Anti-Bibliya Na Pahayag Ni Ellen White Sa Mesias Yahushua
“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta! Lumalapit sila sa inyo nang nakadamit-tupa, ngunit sa loob ay mga mababangis na asong-gubat.” Mateo 7:15, FSV |
Ilang taon na rin ang lumipas mula noong napagpasyahan naming tanggihan ang Hesus ni Ellen White. Itinapon namin ang Hesus na pinanindigan ni Ellen White at nagsimulang magbabala sa iba na huwag susundin ang huwad na Hesus, na nagmula sa kaisipan ng Griyegong pilosopo na si Plato. Aming galak na itinataguyod sa halip ang 100% tao na si Yahushua na may isang kalikasan lamang, na darating upang ibigin at sambahin1 matapos pag-aralan ang anong itinuro niya sa mga Ebanghelyo at anong isinulat ng mga alagad niya tungkol sa kanya. Noong nilisan namin ang pakikisama sa mga kasulatan ni Ellen White nang tuluyan noong 2017, hindi namin ibinahagi ang kanyang mga isinulat na natagpuan namin na lantarang sumasalungat sa Bibliya. Nilimitahan namin ang pagsisikap sa paglalathala ng Biblikal na patotoo para sa aming bagong taglay na mga posisyon. Marahil ay panahon na upang ibahagi ang mga patikim ng kanyang mga isinulat na natagpuan namin na lubos na anti-Bibliya, na kami’y napahiya sa katunayan na mayroong panahon na kinuha namin ang kanyang mga isinulat nang taimtim. Kami’y nagsisi ng ganoong kaaba-abang nakaraan at palaging natatalaga na gawin ang Bibliya at ang Bibliya lamang na aming tanging pinakukunan ng katotohanan.
Ating siyasatin ang ilan sa mga pagtuturo ni Ellen White sa Platonikong Hesus, na pinanindigan niya:
“Si Kristo ay hindi pinalitan ang Kanyang kabanalan para sa sangkatauhan; kundi dinamitan Niya ang Kanyang kabanalan sa sangkatauhan,…”2
“Ito ay hindi tinupad sa paglabas ng sarili Niya sa iba, kundi sa pagkuha ng sangkatauhan tungo sa Kanyang sarili.”3
“Ngunit si Kristo ay katumbas sa Diyos, walang hanggan at makapangyarihan sa lahat. Maaari Niyang bayaran ang pantubos para sa kalayaan ng tao.” – Ellen White14
|
“Bagama’t ang banal na kaluwalhatian ni Kristo para sa isang panahon ay ikinubli at naparam sa Kanyang tinanggap na pagkatao, hindi Siya tumigil sa pagiging Diyos noong Siya ay naging tao. Ang tao ay hindi kinuha ang posisyon ng banal, hindi rin ang banal ng tao. Ito ang hiwaga ng pagkadiyos. Ang dalawang ekspresyon na ‘tao’ at ‘banal’ ay, sa Kristo, malapit at hindi mapaghihiwalay, at subalit sila’y may natatanging pagka-indibidwal. Bagama’t ibinaba ni Kristo ang sarili Niya na maging tao, ang pagka-Diyos ay nananatili sa sarili Niya.”4
“Maaari niyang tinulungan ang Kanyang pantaong kalikasan na makatiis sa mga pagpasok ng sakit sa pamamagitan ng pagbubuhos mula sa kahalagahan ng Kanyang banal na kalikasan at hindi nasisirang lakas sa tao. Ngunit ibinaba Niya ang sarili sa kalikasan ng tao.”5
Si Kristo ay “hindi ginugol ang Kanyang banal na kapangyarihan upang bawasan ang Kanyang mga pasanin o para pagaanin ang Kanyang kahirapan.”6
“Walang sinuman, tumatanaw sa parang batang mukha, kumikinang sa sigla, maaaring sabihin na si Kristo ay gaya lamang ng ibang bata. Siya ang Diyos sa lamang ng tao. Noong hinimok ng Kanyang mga kasama na gumawa ng mali, kabanalan ang kumislap sa sangkatauhan, at tumanggi Siya nang walang alinlangan. Sa isang sandali ay ipinakilala niya ang tama at mali, at inilagay ang pagkakasala sa liwanag ng mga kautusan ng Diyos, hinahawakan ang kautusan bilang isang salamin na nagbibigay ng liwanag sa kamalian.”7
“Ang pagkatao ni Kristo lamang ay hindi maaaring pagtiisan ang pagsubok na ito, kundi ang Kanyang banal na kapangyarihan na pinagsama sa pagiging tao na nakamit sa ngalan ng tao ang isang walang hanggang tagumpay.”8
“Hindi Niya dapat tawagin ang Kanyang kabanalan sa Kanyang tulong, dapat Niyang pasanin ang mga kahihinatnan ng pagkakasala ng tao, at ang hinanakit ng Manlilikha sa isang palasuway na tauhan.”9
“Ang kalikasan ng tao ay maaaring makatiis kundi sa isang limitadong dami ng pagsubok. Ang may hangganan ay maaari lamang pagtiisan ang may hangganan na sukatan, at ang kalikasan ng tao ay sumusuko; ngunit ang kalikasan ni Kristo ay mayroong isang dakilang kapasidad para sa paghihirap; sapagkat ang tao ay umiral sa banal na kalikasan, at lumikha ng isang kapasidad para sa paghihirap na pagtiisan na nagresulta mula sa mga pagkakasala ng isang naligaw na sanlibutan.”10
“Ngunit si Kristo ay katumbas sa Diyos, walang hanggan at makapangyarihan sa lahat. Maaari Niyang bayaran ang pantubos para sa kalayaan ng tao.”11
“Ang buong serye ng mga kalungkutan na bumalot sa pagkatao ni Kristo na yumamot sa Kanyang banal na kaluluwa.”12
“Ang katarungan ay nangangailangan ng mga pagdurusa ng tao; ngunit si Kristo ay kinuha ang mga paghihirap ng isang Diyos.”13
Masakit sa amin bilang mga Unitaryan na basahin kung anong isinulat niya tungkol sa ‘kabanalan’ ni Yahushua. Ngunit ibinabahagi namin ang mga nasa ibabaw ay ibabahagi pa ang mga halimbawa sa ibang mahahalagang paksa upang balaan ang lahat ng humahawak pa ng kanyang mga isinulat sa pinakamataas na pagtatangi na huwag mabitag sa ganoong panlilinlang.
|
Ang mga pahayag sa ibabaw ay nasa lubhang pagsalungat sa Bibliya. Hindi namin pabubulaanan ang bawat argumento na isinulat niya, sapagkat naglathala kami ng maraming nilalaman upang isiwalat ang kamalian ng ganoong pagtuturo. Masakit sa amin bilang mga Unitaryan na basahin kung anong isinulat niya tungkol sa ‘kabanalan’ ni Yahushua. Ngunit ibinabahagi namin ang mga nasa ibabaw ay ibabahagi pa ang mga halimbawa sa ibang mahahalagang paksa upang balaan ang lahat ng humahawak pa ng kanyang mga isinulat sa pinakamataas na pagtatangi na huwag mabitag sa ganoong panlilinlang.
May anumang pagtataka ba na kapag natuto ka sa mga ganoong pagtuturo, walang paraang para sa Banal na Espiritu na ilagay ang iyong kaisipan para tanggapin ang ibang patotoo na hindi itinataguyod ni Ellen White? Ganoon ang kasalukuyang kalagayan ng milyun-milyon na sumusunod sa kanyang mga isinulat. Sila’y nabakunahan laban sa pagkuha ng anumang patotoo na sumasalungat sa mga kasulatan ni Ellen White.
Kaya para aming wakasan ito sa katanungang ito: Maaari bang ikomisyon ni Yahuwah Ama ang isang propeta o tagapagbalita upang ipadala ang isang pangwakas na mensahe sa Kanyang bayan habang pinahihintulutan niya ang sarili na itaguyod ang isang huwad at mapangwasak na salaysay tungkol sa Kanyang Anak? Ito ay isang katanungan na kailangang sagutin ng bawat tagasunod ni Ellen White.
1 Hindi namin sinasamba si Yahushua bilang ating Diyos. Mayroon lamang tayong isang Diyos, si Yahuwah Ama. Ngunit sinasamba namin si Yahushua hindi lamang sa kanyang kamatayan alang-alang sa atin para sa ating mga kasalanan kundi dahil niluwalhati siya ni Yahuwah Ama at ginawang mas dakila sa mga anghel, at ang Ama ay inutos na ang lahat ng mga anghel ay sambahin siya [Tingnan ang Hebreo 1:7; Awit 97:7]. Kung si Yahuwah Ama ay inutos ang mga anghel, na mas mataas sa mga tao, na sambahin si Yahushua, gaano pa tayo [mga tinubos] dapat na maging sabik na sambahin si Yahushua? Ating kagalakan at pribilehiyo ay para parangalan, itaas at sambahin ang ating niluwalhating Kapatid, Panginoong Yahushua.
2 E. G. White, Review and Herald, Oktubre 29, 1895.
3 E. G. White, Review and Herald, Abril 5, 1906
4 The Signs of the Times, Mayo 10, 1899, sinipi sa Seventh-day Adventist Bible Commentary, Vol. 5, p.1129
5 E. G. White, “Christ Man’s Example,” Review and Herald, Hulyo 5, 1887.
6 E. G. White, The Signs of the Times, Oktubre 9, 1884.
7 E. G. White, The Youth’s Instructor, Setyembre 8, 1898 (sinipi sa Questions on Doctrine, p.649).
8 E. G. White, The Review and Herald, Oktubre 13, 1874.
9 E. G. White, The Review and Herald, Oktubre 9, 1888.
10 E. G. White, Manuscript 35, 1895, (sinipi sa Seventh-day Adventist Bible Commentary, Vol. 5, p.1103)
11 The Youth’s Instructor, Hunyo 21, 1900.
12 Ms. 12, 1900, sa Seventh-day Adventist Bible Commentary, Vol. 6, p.1103.
13 Letter 12, 1892, sa Seventh-day Adventist Bible Commentary, Vol. 7, p.913
14 EGW. SDA Bible Commentary, vol. 5, p. 1136.12