Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Gaya ng pagsasalungat sa Bibliya, ang pag-iral bago isilang ay sumasalungat din sa lohika. Isaalang-alang ang mga katanungang ito:
1) Sa anong punto sa makalupang paglilingkod ni Yahushua na siya’y may kamalayan ng kanyang pag-iral bago siya isilang?
2) Paano maaaring maunawaan nang ganap ni Yahushua ang kanyang pag-iral bago siya isilang na binubuo ng kaparehong katangian ng Ama, na hiniram lamang sa kanya sa isang limitadong batayan?
3) Sa anong punto nalalaman ni Yahushua ang pasya na siya’y makikipagbuno na tumungo sa krus ay isa na nagawa na niya sa kanyang dating estado?
4) Anong makahulugang pakikisama ang posible sa Ama at Kanyang umiral na bago isilang na Anak na nakibahagi sa kaparehong katangian sa Ama bago ang Paglikha?
5) Ang “pasya” ng umiral bago isilang na Anak upang “bakantehin ang sarili” ng kanyang pagkadiyos ay tunay nga bang pasya ano pa man kung isasaalang-alang na nakibahagi na siya ng walang hanggang karunungan ng Ama?
6) Gaano posible para sa umiral bago isilang na Ama na bakantehin ang sarili ng lahat ng bagay na gumagawa sa kanya ng buong pag-iral (sangkap at diwa). Ano pa ang mananatili?
7) Buhat nang si Yahushua ay nasa panghuling muling binuhay na estado ng katawan, saan ang kanyang umiral bago isilang na sangkap at diwa? Bumalik sa Ama?
8) Sa tumpak na ikalawa bago ang Ama ay binuo si Yahushua sa sinapupunan ni Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ano ang ginagawa ng umiral bago isilang na sangkap at diwa? Bakit pa ba kinakailangan ito?
9) Ang muling nabuhay na si Yahushua ba ay nanabik at nanaghoy sa mga araw na siya’y umiral bago isilang na Anak? Mayroon ba siyang anumang tumatagal na mga alaala sa mga araw na iyon? Paano iyon sa kanya?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Robert Recchia.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC