Hawak mo ba ang nanalong tiket?
Karamihan
sa mga Kristyano ay tinuruan mula sa pagkabata na ang pagsusugal ay mali. Ang
mga magulang at mga guro ng mga pang-Linggong paaralan ay itinuturo na ang
Langit ay nagbigay ng mga mahahalagang kaloob sa sangkatauhan at ito ay isang
banal na tungkulin at obligasyon na maging matalinong tagapamahala. Dahil dito,
ang pagbabakasakali o pagsasayang ng mga kaloob na ito sa pagsusugal ay isang
kasalanan. Gayunman, milyun-milyong Kristyano ang naniniwala at itinuturo na
ang kaligtasan mismo ay isang uri ng loterya o sugal.
Ang doktrina ng katalagahan, unang ipinakilala ng repormistang Protestante na si John Calvin noong ika-16 na siglo, ay binabawasan ang magandang balita ng kaligtasan sa pagiging walang iba kundi isang kosmikong paggulong ng dais, isang banal na laro ng pagkakataon. Kapag pinili ka ng Diyos na maging isa sa mga hinalal, swerte mo! Ngunit kung hindi, napakasama; nakalulungkot. Talo ka na. At wala ka nang magagawa pa para baguhin ang iyong kapalaran.
Habang ang mga naniniwala sa katalagahan ay walang duda na matapat sa kanilang paniniwala, ang doktrinang ito ay mapanganib dahil ginagawa nitong mali at pinapasama ang mapagmahal na katangian ni Yahuwah. Ang artikulong ito ay tatalakayin ang iba’t-ibang bahagi ng doktrina ng katalagahan at ipapaliwanag kung paano ang mga paniniwalang ito ay sumasalungat sa ipinakitang salita ni Yahuwah, kaya inilalarawan nang mali ang katangian ni Yahuwah sapagkat ito ay ipinakita sa Kasulatan.
Ang katalagahan ay naitatag sa limang batayang haligi. Ang limang paniniwalang ito ay:
- Ganap na Kasamaan/Kawalan ng Kakayahan – Ang tao ay walang lunas sa kasamaan at walang kakayahan ng anumang “mabuti.”
- Walang Pasubaling Paghalal – Ang kaligtasan ng tao ay ganap na batay sa pagtatalaga sa kanya ni Yahuwah na maligtas sapagkat siya ay ganap at lubusan sa kasamaan.
- Limitadong Pagbabayad – Namatay lamang sa Yahushua para sa mga naunang itinalaga ni Yahuwah na maliligtas. Ang Kanyang kamatayan ay hindi nasayang sa sinuman na mapapahamak (o mga naunang itinalaga ni Yahuwah na mapapahamak.)
- Hindi Malalabanang Pagpapala – Lahat ng itinalaga ni Yahuwah na ligtas ay hindi maaaring mapahamak dahil sila ay ganap na walang kakayahan na labanan ang banal na pagpapala.
- Pagpapakasakit ng mga Hinirang – Tinatawag rin bilang “walang hanggang kasiguraduhan.”
Sa unang sulyap, karamihan kung hindi lahat ng mga Kristyano ay sasang-ayon sa ilan sa mga puntong ito. Gayunman, kapag kinumpara nang maingat sa Kasulatan, ang mga pahayag na tila makatuwiran at naaayon pa nga sa Bibliya ay natagpuan, sa katunayan, na sumasalungat rito. Muli nating tingnan ang bawat isa sa limang punto, ikukumpara sa malinaw na Salita ni Yahuwah.
Ganap na Kasamaan/Kawalan ng Kakayahan
Ang tao ay walang
lunas sa kasamaan at walang kakayahan ng anumang “mabuti.”
Totoo na ang lahat ay isinilang nang may namanang bumagsak na kalikasan mula kay Adan. “Walang matuwid, wala kahit isa . . . Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah.” (Roma 3:10 at 23.) Maliban na lang kung pagdudahan ang antas kung saan ang kasalanan ay pinababa ang sangkatauhan, ipinahayag ni Isaias na: “Lahat tayo’y naging marumi sa harapan ni Yahuwah; ang mabubuting gawa nati’y maruruming basahan ang katulad.” (Isaias 64:6)
Gayunman, sapagkat ginamit upang itaguyod ang katalagahan, ang pagkakamali ay isa ng kaduluhan. Kung ang tao ay ganap at sukdulan ang kasamaan, hindi siya maaari at hindi posibleng sumunod sa madalas uliting panawagan na magsisi at lumayo sa kasamaan:
“Sabihin mo sa kanila, Buhay ako, sabi ni Yahuwah Eloah, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?” (Ezekiel 33:11)
Dagdag
pa, kapag ang tao ay ganap na walang kakayahan ng kabutihan, hindi siya
maaaring humawak ng pananagutan sa kanyang mga kasalanan. Para gawin man ito ay
magiging malupit at walang katarungan.
