“At nilalang ni Yahuwah Elohim ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” – Genesis 2:7
Tala:
Hininga/Espiritu ni Yahuwah + ang katawan (na mula sa alabok ng lupa) = “Isang
Kaluluwang May Buhay”
Mangangaral 9:5-6 |
5Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan. 6Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw. (Tala: Ang Bibliya ay tinutukoy ang kamatayan bilang “pagtulog” nang mahigit 50 beses.) |
Mangangaral 9:10 |
10Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol (libingan), na iyong pinaparunan. |
*Mangangaral 12:7 |
7At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Elohim na nagbigay sa kaniya. Tala: Narito, nakita natin na kapag tayo ay namatay, ang katawan ay babalik sa alabok, at ang espiritu/hininga ng buhay ay babalik kay Yahuwah. Ang dalawang elemento na bumubuo sa “buhay na kaluluwa” ayon sa Genesis 2:7 (1-hininga ni Yahuwah; 2-katawan) ay tunay ngang kumalas sa kamatayan. Dahil dito, walang kamalayan matapos ang kamatayan. Tandaan: Hininga/Espiritu ni Yahuwah + ang katawan (na mula sa alabok ng lupa) = “Isang Kaluluwang May Buhay” (Tingnan ang Genesis 2:7 sa itaas ng talaang ito.) |
Mangangaral 3:20 |
20Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli. |
Mangangaral 6:6 |
6Oo, bagaman siya'y mabuhay na isang libong taon na makalawang masaysay, at hindi man nagalak na mabuti: hindi ba nagsisiyaon ang lahat sa iisang dako? |
Awit 6:5 |
5Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol (libingan) ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? Tala: Ang bersong ito ay walang saysay kung ang mga matapat ni Yahuwah ay pumunta na sa Langit, pagkamatay nila, sapagkat sigurado ang lahat sa Langit ay magpapasalamat kay Yahuwah! Gaya nina David, Haring Ezechias na naunawaan na walang kamalayan sa libingan; ito ang dahilan kung bakit siya lumuluhang nakiusap kay Yahuwah para sa kanyang buhay – Isaias 38. |
Awit 17:15 |
15Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran: ako'y masisiyahan pagkabumangon sa iyong wangis. Tala: Si David, rito, ay umaasa sa araw na siya ay babangon [mula sa pagkatulog ng kamatayan] sa pagkakatulad sa Elohim sa Muling Pagdating ni Yahushua. – “Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Elohim, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung Siya'y mahayag, tayo'y magiging katulad Niya: sapagka't Siya'y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili.” (1 Juan 3:2) |
Awit 30:9 |
9Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? Tala: Ang mang-aawit ay muling kinilala na walang kamalayan matapos ang kamatayan. Sa pagkamatay, ang ating hininga/espiritu ay babalik kay Yahuwah at ang ating katawan ay babalik sa alabok. Ang mga matapat ni Yahuwah ay mananatiling tulog (walang malay) hanggang sa Muling Pagdating ni Yahushua. Ang mga masasama at hindi nakapagsisi ay mananatiling tulog (walang malay) hanggang sa sila’y bubuhaying muli upang harapin ang “ikalawang kamatayan” matapos ang isang libong taon. |
Awit 49:15 |
15Nguni't tutubusin ng Elohim ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah) |
Awit 71:20 |
20Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan, bubuhayin mo uli kami, at ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa. |
Awit 88:10-12 |
10Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon,at magsisipuri sa iyo? (Selah) 11Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan? 12Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot? |
Awit 104:29-30 |
29Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok. 30Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa. |
*Awit 146:3-4 |
3Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. 4Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pag-iisip. (Ihambing sa: Genesis 2:7 ... Mangangaral 12:7 ... Job 27:3...) |
Awit 115:17 |
17Ang patay ay hindi pumupuri kay Yahuwah, ni sinomang nabababa sa katahimikan; |
Job 14:12 |
12Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog. Tala: Ang langit ay lilipas sa muling pagdating ni Yahushua sa “araw ng paghuhukom.” (Tingnan ang 2 Pedro 3:7.) Ito rin ang panahon na ang mga matapat ni Yahuwah ay bubuhayin muli (babangon mula sa pagkatulog ng kamatayan). |
Job 4:17 |
17Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Eloah? ... Tala: Ang tao ay mortal (may kamatayan). Si Yahuwah lamang, ang may imortalidad (walang kamatayan). “[Si Yahuwah]... lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.” (1 Timoteo 6:15-16) |
Ezekiel 18:4 |
4Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. Tala: Ang pinakaunang kasinungalingan na ginamit ni Satanas upang linlangin ang sangkatauhan ay “Tunay na hindi kayo mamamatay.” – Genesis 3:4. |
Daniel 12:2 |
2At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. |
Daniel 12:13 |
13Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw. Tala: Sinabihan si Daniel na siya ay “itataas” sa kanyang pamana “sa wakas ng mga araw.” Hindi siya sinabihan na tatanggapin niya ang kanyang pamana kapag siya ay namatay. Ang mga matapat ni Yahuwah ay matatanggap ang kanilang “pamana” sa Muling Pagdating ni Yahushua: “Purihin nawa ang Elohim at Ama ng ating Panginoong Yahushua, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Yahushua sa mga patay, Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo, Na sa kapangyarihan ni Yahuwah ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon. . . . sa pagpapakahayag ni Yahushua.” (1 Pedro 1:3-5, 7) |
Isaias 26:19 |
19Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay. Tala: Ang inaasahan ni Isaias ay nasa muling pagkabuhay ng mga matutuwid sa katapusan ng mga araw. |
Isaias 38:18-19 |
18Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol [libingan], hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay [libingan] ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan. 19Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan. Tala: Ang propetang si Isaias, gaya ni Haring Solomon, Haring David, at lahat ng mga pumukaw na may-akda ng Bibliya ay paulit-ulit na kinilala na walang kamalayan matapos ang kamatayan. Tanging ang mga nabubuhay lamang ang maaaring magbigay ng papuri kay Yahuwah. Kapag ang tao ay namatay... “Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pag-iisip.” (Awit 146:4) |
Juan 3:13 |
13At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit. |
*Juan 5:25-29 |
25Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ni Yahuwah; at ang mangakarinig ay mangabubuhay. 26Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili: 27At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao. 28Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, 29At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol. Tala: Wala nang mas lilinaw pa sa mga salita ni Yahushua rito. Ang pag-asa ng mga matatapat ay ang “muling pagkabuhay ng buhay” sa katapusan ng mga araw. Ang siping ito ay lubos na walang saysay kapag ang mga matapat ni Yahuwah ay nasa Langit na bago pa ang Muling Pagdating ni Yahushua. |
Juan 11:11-13 |
11Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog. 12Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling. 13Sinalita nga ni Yahushua ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog. |
Juan 11:24 |
24Si Marta ay nagsabi sa kaniya, “Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw.” Tala: Naunawaan ni Marta nang mabuti na ang ating pag-asa ay nasa “muling pagkabuhay sa huling araw.” Malinaw na hindi siya naniniwala na si Lazaro ay tumungo na sa Langit kasunod ng kanyang kamatayan. |
Juan 14:1-3 |
1Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Elohim, magsisampalataya naman kayo sa akin. 2Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. 3At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon. Tala: Inaliw ni Yahushua ang mga alagad rito sa pangako ng Kanyang pagbabalik. Sinabi Niya na Siya ay babalik para sa kanila, na saanman Siya naroroon, doon din sila. Napakahalaga na ipakilala rito na si Yahushua ay hindi inaliw ang mga alagad sa pagsabi sa kanila na Siya ay agad kasama nila matapos silang mamatay. |
Mga Gawa 2:29, 34 |
29Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito. 34Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit... |
1 Corinto 15:6 |
6Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na (patay). |
1 Corinto 15:20, 23 |
20Datapuwa't si Kristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog. 23Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Kristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Kristo, sa kaniyang pagparito. Tala: Muli, ang ating pag-asa ay nasa muling pagkabuhay ng mga matuwid sa Muling Pagdating ni Yahushua. |
1 Tesalonica 4:13-18 |
13Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa. 14Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Yahushua ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Yahushua ay dadalhin ng Elohim na kasama niya. 15Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ni Yahuwah, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. 16Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ni Yahuwah: at ang nangamatay kay Kristo ay unang mangabubuhay na maguli. 17Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. 18Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito. Ihambing sa: Juan 5:25-29 Tala: Ang nakakapukaw na pagtuturo ni Pablo sa atin kung paano bigyan ng ginhawa ang iba kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay ay hindi dapat sabihin na ang namatay ay nasa Langit na ngayon. Sa halip, tinuruan tayo ni Pablo na bigyan ng ginhawa ang iba sa kaloob na pangako ng muling pagkabuhay ng mga hinirang sa Muling Pagdating ni Yahushua. Kalunus-lunos na makita kung paano madalas na hindi pansinin ang mga malinaw na pagtuturong ito... at ang kasinungalingan ng kaaway ay naulit... ‘Tunay na hindi kayo mamamatay.’ (Genesis 3:4) ‘Sila ay nasa Langit na.’ |
1 Timoteo 6:15-16 |
[Si Yahuwah]...16lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa. Tala: Si Yahuwah lamang ang imortal. Ang tao ay mortal. “Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Eloah?” (Job 4:17) |
2 Timoteo 4:8 |
8Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita. Tala: Hindi naniwala si Pablo na matatanggap niya agad ang kanyang gantimpala matapos siyang mamatay. Sa halip, hangad niya na muling mabuhay sa pagdating ni Yahushua sa huling araw, |
Pahayag 20:5 |
5Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. |
Pahayag 22:12 |
12Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa. Tala: Dala ni Yahushua ang gantimpala kasama Siya kapag Siya’y bumalik. Hindi matatanggap ng tao ang kanyang gantimpala (iyon ay ang buhay na walang hanggan) agad-agad matapos siyang mamatay. |
Pangwakas:
Walang kamalayan matapos ang kamatayan. Ang mga Matuwid at mga Masama ay “matutulog” hanggang sa tawagin sila mula sa kani-kanilang mga libingan, ang mga matuwid sa “Unang Pagkabuhay” at ang mga masama sa “Ikalawang Pagkabuhay.”
“Ang kahuli-hulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.” –1 Corinto 15:26
Karaniwang Gusot:
Marami ang ipupunto ang pagpapakita nina Moises at Elias sa Bundok ng Pagbabagong-Anyo (Mateo 17:3) bilang patunay na ang mga hinirang ay dinala kaagad sa Langit nung sila’y namatay. Dapat nating tandaan, gayunman, na si Elias ay hindi namatay. Siya ay dinala nang direkta sa Langit (2 Hari 2). Si Moises, bagama’t namatay (Deuteronomio 34:7), ay tila nabuhay, gayong mayroong isang alitan kay Satanas ukol sa kanyang “katawan” (Judas 1:9).