Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Bilang mga batang mag-aaral sa klase ng Sunday School o Vacation Bible School, madalas isinasalaysay sa amin ang kahanga-hangang kwento nina Elias at Eliseo. Iniuugnay ng 2 Mga Hari 2 ang kasaysayan ni Eliseo, ang malinaw na tagapagmana sa paglilingkod ni Elias, sumusunod sa kanyang tagapayo mula sa Gilgal hanggang sa Ilog Jordan, paulit-ulit na tumatanggi na manatili. Malapit sa wakas ng mahabang paglalakbay, nakiusap at nakatanggap si Eliseo ng isang “dalawahang bahagi ng iyong espiritu” mula kay Elias. Pagkatapos ay nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad, “napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo” (berso 11). Karaniwan, sinalaysay sa atin ang kwento ay nagwakas rito. Naiwan sa ating paniniwala na si Elias ay dinala sa langit, kung saan si Yahuwah ay namumuhay, at hindi kailanman namatay.
Kapareho rito, natutunan rin natin si Enoc, na “lumakad na kasama ni Yahuwah: at di siya nasumpungan, sapagkat kinuha ni Yahuwah” (Genesis 5:24). Ang mga guro ng Sunday School, ang mga pastor, ang mga talababa ng mga tagapagsalin ng ating mga Bibliya ay pinaniwala sa ating lahat na ang dalawang taong ito — sina Enoc at Elias — ay tumungo “nang diretso sa langit nang hindi namamatay.” Ito’y itinuro bilang isang hindi kapani-paniwalang hiwaga.
Gayunman, hindi ba ang “hiwaga” na ito ay lantarang sumasalungat sa Kasulatan, na nagsasabi na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ni Yahuwah ay buhay na walang hanggan kay Kristo Yahushua na ating Panginoon” (Roma 6:23)? Ang isa ay maaaring sabihin, “Lumakad si Enoc kasama ni Yahuwah, ibig sabihin ay hindi siya nagkasala; dahil dito, maaari siyang kunin ni Yahuwah nang direkta sa langit.” Muli, malinaw na ipinapahayag ng Roma 3:23: “Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah.” Ang salitang “lahat” ay marapat na isinasama ang bawat lalaki, bawat babae, at bawat bata, nang walang pagbubukod. Lahat ay nagkasala; dahil dito, lahat ay mamamatay (maliban kung unang babalik si Yahushua). Makatuwiran ba na pahintulutan ni Yahuwah ang dalawang makasalanang taong ito — gaano man “kabuti” ang kanilang mga buhay — para matanggap ang pagiging imortal nang hindi nararanasan ang kabayaran ng kanilang kasalanan?
O tayo’y niloko? Ibinigay ng Hebreo 11 sa atin ang isang mahabang listahan ng mga matatapat na lalaki at babae na pinanindigan ni Yahuwah (berso 1). Ang listahan ay isinama maging ang kwento ni Enoc: “Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Enoc ay kinuhang paitaas upang siya’y hindi dumanas ng kamatayan. Hindi na siya natagpuan, sapagkat siya’y kinuha ni Yahuwah.” Bago siya kinuha, napatunayang nalugod sa kanya si Yahuwah” (berso 5). Iyon ay tila itinataguyod ang palagay na hindi namatay si Enoc. Subalit pansinin ang berso 13: “Namatay lahat ang mga taong ito [ibig sabihin ang lahat ng mga dakilang lalaki at babae ng pananalig na nabanggit sa mga berso 1-12, kabilang si Enoc!] na may pananampalataya bagama’t hindi nila tinanggap ang mga ipinangako ni Yahuwah [nang hindi pa natatanggap ang buhay ng panahong darating!]. Ngunit natanaw nila at binati ang mga iyon mula sa malayo [nakita nila ang pangako ng buhay sa panahong darating sa lupa bilang panghinaharap na kaganapan].” Kaya ayon sa Hebreo 11:13, namatay nga si Enoc. Matapos iyon, ang manunulat ng Hebreo ay nagbigay pa ng mahigit dosenang matatapat na mga tao na nananatiling “kinalugdan ni Yahuwah dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi tumanggap ng ipinangako. Dahil may inihandang mas maganda si Yahuwah para sa atin, upang huwag silang gawing sakdal malibang kasama tayo” (berso 39-40). Sa ibang salita, walang sinuman ang pinahintulutan na matanggap ang mga pangako nang una sa sinuman. Sila’y maghihintay para sa atin. Tayong lahat ay matatanggap ang pangako na sangkot ang buhay sa panahong darating nang sabay-sabay kapag si Yahushua ay babalik sa lupa.
Nakuha na natin ngayon ang ilang impormasyon tungkol kay Enoc, ngunit ano naman kay Elias? Siya’y hindi nabanggit sa balangkas ng mga matatapat na namatay sa Hebreo 11. Malamang ginawa niya, kung tutuusin ay umiwas sa kamatayan. Isinalaysay ng 2 Mga Hari 2:15-18 na “limangpung lalaki” ang naghanap kay Elias sa loob ng tatlong araw. Tiyakan na ito’y patunay? Subalit kakaiba, nasumpungan natin sa 2 Paralipomeno 21:12 na si Joram, hari ng Juda, ay nakatanggap ng isang sulat mula kay Elias, sampung taon (humigit-kumulang 843 BC) matapos ang kanyang inakalang “pagsasalin sa langit” (humigit-kumulang 852 BC). Malala ba ang pagpapadala ng sulat sa mga araw na iyon kaya tumagal ng sampung taon para matanggap ang sulat ni Elias? O siya ba ay bumaba mula sa langit? Marahil ay mayroon siyang anghel bilang isang kartero? Nagbabawal sa mga ganoong hindi kapani-paniwalang palagay, dapat nating aminin na si Elias ang propeta ay nananatiling buhay at naglilingkod sa loob ng sampung taon matapos ang insidente ng ipo-ipo.
Sa liwanag nito, dapat nating muling pag-isipan kung ano ang itinuro sa atin. Ang Kasulatan ay hindi kailanman nagsasabi na sina Enoc at Elias ay hindi namatay. Sinabi na si Enoc ay “kinuhang paitaas upang siya’y hindi dumanas ng kamatayan” (Hebreo 11:5) at si Elias ay “hindi nasumpungan siya” (2 Mga Hari 2:17). Ang dalawang pariralang ito ay medyo kakaiba mula sa pagsasabi na ang isa ay hindi namatay, o may tumungo sa langit upang mamuhay kasama ni Yahuwah. Gumawa tayo ng isang dakilang pagpapalagay batay sa mga pariralang ito. Ipinalagay natin na kapag ang isang tao ay “kinuha pataas ni Yahuwah,” ang tao ay pupunta sa langit at nananatili doon. Ipinalagay natin na kapag ang isang tao ay hindi masumpungan, siya ay patuloy na nabubuhay sa nakalipas na ilang libong taon, samantala ang Genesis 5:23 ay nagbibigay ng haba ng buhay ni Enoc: 365 taon, at hindi isang araw na higit pa.
Maaari ba ang parirala na “kinuha pataas ni Yahuwah” or “dinala sa langit” ay mayroong naiibang kahulugan sa halip na matagal nang ipinalagay? Sa Mga Gawa 8:39, makikita natin na matapos matagumpay na ibahagi ang ebanghelyo at bautismuhan ang taga-Etiopia na eunuko, ang Espiritu ng Panginoon ay “inagaw si Felipe, at hindi na siya nakita ng eunuko.” Ito ay lubos na kapareho sa anong nangyari kay Enoc at Elias, subalit hindi natin ipinalagay na si Felipe ay kinuha sa langit, hindi namatay, dahil sa susunod na berso, sinabi sa atin na “natagpuan si Felipe sa Azotus.” Hindi tayo gumagawa ng walang basehang pagpapalagay tungkol kay Felipe dahil sinabi sa atin kung saan siya nasumpungan. Sa kabilang dako, dahil hindi sinabi sa atin kung saan ibinaba ni Yahuwah sina Enoc at Elias, ipinalagay natin na sila’y nananatili sa langit. Dapat tayong gumawa ng mga paniniwala na nakahanay sa lahat ng mga kasulatan. Sapagkat ang Roma 6:23 at Hebreo 11:13 ay sinasabi sa atin na lahat ay mamamatay, gaano man ang katapatan nila, dapat paniwalaan natin na sina Enoc at Elias ay namatay rin.
Ang mas matuwid na pagpapaliwanag, dahil dito, sapagkat ang kawakasan ni Enoc ay ang kawakasan ng lahat ng iba sa lipi ni Enoc ay inilibing ng kanilang mga pamilya. Patuloy, sa kaso ni Enoc, ganon din kay Moises (Deuteronomio 34:6), kinuha at inilibing siya ni Yahuwah kung saan walang sinuman ang nakakaalam. Siya “ay,” at pagkatapos siya “ay hindi.” Hindi siya nakitang muli ng sinuman sa lupa, gaya ng eunuko na hindi na muling nakita si Felipe. Namatay si Enoc, at sa huli, si Elias din. Oo, si Elias ay kinuha sa “langit” ni Yahuwah, ngunit hindi ibig sabihin na siya ay nananatili roon.
Dagdag pa, dapat nating siyasatin ang kahulugan ng “langit” sa Kasulatan. Ayon sa Easton’s Bible Dictionary, ang mga Hudyo ay inangkin na mayroong tatlong langit: ang kalangitan kung saan ang mga ibon ay lumilipad (Genesis 2:19), ang kalangitan ng mga bituin (Deuteronomio 17:3), at ang langit ng mga kalangitan o ikatlong langit (Deuteronomio 10:14). Iba’t ibang salita na nagbigay ng kahulugan sa “langit” sa ilang berso ay maaaring kataasan, sukdulan, tugatog, himpapawid, o kaulapan. At medyo pausisa, buhat nang naiisip natin kay Elias, ang salitang Hebreo na, literal na “gulong,” ay isinalin bilang “langit” sa Awit 77:18 o “ipo-ipo” sa RSV! Hindi natin malalaman kung gaano kataas o anong “langit” si Elias maaaring kunin. Maaari nating malaman nang tiyakan, gayunman, na siya ay hindi nananatili rito. Narinig siyang muli sa lupa, sampung taon matapos kunin. Sapagkat si Yahushua ay hindi itatatag ang kanyang Kaharian sa lupa sa panahon ng buhay ni Elias, maaari tayong makatiyak rin na namatay si Elias (sinasabi ng Hebreo 11:32 na ang mga propeta ay namatay), gaya ng lahat bago at matapos siya na matutulog ng tulog ng kamatayan (Awit 13:3) Natutulog siya “kasama ng mga ninuno,” sa libingan, naghihintay sa muling pagdating ni Yahushua, kapag ang mga namatay kay Kristo ay unang muling bubuhayin. Dahil tinitiyak ng Hebreo 11:39-40 sa ating lahat, ang matapat ay gagawing sakdal kasama nating lahat. Oh anong dakilang plano!
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Alane Rozelle.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC