Isa Pang Yahushua? Isang Naiibang Mabuting Balita?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Pagtiisan muna sana ninyo itong aking kaunting kahangalan. At pinagtitiisan nga naman ninyo ako! Nakadarama ako para sa inyo ng isang maka-Yahuwah na pagseselos, sapagkat kayo’y itinakda kong maging asawa ng isang lalaki, si Kristo, at maiharap ko kayo sa kanya bilang isang malinis na birhen. Ngunit natatakot ako na kung paanong si Eba ay dinaya ng ahas sa pamamagitan ng katusuhan nito, ang inyong mga pag-iisip din ay mailigaw mula sa tapat at malinis na pakikitungo kay Kristo. Sapagkat kung may dumating at nangaral ng ibang Yahushua na hindi namin ipinangaral, o kung kayo’y tumanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap noon o ibang ebanghelyo [mabuting balita] na hindi ninyo tinanggap, pinagtitiisan ninyo itong mabuti” (2 Corinto 11:1-4).
Kapaki-pakinabang na kilalanin kung paano ang mga taimtim na pagsubaybay ni Pablo rito kumpara sa mga malilinaw na babala ng Galacia 1:6-9: “Nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang kabilis ninyong tinalikuran si Yahuwah na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo at kayo’y bumaling agad sa ibang ebanghelyo. Ang totoo’y wala namang ibang ebanghelyo. Subalit sinabi ko ito sapagkat may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baluktutin ang ebanghelyo ni Kristo. Subalit sinuman ang mangaral ng ebanghelyong naiiba kaysa ipinangaral na namin sa inyo, kami man ito o isang anghel mula sa langit, dapat siyang sumpain ni Yahuwah! Sinabi na namin ito noon, at ngayo’y uulitin ko: sinuman ang mangaral sa inyo ng kakaibang ebanghelyo kaysa tinanggap na ninyo ay dapat sumpain ni Yahuwah!”
Mga Sinaunang Guho sa Corinto
Malinaw mula sa Mga Gawa, sa loob ng mas malawak na maka-Kasulatang konteksto nito (Mga Gawa 14:22; 20:24-25; 24:14-16; 28:20, 22, 23, 30, 31; Efeso 5:5-6; Colosas 1:12-13; 1 Tesalonica 2:12; 2 Tesalonica 1:5, at marami pang ibang may kinalaman na pinagkukunan), na si Pablo ay ganap na ipinaliwanag ang tunay, mapagpalang mensahe ng ebanghelyo ng paparating na Kaharian ni Yahuwah, na una nang itinuro at katawanin ng Mesias — mismong si Yahushua. Malinaw na si Pablo ay naging instrumento sa tiyak na pagpapakilala ng mga tunay na mabubuting balita sa Corinto (Mga Gawa 18:1-11 at 1 Corinto 4:14-15) at Katimugang Galacia (sa mga siyudad gaya ng Pisidian Antioch, Iconium, Lystra, at Derbe: Mga Gawa 13:14; 14:20) bago isulat ang mga sipi ng babala na sinipi sa ibabaw (sa 2 Corinto 11 at Galacia 1). Kaya iyong mga partikular na mananampalataya na binigyan ng taimtim na “panawagang gumising” sa Corinto at Galacia ay narinig ang matapat, dalisay na Ebanghelyo muna; sa huli sila’y nangailangan ng mga malulubhang paalala na hindi maanod sa isang mapaglalang, binaluktot na bersyon nito, at kaya para sundan ang mga negatibong sumpa na sangkot sa pagtalima sa “isa pang Yahushua” at “isang naiibang ebanghelyo” na itinaguyod ng mga huwad na tagapagturo.
Isang pagsaliwa ng mga kaayusan sa kalagayang ito (tungkol sa mga senaryo ng unang siglo sa Corinto at Galacia) ang kailangang maunawaan nang madalian ng maraming (o malamang ng mas marami na) ika-21 siglong lipi na sangkot sa modernong Kristyanong pagsisikap. Marami sa atin, sa kasalukuyan, ay maaaring ipinakilala sa isang antas ng “Kristyanong” kaisipan sa pamamagitan ng “isang naiibang” (binaluktot o hindi ganap na) bersyon ng “mabuting balita,” na epektibong nagpahayag ng “isa pang Yahushua” sa ating mga buhay bago pa tayo nasiwalat sa lehitimong Ebanghelyo ng paparating na Kaharian ni Yahuwah! Kung ganito ang kaso, malayo mula sa pangangailangan na muling bumalik sa mensahe na una nating narinig, desperadong kailangan natin na lumayo mula sa “orihinal” na huwad na mensahe na unang itinanim sa ating mga kaisipan (at sa ating dating kaugalian), upang sabik na yakapin ang pagwawastong impluwensya ng mga prayoridad ng tapat na Kaharian ni Yahuwah!
Karaniwan, para sa mga naging pamilyar sa isang Biblikal, monoteistikong pagkakaunawa na maingat na ibinubukod si Yahuwah mula sa Kanyang natatanging Anak, ang tanyag na balutan ng hindi maka-Kasulatang bokabularyo na isinama ang “Diyos Anak,” “ang taong Diyos,” ang Kredong Nicene, homoousios (ng kaparehong esensya o sangkap), ang Trinidad, pag-iral bago isinilang, “ang Diyos ay naging tao,” at iba pa ay pinagsama-sama na isang lantarang pulang bandila ng “isa pang Yahushua” na matagal nang inangkat sa tradisyonal na Kristyanismo. Ngunit ano ang tungkol sa isang mas mapaglalang na bersyon ng “isa pang Yahushua” na maaaring luminlang sa biblikal na mga Unitaryan? Maaari ba ang nakatuon, unitaryong monoteista ay maakit nang masama gaya ng ahas na nagbuyo kay Eba? Anong nagaganap kapag ang kapatid na magaanin at nagagalak na naninindigan sa isang Yahushua ay sa paanuman nahiwalay mula sa kanyang mga salita?
Imahe na naglalarawan kay Constantine I at ang mga obispo ng Unang Konseho ng Nicaea (325 AD),
hawak ang Kredong Niceno-Constantinopolitan ng 381
Ang “Yahushua” na hiwalay mula sa kanya mismong mga salita ay maaaring kunin ang mga naiibang anyo, na ipinahayag nang may naiibang mantra, subalit maaari bang “siya” ang tunay na Kristo (Mesias), ang Yahushua ng Kasulatan? Kung ang isa ay tinuruan nang banayad o matapang sa mga ideya na “ang ebanghelyo ay hindi naglalaman ng ebanghelyo,” o “si Yahushua ay dumating para gawin ang tatlong araw ng paggawa,” o “si Yahushua ay hindi naman talaga nagturo ng anumang bago,” o maging ang mga matitigas na dispensasyonal na angkin na ang mga pagtuturo ni Yahushua ay “hindi sinalita para sa mga Kristyano,” at “ang apat na ebanghelyo ay matuwid na nabibilang sa Lumang Tipan”; nakakalungkot, ang isang “naiibang Yahushua,” iba sa Yahushua ng maka-Kasulatang integridad, ay gumaganap!
Makapangyarihan at balintuna, sa liwanag ng nakakalinlang, matalas na mga parirala at mga ideya na nabanggit sa talata sa ibabaw, ang dakilang pagbibigay-diin ng biblikal na layunin at misyon ng Mesias, sa propesiya muna at sa kanyang aktwal na paglilingkod, ay hindi angkop sa isang tao na ganap na hiwalay mula sa kanya mismong mga salita! Ano ang nahulaan ni Moises tungkol sa kanya?
“Palilitawin sa iyo ni Yahuwah mong Diyos ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig; Ayon sa lahat ng iyong ninasa kay Yahuwah mong Diyos sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, ‘Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ni Yahuwah kong Diyos, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay’ [Exodo 20:19]. At sinabi ni Yahuwah sa akin, Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang salitain. Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya” (Deuteronomio 18:14b-19).
Ilang siglo ang lumipas, si Yahushua mismo ay inulit ang mahalaga, kinakailangan na kalikasan ng pakikinig sa kanyang natatangi, nagbibigay-buhay na mga salita sa mga paraan na tiyak na katulad sa propesiya ni Moises: “Hindi ako ang humahatol sa sinumang nakikinig sa aking mga salita ngunit hindi sinusunod ang mga ito. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. May hukom na hahatol sa sinumang nagbabale-wala sa akin at hindi tumanggap ng aking salita; ang salitang sinabi ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi galing sa akin ang sinasabi ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nagbigay sa akin ng utos kung ano ang aking sasabihin at bibigkasin. At alam kong ang kanyang utos ay buhay na walang hanggan. Kaya, ang sinasabi ko ay sinabi sa akin ng Ama” (Juan 12:47-50).
“Ang espiritu ang nagbibigay ng buhay, ang laman ay walang pakinabang; ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at buhay” (Juan 6:63).
“Ang espiritu ang nagbibigay ng buhay, ang laman ay walang pakinabang; ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at buhay” (Juan 6:63).
|
Kaya’t sumagot si Yahushua, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa kanya na nagsugo sa akin. Ang sinumang naghahangad na gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin ay makaaalam kung ang itinuturo ko ay galing sa Diyos o nagsasalita lamang ako mula sa sarili. Ang nagsasalita mula sa kanyang sarili ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang nagsisikap na parangalan ang nagsugo sa kanya, ang taong ito ay tapat, at hindi nagsisinungaling” (Juan 7:16-18).
“Subalit ang nagsugo sa akin ay totoo, at sinasabi ko sa sanlibutan kung ano ang narinig ko mula sa kanya.”…Kaya sinabi ni Yahushua, “Kapag itinaas ninyo ang Anak ng Tao, mauunawaan ninyo na ako siya, at wala akong ginagawang mula sa sarili ko, kundi, sinasabi ko ang mga bagay na ito na ayon sa itinuro sa akin ng Ama. At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi niya ako iniwang mag-isa, sapagkat lagi kong ginagawa ang bagay na nakalulugod sa kanya” (Juan 8:26b, 28-29).
Ang isa ay maaaring nais isaisip na, ayon sa panimula ng mabuting balita ni Juan, si Yahushua ang sagisag ng sukdulang plano at layunin ni Yahuwah (logos – “salita”) na nasa isip na Niya (Yahuwah) mula sa simula; kaya, si Yahushua, mula sa paglihi at kapanganakan niya, ay “ang salita,” ang unang kilalang mensahe na ginawang laman (Juan 1:14). Ang kanyang sariling “pahayag ng misyon” sa Lucas 4:43 ay idinugtong sa kanya nang hindi mapaghihiwalay sa kanyang mga salita: “Kailangan ko ring ipangaral sa ibang bayan ang mabuting balita tungkol sa paghahari ni Yahuwah sapagkat isinugo ako para rito.” Ang mga unang Kristyano ay hindi nabigo na gawin ang mga mahahalagang koneksyong ito. Hindi nila pinaghiwalay si Yahushua (ang propeta sa propesiya ni Moises sa Deuteronomio 18) mula sa kanyang mga mahahalagang salita na inutos ng kanyang Ama, si Yahuwah!
Ayon sa diskurso ni Pedro, “Sinabi nga ni Moises, ‘Si Yahuwah ninyong Diyos ay pipili mula sa inyong mga kababayan ng isang propetang gaya ko. Sundin ninyo ang lahat ng sasabihin niya sa inyo’…Nang muling buhayin ni Yahuwah ang kanyang lingkod [Yahushua], una siyang isinugo ni Yahuwah sa inyo [mga Israelita], upang bawat isa sa inyo’y pagpalain sa pamamagitan ng paglalayo sa inyo mula sa inyong mga kasamaan.” (Mga Gawa 3:22, 26). Ang ating Kristyanong kaligtasan (ayon sa Hebreo 2:3) ay unang ipinahayag ng Panginoong Yahushua at sa huli’y kinumpirma ng mga nakarinig sa kanya nang direkta; kaya, paano tayo makakatakas kung pinabayaan natin nang dakila ang isang pagkakaligtas?
Sa gayon, para walisin ang mga salita ni Yahushua bilang lipas na mga labi ng unang panahon sa ilalim ng isang dispensasyonal na teolohiya, o para yakapin ang ligaw na ebanghelikong kasigasigan upang iakma ang lahat ng “kaligtasang” patotoo sa loob ng isang malabo, minimalismong “maikling salita” ay maaaring magpayaman ng “isang naiibang mabuting balita” na nagpapakita ng “isa pang Yahushua.” Sigurado, ang totoong Yahushua ay ang isa na namatay para sa ating mga kasalanan at muling nabuhay mula sa mga patay; gayunman, para ihiwalay ang mga kahanga-hangang kabutihan mula sa kailangan, nagsisising tugon ng pagtalima sa kanyang mga salita ay para manuyo ng tiyak na kapahamakan.
Ang kalamidad na nahulaan ni Yahushua sa Mateo 7:13-27 ay nakatutok sa mga masigasig sa panghinaharap na paghatol na tapat na tumatawag sa kanya ng “panginoon, panginoon” habang nagbibigay ng “espiritwal” na ebidensya ng kanilang katapatang-loob na mga angkin, ngunit sila’y tatanggihan dahil sa hindi pagsasama ng kanilang “pakikinig ng salita” sa pautos na mga kilos ng pagsunod. Kung ang mga “Kristyano” ngayon ay maaaring basahin ang bahaging ito ng Mateo 7 nang may palalong tiwala sa sarili, habang nagpapalagay ng estado ng “tapos na parte” na “born again,” hindi batay sa mga salita ni Yahushua (at walang takot kay Yahuwah na pagpipitagan ano pa man sa mga tunay na salita ng babala ni Yahushua), sila’y naglalayag para magkapasa! Ang kanilang mabulang “pananampalataya” ay maaaring nasa imahe ni “Yahushua” ng isang mabilis, madali, “masarap sa pakiramdam” na simbolikong tiket sa labas ng pananakot ng pagkalipol, ngunit ito’y hindi isang tunay na pananampalataya sa lehitimong Yahushua na dapat ay hindi hiwalay mula sa kanyang mga salita! “Isa Pang Yahushua,” isang huwad ng madaling puntahang “malapad na landas” ay halatang itinataguyod at hinahangad ng mapanlinlang na adyenda ng mundo.
Magsisi, subalit hindi bilang isang magaan na aktibidad ng pagkakasundo ng kaisipan; magpasya na magkaroon ng isang lehitimong at tiyak na pagbabago ng kaisipan at direksyon sa buhay. Piliin nang may paninindigan na hindi tumungo sa agos ng nakalipas na mga kaugalian na makasalanan — kabilang ang mga dating mapangahas na kaisipan ng relihiyon na naligaw ng landas! Gumawa ng isang tapat na panunumpa ng katapatan, mula at para sa isang mabuting budhi (para samahan ang ganoong malalim na pagsisisi “mula sa puso”) sa pagbautismo sa katubigan (Mateo 28:19; 1 Pedro 3:20-22; Mga Gawa; at mga sulat ni Pablo).
|
Isinulat ko ang mga kakaunting obserbasyong ito bilang isa na sumailalim sa ilang dekada ng unti-unti, ngunit matitinding laban ng pakikipagbuno — para tuluyang makalaya mula sa mga dispensasyonal na mga galamay ng OSAS (minsang ligtas, palaging ligtas) na kapangahasan. Sa tagpuan nito, ang ideya ng pagsunod sa mga salita ni Yahushua ay matapang na itinakwil, na walang magagawa sa pagkamit ng kaligtasan! Hindi ko kinamumuhian o binanatan ang sinuman na nananatiling nalinlang sa ganoong hindi maka-Kasulatan, pormulaikong paradaym (madalas mali ang etiketa sa modernong panahon bilang “kagandahang-loob” laban sa “kaligtasan sa paggawa”), ngunit iniibig kong madalas ang mga konsiderasyong ito ng “panawagang gumising.”
Hindi nabigo si Pablo na “humawak nang mahigpit sa mga salita ng ating panginoong Haring Yahushua” na tinumbasan ng “katuruang naaayon sa banal na pamumuhay” (1 Timoteo 6:3). Hindi niya ipinahayag o ipinahiwatig na ang mga salita ni Yahushua ay mamaliitin, na parang pinalitan sa huli ng mga salita niya (Pablo).
Bakit hindi gawin ang mga sumusunod, sa pagkakasundo sa mga salita ni Yahushua at lahat ng naaayon na mga Kasulatan ng Bagong Tipan, nagsisimula sa apat na mabuting balita? Lunukin ang iyong pagmamataas (gaya ng ginawa ko), at lubusang magpasya na itigil ang pagtitiwala sa mga pormulaikong ideya na nakaugat sa paghihiwalay kay Yahushua mula sa kanyang mga mahahalagang salita!
Magsisi, subalit hindi bilang isang magaan na aktibidad ng pagkakasundo ng kaisipan; magpasya na magkaroon ng isang lehitimong at tiyak na pagbabago ng kaisipan at direksyon sa buhay. Piliin nang may paninindigan na hindi tumungo sa agos ng nakalipas na mga kaugalian na makasalanan — kabilang ang mga dating mapangahas na kaisipan ng relihiyon na naligaw ng landas! Gumawa ng isang tapat na panunumpa ng katapatan, mula at para sa isang mabuting budhi (para samahan ang ganoong malalim na pagsisisi “mula sa puso”) sa pagbautismo sa katubigan (Mateo 28:19; 1 Pedro 3:20-22; Mga Gawa; at mga sulat ni Pablo).
Manatili sa kurso ng paggawa ng maagap na mga pasya ayon sa talinghaga ng manghahasik at talinghaga ng baging at mga sanga, nang may dakilang tiwala na ang mga masunuring gawa ay magdudulot ng makadiyos na bunga. Panatilihin ang mga direktang pagtuturo ni Yahushua, ang kanya mismong mga salita, bilang pundasyon ng pagkakaunawa sa lahat ng batayan ng Bagong Tipan. Basahin at muling basahin ang kanyang mga salita sa konteksto, at pagkatapos ay sanayin ito! Patuloy na makiusap kay Yahuwah at Yahushua na tulungan ka na manatili sa tamang landas, habang ika’y nakatuon sa layunin ng pagdating ng Kaharian o Paghahari ni Yahuwah. Kung ika’y nakagawa ng mga pagkakamali at nalihis ng hindi sinasadyang pagkakasala, ikumpisal ang iyong mga kasalanan, habang mapagkumbabang nagtitiwala sa lubos na matuwid, mapagkakatiwalaang pag-ibig ni Yahuwah, sapagkat Siya ay patuloy na nagpapatawad sa lahat ng iyong mga kasalanan at nililinis ka nang mataimtim mula sa lahat ng mga pagkakamali (1 Juan 1:5-2:2). Sumampalataya nang madasalin kay Yahuwah upang tulungan kang lumago sa araw-araw (2 Pedro 1:3-11), at huwag susuko (Colosas 1:23). Magpasya sa “manatili ka lang” gaano man kalaki ang mga hadlang. Tulungan ang iba na maging “mga gumagawa ng salita” sa kaparehong paraan na tinatahak mo sa masikip na tarangkahan — at iwasan ang mga pagbaluktot ng mga huwad na propeta! Ang ganitong patuloy na pagsisikap upang mamuhay sa lehitimong pag-ibig ni Yahuwah, ayon sa hindi maaaring ihiwalay na mga salita ni Yahushua, ay hindi mapapatunayan sa walang kabuluhan!
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Kenneth LaPrade.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC