Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ipapaliwanag ko ngayon kung paano ko nauunawaan ang lubos na pinagtatalunang Filipos 2. Marami ay nakikita ang Filipos 2 bilang paglalarawan ng pagbaba ng isang makalangit, banal na Indibidwal na nagiging tao. Pumapanig ako sa mga iskolar na naiisip ang siping ito ay tungkol kay Yahushua, ang tao—hindi isang taong diyos, isang diyos, o isang banal na Indibidwal—at ang kanyang pagtalima kay Yahuwah sa panahon ng kanyang makalupang buhay.
Pumapanig ako sa mga iskolar na naiisip ang siping ito ay tungkol kay Yahushua, ang tao—hindi isang taong diyos, isang diyos, o isang banal na Indibidwal—at ang kanyang pagtalima kay Yahuwah sa panahon ng kanyang makalupang buhay.
|
Dapat nating isipin ang ilang nauugnay at mga hindi mapagtatalunang katunayan. Una, ang kaganapan na inaangkin ng napakaraming tagapagpaliwanag na matatagpuan rito (isang banal na Indibidwal ay nagiging tao rin) ay hindi isang malinaw na tema sa mga isinulat ni Pablo. Ang pinakamalapit na kaagapay sa mga nakaligtas na sulat ni Pablo ay ang 2 Corinto 8:1-15, kung saan hinihikayat niya ang kanyang mga mambabasa na maging mapagbigay sa kanilang salapi. Wala sa konteksto ng siping ito ang nagpapahiwatig na ang pag-aalay na pinag-uusapan ay bago ang kanyang pantaong buhay. Ito’y magbibigay ng pagtataka sa atin kung ang punto ni Pablo sa Filipos 2 ay maaaring maunawaan nang walang pag-aapela sa isang ipotesis na bago ang tao na yugto ng buhay ni Yahushua; ang tao na si “Kristo Yahushua” ay nabanggit, ngunit walang tahasang sanggunian rito sa anumang walang hanggang banal na Indibidwal. Ikalawa, gaya sa 2 Corinto 8, ang punto ni Pablo sa Filipos 2 ay praktikal at hindi isinasangkot ang metapisiko ng “mga kalikasan” ni Kristo. Ang mapagpakumbaba, nagmamalasakit na pagsunod ni Yahushua ay ipinakilala bilang paglalarawan sa “pag-iisip” (berso 5) na ninanais ni Pablo na makamit ng madla. Ikatlo, para sa halos lahat sa atin, wala sa ating karanasan ang tulad sa ipotesis na pasya ng bago ang tao na si Yahushua upang ubusin ang kanyang sarili ng isang bagay para maging tao. Sa kabilang-dako, sapagkat inilarawan sa mga ebanghelyo, ang makalupang karera ni Yahushua ay nagbibigay ng maraming punto ng paglapat sa ating mga karanasan. Sa kabuuan, dapat tayong magtaka kung sa halip ng pagiging isang kapansin-pansing isang ganap sa mga isinulat ni Pablo, na, kakatwa, dagliang nababanggit kung ano ang dapat na nakakagulat na balita kung totoo, at kung sama-sama ay hindi lubos na maaari bilang isang halimbawa para sa atin na tularan (itong diumano’y pagbaba ng isang makalangit na banal na Indibidwal) si Pablo sa halip ay sinasabi ang tungkol sa mga uri ng matapat na pagsunod na nakikita natin sa tao na si Yahushua na nakakamit sa mga ebanghelyo.
Ipinagtanggol ko ang isang ganoong pagbabasa saanman. Gayunman, matapos ang maraming pag-aaral, ngayon ay naiisip ko na mayroong isang mas makabagbag-damdamin na pagbabasa. Narito ang NETO na pagsasalin, na may mga talababa na isinama upang ipahayag ang aking hindi pagsang-ayon sa kakaunting parirala at para ipakita ang mga koneksyon sa anong pinaniniwalaan ko at maraming komentarista ay isang subteksto, ang tanyag na teksto ng naghihirap na lingkod sa Isaias 52:13-53:12.
5 Taglayin ninyo ang pag-iisip na tulad ng kay Kristo Yahushua; 6 kahit siya’y nasa kalikasan ni Yahuwah, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ni Yahuwah, 7 sa halip ay itinuring niyang walang halaga ang sarili, kinuha ang kalikasan ng alipin, at naging katulad ng mga tao. At nang natagpuan sa kaanyuan ng tao, 8 ibinaba niya ang kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging kamatayan sa krus. 9 Kaya naman siya’y lubusang itinaas ni Yahuwah, at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan; 10 upang sa pangalan ni Yahushua ang bawat tuhod ay lumuhod, ang mga nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa, 11 at ipahayag ng bawat bibig na si Kristo Yahushua ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ni Yahuwah Ama.
Tinamasa ni Yahushua ang isang natatanging katayuan kasama si Yahuwah, ang kanyang Ama na nagpabatid sa kanya, tinawag siya na maging Mesias, at kalugud-lugod sa Kanya.
|
Ang “kalikasan ni Yahuwah” (morphe theou) ay isang natatanging parirala sa Bagong Tipan; makatuwiran na ito’y binuo upang gumawa ng isang pares sa “kalikasan ng isang alipin/lingkod.” Sa isang pilosopikal na konteksto, ang morphe ay maaaring mangahulugan na mahalagang anyo, ngunit pangunahin, dapat itong gumagawa sa nasisiyasat na mga tampok. Mas malawak, ito’y maaaring tumukoy sa isang kondisyon na hindi direktang siniyasat. Nalalaman natin na gumagamit si Pablo ng mga nauugnay na termino upang tumukoy sa moral na katangian. Narito, ang “kalikasan ni Yahuwah” ay matuwid na naunawaan bilang katulad kay Yahuwah na “pamamaraan, kilos, at ugali” ni Yahushua, o ipapahiwatig ko, ang kanyang maka-Yahuwah na katangian kung saan umagos ang mga ito. Isa pang hindi nakitang kondisyon ay si Yahushua ay ang natatanging Anak ni Yahuwah, at piniling Mesias ni Yahuwah, isang naghihintay maging hari. Tinamasa ni Yahushua ang isang natatanging katayuan kasama si Yahuwah, ang kanyang Ama na nagpabatid sa kanya, tinawag siya na maging Mesias, at kalugud-lugod sa Kanya. Ang “kalikasan ni Yahuwah” na ito ay hindi maaaring esensya ng kabanalan dahil ito’y namatay (berso 8), samantala ang kabanalan ay naunawaan na nagpapahiwatig ng napakahalagang imortalidad.
Iyong “kalikasan ni Yahuwah” at “kapantay ni Yahuwah” ay nangahulugan rito bilang dalawang paglalarawan ng kaparehong estado. Sumasang-ayon ako sa maraming bagong iskolar na ang harpagmon sa berso 6 ay pinakamahusay na nauunawaan bilang “hindi … isang bagay na dapat panghawakan.” Ito ay lubos na pinagtalunan, at ang mga pangunahing pagsasalin ay hati, subalit para sa akin, ang pinakamabigat na pagsasaalang-alang ay hindi leksiko kundi sa halip ay pagbibigay-katuturan ng kaisipan ni Pablo sa siping ito at ang buong sulat. Sa aklat na ito, tinatalakay ni Pablo ang isang serye ng mga tao na piniling isantabi ang kanilang mga pribilehiyo bilang pagpabor sa mapagmalasakit na paglilingkod sa iba: Si Pablo mismo, na isinasantabi ang kanyang mga nagawa bilang isang Pariseo upang tularan ang paghihirap at kamatayan ni Yahushua, ang mga mananampalataya ng Filipos na dapat ay isantabi ang kanilang mga pribilehiyo bilang Romanong mamamayan upang yakapin ang kanilang “pagkabayan sa… langit,” at marahil ang panyero ni Pablo na si Epafrodito, ipinalagay na nilisan ang isang normal na buhay upang paglingkuran si Pablo at iba pa, halos itinaya niya ang kanyang buhay. Sa sipi, pinupuri ni Pablo si Yahushua, ang pinakadakila sa mga mapagmalasakit na lingkod-lider, na isinasantabi ang kanyang pribilehiyo dahil sa kanyang natatanging katayuan kay Yahuwah.
Sa pagbabasa, ako’y nagtatalo para rito, nasa kaisipan ni Pablo ang makalupang pagtalima ni Yahushua kay Yahuwah, ang kanyang mapagmalasakit na pasya upang kunin ang kalikasan/kondisyon ng isang alipin/lingkod, at sinisipi niya ito bilang isang halimbawa para sa atin na tularan.
|
Sa pagbabasa, ako’y nagtatalo para rito, nasa kaisipan ni Pablo ang makalupang pagtalima ni Yahushua kay Yahuwah, ang kanyang mapagmalasakit na pasya upang kunin ang kalikasan/kondisyon ng isang alipin/lingkod, at sinisipi niya ito bilang isang halimbawa para sa atin na tularan. Nalalaman na natin na ang kasukdulan ng paghamak kay Yahushua ay ang kanyang kagimbal-gimbal na kamatayan sa krus (berso 8), kaya likas tayong tatanaw bago dito sa makalupang buhay ni Yahushua para sa isang bagay na maaaring naiisip ni Pablo sa berso 7 – hindi sa isang hindi nabanggit na “umiral bago isilang” bilang isang “banal na Indibidwal” na hindi isang tao.
Dalawang insidente ang agarang dumarating sa kaisipan. Una, nananalangin si Yahushua kay Yahuwah sa hardin, nakikiusap – ngunit hindi paghahabol – na maligtas mula sa kagimbal-gimbal na kamatayan na ito. Si Yahushua ba, bilang minamahal na Anak ni Yahuwah, ay mayroong karapatan na humingi ng isang pahintulot? (Malamang ito ay kung bakit nililinaw niya na ang kanyang kahilingan ay mapagpakumbaba at masunurin, hindi isang angkin?) Ang teksto, syempre, ay hindi sinasabi na si Yahushua ay mayroong karapatan na iyon. Subalit para sa ideyang iyon, isaalang-alang ang episodyong ito, kung saan sinasaway ni Yahushua ang alagad na sinubukang gamitin ang kanyang tabak upang maiwasan ang pagdakip kay Yahushua.
Ibalik mo sa kaluban ang iyong tabak, sapagkat ang lahat ng gumagamit ng tabak ay sa tabak mamamatay. Sa palagay mo ba’y hindi ako maaaring humingi sa aking Ama, at ngayon din ay padadalhan niya ako ng higit pa sa labindalawang batalyon ng mga anghel? Subalit kung magkakagayon ay paano magaganap ang isinasaad ng mga kasulatan, na ganito ang kailangang mangyari?
Narito, tila nagpapahiwatig si Yahushua na siya ay mayroong karapatan na makiusap kay Yahuwah para sa isang anghelikong pagsagip at kung makiusap siya, ito’y isusugo. Ngunit siya ay kusang-loob na sinusundan ang pribilehiyong iyon upang tuparin ang mga kasulatan, sumusunod sa anong nalalaman niya na kalooban ni Yahuwah.
Sa kabuuan, pinipili ni Pablo ang isang halimbawa na nauugnay sa buhay ng kanyang mga mambabasa: ang sakripisyal, mapagpakumbaba, mapagmalasakit na pagsunod ng tao na si Yahushua. Bilang tugon sa pagtalimang ito, binangon at itinaas siya ni Yahuwah. Ang mambabasa ay dapat na tandaan na tayo’y ibabangon at itataas kung masigasig tayo sa pagiging matapat, mapagmalasakit na masunurin.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Dr. Dale Tuggy.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC