Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Si YAHUWAH ay imortal — si Yahushua, ang Anak ni Yahuwah, ay namatay
1 Timoteo 1:17 Ngayon, sa Haring walang-hanggan, walang-kamatayan at di nakikita, ang iisang Elohim, sumakanya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailanpaman. Amen.
1 Corinto 15:3 Si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa kasulatan.
Roma 5:10 Ipinagkasundo tayo kay Yahuwah sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak.
Si Yahuwah ay malaya para sa sarili — si Yahushua ay nakabatay kay YAHUWAH
Mga Gawa 2:36 Kaya’t dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Yahushua na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ni Yahuwah na Panginoon at Kristo.
Mga Gawa 5:31 Itinaas siya ni Yahuwah sa kanyang kanang kamay bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataong magsisi ang Israel, at mapatawad ang mga kasalanan.
Mga Gawa 2:33 Dahil iniluklok siya sa kanan ni Yahuwah, at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Banal na Espiritu, nakikita at naririnig ninyo ito na ibinuhos sa amin ngayon.
Juan 17:2 Kung paanong binigyan mo siya ng kapangyarihan sa lahat ng tao, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya.
Juan 5:27 At ibinigay sa kanya ang kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao.
Roma 2:16 Magaganap ito sa araw ng paghatol ni Yahuwah sa lihim ng mga tao sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. Ito’y naaayon sa ebanghelyong aking ipinapangaral.
2 Corinto 13:4 Sapagkat siya’y ipinako sa krus noong siya'y mahina, ngunit siya’y nabubuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahuwah. Kami man ay mahihina dahil sa kanya, ngunit dahil sa aming pakikitungo sa inyo ay mabubuhay kami kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahuwah.
Juan 5:22 Hindi hinahatulan ng Ama ang sinuman, ngunit ibinigay niya sa Anak ang lahat ng paghatol.
Si Yahuwah ay walang hanggang — si Yahushua ay isinilang (=dinala sa pag-iral)
Galacia 4:4 Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ni Yahuwah ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan.
Mateo 1:1 Ito ang talaan ng lahing pinagmulan ni Kristo Yahushua, ang anak ni David at anak ni Abraham.
Lucas 1:31 Kaya, magdadalang-tao ka at magsisilang ng isang lalaki, at tatawagin mo siya sa pangalang Yahushua.
Lucas 1:32 Siya’y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Yahuwah ang trono ng kanyang amang si David.
Mga Gawa 17:31 Sapagkat nagtakda siya ng araw ng kanyang makatarungang paghatol sa sanlibutan sa pamamagitan ng lalaking kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat nang kanyang muling buhayin ang taong iyon mula sa kamatayan.
1 Juan 5:1 Ang sinumang sumasampalatayang si Yahushua ang Kristo ay anak na ng Yahuwah, at ang sinumang nagmamahal sa nagsilang [Ama] ay nagmamahal din sa isinilang.
Hindi nakikita si YAHUWAH — nakikita si Yahushua
Juan 1:18 Kailanma’y walang nakakita kay Yahuwah; ang natatanging Anak na nasa kandungan ng Ama ang nagpakilala sa kanya.
1 Timoteo 1:17 Ngayon, sa Haring walang-hanggan, walang-kamatayan at di nakikita, ang iisang Yahuwah, sumakanya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailanpaman. Amen.
Juan 17:3 At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.
Si YAHUWAH ay banal — itinuring ni Yahushua na nagkasala siya para sa ating lahat
1 Pedro 1:15-16 Sa halip, kung paanong banal si Yahuwah na tumawag sa inyo, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa. Sapagkat nasusulat, “Maging banal kayo, sapagkat ako’y banal.”
Levitico 11:44 Sapagka’t ako si Yahuwah ninyong Elohim: magpakabanal nga kayo at kayo’y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal.
2 Corinto 5:21 Itinuring niyang nagkasala siya na hindi nakaranas ng kasalanan, upang sa pamamagitan niya, tayo’y ituring na matuwid sa harapan ni Yahuwah.
Nalalaman ni Yahuwah ang lahat — si Yahushua ay hindi
Job 21:22 May makapagtuturo ba ng kaalaman kay Yahuwah? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas.
Awit 147:4 Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
Mga Gawa 1:7 Sinabi ni Yahushua sa kanila, “Hindi na ninyo kailangang malaman pa ang mga oras o ang mga panahong itinakda ng Ama sa pamamagitan ng sarili niyang awtoridad.
Marcos 13:32 Subalit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama.
Marcos 5:31 Sumagot ang kanyang mga alagad, “Nakikita po ninyong sinisiksik kayo ng maraming tao, bakit ninyo itatanong kung sino ang humawak sa inyo?” (Hindi alam ni Yahushua kung sino ang humawak sa kanya, Lucas 8:45)
Lucas 2:40 Lumaking malusog ang bata, puspos ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ni Yahuwah.
Lucas 2:52 Lumago si Yahushua sa karunungan at pangangatawan, at naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.
Isang tao si Yahushua — si YAHUWAH ay hindi
Mga Bilang 23:19 Si Yahuwah ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
Santiago 1:17 Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay nagmumula sa itaas, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nag-iiba o nagdudulot man ng anino dahil sa pagbabago.
Lucas 4:4 Ngunit sinagot siya ni Yahushua, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa salita ni Yahuwah.’”
Mga Gawa 2:22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Yahushua na taga-Nazareth ay pinatunayan sa inyo ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo.”
Lucas 4:18 “Sumasaakin ang Espiritu ni Yahuwah, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral ang mabuting balita sa mga dukha. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag ang paglaya at sa mga bulag na sila'y makakita upang bigyang-laya ang mga inaapi.”
Mga Gawa 10:38 Kung paanong si Yahushua na taga-Nazareth ay binuhusan ni Yahuwah ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya si Yahuwah.
Mateo 12:18 “Masdan ninyo ang hinirang kong lingkod, ang aking iniibig, na sa kanya ang kaluluwa ko’y nalulugod. Ilalagay ko ang aking Espiritu sa kanya, at sa mga bansa ang katarungan ay ipahahayag niya.”
1 Timoteo 2:5 Iisa si Yahuwah at iisa ang Tagapamagitan kay Yahuwah at sa mga tao, ang taong si Kristo Yahushua.
Nanalangin si Yahushua sa kanyang YAHUWAH at Ama
Mateo 27:46 At nang malapit na ang ikatlo ng hapon, sumigaw si Yahushua nang napakalakas, na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabacthani?” na ang ibig sabihin ay “Elohim ko, Elohim ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Mateo 6:9 Manalangin nga kayo tulad nito: “Ama naming nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.”
Marcos 12:29 Sumagot si Yahushua, “Ang pangunahing utos ay ito: ‘Makinig ka, Israel! Si Yahuwah na ating Elohim ay iisang Yahuwah.’”
Hindi maaaring matukso si YAHUWAH — natukso si Yahushua
Santiago 1:13 Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ni Yahuwah kapag dumaranas siya ng pagsubok. Hindi maaaring matukso ng masama si Yahuwah, at hindi rin naman siya nanunukso ninuman.
Lucas 4:1-2 Bumalik mula sa Jordan si Yahushua na puspos ng Banal na Espiritu. Dinala siya ng Espiritu sa ilang at doon ay apatnapung araw siyang tinukso ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa mga araw na iyon kaya’t nagutom siya makalipas ang mga ito.
Si YAHUWAH ang Makapangyarihan — si Yahushua ang Anak ni YAHUWAH, lingkod, isinugo, itinalaga, pinahiran, pinagtibay, propeta, pari, at hari sa trono ni David
Juan 20:21 Muling sinabi ni Yahushua sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, sinusugo ko rin kayo.”
1 Corinto 15:20-28 Ngunit sa katunayan, si Kristo ay binuhay mula sa mga patay. Siya ang unang bunga ng mga namatay. Sapagkat yamang dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, sa pamamagitan din ng isang tao’y dumating ang muling pagkabuhay ng mga patay. Sapagkat kung paanong dahil kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin dahil kay Kristo ang lahat ay bubuhayin. Ngunit ang bawat isa’y ayon sa kanyang takdang panahon. Si Kristo ang unang bunga; at pagkatapos ay ang mga kabilang kay Kristo sa panahon ng kanyang pagdating. Pagkatapos ay darating ang wakas, kapag kanyang ibibigay na ang kaharian sa Yahuwah ang Ama, matapos niyang lipulin ang lahat ng paghahari, pamamahala at kapangyarihan. Sapagkat kailangang maghari siya hanggang mailagay niya ang lahat ng kanyang mga kaaway sa ilalim ng kanyang mga paa. Ang huling kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. Sapagkat “ipinasakop niya ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa.” Sa pagsasabi na ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop sa kanya, maliwanag na hindi kasama rito si Yahuwah, na siyang nagpasakop ng lahat ng mga bagay kay Kristo. At kapag ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop na sa Anak, ang Anak ay pasasakop din sa Ama na naglagay ng lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang si Yahuwah ay mangibabaw sa lahat.
Si YAHUWAH ay walang Elohim pagkat Siya ang Elohim — si Yahushua ay mayroong Elohim
2 Corinto 11:31 Ang Elohim at Ama ni Panginoong Yahushua, na siyang karapat-dapat sa papuri magpakailanman, ang nakaaalam na hindi ako nagsisinungaling.
Efeso 1:3 Purihin ang Elohim at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua, na siyang nagpala sa atin kay Kristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan.
Efeso 4:6 Isang Elohim at Ama ng lahat, na siyang dakila kaysa lahat, at siyang kumikilos sa lahat, at nasa lahat.
1 Pedro 1:3 Purihin ang Elohim at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua! Dahil sa laki ng kanyang dakilang kahabagan ay muli tayong ipinanganak sa isang buháy na pag-asa sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo Yahushua mula sa kamatayan.
Juan 20:17 Sinabi sa kanya ni Yahushua, “Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko at sabihin mo sa kanila, ‘Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Elohim at inyong Elohim.’”
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Nelvan Evans.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC