Ang Imortal na Kaluluwa: Isang Mapangwasak Na Doktrina
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sinalita ng aking pastor ang tungkol sa kahalagahan ng pagtuturo ng Kaharian ni Yahuwah… Nabanggit niya na, nakalulungkot, maraming pangunahing Kristyanong simbahan ang nagtuturo ng paniniwala na ang lahat ng mga tao ay mayroong imortal na kaluluwa na lumilipad patungo sa langit o bumabagsak patungo sa impyerno sa sandali ng kamatayan. Sa panahong iyon, ang mabuti at masama ay ginantimpalaan kung paano sila namuhay sa lupa. Habang pinag-iisipan ko ito, sumulpot sa aking kaisipan na ang isa ay maaaring magpaliwanag na sa lahat ng mga huwad na doktrina at pagtuturo na isinulong ng Kristyanong simbahan, ang imortal na kaluluwa marahil ang pinaka mapangwasak na pagtuturo sa lahat para sa kapakanan ng Ebanghelyo ng Kaharian.
Ang doktrina ng imortal na kaluluwa ay inilagay sa mataas na antas ng listahan ng pinaka mapangwasak na mga doktrina sa lahat ng itinuro ng mga simbahan. Mayroong siyam na dahilan para sa akin na ginagawa ang malubhang salakay laban sa pagtuturong ito (wala sa anumang pagkakasunod ng kahalagahan):
Una, ang doktrina ng imortal na kaluluwa ay nagbibigay sa tao ng isang bagay na wala naman o hindi kailanman nagkaroon. Sinabi ni Yahuwah sa Genesis 2:7 na ang tao ay ang produkto ng dalawang bagay — ang alabok ng lupa at ang hininga ng buhay. Pinagsama ang dalawa, at sinasabi ng Genesis 2:7, ang tao ay naging isang kaluluwang may buhay. Tandaan ito nang maingat — ang taong iyon ay isang kaluluwa, hindi ang tao na may kaluluwa. Ang saliwa ay ipinakita sa Mangangaral 12:7, kapag sa kamatayan, ang alabok ay bumabalik sa lupa kung saan ito nagmula, at ang espiritu (isinalin din bilang “hininga”) ay bumabalik kay Yahuwah, na nagkaloob nito. Gayunman, ano ang itinuturo ng doktrina ng imortal na kaluluwa? Hindi nito itinuturo na ang tao ay isang kaluluwa na sinasabi ng Genesis 2:7, kundi ang tao ay mayroong namanang imortal na bahagi niya na hindi namamatay. Ito’y tila tumungo na hawak-kamay sa anong sinabi ng Ahas kay Eba sa Genesis 3:4: “Tunay na hindi kayo mamamatay.” Ngunit ito’y salungat sa Genesis 2:7, o para sa bagay na ito, Genesis 3:19, na mga salita ni Yahuwah. Maniniwala ba tayo sa mga salita ng Ahas (ang Diyablo, Pahayag 20:2), na nagsasabi na ikaw ay tunay na hindi mamamatay, o ang mga salita ni Yahuwah, na nagsasabi na ikaw ay mula sa alabok at mamamatay dahil sa iyong kasalanan? Kung si Eba (at si Adan; sinasabi ng Genesis 3:6 na si Adan ay naririto noong naganap ang panunukso) ay nakinig kay Yahuwah sa halip na sa Ahas, gaano mas mabuti ang ating sanlibutan ngayon?
Ang doktrina ng imortal na kaluluwa ay itinuturo na ang langit (o impyerno), hindi ang lupa, ang magiging tirahan ng tao. Binabawasan nito ang kahalagahan ng pagtuturo ng Bibliya na ang lupa ay panunumbalikin at si Yahuwah ay magiging kasama natin.
|
Ikalawa, pinapawalang-bisa nito sa maraming antas ang paparating na Kaharian ni Yahuwah at pinapawalang-bisa ang kahalagahan ng muling pagkabuhay ng mga patay, na patuloy na sinasabi ng Bibliya sa atin na layunin ng lahat ng mga mananampalataya (Filipos 3:11). Ang doktrina ng imortal na kaluluwa ay tinatanggal ang tampulan sa bagong langit at bagong lupa (Pahayag 21:1). Sa halip, nilalayon nito ang tampulan sa kalangitan bilang tahanan ng mga tinubos. Ito’y tumatakbo na salungat sa anong sinasabi ni Yahuwah sa maraming sipi. Halimbawa, nilikha ni Yahuwah ang lupa upang tirahan ng mga tao (Genesis 1:26-28). Ipinagkaloob ni Yahuwah ang lupa bilang pag-aari ng mga tao habang ang langit ay nireserba sa Kanya (Awit 115:16). Ang doktrina ng imortal na kaluluwa, gayunman, ay itinuturo na ang langit (o impyerno), hindi ang lupa, ang magiging tirahan ng tao. Binabawasan nito ang kahalagahan ng pagtuturo ng Bibliya na ang lupa ay panunumbalikin at si Yahuwah ay magiging kasama natin at magiging ating Yahuwah (Pahayag 21:1, 3: tandaan na hindi tayo pupunta kay Yahuwah, kundi si Yahuwah ang darating sa atin.) Binabawasan rin nito ang kahalagahan ni Yahuwah na nagtatagumpay sa kamatayan sa pamamagitan ng muling pagkabuhay. Kung tutuusin, bakit ako dapat mag-alala tungkol sa aking katawan na ibinalik at namumuhay magpakailanman sa lupa kung nasa langit na ako sa presensya ni Yahuwah? At kung ibinagsak ako sa impyerno, bakit pa ako mag-aalala tungkol sa bagong langit at bagong lupa? Saan ang pangako na ang masasama ay matatanggap ang bagong katawan na maaaring mabuhay magpakailanman sa apoy?
Sinasabi ng Bibliya na iyong mga namatay ay “kasamang namahinga ng kanilang mga ninuno”, na isang eupemismo para sa kamatayan. Sinasabi ng Isaias ang panghinaharap na muling pagkabuhay: “Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok” (Isaias 26:19). Sinasabi ni Daniel ang kaparehong bagay sa Daniel 12:2, “marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising.” Ang isa ay dapat magtanong kung sinu-sino ang “kayong nagsisitahan sa alabok” at “marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa” kung ang mga imortal na kaluluwa ay buhay na sa langit!
|
Ikatlo, pinapawalang-bisa nito ang Hudyong ugat ng ating pananalig sa pagsusumamo sa Griyegong pilosopiya sa halip na sa mga manunulat ng Lumang Tipan. Ito ay ang Griyego at Helenistikong paraan ng kaisipan na nagturo na ang tao ay mabubuhay magpakailanman sa Langit kasama ang mga diyos o sa kailaliman ng Hades sa pagdurusa (ito’y maaaring pagtalunan rin na ang paganong kaisipan gaya nito ang humantong sa mga Kristyano na maniwala sa isang tatluhang diyos.) Ngunit ang mga manunulat ng Lumang Tipan ay hindi nagsulat sa paraang ito. Sinasabi ng Bibliya na iyong mga namatay ay “kasamang namahinga ng kanilang mga ninuno” (tingnan ang mga talaan ng mga kamatayan ng mga hari ng Israel at Juda sa 1 at 2 Mga Hari pati rin sa mga Paralipomeno), na isang eupemismo para sa kamatayan. Sinasabi ng Isaias ang panghinaharap na muling pagkabuhay: “Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok” (Isaias 26:19). Sinasabi ni Daniel ang kaparehong bagay sa Daniel 12:2, “marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising.” Ang isa ay dapat magtanong kung sinu-sino ang “kayong nagsisitahan sa alabok” at “marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa” kung ang mga imortal na kaluluwa ay buhay na sa langit! Natutulog ba ang mga imortal na kaluluwa? Si Yahushua, sa pagsasalita tungkol sa kanyang kaibigan na si Lazaro, sinabi na “Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog” (Juan 11:11), na nilinaw niya sa kanyang mga alagad: “Patay na si Lazaro” (Juan 11:14). Si Esteban, ang unang martir para sa Ebanghelyo, ay nakatulog noong namatay siya (Mga Gawa 7:60). Muli, dapat kong tanungin, sino “siya” na nakatulog kung ang kanyang imortal na kaluluwa ay tumngo sa langit sa sandaling iyon? Subalit karamihan rito, kung hindi lahat, ay isinantabi sa pagdating ng Griyegong kaisipan at pilosopiya na hinatid sa mga simbahan upang palitan ang kaisipang Hudyo. Ang isa ay magtataka kung paano ang kasaysayan ng simbahan at ang relasyon nito sa mga Hudyo ay mag-iiba kung tayo’y nanatiling matapat sa Hebreong Bibliya, ang Lumang Tipan, itinuro ang tungkol sa kamatayan sa halip na itinuro ng mga Griyego.
Bilang isang dagdag na tala, kung ang doktrina ng imortal na kaluluwa ay totoo, dapat magalit si Lazaro kay Yahushua sa pagpapalayo sa kanya mula sa walang hanggang pagsamba kay Yahuwah at pagiging malapit sa Kanyang presensya at sa halip ay ibalik sa makasalanang daigdig na ito kasama ang mga kabalisahan at mga sakit nito.
Ikaapat, ang ideya ng paglilitson at pagsusunog sa isang walang hanggang apoy ng impyerno ay inilalayo ang mga tao mula sa Ebanghelyo, at tama naman. Isa sa mga mahahalagang dahilan kaya ang mga nagdududa at mga ateista (ang nanunuya, mapanukso at ang ordinaryong naghahangad) na tinanggihan ang pag-iral ni Yahuwah ay hindi nila matanggap ang ideya na ang isang mapagmahal sa lahat at mahabagin sa lahat na si Yahuwah ay ipapadala ang mga tao sa isang lugar kung saan sila ay susunugin, pahihirapan, at magdurusa nang may kamalayan sa lahat ng walang hanggan, nang walang katapusan. Hindi lamang sinisisi ko sila sa pag-iisip sa ganitong paraan, kundi ito rin ay ganap na tumatakbo nang salungat sa pagtuturo ng Bibliya sa kapalaran ng mga masasama. Para maglista ng ilang berso:
- Isaias 66:24 (na marahil ipinahiwatig ni Yahushua sa Marcos 9:48): Ang propeta ay hindi sinasabi na ang matuwid ay tutungo at titingin sa mga namimilipit, naghihirap na mga kaluluwa ng mga naghimagsik laban kay Yahuwah. Sinasabi ng propeta na sila’y titingin sa mga patay na katawan ng mga naghimagsik laban kay Yahuwah.
- Daniel 12:2: Ang masama, kapag muling binuhay, ay ilalagay sa kahihiyan at walang hanggang pagkapahamak. Hindi nito sinasabi na walang hanggang paghihirap o pagdurusa kundi ang paghamak sa masama ay hindi magwawakas.
- 2 Tesalonica 1:8-9: Parurusahan ni Yahuwah ang mga masasama ng walang hanggang pagkawasak (pagkawasak sa paparating na panahon), hindi walang hanggang paghihirap. Dagdag pa, sila’y titigil sa pag-iral mula sa presensya ni Yahuwah. Tanging pagkawasak lamang ang maaaring tumupad sa pahayag na ito; kung ang masama ay nabubuhay pa sa apoy ng impyerno, paano ang isa ay makikipagtalo kung sila’y titigil sa pag-iral mula sa presensya ni Yahuwah buhat nang si Yahuwah ay nasa lahat ng dako.
At dapat rin tandaan na ang apoy ay hindi isang nagpapanatiling na ahente kung isang sumisirang ahente. May nakahagis ba ng isang piraso ng papel sa apoy? Kung gayon, maaari mo bang alisin ang apoy at basahin kung ano ang nakasulat rito? Syempre hindi, dahil iyon ang ginagawa ng apoy. Sumisira ang apoy; ito’y nagsusunog at lumalamon. Hindi nito pinananatili ang materyal na sinusunog nito, papel man o laman.
Ibibigay lamang ni Yahuwah ang imortalidad sa mga naglilingkod sa Kanya at napagtagumpayan ang sanlibutan. Ang doktrina ng imortal na kaluluwa ay sinisira ang batayang pagtuturo na ito tungkol sa Kaharian ni Yahuwah.
|
Ikalima, ginagawa nito si Yahuwah na sinungaling noong sinasabi Niya na tanging mga matutuwid lamang ang mabubuhay magpakailanman. Apat na beses na sinasabi ni Yahushua sa Juan 6, halimbawa, na iyong mga nabibilang sa kanya ay muling bubuhayin sa huling araw (mga berso 39, 40, 44, at 54). Narinig mo ba ang isang pangunahing Kristyanong guro o pastor na nagsasabi, “Lahat ay mabubuhay magpakailanman; ito’y bagay lamang kung saan ka mabubuhay”? Ang pahayag na ito ay nagmumula sa paniniwala sa isang imortal na kaluluwa. Subalit ang Roma 2:7 ay nagsasabi na tanging ang mga patuloy na naghahangad lamang ng imortalidad at kaluwalhatian ay makakamit ang walang hanggang buhay. Tandaan kung ano ang hindi sinasabi ng Roma 2:7-8: “Iyong mga nagpapatuloy sa paghahangad ng kaluwalhatian ni Yahuwah, ibibigay Niya ang walang hanggang buhay sa langit, ngunit iyon mga naghahangad sa sarili at napopoot sa katotohanan, ibibigay niya ang walang hanggang buhay sa impyerno.” Ibibigay lamang ni Yahuwah ang imortalidad sa mga naglilingkod sa Kanya at napagtagumpayan ang sanlibutan. Ang doktrina ng imortal na kaluluwa ay sinisira ang batayang pagtuturo na ito tungkol sa Kaharian ni Yahuwah.
Ikaanim, posible na inililihis nito ang mga tao mula sa pagsamba kay Yahuwah patungo sa panalangin at posibleng pagsamba ng mga patay na santo, lalo na ang Birheng Maria. Dahil sa anong nagawa ni Kristo Yahushua para sa ating lahat, hindi na natin kailangan ng isang tagapamagitan maliban sa kanya. Dahil sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, maaari tayong lumapit sa trono ni Yahuwah at makiusap para sa kahabagan at kagandahang-loob (Hebreo 4:16). Ang doktrina ng imortal na kaluluwa, gayunman, sa maraming antas, ay inaalis ang pangangailangan o pagnanais para sa isang tagapamagitan. Isaalang-alang ang Romano Katolikong doktrina. Itinuturo nito na ang mga kaluluwa ng mga santo ay nasa langit na ngayon, at maaari tayong manalangin sa kanila upang makamit ang tagapamagitan sa pagitan natin at ni Yahuwah Ama. Narinig ko na ang mga Katoliko ay naniniwala na ang Birheng Maria ay ang tagapamagitan sa pagitan ni Kristo Yahushua at tayo, nagbibigay sa kanya ng titulo gaya ng “Reyna ng Langit.” Anong nangyayari sa karamihan sa mga doktrina ng Romano Katoliko kung ang imortal na kaluluwa ay hindi totoo? Kung si Maria ay natutulog sa lupa, naghihintay sa muling pagkabuhay kasama ang nalalabi ng mga mananampalataya (Hebreo 11:39-40), ano ang ginagawa ng mga Katoliko at iba pa kapag nananalangin sila kay Maria o nagsisindi ng mga kandila sa kanyang kaluwalhatian?
Ikapito, ginagawa nito ang kamatayan na isang kaibigan sa ilan sa halip na isang kaaway sa lahat. Ang Bibliya ay patuloy na tinutukoy ang kamatayan bilang kaaway (1 Corinto 15:54-56, halimbawa). Kabaligtaran sa ateistikong ebolusyonaryong pagtuturo, ang kamatayan ay nanghihimasok. Ang tao ay hindi dumating sa sanlibutan sa pamamagitan ng kamatayan, kundi ang kamatayan ay dumating sa sanlibutan sa pamamagitan ng tao (1 Corinto 15:21). Ang kamatayan ay hindi likas sa pamamalakad ni Yahuwah. Sinasabi pa nga na ang Diyablo ay humahawak ng kapangyarihan sa kamatayan (Hebreo 2:14). Maaari ba ang sinuman na sabihin na ang isang bagay na taglay ng Diyablo na kapangyarihan ay maaaring isang kaibigan sa sinuman, maging ang isang mananampalataya? Subalit ayon sa doktrina ng imortal na kaluluwa, ang kamatayan ngayo’y isang kaibigan sa mga sumasampalataya kay Kristo! Saan naituro na ang kamatayan ay isang kaibigan? Ito ay isang bagay na maging sa sumpa, maaaring may pagpapala. Halimbawa, ang kamatayan ay maaaring magdala ng kaluwagan sa pagdurusa, na maaaring mabuting bagay sa isang tiyak na antas. Ngunit mayroong isang napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng pagsasabi na si Yahuwah ay maaaring gamitin ang sumpa upang magdala ng isang pagpapala o kaluwagan at pagsasabi na ang kamatayan ay isang aktwal na kaibigan! Kung ang kamatayan ay inilalabas ang imortal na kaluluwa na makasama si Yahuwah sa walang hanggan, paanong hindi magiging isang kaibigan sa kahit ilang diwa?
Ang mga tao ay madalas gumagamit ng mga eskatolohikong argumento bilang isang batayan, hayagan man o paghiwatig, hindi nag-aalala tungkol sa anong gagawin nila sa sanlibutan, at ang imortal na kaluluwa ay maaaring magdagdag sa batayang iyon buhat nang ang espiritwal ay ang mabuti. Bakit mag-aalala tungkol sa anong ginagawa natin sa lupa?
|
Ikawalo, ito’y lumilikha ng potensyal para sa paghahanap sa pisikal na paglikha ni Yahuwah bilang isang hadlang o kasamaan sa halip na kabutihan. Maaga, nabanggit ko ang impluwensya ng Griyego at Helenistikong kaisipan sa Kristyanong simbahan. Isa sa mga aspeto ng Griyegong pilosopikong kaisipan ay ang ideya na ang bagay ay masama, ang espiritwal na mundo ay mabuti, at ang isa ay dapat magsikap na iwasan ang materyal na mundo upang yakapin ang espiritwal. Ito ay lubos na mapanganib sa mga Kristyano buhat nang may mga panawagan tayo mula sa Bibliya na tayo’y nasa sanlibutang ito ngunit hindi kabilang sa sanlibutang ito (tingnan, halimbawa, Juan 15:19; Roma 12:1; 1 Tesalonica 4:1; at 1 Juan 2:15-17). Kung ito ay kinuha sa sukdulan, gayunman, ito’y maaaring humantong na dahilan ng pagtanggi sa tinawag ni Yahuwah na mabuti (1 Timoteo 4:1-4; tingnan rin ang Mangangaral 2:24-26; 3:12-13; 5:18-20; 9:7-10; 11:7-10). Ito rin ay maaaring potensyal na magdulot sa mga tao na maisip na wala nang kailangang maingat ng sanlibutan o anumang bagay rito, gayunman, tayo’y higit pa sa ating mga katawan lamang. Kaya sinong may pakialam kung magkakalat tayo o sadyang salaulain ang hangin? Ano pa man, tayo’y mamamatay, at ang ating mga imortal na kaluluwa ay lilipad sa isang lugar na walang pagkakalat at palaging malinis ang hangin. Ito’y sumasalungat sa anong sinabi ni Yahuwah sa tao na gawin — pamunuan ang lupa, sakupin ito, at gamitin ito para sa Kanyang kaluwalhatian (Genesis 1:26-28). Ang mga tao ay madalas gumagamit ng mga eskatolohikong argumento bilang isang batayan, hayagan man o paghiwatig, hindi nag-aalala tungkol sa anong gagawin nila sa sanlibutan, at ang imortal na kaluluwa ay maaaring magdagdag sa batayang iyon buhat nang ang espiritwal ay ang mabuti. Bakit mag-aalala tungkol sa anong ginagawa natin sa lupa? Ito’y hindi sinasabi na ang mga tao ay naniniwala sa paraang ito; sinasabi nito na ang paniniwala sa imortal na kaluluwa ay maaaring humantong sa ganitong uri ng kaisipan.
Ikasiyam at panghuli, ginagawa nito ang huling paghuhukom ni Yahuwah na walang saysay. Isaalang-alang ang sumusunod na linya ng panahon: Namatay ang tao at tumungo sa impyerno dahil sa kanyang mga kasalanan at walang pagsisising saloobin. Siya ay pinahirapan at nagdurusa sa walang hanggang apoy ng impyerno. Pagkatapos, sa isang punto sa hinaharap, ilalabas siya ng impyerno, nakatayo sa harap ni Yahuwah, naririnig ang mga pahayag ni Yahuwah ng paghatol sa kanya, naririnig ang kaparusahan sa kanya, at pagkatapos ay muling ibabalik sa walang hanggang apoy ng impyerno sa lahat ng panahon. May saysay pa rin ba ito ano pa man? At gaano ito naaayon sa anong isinulat ng may-akda ng Hebreo sa 9:27: “Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom…”? Sinabi ni Yahushua sa Juan 5:28-29 na mayroong panahon kung kailan ang lahat ng kanilang mga libingan ay magbubukas, sa buhay ng panahong paparating at sa paghuhukom (ang isa ay dapat muling itanong: Sinu-sino ang “lahat” sa mga libingan ng kanilang mga imortal na kaluluwa na nasa langit o impyerno?) Mayroong isang panahon para sa paghuhukom. Subalit ayon sa doktrina ng imortal na kaluluwa, mayroong dalawang pagkakataon para sa paghuhukom. Paano ito makakatagal laban sa biblikal na patotoo?
Alinman sa mga dahilang ito ay sapat nang masama at magiging isang hadlang sa tunay na Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah. Kapag pinagsama-sama mo ang lahat ng siyam na dahilang ito, gayunman, nagpupunto ito sa isang kagimbal-gimbal na kasiraan at pagkawasak ng ano ang dapat na isang mensahe ng kaligtasan — na nilikha ni Yahuwah ang lupa na ito na mabuti, at, bagama’t lubhang nasira ng paghahatol dahil sa ating pagkakasala, isang araw, Siya ay papanumbalikin ito sa nararapat nitong anyo; tayo’y mamamatay gaya ni Yahushua; nabubuhay si Yahushua gaya natin sa isang araw na muli tayong mabubuhay; at si Yahushua ang magiging lider ng sanlibutang ito (gaya ng isang araw na tayo’y mapapasailalim ni Yahushua, syempre! Daniel 7:22, 27). Tayo, dahil dito, ay kailangang itanong sa sarili ang isang batayang katanungan: Makikinig ba tayo sa anong sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kung sino si Yahuwah, sino ang tao, at ano ang ating kapalaran? O tayo’y makikinig sa anong sinasabi ng sanlibutan?
Ito ay isang katanungan ng kapangyarihan, ang kapangyarihan ni Yahuwah vs. ang kapangyarihan ng tao.
Sinabi ng ahas kay Eba, “Hindi ka mamamatay.”
Sinabi ni Yahuwah sa atin, “Mamamatay ka, ngunit sa isang araw muli kang mabubuhay kung nananatili ka sa Akin at sa Aking Anak.”
Saan tayo patungo?
“Ngunit talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya’y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma’y makikita ko si Yahuwah sa aking laman” (Job 19:25-26).
Tandaan ang kaliwanagan ng Awit 37, mga berso 9, 11, 22, 29, 34, at para sa masama, berso 20.
Awit 37:9 Sapagkat ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: ngunit yaong nagsipaghintay kay Yahuwah, ay mangagmamana sila ng lupain.
|
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Lonnie Craig.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC