Espiritwalismo: Ang Dakilang Panlilinlang (Parte 1 Ng 2)
|
Aming ibinalik sa website ng WLC, sa Banal na Kasulatan ay sinipi ang mga Pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito’y orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. I-click rito upang idownload ang Restored Names Version (RNV) ng Banal na Kasulatan. Ang RNV ay isang hindi-WLC na pinagkukunan. –Pangkat ng WLC |

Noong si Lucifer ay naghimagsik laban kay Yahuwah, sinundan siya ng isang hukbo ng mga anghel sa langit. Ang talaan ay nagpapahayag na siya at kanyang mga anghel ay pinalayas mula sa langit. Sila’y iginapos ngayon sa lupang ito. “Sapagkat kung si Yahuwah ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila’y ibinulid sa impiyerno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom” 2 Pedro 2:4. Ang mga bumagsak na anghel na ito ay patuloy na nasa liga kasama si Satanas, at ang kanilang pangunahing gawa ay bumubuo ng isang pagsisikap na linlangin ang mga tao at iligaw sila mula kay Yahuwah.
12 Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! 13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Diyos; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: 14 Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan. 15 Gayon ma’y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay. (Isaias 14:12-15)
Nalalaman bilang “mga espiritu ng mga diyablo,” ang mga masasamang anghel na ito, sa lahat ng panahon, ay naghatid ng kanilang mapanlinlang at masamang gawain. Ayon sa mga kasulatan ng mga sinaunang propeta, gayunman, ang gawang ito ay lubos na titindi habang ang sanlibutan ay papalapit sa mga huling araw nito. Nagbabala si Apostol Pablo: “Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonyo” 1 Timoteo 4:1.
Ang diyablo at kanyang mga anghel ay maaaring gumawa ng mga himala. Sila’y maaaring lumitaw sa mga tao sa isang naganap na anyo. Maaari silang mag-impluwensya ng mga tao at magsanay ng panlilinlang sa kanila. Makapangyarihan, sa katunayan, kaya ang mga panlilinlang ni Satanas na taimtim na binalaan ng bayan ni Yahuwah, baka sila rin ay mabitag sa mga daya na ito.
Ang mga propesiya ng Bibliya ay natupad at natutupad sa harap na ating mga mata. Sa nakalipas na siglo, isang bagong anyo ng relihiyon ang nagwalis sa iba’t ibang bansa sa mundo gaya ng isang apoy sa kapatagan. Ito’y nalalaman bilang espiritwalismo. Sa una, ito’y inilagay sa pagbabawal sa lahat ng mga Kristyanong simbahan. Ang mga panayam nito at malihim at mahiwaga, at ang mga Kristyano ay natakot at iniwasan ang mga ito. Ngunit ngayon ang mga eksponente ng espiritwalismo ay matatagpuan saanman, maging sa mga Kristyanong simbahan; at ang kultong bilang ng mga sumusunod ay milyun-milyon! Sa pagtanaw dito, tiyak na pinaka-angkop na tayo’y magtatanong, Ano ang espiritwalismo? Ito ba ay tama o mali? Ito ba ay kay Yahuwah o kay Satanas?
Espiritwalismo
1. Ano ang ibig sabihin ng Espiritwalismo?
Isang paniniwala sa patuloy na komunikasyon ng intelihensya mula sa mundo ng mga espiritu, sa pamamaraan ng pisikal na penomeno, karaniwang ipinahayag sa pamamagitan ng isang tao na may espesyal na pagkamaradamin, tinatawag na tagapamagitan. Webster Dictionary.
2. Ang doktrina ba na ito ay umiiral sa sinaunang panahon?
Huwag ninyong babalikan ang mga inaalihan ng masasamang espiritu ni ang mga mangkukulam: huwag ninyong hanapin na magpakahawa sa kanila: ako si Yahuwah ninyong Eloah. Levitico 19:31.
3. Paano ang pagsasaalang-alang ni Yahuwah sa mga manghuhula?
At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako’y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula. Malakias 3:5.
4. Ano ang katawagan Niya sa mga manghuhula?
Ngunit tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin… ang inyong mga manghuhula… sapagkat sila’y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain. Jeremias 27:9, 10.
Sagot: Mga sinungaling.
5. Ano ang sinaunang kautusan para sa mga mangkukulam, at iyong may mga masasamang espiritu?
Ang isang lalake rin naman o kaya’y ang isang babae na inaalihan ng masamang espiritu, o mangkukulam, ay papatayin na walang pagsala. Levitico 20:27.
Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang . . . nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador [hipnotista] ng mga ahas, o nakikipagsanggunian [tagapamagitan] sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay [nekromante]. Sapagkat sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal kay Yahuwah. Deuteronomio 18:10-12. (Tingnan rin ang Exodo 22:18)

Sagot: Sinabi ni Yahuwah sa Kanyang bayan na huwag gumawa at huwag makilahok sa mga taong ito na inaangkin na may talulikas na kapangyarihan at gumagawa ng mahika. Hindi nagbabago si Yahuwah, wala pa rin Siyang pagpapatibay sa anumang uri nito ngayon, higit pa ngayon kaysa noon. Bakit, dahil nais Niya na itago ang isang bagay na mabuti mula sa atin? Hindi, dahil nalalaman Niya na ang lahat ng ito’y isang pakete ng mga panlilinlang na gagamitin ni Satanas upang mag-alipin at sumira sa atin. Nais Niya sa atin ang magkaroon ng mabuti, lahat ng mabuti at hindi ang malupit na kasamaan.
Tinatanggihan Ang Mga Kristyanong Batayan
6. Saan inihanay ni Pablo ang pangkukulam?
Pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya... tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ni Yahuwah. Galacia 5:20-21.
7. Ano ang dapat gawin ng isa kung makikiusap sa isang masamang espiritu?
At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Eloah? Isaias 8:19.
Sagot: Sinasabi ni Yahuwah rito na kapag ang mga tao ay sinasabi sa iyo na maghangad ng mga manghuhula at mangkukulam, inaangkin na nakikipag-usap sa mga patay, ikaw ay tumanggi at sa halip ay hangad si Yahuwah. Bakit ang buhay ay maghahangad ng tulong mula sa mga patay ano pa man noong sinasabi ng Bibliya sa atin, Hindi nalalaman ng patay ang anumang bagay?
Subukin Ang Bawat Espiritu
8. Posible ba na subukin ang bawat espiritu?
Subukin Ang Bawat Espiritu
|
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawat espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y kay Yahuwah. 1 Juan 4:1
9. Sa anong paraan natin susubukin ang mga ito?
Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila. Isaias 8:20.
Sagot: Sa pamamagitan ng Sampung Utos at ang nalalabi ng Banal na Kasulatan.
10. Dapat ba tayong magkaroon ng anumang tiwala sa mga tanda at himala na ipinakita ng mga sinusubukan tayo na ilayo mula kay Yahuwah?
At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga elohim, na hindi mo nakikilala, at ating paglingkuran sila; Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagkat sinusubok kayo ni Yahuwah ninyong Eloah, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Yahuwah ninyong Eloah ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa. Deuteronomio 13:2-3.
11. Anong kurso ang dapat na hangarin ng isa sa ilalim ng mga kalagayan na ito?
Kayo’y lalakad ayon kay Yahuwah ninyong Eloah, at matatakot sa kaniya, at gaganap ng Kaniyang mga utos, at susunod sa Kaniyang tinig at maglilingkod sa Kaniya at lalakip sa Kaniya. Deuteronomio 13:4.
12. Tayo’y itinuro sa kautusan at sa patotoo, kung saan susubukin ang mga espiritu na ito na naggigiit na mga tinig mula sa mga patay. Matapos mamatay ang isa, gaano karami ang nalalaman niya sa anong nangyayari sa mga tao?
Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya’y pumapanaw; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya. Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; at sila’y ibinababa, ngunit hindi niya nahahalata sila. Job 14:20-21.






