arena, kung saan ang mga manlalaban (gladiators), mga kriminal at maging ang mga Kristyano ay nagdadanak ng kanilang mga dugo para sa libangan ng mga manonood. Kinuha ng modernong paglalaro ito nang higit pa, nagpapahintulot sa sinuman na nais, upang makilahok sa pagpatay sa iba. Ang ganitong mga kakayahan ay hindi angkop sa sinuman sa Langit. Ang mga kaisipan ng mga naglalaro ay nagmamatigas sa pagmamalupit at matindi sa ilalim ng pagbabalatkayo ng “paglilibang.”
Iyong mga mamumuhay nang walang hanggan ay walang tungkuling matutunan kung paano pumatay o maging sa pagsasayang ng kaloob na oras sa mga gawain na wala namang patutunguhan at walang maitutulong sa iba o ilalapit sila kay Yahuwah. Sa halip, pinapababa ang panlasa at pinapatigas ang kaluluwa laban sa mga sagradong tema. Iyong mga gugugulin ang kanilang malayang panahon sa paglalaro ng video games o sa ibang hindi mahalagang libangan ay mawawalan ng panlasa sa katunayan, o maging sa kapaki-pakinabang at lumalagong hangarin.
Ang simpleng board games gaya ng checkers, chess at Monopoly ay tila inosente, ngunit maaaring tiyak na humantong sa pagkagutom sa paglibang at kompetisyon. Sa halip na husgahan ang anumang tiyak na gawain, hayaang siyasatin nang may taimtim na panalangin ang kanilang istilo ng pamumuhay at, sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu, gamitin ang alituntunin ng paggamit ng kanilang oras nang matalino at iwasan ang mga sagabal para sa kanilang ngalan.
Ang mismong salita na “maglibang” ay ipinapakita ang mga makademonyong pinagmulan ng paglilibang kung inaakit ang kaisipan. Ang salita ay nagmula sa:
huling ika-15 siglo, “upang ilihis ang atensyon, akitin,” dayain mula M. Fr. tagalibang “ilihis, magdulot ng libangan” . . . [Ang] diwa ng paglilihis mula sa seryosong tungkulin, kiliti ng magarbo na naitala mula 1630s, ngunit sa [ika-18 siglo] ang pangunahing kahulugan ay [para] “manlinlang, mandaya” sa unang pagsakop ng atensyon. (Etymology Dictionary, http://www.etymonline.com, binigyang-diin.)
Simula noong unang inaakit ni Lucifer si Eba sa kasinungalingan sa Eden, ang pinag-aralang tangka ni Satanas ay lumihis sa isipan mula sa mabigat na bagay ng kaligtasan na kung saan sumisira sa anumang pag-ibig o interes sa kabanalan. Ang mga Kristyano ay mayroong tungkulin na gamitin ang oras nang matalino at may pakinabang. Ang payo ni Pablo kay Timoteo ay:
Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat na walang halaga; sa halip, pagsumikapan mong maging maka-Eloah. May pakinabang sa pagpapalakas ng katawan, ngunit ang pagsusumikap na maging maka-Eloah ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito’y may pangako hindi lamang sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating. Totoo ang salitang ito at dapat paniwalaan ng lahat. (1 Timoteo 4:7-9, MBB)
Ang ilan ay maaaring mangatuwiran na ang paglalaro ng baraha, computer games, atbp. ay mga paraan para mamahinga, upang papanariwain ang diwa kaya ang tao ay maaaring bumalik sa trabaho na kayang hawakan ang lundo at presyon. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na walang mali sa paggugol ng oras sa mga gawaing ito. Gayunman,
Wala sa mga paglilibang na kapaki-pakinabang sa kaluluwa o katawan. Walang magpapalakas sa katalinuhan, walang magpapanatili nito sa mahahalagang ideya para sa hinaharap. Ang pag-uusap ay nasa maliit at nanghihiyang mga paksa. Mayroong naririnig na tila pabiro, ang mababa, masamang pag-uusap na nagpapababa at sumisira sa tunay na dignidad ng pagkatao. Ang mga larong ito ay ang pinakawalang saysay, walang halaga, walang pakinabang, at mapanganib na trabahong mayroon ang kabataan. (E. G. White, Counsels on Health, p. 172.)
Maraming Kristyano na hindi papangarapin ang paglagay sa kahihiyan ng kanilang Manlilikha sa mas halatang mga paraan ay nalinlang sa pagsasayang ng mahalagang kaloob na oras nang mas mapaglalang. |
“Dingin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo. Ang isang tao’y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban ni [Yahuwah] ang siyang mananaig.” (Kawikaan 19:20-21, MBB)
Walang wakas sa landas ng hangal, maaksayadong oras na paglilibang. Bawat hakbang na tinatahak ay isang hakbang sa landas kung saan hindi nilakbayan ni Yahushua. “Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong sa kamatayan.” (Kawikaan 12:28, MBB)
Ang oras mismo ay isang kaloob mula sa Manlilikha. Ito ay laging gugugulin nang mabuti at matalino sapagkat ang bawat tao ay mayroong isang buhay lamang, isang malayang panahon. Hindi ibig sabihin nito na ang mga tao ay dapat laging abala sa trabaho nang walang oras mamahinga. Ang mabuti at matalinong paggamit ng mga kaloob ng Langit ay nagbibigay ng oras sa parehong trabaho at pahinga. Ang trabaho ay magiging produktibo, kapag ang nararapat na oras ay ibinigay sa parehong malayang oras at pahinga.
Tinutukoy ng Mangangaral 7:25 ang kamangmangan at walang kabuluhan na masama. Lahat ng naghahanda sa Langit ay maghahangad na mamahinga sa kaloob ni Yahuwah. Gugulin ang oras sa kalikasan, pag-aralan ang Kasulatan nang mag-isa o kasama ang iba, naghahanap ng paraan na maging isang biyaya at tulong sa mga kasama at bayan na dinala sa ating pakikitungo ay mga paraan ng isang Kristyano na maging ligtas sa kaluwagan nang hindi nakikipagsapalaran sa ipinagbabawal na lugar.
Noong ang Tagapagligtas ay nasa lupa, Siya ay madalas lumabas sa kalikasan, upang sumamba, upang manalangin at upang magnilay-nilay. Iyon mga nagpapa-unlad ng katangian gaya ng Kanyang kalooban ay gagawin rin ito.
Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong sa kamatayan. (Kawikaan 12:28, MBB)
Ang malayang panahon ay mapagpalang ipinakaloob kaya ang lahat ay maihahanda ang katangian sa Langit. Ang mahalagang kaloob ng oras ay hindi dapat sayangin, ilihis sa mga gawain at libangan na naglalayo ng puso mula sa Tagapagligtas. Sa halip, ang oras ay dapat gamitin nang mabuti, matalino, maingat, at nasa ilalim ng pagpukaw ng Banal na Espiritu.
Itakda ang iyong sarili kay Yahuwah. Ilatag ang lahat ng bagay sa altar ng pagsasakripisyo – maging ang iyong malayang oras. Isang walang hanggang kaginhawaan ang naghihintay sa lahat ng dadalhin ang kanilang kaisipan, kanilang damdamin, maging ang kanilang mga gusto at ayaw sa pagkakahanay sa banal na larawan.