Walang Pasubaling
Paghalal
Ang kaligtasan ng tao
ay ganap na batay sa pagtatalaga sa kanya ni Yahuwah na maligtas sapagkat siya
ay ganap at lubusan sa kasamaan.
Habang ito’y tunog Biblikal dahil ang sangkatauhan ay tiyak na namana ang bumagsak na kalikasan, ito ay mali pa rin. Upang ibatay ang kaligtasan ng sinuman nang ganap sa pagkakataon na itinalaga siya ni Yahuwah na maligtas ay tinatanggal ang kasanayan ng malayang kalooban mula sa ekwasyon. Itinuturo ng katalagahan na nauna nang nagpasya sa panahon si Yahuwah kung sino ang ligtas. Ang mga tradisyonal na Kalvinista ay itinuturo ang “dobleng katalagahan” kung saan sila’y naniniwala na si Yahuwah ay itinatalaga ang ilang kaluluwa na mapapahamak.
Ang mga problema sa ganitong paniniwala ay dalawahan:
Una, sinisira nito ang personal na pananagutan. Ang pagpatay ni Cain kay Abel ay maaaring dispensa sa pag-angkin na si Cain ay “itinalaga” na mapapahamak, dahil dito siya ay “itinalaga” na patayin ang kanyang kapatid. Hindi nito sinasaklaw ang tao mula sa mga kahihinatnan ng kanilang mga maling gawa. Tinatanggal nito ang personal na responsibilidad sa kung paano ang iba ay naaapektuhan sa ginagawang mali ng iba. Sa katunayan, ito ang tiyak na sinubukang gawin ni Cain.
Naitala ng Kasulatan ang pag-uusap nina Yahuwah at Cain matapos ang pagpatay:
Isang araw, niyaya ni Cain ang kanyang kapatid, “Abel, pumunta tayo sa bukid.” Sumama naman ito, ngunit pagdating nila sa bukid ay pinatay ni Cain si Abel.
Tinanong ni Yahuwah si Cain, “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid?” (Genesis 4:8-9)
Ang kamalian ng paniniwalang ito ay mabilis na nakita noong tinanggihan ni Yahuwah ang mga palusot ni Cain, ipinahayag na:
“Cain, ano itong ginawa mo? Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid, at humihingi ng katarungan.
“Sinusumpa kita ngayon, at hindi mo na maaaring bungkalin ang lupa dahil dumanak doon ang dugo ng kapatid mo na iyong pinaslang.
“Bungkalin mo man ang lupa upang tamnan, hindi ka mag-aani; wala kang matitirhan at magiging lagalag ka sa daigdig.” (Genesis 4:10-12)
Ang ikalawang problema sa Walang Pasubaling Paghalal ay nagpapahiwatig ito na unang itinalaga ni Yahuwah ang kasalanan. Hindi lahat ng mga Kalvinista ay kinuha ang katalagahan nang ganito kalayo, ngunit ang ilan ay ginawa, at iyon ay isang problema. Kung itinalaga ni Yahuwah ang lahat ng bagay, itinalaga Niya rin ang kasalanan nung pinili Niya ang tiyak na mga kaluluwa na mapahamak. Ito’y sumasalungat sa Kasulatan na malinaw na nagpahayag: “Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ni Yahuwah kapag siya’y dumaranas ng pagsubok, sapagkat si Yahuwah ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino.” (Santiago 1:13)
Limitadong Pagbabayad
Namatay lamang sa
Yahushua para sa mga naunang itinalaga ni Yahuwah na maliligtas. Hindi siya
namatay para sa mga mapapahamak.
Ang ganitong mapiling kaligtasan, habang naaayon sa katalagahan, ay hindi naaayon sa Kasulatan, na paulit-ulit na nagpapahayag na si Yahushua ay namatay para sa lahat. Sa napakagandang propesiya ni Isaias sa gawa ng Mesias, isinulat niya:
Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahuwah sa Kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.
Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli Siyang lalasap ng ligaya; malalaman Niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang Kanyang pagtitiis. Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang Siyang tatanggap ng parusa ng marami, at alang-alang sa Kanya sila’y Aking patatawarin.
Dahil dito Siya’y Aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan; sapagkat kusang-loob Niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama. Inako Niya ang mga makasalanan at idinalanging sila’y patawarin. (Isaias 53:6, 11-12)
Isa sa pinakamaganda at laganap na sinisipi sa Kasulatan ay binigyang-diin pa sa pahayag na ito na si Yahushua ay namatay para sa buong sangkatauhan, hindi sa unang itinalaga, maswerteng kaunti.
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ni Yahuwah sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Isinugo ni Yahuwah ang Kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan Niya. (Juan 3:16-17)
Hindi Malalabanang
Pagpapala
Lahat ng itinalaga ni
Yahuwah na ligtas ay hindi maaaring mapahamak dahil sila ay ganap na walang
kakayahan na labanan ang banal na pagpapala.
Ang paniniwalang ito ay tinatanggal ang mismong pundasyon kung saan ang plano ng kaligtasan ay nananahan! Ipinahayag sa isa pang bagay, ang paniniwalang ito ay itinuturo na walang sinuman ang may kalayaan ng pagpapasya. Bawat anak ni Adan ay namana ang makasalanang kalikasan. Si Yahuwah, “ay binibigyan ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi Niya nais na may mapahamak.” (2 Pedro 3:9) Isinakripisyo Niya ang Kanyang Anak na pahintulutan ang lahat ng ikalawang pagkakataon na pumili para sa kanilang mga sarili. Kapag ang pagpapasyang ito ay tinanggal ng ilang banal na pagpapasya na namimili sa ilan na ligtas at tanggihan ang iba na mapapahamak, ang mismong dahilan para sa kamatayan ni Yahushua ay isinantabi.
Ang paniniwalang ito ay nagpahayag na walang sinuman, gaano man katigas sa paghihimagsik o nais na kumapit sa paborito, niyakap na pagkakasala, ay maaaring mapahamak kung ipinasya na ni Yahuwah. Kabaligtaran, walang sinuman, gaano man siya na naghahangad na maka-Yahuwah, ay maliligtas kung siya ay itinalaga na mapapahamak. Ang mapangwasak na paniniwalang ito ay hindi itinataguyod ng malinaw na pahayag ng Kasulatan na inilalagay ang pagpapasya sa indibidwal. “Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasya! Sapagkat ang kaarawan ni Yahuwah ay malapit na sa libis ng pasya.” (Joel 3:14)
Pagpapakasakit ng mga Hinirang
Minsang ligtas, laging
ligtas.
Gaya ng doktrina ng “hindi malalabanang pagpapala,” ang paniniwala na minsan ang tao ay naligtas, wala nang magagawa pa na mapahamak, muli, ay umaalipin sa kalooban ng tao. Walang sinuman ang isang “malayang moral na ahente.” Ang kalayaang pumili ng tao ay hindi naaalis hanggang tanggapin niya ang kaloob ng kaligtasan. Ang apostol na si Pablo mismo ay tinukoy ang posibilidad ng kanyang kapahamakan – kahit na sa lahat ng kanyang ginawa para dalhin ang kaligtasan sa iba!
“Ngunit hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anumang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakwil.” (1 Corinto 9:27)
Ang doktrina ng katalagahan ay sumasalungat sa ibang mga alituntuning nakita sa Kasulatan. Kabilang sa mga huling salitang sinabi ng Tagapagligtas na naitala sa Kasulatan ay ang kautusan ito: “Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila . . . . Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” (Mateo 28:19-20) Kung una nang tinukoy ni Yahuwah ang tao na ligtas, ang ebanghelisasyon ay magsisilbing walang saysay sapagkat sila’y ligtas na ano pa man.
Dagdag pa, kung itinalaga na ni Yahuwah ang ilan na ligtas, wala nang kabuluhan kung ipanalangin ang pamilya at mga kaibigan sapagkat sila’y ligtas na o mapapahamak depende sa pagpili ni Yahuwah at walang makakapagbago ng Kanyang isipan. Ang ganitong paniniwala ay isang pagtanggi ng Biblikal na alituntunin ng panalangin para sa iba na naaangkop na binalangkas ni Propeta Samuel. Noong ang Israel ay nagpumilit ng pagkakaroon ng hari na mamumuno sa kanila, tinanggihan nila si Yahuwah bilang kanilang Hari. Sa panahong iyon, nang may pusong nasaktan, sinabi ni Samuel ang mga salita na tumutunog din sa panahong ito:
Saka sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako’y magkasala laban kay Yahuwah sa paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo: tuturuan ko kayo ng dapat ninyong gawin.
Subalit matakot kayo kay Yahuwah. Manatili kayong tapat sa Kanya, paglingkuran ninyo Siya nang buong puso at lagi ninyong alalahanin ang mga kabutihang ginawa Niya sa inyo.
Ngunit kung mananatili kayo sa inyong kasamaan, malilipol kayong lahat, pati ang inyong hari. (1 Samuel 12:23-25)
Wala ritong umiiral na naunang itinalaga. Inilatag ni Samuel ang kahihinatnan nila kapag sila’y nagpatuloy sa paghihimagsik laban sa kanilang Manlilikha. Sandali bago ang kamatayan ni Moises, nagbigay siya ng malakas na panawagan sa buong Israel na sanayin ang kanilang kalayaan ng pagpapasya mula kay Yah at piliin ang pagkamatuwid:
Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.
Ibigin ninyo si Yahuwah, sundin Siya at manatiling tapat sa Kanya upang kayo at ang inyong salinlahi ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako Niya. (Deuteronomio 30:19-20)
Si Moises, isang kaibigan ng Kataas-taasan, mapagpakumbabang alagad na “nakikipag-usap kay Yahuwah nang harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan,” (Exodo 33:11) walang ekspresyon na tinanggihan ang anumang palatandaan ng katalagahan, malinaw na ipinahayag na ito ay ang pagpapasya ng indibidwal.
Mas malala pa sa anuman, gayunman, ay ang sinasabi ng katalagahan tungkol sa katangian ni Yahuwah. Ang katalagahan ay hindi makatarungan dahil ang hindi pinili ay itinalagang mapapahamak kahit na walang dungis sa sarili! Tiyak na totoo na ang puso ng bumagsak na tao ay pinarumi ng kasalanan. “Ang puso ay magdaraya nang higit kaysa sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?” (Jeremias 17:9) Totoo rin na ang kaligtasan ay isang libreng kaloob ni Yahuwah: “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ni Yahuwah kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito’y kaloob ni Yahuwah at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili.” (Efeso 2:8) Ang pagkakamali ay pumapasok kapag ang pagpapasya ng tao ay tinanggal.
Ipinahayag ng Kasulatan na “si Yahuwah ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Ang Nag-Iisang Eloah ng pag-ibig ay hindi tatanggalin ang kalayaan ng pagpapasya mula sa Kanyang mahahalagang anak, naglalaro ng isang uri ng banal na loterya, pipiliin ang ilan na maligtas, ngunit mas marami ang mapapahamak.
Ang ganitong gawa ay hindi makatarungan. Ipinapakita ng Bibliya ang katangian ng Manlilikha:
Ang sabi ni Yahuwah: Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan o ng malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang kayamanan:
Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya’y ang pagkakilala’t pagkaunawa sa akin, sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga ginagawa ko. Ako si Yahuwah ang nagsasabi nito. (Jeremias 9:23-24)
Ang doktrina ng katalagahan ay isang lubos na mapangwasak na paniniwala. Ipinapakita nito ang mapagmahal na Manlilikha na malupit, walang puso at hindi makatuwiran. Ito’y sumasalungat sa Kasulatan, na nagpapakita sa Kanya bilang mapagmahal na Ama na hindi kailanman hinahangad ang sinuman na mapahamak. Ang resulta ay ang mga puso ng mga tao na masuklam sa malamig na katarungang iyon. Tumalikod sila, hindi nauunawaan na ang mga katangiang ito ay hindi nabibilang kay Yahuwah, ngunit mali na ipinaratang sa Kanya ng kaaway ni Yah at ng tao, si Satanas.
Ang mga maling paniniwala tungkol sa katangian ng Manunubos ay dumarating sa pagitan ng kaluluwa at kanyang Manlilikha. Nananawagan si Yahuwah sa lahat na talikuran ang bawat paniniwala na hindi matatagpuan sa Kasulatan. Tanggapin ang pag-ibig na mayroon Siya para sa iyo. Makikita mo ang kalaliman ng ganda sa banal na katangian na maglalapit sa iyo sa Kanya nang may bigkis ng walang hanggang pag-ibig. Hindi Siya nakaupo nang malayo mula sa Kanyang nilikha, hindi makatuwiran na pinipili ang ilan na maligtas at ang matitira ay mapapahamak. Sa halip, Siya ay aktibo sa pagpapalapit ng lahat sa Kanya sapagkat hangad Niya ang lahat na maligtas.
“Si Yahuwah ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pag-ibig: kaya’t ako’y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.” (Jeremias 31:3)