1 Timoteo 1: 'Hindi ginawa ang Kautusan Para sa mga Matuwid'
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ito ay isang pag-aaral sa unang kabanata ng Timoteo, isang kabanata na minsang ginamit bilang tugon sa sinuman na naniniwala na dapat tayong tumalima sa mga kautusan ni Yahuwah sa Torah.
1 Timoteo 1:1 – Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Yahushua ayon sa utos ng Elohim na ating Tagapagligtas, at ni Kristo Yahushua na ating pag-asa.
2 Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya: Sumaiyo ang kagandahang-loob, habag, at kapayapaang mula kay Yahuwah Ama at mula kay Kristo Yahushua na ating Panginoon.
Kailanman na mababasa natin ang isa sa mga sulat ni Pablo, napakahalaga na tandaan kung para kanino ang sulat na ito. Narito, siya ay nagsusulat para kay Timoteo.
3 Gaya ng tagubilin ko sa iyo noong ako’y papunta ng Macedonia, ibig kong manatili ka sa Efeso upang pagsabihan mo ang ilang tao na huwag magturo ng maling aral,
4 at huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat at mahahabang talaan ng mga angkan. Nagiging dahilan lamang ang mga iyan ng mga pagtatalo at hindi nakatutulong kaninuman na magawa ang plano ng Diyos, na magagawa lamang sa pamamagitan ng pananampalataya.
Naging sagana ang kalinawan na may alalahanin si Pablo para sa pagtitipon sa Efeso na huwag magtuturo ng mga maling doktrina. Nilista niya ang dalawa sa mga ito, mga alamat at mahahabang talaan ng mga angkan.
May mga bagay gaya ng mga “kathang-isip ng mga Hudyo” na nabanggit ni Pablo sa Tito 1:14. Ngunit ang mga ito ay mga aral ng mga tao katulad ng mga makikita sa Talmud at pasalitang tradisyon, hindi ang kautusan ni Yahuwah. Marami pang mitolohikong doktrina sa Griyegong paganismo.
Tungkol sa mga talaangkanan, si Philo, isang natutong Alexandrian na Hudyo na may kakaunting sulat bago ang panahon ni Pablo, nagtayo ng isang buong sistema sa mga talaangkanan. Ang mga pangalan sa talaangkanan niya ay kumatawan sa iba’t ibang kondisyon ng kaluluwa.
Kaya maaari nating makita na ang mga bagay na nilista ni Pablo ay walang kinalaman sa doktrina ng pagpapanatili ng kautusan ni Yahuwah. Sa halip, ang lubos na kabaligtaran!
Walang alamat at mahahabang talaan ng mga angkan sa salita ni Yahuwah. Ang mga talaangkanan na umiiral sa mga kasulatan ay para sa isang mabuting layunin. Ang Mateo 1 at Lucas 3 ay naglalaman rin ng mga talaangkanan.
Nagpapatuloy…
5 Layunin ng tagubiling ito ay pag-ibig na nagmumula sa isang pusong dalisay, malinis na budhi at taos-pusong pananampalataya.
6 Tinalikuran na ng ilan ang mga bagay na ito at bumaling sa mga usaping walang-saysay.
7 Nais nilang maging mga tagapagturo ng Kautusan kahit hindi nila nauunawaan ang kanilang mga sinasabi ni ang mga bagay na buong tiwala nilang ipinapangaral.
8 Alam nating mabuti ang Kautusan kung gagamitin ito sa tamang paraan.
Isang katotohanan na ang layunin ng kautusan ay ang pag-ibig. Mismo, pinagtitibay ni Yahushua ito noong sinabi niya:
Mateo 22:38-40 (FSV) – “Ito ang dakila at pangunahing utos. At katulad nito ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Nakabatay sa dalawang utos na ito ang buong Kautusan at ang mga propeta.”
Walang silbi ang kautusan kapag kinuha sa isang makasariling pakikitungo sa halip na sa isang kaisipan ng pag-ibig. Ito ang pagkakamali ng ilang Eskriba at mga Pariseo.
Nawalan sila ng paningin na ang Torah ay nilayon na pagtuturo kung paano ibigin si Yahuwah at kapwa, hindi isang tagubilin para sa pagtataas ng iyong sarili sa iba.
Walang silbi ang kautusan kapag kinuha sa isang makasariling pakikitungo sa halip na sa isang kaisipan ng pag-ibig. Ito ang pagkakamali ng ilang Eskriba at mga Pariseo.
|
9 Alalahanin nating hindi ginawa ang Kautusan para sa mga matuwid kundi para sa mga sumusuway sa batas (459), sa mapanghimagsik, sa mga hindi maka-Diyos at sa mga makasalanan; para ito sa mga masasama at lapastangan; para sa mga pumapatay ng ama o ina, sa mga mamamatay-tao.
10 Ibinigay rin ang Kautusan para sa mga imoral, mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki o babae, para sa mga sapilitang kumukuha ng tao upang ibenta bilang alipin; para sa mga sinungaling at bulaang saksi. Ang Kautusan ay para sa lahat na sumasalungat sa mabuting aral
11 na naaayon sa maluwalhating ebanghelyo ng mapagpalang Elohim. Ito ang balitang ipinagkatiwala sa akin.
Kaya ang kautusan ay hindi nilikha para sa mga matutuwid kundi para sa mga ‘sumusuway sa batas’. Ano ang kahulugan ng pariralang ito, na nagmula sa salitang Griyego na ‘anomos’?
Thayers Greek Lexicon # 459 anomos {an’-om-os} mula sa 1 (bilang isang negatibong katiting) and 3551; TDNT – 4:1086,646; pang-uri
AV – walang batas 4, lumalabag 2, masama 2, balawis 1, iligal 1; 10
1) salat sa (Mosaikong) kautusan
1a) ng mga Hentil
2) tumalikod mula sa kautusan, isang lumalabag sa kautusan, balawis, masama
Kaya ang Torah ay nilikha para sa mga hindi sumusunod kay Yahuwah. Iyong mga hindi tumalima kay Yahuwah ay pinili na maging “salat sa Mosaikong kautusan!”
Ngayon kung ang mga tao ay hindi naturuan na magsisi dahil sa paglabag sa Sabbath, kumakain ng mga maruruming karne, nilalapastangan ang pangalan ni Yahuwah, pinababayaan ang mga banal na araw ni Yahuwah at nagpapasakop sa mga idolatryang kasanayan ng tinatawag na mga ‘Kristyanong’ okasyon kasama ang iba pang pagsalangsang sa kautusan, paano nila malalaman na kailangan nilang magsisi sa mga bagay na ito?
Isang patotoo na iyong mga gumagawa ng mga kasalanang ito ay nasa pangangailangan ng kautusan ni Yahuwah upang itama sila. Ngunit iyong mga hindi nagkakasala sa mga bagay na ito ay wala nang pangangailangan ng isang kautusan upang itama sila. At kung ang isang tao ay hindi nagsisi sa mga kasalanang ito, dapat silang tiyak na makiusap para sa kapatawaran at kunin ito sa ilalim ng dugo ni Yahushua.
Karamihan sa mga tao ngayon ay hindi naniniwala na lubhang mahalaga kung sila’y nilabag ang Sabbath o pabayaan ang ibang kautusan na unang nilista. Ngunit ang kabiguan na panatilihin ang mga kautusang ito ay mas mahalaga kaysa sa ibang utos na nakikitungo sa kung paano ibigin ang ating kapwa.
Bakit? Dahil ang pinakadakilang utos ay para ibigin si Yahuwah. At ang pangalawa sa pinakadakilang utos ay para ibigin ang iyong kapwa.
Sinabi rin ni Pablo na ang kautusan ay ginawa para sa mga ‘makasalanan’. Ano ang isang maka-kasulatang kahulugan ng kasalanan?
1 Juan 3:4 – Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay sumusuway (459) din sa Kautusan. Sa katunayan, ang pagsuway (459) sa kautusan ay kasalanan.
Narito ang kaparehong salitang Griyego na “anomos” na ginamit muli. Ang kasalanan ay pagsuway o pagiging salat sa kautusan (na mosaiko). Ang kahulugan sa Strong’s leksikon ay sinasabi pa nga na ang salitang ito ay “hindi pagpapasakop sa kautusan (ng mga Hudyo)”.
Ayon sa kasulatang ito, ang kabiguan na ipasakop ang iyong sarili sa kautusang ito ay ang mismong kahulugan ng kasalanan!
Ngayon na hindi ka pa nakakapagsisi mula sa paglabag sa mga kautusang ito na nakasulat, ngayon na ang panahon na gawin ito.
Tara na at huwag nang magkasala!
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Tom Martincic.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC