Lahat Ba’y Nagsasalita Ng Iba’t Ibang Wika? Isang Pag-aaral ng 1 Corinto 12
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang mga salita ni Pablo sa 1 Corinto 12 ay hindi naunawaan at mali ang pakahulugan pagdating sa “pagsasalita ng iba’t ibang wika.” Ang huling limang berso ay malinaw na sinabi na hindi lahat ay nagsasalita ng iba’t ibang wika. Hindi lahat ay mayroong kaloob na iyon. Ngunit sa organisasyon na sangkot ako sa loob ng maraming taon, sinalungat si Pablo sa ilang “pagpapaliwanag.” Una, ipinahayag na ang konteksto ay sinasalita ang tungkol sa pagtitipon sa iglesya, at kaya hindi lahat ay magsasalita ng wika sa pagpupulong. “Kung nagawa nila, hindi ka na makakauwi ng tahanan,” sinabi ng aming guro. Ang problema nito ay ang konteksto ng kabanata ay malinaw na sinasabi ang tungkol sa mga kasapi ng katawan ni Kristo bilang kabuuan, at ang kanilang iba’t ibang ginagawa, hindi ang isang pagtitipon sa iglesya. At saka, ang mga wika ay hindi lamang ang tanging bagay na nabanggit sa bahagi. Ang kaparehong pagpapaliwanag na iyon ay hindi maaaring iangkop sa mga apostol, o sa mga manggagawa ng himala. Walang sinuman sa aming mga pagtitipon ang nagsabi, “Nawa’y tumayo ang sinuman at gumawa ng himala,” o “itayo at ibangon ang patay.”
Isa pang pagpapaliwanag, na patuloy na ginagamit, ay ang lahat ng isinilang muli ay mayroong kakayahan na “paganahin ang lahat ng [siyam na] kaloob sa lahat ng panahon,” ngunit hindi lahat, depende sa kanilang pagpayag o kanilang paniniwala. Ayon sa pagpapaliwanag na ito, iba’t ibang tao ay may iba’t ibang kagalingan, iba’t ibang “mahahabang usapin” sa isa o marami pang kapahayagan. Ngunit sila’y dapat na o maaaring paganahin ang lahat ng siyam na kaloob. Ang batayan nito ay ang resulta ng maling pagpapaliwanag ng maagang bahagi ng kabanata, lalo na sa mga berso 4-11. Ang mga berso 4 hanggang 6 ay sinasabi ang mga uri ng kaloob, paglilingkod, at mga epekto (ng mga kaloob, pangangasiwa, at paggawa). Pagkatapos ang berso 7 ay nagsisimula sa “Ngunit.” Sinabi na ito’y itinakda na kabaligtaran sa anong sumusunod sa naunang dumating. Kaya ang mga kapahayagan ay naiiba mula sa mga kaloob. Ang kaloob, na itinuro sa atin, ay ang banal na espiritu, at ang siyam na mga bagay na nakalista sa mga sumusunod na berso ay mga kapahayagan ng kaloob na iyon.
Ang salita para sa “Ngunit” sa berso 7, gayunman, ay hindi ang salitang alla, na nagtatatak ng isang malakas na kaibahan. Ito ay ang de, na ginamit upang magtatak ng isang pagbabago sa pagitan ng mga parirala, o isang kaibahan na hindi malakas. Ito’y maaaring isalin bilang “at,” “kaya,” “ngayon,” o “saka.” Ang mga sumusunod na berso ay naglista ng mga paraan na ipinakita ang espiritu, ngunit wala nang nagpapahiwatig na hindi sila mga kaloob. Lahat ng ito’y mga kaloob na nakalista sa walang partikular na pagkakasunod, at kapag ikinumpara sa ibang listahan ng mga kaloob (Roma 12:4-8; 1 Corinto 12:27-31; Efeso 4:7-13; 1 Pedro 4:10-11), ito’y maaaring makita na ang siyam na ito ay mga kaloob, ngunit hindi isang ganap na listahan.
Bilang karagdagan, ang berso 7 ay nagsasalita ng “ang kapahayagan ng espiritu,” hindi “MGA kapahayagan.” Ibig sabihin nito’y ebidensya, o pagpapakita. Mayroong maraming pagkakaiba ng mga kaloob, paglilingkod, at mga epekto, ngunit ang kaparehong espiritu ang nagpapalakas sa kanila; kaya ang ebidensya ng espiritu ay ibinigay sa bawat isa para sa iisang mabuting layunin.
“May binigyan ng salita ng karunungan sa pamamagitan ng Espiritu, at ang iba nama’y binigyan ng salita ng kaalaman ayon sa gayunding Espiritu; ang iba’y pananampalataya sa pamamagitan ng gayunding Espiritu, at ang iba’y mga kaloob ng pagpapagaling sa pamamagitan ng iisang Espiritu. Ang iba’y binigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, ang iba’y propesiya, ang iba’y kakayahang kumilala ng mga espiritu, ang iba’y kakayahang magsalita ng iba’t ibang wika, at ang iba nama’y pagpapaliwanag ng mga wika. Gayunman, ang isa at siya ring Espiritu ang gumagawa sa lahat ng mga bagay na ito. Ibinabahagi niya ito sa bawat isa ayon sa kanyang kalooban.” (1 Corinto 12:8-11).
Ako’y minsang tinuruan na ang salita para sa “May” sa berso 8 ay dapat na “Para sa” at “isa” na “isang pakinabang,” at ang mga bersong ito ay dapat na basahin na: “Para sa isang binigyan ng salita ng karunungan sa pamamagitan ng Espiritu, at ang iba [pakinabang] nama’y binigyan ng salita ng kaalaman…” Gayunman, ang Griyego ay hindi nagbigay maging ng isang pahiwatig ng ebidensya para sa ganoong kadakilang maling pagsasalin, at marami sa mga tagasunod o mga dating tagasunod ay makatuwirang tinalikdan ang pagpapaliwanag na ito. Gayunman, napanatili nito na ang sinuman na isinilang muli ay may kakayahan na paganahin ang lahat ng siyam na mga kaloob na ito. Sinasabi ng berso 11 na ibinahagi ang mga ito sa bawat indibidwal sapagkat ninanais “niya.” Tinuruan ako na ang “niya” ay tinukoy na isa na nakatanggap ng kaloob, kaya nagpapahiwatig na anu-anong mga kapahayagan ang pinapagana ng isa ay nasa sariling ninanais na ng isa. Ngunit gaano mo man ipaliwanag ang “niya” sa berso 11, ang mga berso 18 at 28 ay patuloy na malinaw na ipinahayag na si Yahuwah ay inilagay ang mga kasapi ng katawan kung saan kalooban Niya ang mga ito. Walang komentaryo ang naiisip na ang “niya” sa berso 11 ay tinutukoy ang Kristyanong mananampalataya.
Ang berso 12 at ang mga sumusunod ay ikinumpara ang Iglesya sa katawan ng tao. Ang talampakan ay hindi sinasabi na ito’y isang bahagi ng katawan dahil ito’y hindi isang kamay. Ang tainga ay hindi sinasabi na ito’y bahagi ng katawan dahil ito’y hindi isang mata. Ang bawat kasapi ay may isang partikular na tungkulin, at inilagay sa katawan para isagawa ito. Subalit pansinin kung ano ang hindi sinasabi ng siping ito. Hindi nito sinasabi na ang bawat bahagi ng katawan ay may kakayahan na maging anumang ibang bahagi. Hindi nito sinasabi na ang mata ay hindi isang tainga, ngunit maaari kung nais nito, o ang talampakan ay maaaring isang kamay kung nais nito. Hindi rin sinasabi nito na ang bawat bahagi ng katawan ay dapat maghangad na gawin ang lahat ng tungkulin. Ang bawat kasapi ay may sariling tungkulin na tinukoy ni Yahuwah.
Dagdag pa, ang mga berso 7-11 ay malinaw na ipinahayag na para sa isa ay pinagkalooban ng isang kaloob, at para sa iba ay pinagkalooban ng iba pang kaloob. Kung ang isang kaloob ay hindi ipinagkaloob sa iyo, wala ka pa nito! Ito ay isa pang patunay na ang berso 11 ay hindi maaaring mangahulugan na “Sapagkat ninanais ng tao.”
“Kayo nga ang katawan ni Kristo, at ang bawat isa’y bahagi nito. At si Yahuwah ay naglagay sa iglesya, una, ng mga apostol, ikalawa, ng mga propeta, ikatlo, ng mga guro, at ng mga himala, at mga kaloob ng pagpapagaling, mga pagtulong, mga kakayahan sa pamumuno, at iba’t ibang uri ng wika. Lahat ba’y mga apostol? Lahat ba’y mga propeta? Lahat ba’y mga guro? Lahat ba’y mga manggagawa ng mga himala? Lahat ba’y may mga kaloob ng pagpapagaling? Lahat ba’y nagsasalita ng iba’t ibang wika? Lahat ba’y nagpapaliwanag? Ngunit pakamithiin ninyo ang mga mas dakilang kaloob. At ngayon ay ipapakita ko sa inyo ang walang kapantay na daan” (1 Corinto 12:27-31).
Ang buong palagay na ang lahat ng mga mananampalataya ay may kakayahan na paganahin ang lahat ng mga kaloob ay binasa rito at sa ibang sipi, ngunit walang maka-Kasulatang batayan para rito. Isa sa mga dahilan para sa pagbabasa nito tungo sa Kasulatan ay ang maling pagkakaunawa kung ano ang banal na espiritu. Sa Bibliya, ito ay ang presensya at kapangyarihan ni Yahuwah, o ang bumangon na si Yahushua, na gumagawa sa mga tao o mga kaganapan.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Mark Clarke.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC